Humahangos si Ellaine na bumaba ng kotse pagkaparada pa lamang nito sa parking lot ng ospital. Tila bumara ang kanyang puso sa kanyang lalamunan sa matinding pag-aalala.
Hindi pa siya tinatawagan ni Garreth upang ipaalam kung ano na ang kinalabasan ng pakikipagnegosasyon nito sa mga kidnappers. Hindi tuloy niya maiwasang mag-isip masyado kung may masama bang nangyari o kaya naging bigo itong tuparin ang pakay.
Ang iilang nalaman niya mula sa isa sa mga tauhan nito ay hindi sapat upang mapanatag ang kanyang kalooban. Nakarating din sa kanyang pagkakaalam ang tungkol sa naganap na palitan ng putok. Ang totoo niya’y nakaramdam siya ng anxiety nang malamang nakipagpalitan pa ng putok sina Garreth at ang mga kidnappers.
Mas lalo siyang nag-alala at kinabahan doon.
Pahapyaw lamang na inilahad ni Garreth ang lahat ng nangyari sa pakikipagnegosasyon niya sa mga kidnappers na dumukot sa kanilang anak at sa kaibigan nito. Binanggit lamang ni Garreth ang ilang mga impormasyon na makakapagpabawas sa kanyang pagkabalisa dahil sa buong pangyayaring iyon.Wala rin naman si Ellaine sa tamang wisyo nang mga oras na iyon. Nahahati ang kanyang atensyon sa sinasabi ni Garreth at sa kalagayan ng dalawang bata.Maybe later, when they’re at home and well rested after the whole ordeal, she’ll demand the whole story and not the edited version of it. Later.Kahit na alam ni Ellaine na ligtas na si Cas, hindi pa rin sila kaagad na makakauwi. Nag-aalangan din siyang iwan ang batang lalaking kaibigan ni Cas na mag-isa at walang kasama habang napaliligiran ng mga hindi nito ki
Kumikirot ang bandang kaliwa niyang balikat. Hindi pa siya lubusang nakakaahon mula sa malalim na kadiliman ng kawalan ng malay-tao ngunit ang sakit ng sugat na iyon ang agad niyang naramdaman at unti-unting nagpapagising sa kanya.Sugat? Saan nanggaling ang sugat na iyon?Nabugbog na naman ba siya dahil bigo siyang makaabot sa kota ng dapat kitain sa araw na iyon? O, pinagtulungan na naman siya ng iba pang mga batang katulad niya para makuha ng mga ito at mapaghatian ang kanyang kinita?Kung nasugatan siya, ibig sabihin ay mas malupit at mas marahas ang ginamit sa kanyang pamamaraan.Kumunot ang kanyang noo. Subalit hindi iyon maaari.Hindi na ganoon kalaki ang tanda sa kanya ng mga pinakamatataas ang edad na mga batan
Ngumiti si Ellaine upang mapanatag ang loob ng batang lalaki. Medyo awkward nga lang na tinitigan lamang siya nito nang walang emosyon sa mukha.To have an expression like that on someone as young as he is… It's discomfiting and a little bit saddening."Hello," masigasig ngunit malumanay na pakilala ni Ellaine sa katamtamang lakas ng boses upang hindi magising si Cas na natutulog sa isa pang hospital bed sa silid na iyon. "Ako nga pala ang Mommy ni Cas. Nandito ako para bantayan at alagaan kayo hanggang sa tuluyan na kayong gumaling. Nagkita na tayo ng isang beses, hindi ba? Sa labas ng isang fastfood? Naaalala mo pa ba?"Ilang segundo ang lumipas bago ito tumango.Lihim na nakahinga nang maluwag si Ellaine dahil sa naaalala pa siya ng bata. At least, hindi nito a
Lumaki siyang walang magulang. Dati pa lang ay alam na niyang wala siyang pamilya. Noong mas bata pa siya, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang sitwasyon niya. Bakit ang ibang batang nasa paligid niya ay may mga nanay at tatay, pero siya, kahit isa sa mga iyon, ay wala.Isang lola ang nagpalaki sa kanya. Mag-isa lang ito at walang kasama sa buhay dahil iniwan na ito ng mga anak. Nagtitinda ito ng gulay sa palengke, pati na rin mga murang tradisyonal na meryenda na tulad ng turon at ilang klase ng kakanin. Maliit lamang ang kita nito ngunit sapat naman para sa kanilang dalawa.“Totoy” o kaya ay “Utoy” ang madalas na itawag sa kanya ng kanyang lola kaya iyon ang kinagisnan niyang pangalan. Pero hindi niya gusto ang pangalan na iyon. Kaso wala naman siyang maisip na gusto niyang pangalan kaya hinayaan na lamang rin niya.
