Share

Running Away from the Villainous CEO
Running Away from the Villainous CEO
Author: Airi Snow

1 The First Night

Author: Airi Snow
last update Last Updated: 2021-11-15 12:14:30

    Sa isang king sized bed sa loob ng madilim na silid sa isang luxury suite ng isang mamahaling 5-star hotel, isang maliit na pigura ang natatakpan ng kumot. Ang tanging nakalabas lamang ay ang isang kamay nito, na maaaninag mo sa dilim ang kaputian. Malakandila ang hugis ng bawat daliri at sa dulo nito ay ang maiikling kuko na walang bahid ng makulay na nail polish. 

    Gumalaw ang pigura, dahilan upang bumaba ang kumot at unti-unting malantad ang gilid ng isang mamula-mulang mukha at pisngi na bahagyang natatabingan ng mahaba at alon-alon nitong itim na itim at makintab na buhok.

    Isang mahinang ungol ang pinakawalan nito na tila ba pilit na kumakawala sa gitna ng isang masamang panaginip. Bahagya ring gumalaw ang mga mapupulang labi nito, tila may sinasabi ngunit hindi tuluyang maisatinig.

    Mag-isa lamang ang dalagang ito sa mamahaling silid nang mga oras na iyon.

    Kung may kasama sana ito ay may makakapansin na wala ito sa maayos na kalagayan. Hindi normal ang pamumula ng pisngi nito, at ang mga mumunting ungol na pinapakawalan nito maya’t maya ay sanhi na ng pagdedeliryo. Subalit mag-isa lamang ang dalaga at walang nakapansin ng mga iyon.

    Ilang minuto pa ang lumipas at ang mabibilis na hiningang tila naghahabol ay biglang napatid. 

Isang segundo… Dalawang segundo… Tatlo… 

Isang minuto ang lumipas bago muling nadugtungan ang huling hiningang iyon.

Sa pagkakataong ito, iba na ang nasa loob ng katauhan ng dalaga. At walang makakaalam na nanggaling pa ito sa ibang mundo.

*******

Malapit nang umabot sa kalaliman ng gabi at nagsisimula na ang katapusan ng magarbong kasiyahan na idinaraos sa lobby ng luxury hotel. 

Isang matangkad na lalaking nakasuot ng isang grey business suit ang tahimik na nilisan ang lugar na iyon sa pamamagitan ng isang side door na palihim na ipinagbigay-alam sa kanya ng Manager ng hotel. 

Ang pagtama ng liwanag sa suot niyang thin frame gold-rimmed glasses ay nakahahatak ng atensyon sa kanyang mga matang walang emosyon subalit matalim kung tumingin.

Matikas ang kanyang tindig at mabibigat ang kanyang mga hakbang. Sa malamlam na liwanag ng mga ilaw sa hallway na kanyang nilalakaran patungo sa isang private elevator, mababanaag na ang bawat hilatsa ng kanyang mukha ay nagpapatunay ng taglay niyang kaguwapuhan na daig pa ang isang artista.

Hindi na nakapagtataka kung bakit siya ang unang pinuntirya ng mga may anak na dalagang nasa tamang edad upang ireto sa kanya bilang kabiyak. Ininda nila ang malamig niyang pakikitungo pati na rin ang awra niyang tila ipinagsisigawan sa lahat na huwag siyang lapitan.

Sayang nga lang at hindi iyon umubra sa mga magulang na nais na may mapangasawang milyonaryo at makapangyarihan ang kanilang mga anak.

Nasaid na ang kanyang pasensya nang humigit sa isa ang mga babaeng nagtangkang ikiskis ang katawan sa kanya. Nakasusulasok ang amoy ng matapang nilang mga pabango na nanunuot sa ilong.

Kaagad na umaksyon ang host ng event nang makita nitong sumasama na ang timplada ng kanyang mukha kung kaya’t nakapagtimpi pa siya at ilang minutong nanatili pa roon upang hindi mapahiya ang nag-imbita sa kanya. 

Hindi na siya nagtagal ng isang segundo nang magawa na niya ang ipinunta at ngayon nga ay pabalik na siya sa luxury suite na in-assign sa kanya.

Diretso pa rin ang kayang lakad at naghahatak pa rin ng respeto sa mga tao subalit kung tititigan mong mabuti ang kanyang mga kamay, ang kanan ay nakapamulsa at ang kaliwa ay nasa kanyang gilid, mababakas mo sa panginginig ng mga ito ang taglay niyang kalasingan. 

