Home / All / Running Away from the Villainous CEO / Chapter 121 - Chapter 130

All Chapters of Running Away from the Villainous CEO : Chapter 121 - Chapter 130

229 Chapters

121

Sandali pa silang naghintay doon. Umaasa si Cas na sa araw na iyon babalik ang kanyang kaibigan. Sinamahan naman siya nina Anjie at Raze. Ngunit lumipas ang oras hanggang sa tumunog ang warning bell na siyang hudyat na kailangan na nilang bumalik sa kanilang classroom ay hindi pa rin bumalik ang kaibigan ni Cas.Napansin ng kanyang mga kapatid ang unti-unting paglungkot at panlulumo ng kanyang ekspresyon na siyang nagdulot ng pag-aalala sa dalawa.“Don’t be sad, Cas,” Anjie comforted his younger brother, “Your friend must be busy doing something and forgot the time.” Hindi pa rin napigilan ni Cas ang lungkot na nararamdaman. Nag-aalala rin siya na baka hindi na bumalik ang kanyang kaibigan at hindi na sila muli pang magkikita.Bahagya
last updateLast Updated : 2022-03-11
Read more

122

Katulad ng kanilang nakagawian pagkauwi galing sa school, nagbeso ang tatlong bata kina Ellaine at Garreth. Sandali silang nagkatinginan dahil pareho nilang napansin na tila matamlay ang tatlo. Tahimik lamang sina Raze at Anjie at hindi nag-uunahang maikuwento sa kanila ang lahat ng nangyari at ginawa nila sa school. Wala rin ang ngiti ng mga ito. Bukod pa roon ay napansin ni Ellaine na maya’t mayang tinatapunan ng nag-aalangang tingin nina Raze at Anjie si Cas na mas walang imik kaysa sa karaniwan.Nahulaan na agad ni Ellaine na nagkaroon ng pagtatalo ang tatlo. Medyo nabigla siya dahil tila ang dalawang nakatatanda ang nasa isang panig at si Cas naman ang nasa kabila. Ito ang unang beses iyong nangyari. Hindi niya maiwasang mapaisip kung ano ang dahlan ng hindi nila pagkakasundo.Hindi maiwasan ni Ella
last updateLast Updated : 2022-03-12
Read more

123

Sa tabi ng kuwarto ng triplets ay ang kanilang shared playroom at siya ring nagsisilbing study room ng tatlo. That’s where Elliaine found Cas. Kaiba sa pangkaraniwan nitong ginagawa kapag nasa silid na iyon, nakaupo ito sa child-sized na writing desk at chair at kasalukuyang nagkukulay sa isang pahina ng farm animal na coloring book nito.Naupo si Ellaine sa katabing bakanteng silya sa tabi nito. “Hello, darling.”“Hello, Mommy,” walang siglang sagot ni Cas nang hindi tumitigil sa ginagawa nito. “Feeling sad?”Ilang minutong hindi sumagot si Cas. Ellaine waited patiently.“My friend is gone.” pagkuway bulong ni Cas.
last updateLast Updated : 2022-03-13
Read more

124

Natuldukan lamang ang katahimikan at pag-aalangan sa pagitan ni Cas at ng batang lalaki dahil sa isang kakaibang ingay– ang kanilang kumukulong tiyan dala ng gutom. Tila natauhan si Cas at hinawakan sa kamay ang batang lalaki. “Kain na tayo,” pagyayaya niya rito. Ipinakita pa nito ang dalang punong-punong lunch box na para talaga sa kanilang dalawa.Tinitigan ng batang lalaki ang maputing kamay na siyang nakakapit sa isa niyang kamay. Napakalaki ng pagkakaiba nila. Maputi ang balat nito, malambot ang palad, maiikli ang mga kuko. At malinis. Walang kahit na anong mantsa o dumi roon. Sa maliit na distansya nila ay naaamoy rin niya ang halimuyak nito na dahil siguro sa pabango o pulbo na ginamit nito. Hindi pa niya nararanasang makagamit ng mga gayon.
last updateLast Updated : 2022-03-14
Read more

125

Kahit na alam na ng batang lalaki na kailangan na niyang magpaalama sa kanyang kaibigan ay medyo nag-aalangan pa rin siya. Kita iyon sa pagbagal ng kanyang pagkain sa mga biscuit na kanina lang ay mabilis niyang nilalantakan. Hindi niya gustong umalis. Pero sadyang kailangan.Hindi siya nababagay sa lugar na iyon. Hindi iyon ang kanyang mundo. At si Cas… ang presensiya nito at ang hatid nitong pagkakaibigan ay nagpabuhay sa kanya ng mga hangaring ang akala niya ay matagal na niyang nalimutan. Mapanganib iyon para sa kanya… dahil nagsisimula na naman siyang maghangad at umasa sa mga bagay na napakaimposible para sa isang tulad niya.Tumunog ang warning bell. Hudyat iyon ng kanilang paghihiwalay. Siguro ay panghabang-buhay na iyon.Tinulungan niyang mag
last updateLast Updated : 2022-03-15
Read more

