Lumaki siyang walang magulang. Dati pa lang ay alam na niyang wala siyang pamilya. Noong mas bata pa siya, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang sitwasyon niya. Bakit ang ibang batang nasa paligid niya ay may mga nanay at tatay, pero siya, kahit isa sa mga iyon, ay wala.Isang lola ang nagpalaki sa kanya. Mag-isa lang ito at walang kasama sa buhay dahil iniwan na ito ng mga anak. Nagtitinda ito ng gulay sa palengke, pati na rin mga murang tradisyonal na meryenda na tulad ng turon at ilang klase ng kakanin. Maliit lamang ang kita nito ngunit sapat naman para sa kanilang dalawa. “Totoy” o kaya ay “Utoy” ang madalas na itawag sa kanya ng kanyang lola kaya iyon ang kinagisnan niyang pangalan. Pero hindi niya gusto ang pangalan na iyon. Kaso wala naman siyang maisip na gusto niyang pangalan kaya hinayaan na lamang rin niya.
Read more