Subalit hindi lang ito ang kanyang dinaramdaman. Bukod sa kalasingan ay may hindi maipaliwanag na init na nagsisimulang dumaloy sa kanyang katawan at unti-unting sinasakop ang kanyang pag-iisip.

Hindi siya palainom. Malaki ang pagpapahalaga niya sa self-control kaya hindi niya gusto ang mga bisyo at mga bagay na nakapagpapawala nito sa kanya. Kasama na doon ang alak. Hindi nga lang maiiwasang makainom siya ng isa, dalawa o higit pa na kopita nito sa selebrasyong dinaluhan niya na idinaos ng isa sa pinakaimportante niyang business partner. 

Hindi siya sigurado kung kailan siya eksaktong nasalisihan at nalagyan ng kakaibang gamot ang isa sa mga kopitang ininuman niya ng alak. 

Isang mapang-uyam na ngit ang sumilay sa kanyang labi. 

Sige, titingnan niya kung ano ang pinaplano ng mga itong gawin sa kanya. 

Kinontak na niya ang kanyang assistant at alam niyang ito na ang bahala sa mga iniwan niyang naghahabol pa sa kanya. 

Sumakay siya ng elevator. Ang ingay na nililikha nito habang ito ay pumapaitaas sa ibang palapag ang tangi niyang naririnig. Sumandal siya sa likuran nito upang kahit papaano ay mabawasan ang nararamdamang pagkahilo. Nakuyom niya ang kamaong nakapamulsa. Nagsisimula nang mamuo ang ilang butil ng pawis sa kanyang noo at batok.

Ibayong pagpipigil ang kanyang pinairal upang hindi mawalan ng kontrol sa sarili.

Ding! Tumunog ang elevator, hudyat na narating na niya ang palapag kung nasaan ang kanyang suite.

 Lumabas siya rito at naglakad patungo sa kanyang silid. Tahimik ang pasilyong iyon. Walang bumukas na pinto sa iba pang mga silid na naroon. Nakahinga siya nang maluwag.

Nang marating na niya ang pinto na may mga numero ng kanyang suite, kinapa niya ang susi na nasa bulsa, at ginamit iyon upang buksan ang pinto. 

Inabot ng kamay niya ang switch ng ilaw at binuksan iyon. Kumalat ang liwanag sa kabuuan ng living room area ng suite na ang kabuuan at bawat sulok ay nagpapakita ng low-key luxury.

    Sa paglipas ng mga minuto ay tila tumindi pa ang init na kanyang nararamdaman kung kaya’t agad niyang hinubad isa-isa ang mga suot na damit-- ang necktie, ang grey blazer, ang puting long-sleeved dress shirt. Kumalansing pa ang metal na belt bucket nang kanya itong hinubad habang naglalakad patungo sa bathroom na outfitted ng creamy white marble. Ipinatong niya ang salamin sa mata at ang mobile phone sa ibabaw ng marble vanity sink. 

    Nakaramdam siya ng matinding pagkahilo kasabay ang bahagyang pagdidilim ng kanyang paningin. Muntik pa siyang matumba. Mabuti na lamang at naitukod niya ang kamay sa gilid ng bathtub matapos niyang buksan ang gripo upang punuin ito ng tubig.

    Ngayon pa lang ay inililista na niya isa-isa sa isip kung paano niya pagbabayarin ang may gawa nito sa kanya. Maghintay lamang ito. Tinitiyak niyang magugustuhan nito ang kanyang magiging ganti.

    Malaki ang bathtub na nasa gitna ng hotel bathroom na iyon. Kasya siguro ang apat na tao kahit na magsabay-sabay pa sila. Ang floor-to-ceiling glass window ay may handog na kaakit-akit na view ng lungsod sa gitna ng gabi subalit kasalukuyan itong natatakpan ng makapal na blinds.

    Hindi na iyon mahalaga pa dahil ang tanging nasa isip lamang niya ay ang maibsan ang kakaibang init na nararamdaman. 

Inilusong niya ang katawan sa  malamig na tubig ngunit bahagya lamang nitong nabawasan ang tila ba nag-aalab na likidong baga na unti-unting dumadaloy sa kanyang mga ugat. Ilang minuto siyang nagtagal doon hanggang sa kahit papaano ay nahimasmasan na siya upang mabawi ang kontrol sa sarili.