127

Sa isang lumang warehouse…“Hindi ba’t sinabi ko nang mag-ingat kayo sa mga kilos niyo?! Ayan tuloy, nabulilyaso pa tayo! Muntik na tayong mahuli ng mga pulis dahil sa mga padalos-dalos niyong gawi!” galit na wika ng isang may edad na lalaki pagkahubad nito suot na ski mask. Malaki ang katawan nito at may mga tattoo sa namumutok na braso. Ang lalaking ito ay kilala bilang “Manong” na siyang may hawak sa maraming batang lansangan at pulubing namamalimos.Ang pinagbubuntunan nito ng galit ay ang tatlo nitong kasamahan na nakagawa ng pagkakamali kaya pumalpak ang kanilang huling plano.May koneksyon si Manong sa isang sindikato ng krimen at ilang beses na ring lumahok sa mga ilegal na gawain. Ngunit kahit na gayon ay nasa pinakamababang ranggo pa lamang ito.
last updateLast Updated : 2022-03-16
Read more

127

“Tuloy pa rin ang pagtugis sa mga dumukot at pumatay sa batang babaeng annak ng isang mayamang negosyante…”Salubong ang kilay na pinapanood ni Ellaine ang balita sa TV nang marinig ang pagdating ng mga bata galing sa kanilang school. Rinig niya ang masasayang sigawan at pagbati ng mga ito sa ilang mga kasambahay na nakakasalubong nila bago sila makarating sa living room kung nasaan si Ellaine. Napanatag ang kanyang balisang loob na dala ng malagim na balita kanyang napanood. Huminga siya nang malalim. Isa sa pagbabago na dala ng pagiging ina ay ang pagiging mapag-alala. Hindi na ganoon kalaki ang tiwala niya sa mundo dahil pakiramdam niya kung minsan ay makalingat lang siya sandali ay mangyayari na agad na hindi maganda sa isa sa mga bata. Nababalisa siya at naaapektuhan ng m
last updateLast Updated : 2022-03-17
Read more

128

Malakas ang nilikhang ingay ng nabasag na salamin ng picture frame nang bumagsak ito sa sahig. For whatever reason– nasangga siguro niya ang pinaglalagyan nitong shelf– ay bigla na lang itong nahulog. Natigilan si Ellaine, pinagmamasdan ang kinang sanhi ng pagtama ng sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana sa mga piraso ng basag na salamin.Napakunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang kakaibang pakiramdam na panandaliang lumukob sa kanya kasabay ng pagkabasag ng picture frame. Tila isa iyong pagbabadya, ngunit… ng ano?Yumuko siya at pinulot ang picture frame. Larawan ng tatlong bata ang nasa loob niyon. Muli siyang natigilan nang mapansing maraming lamat at malaking bahagi ng may basag ay ang parte kung nasaan si Cas. Sa pagkakataong iyon ay kakaibang lamig
last updateLast Updated : 2022-03-18
Read more

129

Tiba-tiba si Manong at ang mga kasamahan nito. They were only planning to check out the premises so they could make a clear plan for their next step pero tila hinulugan sila ng langit ng isang biyaya.They caught a prey without the slightest difficulty nor any effort. Wala man lang kahirap-hirap.Wala naman sa plano nilang dumukot ng isang mapagkakakitaan sa kanilang unang punta sa lugar. Ang balak lang nila ay ang magmanman sa paligid at mangalap ng impormasyon upang makabuo ng mas komprehensibong plano. Pero dahil nasa harapan na nila ang isang oportunidad ay hindi na nila ito pinalampas pa. Umayon sa kanila ang pagkakataon at tinugon ng langit, o ng demonyo, ang kanilang matinding pangangailangan. They found their next money-making opportunity.Sa hitsura pa lam
last updateLast Updated : 2022-03-19
Read more

130

“Limang milyon?” ulit ni Garreth matapos marinig ang presyong hinihingi ng nasa kabilang linya.“Limang milyon. In cold hard cash.” kumpirma naman nito. “Hindi naman siguro masyadong malaki ang halagang iyon kapalit ang buhay ng isa sa mga anak mo, hindi ba?” Iniisip nitong namamahalan si Garreth sa presyong ibinigay.Hindi sumagot si Garreth. Tama ang sinasabi nito. Ang limang milyon ay maliit lamang na halaga para sa kanya. Nais lamang niyang maging malinaw ang bawat detalye sa pagitan nila. “Iyon lang ba?”“Kailangan rin namin ng isang getaway vehicle. Ang balita ko ang RanCorp na kumpanya ninyo ay may helipad sa pinakaitaas ng building nito. Ibalato ninyo na lang iyon sa’min. Sigurado namang makakabili pa kayo ulit ng bago.”
last updateLast Updated : 2022-03-20
Read more
PREV
1
...
1112131415
...
23
DMCA.com Protection Status