Pinakamalaking headline sa bansa ang tungkol sa grupo ng child trafficking ring na pinagkakakitaan ng isang sindikato. Lumabas pa ang maraming krimen na kinasangkutan ng mga miyembro nito.Mas lalo pang gumimbal sa marami na ang grupo pala nito ang siyang sangkot sa balitang kamakailan lang ay laman ng mga pahayagan at mga balita sa telebisyon. Sila ang dumukot sa anak na babae ng isang negosyante at nag-demand ng malaking halaga bilang ransom, ngunit nagkaroon ng aberya sa kalagitnaan ng negosasyon na siyang ikinamatay ng batang babae.Matindi ang naging reaksyon ng madla sa pangyayaring ito kaya naman naging mainit ang pagsubaybay nila sa kasong nabanggit. Lalo lamang iyon nadagdagan nang tuluyan na silang mapasakamay ng mga awtoridad.Nang mabunyag ang lahat ng ilegal na gawaing kinasangkutan ng grupo
“Welcome to the family, Uri~”Masigabo ang naging pagtanggap ng lahat sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.Lihim na nakahinga si Ellaine nang malalim habang pinagmamasdan ang triplets na sinalubong si Uri. Ang tatlong bata ang siyang nakaisip at nagbigay ng suhestiyon na magsagawa sila ng isang munting salu-salo– isang simpleng welcome party na sila-sila lamang ang naghanda– para ipagdiwang ang pagkaka-discharge nito sa ospital, pati na rin ang pagiging parte nito ng kanilang pamilya.Dalawang linggo rin itong naka-confine sa ospital para magpagaling. Bukod kasi sa naging tama nito ng bala, may iba rin itong health issues, katulad na lamang ng pagiging severely malnourished nito. They hired a certified nutritionist and dietitian who will work on the menu para mag-formulate ng d
“Chicken soup for the soul?” ulit ni Garreth. “Sa tingin ko hindi siya ang tipo ng bata na magpapadala sa mga ganoong salita. He’s different. Malaki ang pagkakaiba niya sa mga bata. That’s because he didn’t have a normal childhood. He’s a fighter and survivor. Iyon ang kanyang nakagisnan. Ang mga magagarang pananalita ay mas lalo lamang magpapataas ng level ng kanyang pagka-alerto sa ibang tao. He didn’t have someone like you to guide him in most of his formative years. Isang malaking himala na lumaki siyang malinaw pa rin sa kanyang isipan ang pagkakaiba ng tama at mali.”Ellaine found himself getting lost in Garreth’s words. Mataman siyang nakikinig sa mga sinasabi nito nang hindi namamalayang unti-unti siyang natutulala sa mapupulang labi habang patuloy pa rin nitong ipinapaliwanag sa kanya ang punto nito.
“Fiona!”Lumingon si Fiona sa direksyon ng tumawag sa kanyang pangalan.Humahangos na lumapit sa kanya ang kanyang talent manager na si Cleo, isang trans woman na nasa ilalim ng Evermore Star Studio na isang maliit na artist studio kung saan siya kasalukuyang naka-sign. “Good work today. Nagustuhan ng Director ang performance mo. Malaki ang tsansa na kuhanin ka ulit niya sa iba pa niyang proyekto.”Hindi napagaan ng papuring iyon ng kanyang talent manager ang nararamdaman niyang bigat ng kalooban. “Do I have any more work lined up?”“Of course! Marami! I’ll give the list to you later and you can choose one or two yourself.”“Any good script?”