Nang hindi na iyon masyadong umeepekto sa kanya ay umahon na siya at isinuot ang nakahandang black bathrobe na may logo ng hotel sa kanang d****b. Kinuha rin niya ang tuwalyang nasa tabi nito upang ipamunas sa basang buhok.

Habang tumatagal ay mas lalo niyang nararamdamang hindi na niya basta-basta matatagalan ang nararamdaman. Kailangan na niyang tawagan ang private doctor niya upang tanungin ito kung ano ang maaari niyang ipanlunas sa sarili. 

Kinuha niya ang mobile phone sa vanity sink at naglakad patungo sa master bedroom habang hinahanap sa contacts list ang tatawagan, subalit napahinto siya sa unang hakbang pa lamang niya sa loob ng bedroom.

    Sa klase ng background na mayroon siya, hindi na bago sa kanya ang magkaroon ng banta ng panganib sa kanyang buhay. Dahil doon ay nabuo sa kanya ang pagiging labis na maingat at mapagmatyag upang masiguro ang kanyang kaligtasan. Hindi nakalulusot sa kanya ang kaliit-liitang detalye.

Ilang beses nang muntik manganib ang kanyang buhay dahil sa isang sorpresang pag-atake ng taong ipinadala ng kanyang kalaban sa negosyo o kaya kanyang nakaalitan, kaya labis siyang naiirita nang mga oras na iyon dahil hindi niya agad napansin na hindi siya nag-iisa.

Wala siyang ideya kung paanong may nakaalam kung saang suite siya eksakto naka-assign dahil tao niya ang manager ng hotel na iyon, pero ipinapangako niyang malilintikan talaga kung sino man ang nasa likod ng pakanang ito.

Sandali siyang natigilan, pinakikiramdaman ang paligid. 

Naglalaban ang apoy at katinuan sa kanyang kamalayan kung kaya’t hindi na niya naisip pang buksan ang ilaw. Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang mahinang paghinga na halos nangingibabaw sa katahimikan ng silid. Nanggagaling ito sa gitna ng silid kung nasaan ang kanyang kama.

Babae?

Kumunot ang kanyang noo. 

It was not the first time that someone had sent him a woman to spend the night with as part of their “hospitality”, but it was also not the first time they had sent a woman to target his life.

Wala sa sariling napahakbang siya palapit dito. Bahagya siyang yumuko sa ulunan ng kama upang higit na makita ang itsura nito. Sa madilim na kuwartong iyon ay hindi niya masyadong maaninag nang mabuti ang mukha nito subalit ang kaputian nito at ang magandang hugis ng kamay ay tumatak sa kanyang isipan. 

Bigla siyang nakaramdam ng matinding uhaw na para bang kaytagal niyang hindi nakainom ng malamig na tubig. Napalunok siya. Ang talim ng kanyang mga mata ay napalitan ng karinyosong kislap. Hindi niya namalayang unti-unti pa siyang yumuyuko upang sana ay h****n ang kamay na nakaakit sa kanya.

Ngunit bago tuluyang lumapat ang kanyang labi ay napapitlag siya.

Nahuli niya ang sariling malapit nang pangibabawan ng init ng katawan ang katinuan. Naitukod niya ang isang kamay sa malambot na kama.Umiling-iling siya, pilit na iwinawaksi ang emosyong iyon na hindi niya gusto, subalit nahirapan siya sapagkat sa lapit niyang iyon sa katawan ng babaeng nasa kama niya, naamoy niya ang halimuyak nito. 

Napakabango. Nakabibighani. Nakapagnanasa.

Ang mahina nitong paghinga ay tila nagkaroon ng kakaibang himig sa kanyang pandinig na tila dumidiretso sa gitna ng kanyang pagkatao.

Lalong tumindi ang init na kanyang nararamdaman. Nag-aapoy na ang loob niya, lalo na ang kanyang banda roon. Kumunot ang kanyang noo sa hindi makontrol na nangyayari sa kanyang sarili.

Kahit na bagong-ligo lamang siya ng malamig na tubig, muli na namang namumuo ang mga butil ng pawis sa gilid ng kanyang noo, sumasama sa mga naiwang maliliit na patak ng tubig na gawa ng b**a pa niyang buhok.

Dalawang beses siyang napalunok. Umabot na siya sa danger point. At malapit nang lumampas.

Akmang aalis na siya upang hindi makagawa ng bagay na pagsisisihan niya ngunit dalawang mapuputing bisig ang biglang lumingkis sa kanyang leeg. 

Nabigla siya. Nabitawan niya ang hawak na mobile phone. Bahagyang nawala ang kanyang balanse dala na rin ng panghihinang nararamdaman. Nadala tuloy siya ng mga bisig na iyon sa ibabaw ng kama. 

Alam niyang hindi kakayanin ng mas payat na katawan nito ang kanyang bigat kung kaya’t ginawa niya ang makakaya upang hindi niya ito madaganan.

Ngunit hindi pa rin naiwasan ang paglalapat ng kanilang mga balat at ang pagtatama ng ilang mga bahagi ng kanilang katawan. Tila siya natuod nang maramdaman ang malambot nitong d****b sa maskuladong kanya.

Hindi niya napigilan ang mabilis na pagragasa ng likidong baga papunta sa parteng iyon na nagpapahiwatig ng kanyang pagnanasa. Ilang segundo siyang natigilan, pinipigilan ang sariling hindi mawala ang katinuan sa humaling na nararamdaman. Ang kakaibang sensasyon na iyon ay gumapang sa kanyang buong katawan. Nanindig ang kanyang mga balahibo.

Nais niyang kumawala sa mga bisig na bumihag sa kanya ngunit tila hindi nito nagustuhan nang tangkain niya itong gawin. Lalong kumunot ang kanyang noo. Hindi ba nito alam na nasa dulo na siya ng kanyang pagtitimpi?

“Bitaw.” mariin niyang utos dito sa malamig niyang tinig. 

Ang tinig na iyon ay pamilyar sa mga subordinates niya at kapag narinig na ito ng mga iyon ay nanginginig na sila sa kanilang kinatatayuan sa takot na masampolan sila ng mahabang sermon o ng mas malala pa, matanggal sila sa trabaho.

Kaya laking pagkabigla niya kung bakit tila hindi ito tumalab sa pagkakataong iyon. Bagkus ay bahagya pa itong nagmulat ng mga mata nang marinig nito ang kanyang boses.

Hindi niya maiwasang matigilan nang magtama ang kanilang mga mata.

Ang mga malalantik na mga pilikmata nito ay nakadagdag sa tila nangungusap na kislap ng mga mata nito.

Tila nagustuhan nito ang nakita dahil bigla itong nag-inat ng katawan at lumiyad na parang pusa. 

He couldn’t believe it himself but that’s what she made him think of: a cat stretching lazily while humming a contented purr.

Ngunit higit siyang nabigla sa sunod nitong ginawa. Ipinulupot nito ang binti at hita sa kanyang baywang. Ang ginawa nitong iyon ay naging dahilan upang mas lalong magdikit ang ibabang parte ng kanilang katawan.

    Hindi sinasadya ang ungol na kanyang napakawalan. Halos manginig ang kanyang kalamnan.

    Nag-init ang kanyang mukha. Ramdam niya ito hanggang kanyang tainga. ‘Mas malala ang epekto ng gamot kaysa sa inaasahan,’ dahilan niya sa sarili.

    Na siyang pinabulaanan ng kanyang kasama nang sumilay ang mapanghamon, at sobrang nakahuhumaling, na mga ngiti sa mga labi nito.

    Alam nito ang epekto ng ginagawa nito sa kanya. 

Sa puntong iyon ay tila may napigtal sa likod ng kanyang isipan at parang bulang naglaho. Ang kanyang self-control.

*******

Related chapters

  • Running Away from the Villainous CEO    2 Blazing Heat and Fire

    Labis ang takot na naramdaman ni Ellaine sa mga huling sandali ng kanyang buhay nang mahagip ng kanyang mga mata ang truck na rumaragasa papalapit sa kotseng kanyang sinasakyan.Batid niyang katapusan na niya sa oras na tumama ito sa kanila. Wala siyang nagawa kundi ang ipikit ang kanyang mga mata bago niya narining ang malakas na salpukang naganap.Sumabog ang matinding sakit sa buo niyang katawan at nagdilim ang kanyang paningin bago naglaho ang lahat ng kanyang pakiramdam.Katapusan na niya.Ayaw na ayaw pa naman niya sa lahat ay physical pain. Madalas siyang tuksuhin ng mama niya noon na masyado siyang “nana” dahil kaunting tapik lang sa kanya ay naka-aray na siya agad.Ang pinapangarap pa naman niyang k

    Last Updated : 2021-11-17
  • Running Away from the Villainous CEO    3 Stranger on the Other Side of the Bed

    Nagising si Ellaine na hapong-hapo ang katawan. Daig pa niya ang nag-marathon sa nararamdamang pananakit ng kalamnan. May kirot din ang parteng iyon sa pagitan ng kanyang mga hita.Biglang pumasok sa kanya ang mga alala ng naganap nang nakaraang gabi. Naloko na.Napabalikwas siya ng bangon ngunit agad ding napahiga nang maramdaman ang sakit ng katawan na dulot ng overexertion.“Aarghh,” mahina niyang atungal habang minamasahe ang balakang.Tila naman naistorbo niya ang katabi sa kama dahil umungol ito nang mahina na para bang maaalimpungatan ng gising.Katabi?!Nanigas siya nang maalalang hindi nga pala siya nag-iisa. Dahan-dahan niya itong nilingon.

    Last Updated : 2021-11-18
  • Running Away from the Villainous CEO    4 Stunning Beauty

    Hindi niya napigilan ang mga luhang bumalon sa kanyang nakapikit na mga mata. Hindi niya alam ang gagawin. Siya ang tipo ng tao na kaya ang pumunta sa malayong lugar, magbakasyon sa ibang bansa, nang mag-isa lang. Iyon ay dahil sa alam niyang mayroon siyang mauuwian. At kaya niyang makabalik kung gugustuhin niya at kung kailan man niya gustuhin. Taliwas sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Wala siyang matatakbuhang pamilya o kaibigang masasabihan ng mga alalahanin. Walang aalalay sa kanya kung kakailanganin niya ng tulong at wala siyang mapagkakatiwalaan ng katotohanan tungkol sa kanya. Mag

    Last Updated : 2021-12-01
  • Running Away from the Villainous CEO    5 Cousin Georgia

    Tahimik na naghihintay si Ellaine sa pagdating ng pinsan. Nakaupo siya sa isang lounge chair sa designated waiting area sa lobby ng hotel. Ang totoo ay medyo tensyonado na siya. Habang lumilipas ang bawat minuto na naroroon pa rin siya ay lumalaki ang tsansa na magising na ang Villain at maabutan pa siya roon. Isa pa ay hindi rin siya sigurado kung paano patutunguhan ang kanyang pinsan. Kinakabahan siya na baka makahalata ito na... Sigurado naman siya na kahit na may mahalata ito ay hindi naman mapupunta ang imahinasyon nito sa katotohanan na wala na ang kanyang tunay na pinsan at pumanaw na nang hindi niya nalalaman. Nakaramdam ng guilt si Ellaine sa naisip na iyon. Nakuyom niya ang mga kamao na nakapatong sa kanyang kandungan. Labing-limang minuto pa la

    Last Updated : 2021-12-02
  • Running Away from the Villainous CEO    6 The First Move

    Sa unang pagdilat pa lamang ng mga mata ni Garreth ay ramdam na niya ang pag-iisa sa masters bedroom. Malinaw sa kanyang alaala ang lahat ng naganap sa nakaraang gabi-- ang selebrasyon, ang aphrodisiac drugs na ipinainom sa kanya ng isang hindi kilalang lintik, ang mainit na tagpong nilahukan niya-- lahat ng iyon ay malinaw sa near-perfect niyang memorya.Tila may isang pumipintig na ugat sa kanyang ulo sanhi ng isang migraine, epekto ng kalasingan pati na rin ng aphrodisiac drugs na ipinainom sa kanya. Napansin din niya ang malagkit na pakiramdam sa kanyang balat dala ng matinding… ehersisyo… na ginawa niya kagabi.Hindi sadyang sumagi sa kanya ang mga huling alaalang iyon. Nawalan siya ng kontrol at hindi siya sigurado kung gusto niya ang kalalabasan niyon. It was not the first time someone had tried to get in his bed, pero iyon ang unang

    Last Updated : 2021-12-03
  • Running Away from the Villainous CEO    7 Surprising Changes

    “This is not what I asked you to do.” kalmadong wika ni Georgia, hindi ipinapahalata ang nararamdamang pagkayamot sa taong kausap. Pero batid niyang nag-iiba na ang kanyang ekspresyon.“Georgia, you have to believe in me. I’ve been working in this business and in this company longer than you do. I’ve seen the trends and how they were repeated over the years. I know that what I’m doing is the best step we could take to improve our company’s performance.”Ang tono ng pananalita nito ay para bang isang batang paslit lamang ang kausap at hindi ang kasalukuyang President ng isa sa pinakamalaking media company sa bansa, ang New Horizons Media Inc, bagay na tila lalong nakabawas sa paubos nang pasensya ni Georgia. Ngunit kahit na ganoon na ang kanyang nararamdaman, nagawa pa rin niyang magtimpi, alang-alang man lan

    Last Updated : 2021-12-04
  • Running Away from the Villainous CEO    8 Memories

    Pinigil ni Ellaine ang mahinang tawa na nais kumawala sa kanyang labi nang makita ang reaksyon ni Georgia sa binili niyang emergency contraception. Naaaliw siya sa hitsura nito pero hindi niya iyon ipinahalata rito. Mula sa hawak niya ay nabaling ang mata nito sa kanya."May boyfriend ka na?" tanong nito."Wala pa." simple lang niyang sagot.Bumalik muli ang tingin ni Georgia sa hawak niya. Nagtagal ito ng ilang segundo.Hinintay ni Ellaine na may iba pang sabihin ito, muling magtanong o mang-usisa, ngunit tinitigan lamang siya nito na may komplikadong ekspresyon sa mukha at pagkatapos ay pinaandar na ang makina ng kotse.Napangiti si Ellaine. Halata sa kanya na maraming nais malaman si Georgia subalit siya ang hindi pa handa

    Last Updated : 2021-12-05
  • Running Away from the Villainous CEO    9 More Memories

    Napangiwi si Ellaine sa nalamang iyon. Nakabalik nga ito pero hindi niya alam kung anong kamalasan ang nakuha nito dahil wala pang beinte-kuwatro oras pagkatapos nitong makabalik sa nakaraan ay namatay rin ito agad. Ayan tuloy at nagawa niyang angkinin ang walang buhay na katawan nito. Kumibot ang labi niya, pinipigalan ang mura na nais niyang pakawalan. Maliban doon ay wala siyang ibang masabi sa kamalasang iyon ng Original Owner. Anong klase naman kasi iyong ganoon, hindi ba? Sinuwerte kang mabigyan ng pangalawang pagkakataon na baguhin ang iyong buhay at tadhana pero wala pang isang araw ay namatay ka na agad. Hinagilap niya sa mga huling alaala nitong sariwa pa sa kanyang isip ang maikling detalye tungkol sa pangalawa nitong pagkabuhay.

    Last Updated : 2021-12-06

Latest chapter

  • Running Away from the Villainous CEO    229

    Malabo ang mga alaala ni Ellaine ng mga nangyari nang makaraang gabi pagkatapos niyang ikulong ang sarili sa loob ng banyo. But when she opened her eyes, she wasn't surprised when she saw Garreth's face beside hers on the pillow. Getting almost assaulted was not a pleasant experience. She hated how she allowed herself to get in that kind of situation where she's completely helpless and dependent on somebody else to save her. Not a good feeling at all. Ang nakakainis pa ay hindi man lang niya nagamit ang mga self-defense techniques na pinag-aralan niya. Catherine was able to gain the upper hand on her because she wasn't that wary of her yet.At isa pa, mayroon itong System na siyang nagsisilbing cheat slash goldfinger nito.Sandaling natigilan si Ellaine nang maalala si Catherine at ang System. Ilang segundo bago bumalik sa kanyang memorya ang nagyari sa CR kung saan ay kinuryente siya ni Catherine. Sigurado si Ellaine na dahil iyon sa kakayahan ng System. Marahil ay may iba itong

  • Running Away from the Villainous CEO    228

    R18//Some scenes are not suitable for minors. ***Halos mabaliw si Garreth sa kakahanap kay Ellaine nang malaman nyang nawawala ito. Hindi niya akalaing makakaramdam siya ng ganoon katinding emosyon dahil lamang sa pag-aalala na baka may kung ano nang nangyari ditong masama. Ginamit niya ang kanyang impluwensiya, koneksyon, at kapangyarihan para ipasarado ang buong venue upang masigurong walang makakalabas sa lugar. Ang sabi ng staff na nagbabantay sa lobby at parking kot ay wala pang umaalis na bisita kaya ang ibig lang nitong sabihin ay basa paligid lamang si Ellaine. Kinapalan na niya ang mukha at nanghiram ng tauhan mula sa mga kakilala niyang naroroon para halughugin maging ang kasuluk-sulukan ng buong lugar. Marami ang nainis at nayamot dahil sa abalang idinulot niya.Pagkatapos ng masinsinan at mabilisang imbestigasyon ay nakakuha rin sila ng impormasyon na nakapagturo sa kanila ng kinalalagyan ni Ellaine.Isang cleaner ang nakapagsabi na kakaiba ang ikinikilos ng isa sa mga

  • Running Away from the Villainous CEO    227

    Nagising na lamang si Ellaine na nakahiga na siya sa isang malambot na kama sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Dama pa niya ang panghihina ng kanyang kalamnan dahil sa pagkuryente sa kanya ni Catherine– ang pekeng heroine! “Letsugas ka, Catherine! Lintik lang ang walang ganti!” inis na pinaghahampas ni Ellaine ang unan sa tabi niya. Natigilan siya. Catherine wouldn’t cause her to faint just so she could let her sleep in a soft bed. May balak ang bruhilda! Naalerto si Ellaine. Kung hindi siya nahanap ng kanyang mga bodyguard, maaaring si Catherine ang nagdala sa kanya sa silid na iyon. Sa tingin niya ay wala itong magandang balalk para sa kanya. Ang silid na kasalukuyan niyang kinalalagyan… hindi maganda ang kutob niya. Pinilit niyang bumangon kahit na hinang-hina siya. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon. She was able to get out of bed but the moment her feet landed on the floor, it was like all her strength was sucked out of her. She fell to her knees by the side of t

  • Running Away from the Villainous CEO    226

    Nasa isang charity function si Ellaine. Wala sana siyang bapak na daluhan ang event na iyon subalit nakiusap sa kanya ang organizer na kahit magpakita lang daw siya kahit na kalahating oras lang sa mismong venue at magpakuha ng ilang litrato sa press ay sapat na. Malaki na ang maitutulong ng kanyang pangalan para makahakot ng atensyon mula sa media at sa mga possible donors.Pumayag si Ellaine dahil nagpasabi rin sa kanya ang assistant ni Garreth na dadalo rin ito sa nasabing event.Si Garreth agad ang unang hinagilap ng mga mata ni Ellaine nang makarating siya sa venue. Hindi niya ito nakita sa ballroom area, gayundin ang assistant nito. She looked for a comfort room so she can have some time to herself.Mag-isa lang siya sa comfort room. Tatawagan niya dapat si Garreth para tanungin kung nasaan ito subalit nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Catherine.Kumunot ang noo ni Ellaine nang makita ito. What a small world. Hindi niya inaasahang makikita niya it

  • Running Away from the Villainous CEO    225

    “Bakit kailangan kong maparusahan gayong wala naman akong kasalanan? Sila mismo ang lumapit sa’kin. At isa pa, bayad ang transaksyong iyon. Mas mahal pa nga iyon kaysa sa mga dati kong pinupuntahang lugar na may ganoon ring serbisyo. Nakuha namin pareho ang gusto namin. Masuwerte pa nga sila sa akin at medyo normal ang s*xual appetites ko kaysa sa iba na mas extreme ang gusto.”Napangiwi ang karamihan nang marinig ang walang kuwentang pahayag na ito ng pangalawang Tito ni Garreth. Mababakas ni Garreth mula sa mukha ng kanyang pinsan na nagpigil lamang ito nang sobra upang hindi nito maibulalas ang pandidiri sa kamag-anak nilang ito. Nakakasuka na related sila ganitong klase ng tao. Sa huli ay hindi rin ito nakatiis at nagkomento ng, “Tito, Your s*xual appetite isn’t exactly “normal”. You like f*cking teens, barely legal college students. Bukod sa labag sa batas, napaka-immoral pa.”Ngumisi ito. “Kung immoral lang din ang pag-uusapan, sa tingin ko ay mas pasok doon ang isang katulad m

  • Running Away from the Villainous CEO    224

    Tahimik ang ancestral house ng Randall Family. Bahagyang nanibago si Garreth sa katahimikan niyon dahill nasanay siyang umuuwi roon sa tuwing may espesyal na okasyon kung kailan madalas ay nagre-reunion ang kanilang angkan. Walang anumang okasyon nang araw na iyon. His grandfather had contacted Garreth and asked him to go back to their ancestral house so he could visit him. Batid ni Garreth na hindi tatanggapin ng kanyang lolo ang isang negatibong sagot kaya nanatili siyang tahimik hanggang sa ipahayag nitong hihintayin siya nito.May ideya na si Garreth kung bakit siya pinauuwi ng kanyang lolo. May kinalaman iyon sa mga kasong kinasasangkutan ng kanyang mga kamag-anak– ng kanyang Tito at pinsan. Mapang-uyam ang ekspresyon ni Garreth. When he was a child, Garret used to look up to his grandfather. The old Randall patriarch was a force to be reckoned with in the business world. Everybody in their caste both look up to him in fear and admiration. He made a formidable figure to his op

  • Running Away from the Villainous CEO    223

    Inis na inis si Catherine. She had revealed herself to the Villain! Hindi niya alam kung paano nangyari iyon. She was trying her best to let him fall under her spell pero tulad ng naunang dalawang beses ay pumalpak na naman ang produkto ng System.Si Garreth…She hates him! Ang lakas ng loob nitong pagsalitaan siya. Akala ba nito ay makakaligtas ito? Matteo and Janes have already decided. They wanted his seat. Hindi ito mananalo laban sa kanila, lalo pa at pati si Arturo ay nangakong tutulungan silang makuha ang RanCorp.[Mission to conquer World's Villain… Result: Failed.]Hindi makapaniwala si Catherine sa narinig na announcement na iyon mula sa System. "System! Anong ibig sabihin nito?!" taranta niyang tanong.[Ayon sa analysis ng Main System, wala nang pag-asa na makuha mo ang favorability points galing sa Villain dahil naunos mo na ang tatlong pagkakataon na puwede mong gawin iyon.]"Tatlong pagkakataon? Anong ibig mong sabihing tatlong pagkakataon? Wala namang ganoon sa mga na

  • Running Away from the Villainous CEO    222

    “Garreth!” Hindi napigilan ni Garreth ang pagkunot ng kanyang noo nang marinign ang tinig na iyon na tumawag sa kanya. Aakto sana siyang hindi iyon narinig at magpapatuloy sa paglalakad. Subalit hindi agad bumukas ang pinto ng elevator kaya naabutan din siya nito.“Garreth,” malamyos ang tinig na tawag sa kanya ni Catherine Alavarado.Halos mapangiwi siya sa sobrang tamis ng boses nito sa pagtawag sa kanyang pangalan. Kahit ang Assistant niya ay napatingin na sa kanya nang may pagdududa sa mukha nito. Alam naman ng lahat na may asawa at anak na siya subalit heto at may isang babae pa ang naghahabol sa kanya. Tila nakaligtaan ng mga ito na ang babaeng ito na “humahabol” sa kanya ay may asawa na rin at matagal nang kasal.“Please call me “Mr. Randall” since our relationship is purely business,” matiim na wika ni Garreth kay Catherine nang wala na siyang magawa kundi ang lingunin ito at kausapin. Nilakasan pa niya ang pagbigkas sa mga salitang “purely business” para marinig ng kanyang

  • Running Away from the Villainous CEO    221

    “It’s Daddy again~” Masayang itinuro ni Raze ang screen ng TV kung saan nakabalandra ang mukha at pangalan at posisyon ni Garreth. Ang mukha nito ang laman ng headlines sa karamihan ng mga locak channels. Nagsipaglapitan ang iba pang mga kapatid nito para makita nang masinsinan ang ama na ilang araw na rin nilang hindi nakikita o nakakausap sa personal maliban na lamang sa ilang maiikling tawag nito para magsabi ng “Good night” sa mga bata. Ramdam ni Ellaine kung gaano nami-miss ng mga ito ang kanilang ama. Ilang beses nila itong hinahanap sa isang araw. Napabuntong-hininga siya bago malumanay na sinaway ang mga bata, “Huwag masyadong lumapit sa TV. Your eyesight’s going to get bad.” “Okay, Mommy~” Simula ng mga suliraning kinakaharap ng RanCorp ay mas lalong dumalang ang pagkikita nila sa personal ni Garreth gayundin ng mga bata. Kung ano namang idinalang nilang makita ito sa personal ay ganoon naman nila kadalas makita ito na laman ng mga balita sa TV at pahayagan. Pagkatapos

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status