“Tuloy pa rin ang pagtugis sa mga dumukot at pumatay sa batang babaeng annak ng isang mayamang negosyante…”
Salubong ang kilay na pinapanood ni Ellaine ang balita sa TV nang marinig ang pagdating ng mga bata galing sa kanilang school. Rinig niya ang masasayang sigawan at pagbati ng mga ito sa ilang mga kasambahay na nakakasalubong nila bago sila makarating sa living room kung nasaan si Ellaine.
Napanatag ang kanyang balisang loob na dala ng malagim na balita kanyang napanood.
Huminga siya nang malalim. Isa sa pagbabago na dala ng pagiging ina ay ang pagiging mapag-alala. Hindi na ganoon kalaki ang tiwala niya sa mundo dahil pakiramdam niya kung minsan ay makalingat lang siya sandali ay mangyayari na agad na hindi maganda sa isa sa mga bata. Nababalisa siya at naaapektuhan ng m
Malakas ang nilikhang ingay ng nabasag na salamin ng picture frame nang bumagsak ito sa sahig. For whatever reason– nasangga siguro niya ang pinaglalagyan nitong shelf– ay bigla na lang itong nahulog. Natigilan si Ellaine, pinagmamasdan ang kinang sanhi ng pagtama ng sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana sa mga piraso ng basag na salamin.Napakunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang kakaibang pakiramdam na panandaliang lumukob sa kanya kasabay ng pagkabasag ng picture frame. Tila isa iyong pagbabadya, ngunit… ng ano?Yumuko siya at pinulot ang picture frame. Larawan ng tatlong bata ang nasa loob niyon. Muli siyang natigilan nang mapansing maraming lamat at malaking bahagi ng may basag ay ang parte kung nasaan si Cas.Sa pagkakataong iyon ay kakaibang lamig
Tiba-tiba si Manong at ang mga kasamahan nito. They were only planning to check out the premises so they could make a clear plan for their next step pero tila hinulugan sila ng langit ng isang biyaya.They caught a prey without the slightest difficulty nor any effort. Wala man lang kahirap-hirap.Wala naman sa plano nilang dumukot ng isang mapagkakakitaan sa kanilang unang punta sa lugar. Ang balak lang nila ay ang magmanman sa paligid at mangalap ng impormasyon upang makabuo ng mas komprehensibong plano. Pero dahil nasa harapan na nila ang isang oportunidad ay hindi na nila ito pinalampas pa.Umayon sa kanila ang pagkakataon at tinugon ng langit, o ng demonyo, ang kanilang matinding pangangailangan. They found their next money-making opportunity.Sa hitsura pa lam
“Limang milyon?” ulit ni Garreth matapos marinig ang presyong hinihingi ng nasa kabilang linya.“Limang milyon. In cold hard cash.” kumpirma naman nito. “Hindi naman siguro masyadong malaki ang halagang iyon kapalit ang buhay ng isa sa mga anak mo, hindi ba?” Iniisip nitong namamahalan si Garreth sa presyong ibinigay.Hindi sumagot si Garreth. Tama ang sinasabi nito. Ang limang milyon ay maliit lamang na halaga para sa kanya. Nais lamang niyang maging malinaw ang bawat detalye sa pagitan nila. “Iyon lang ba?”“Kailangan rin namin ng isang getaway vehicle. Ang balita ko ang RanCorp na kumpanya ninyo ay may helipad sa pinakaitaas ng building nito. Ibalato ninyo na lang iyon sa’min. Sigurado namang makakabili pa kayo ulit ng bago.”
Masakit na masakit ang kanyang katawan nang muli siyang magkamalay. Iminulat niya ang mga mata. Isang hindi pamilyar at maduming kisame na may ilang mga sapot ng mga gagamba ang bumungad sa kanya.Mahamog pa ang kanyang isipan, at kahit na paghinga lang ang kanyang ginagawa nang mga oras na iyon ay ramdam pa rin niya ang tila pumipintig na kirot sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Hindi pa lubusang humihilom ang mga pasa na natamo niya sa pambubugbog sa kanya ng mga batang katulad niya, pero heto siya at nadagdagan na naman ang sakit na iniinda.Ngunit mas matindi ang mga natamo niyang pinsala saNaalala niya bigla ang rason kung bakit siya humantong sa ganoong sitwasyon. Napabalikwas siya ng bangon. Sandaling naglaho ang kanyang mga nararamdaman sa katawan. Tila naging isa siyang mabangis na
Halata ng lahat ng kanyang mga kasamahan na tila walang mapagsidlan ng galak si Manong matapos nitong ibaba ang ikalawang tawag nito para humingi ng update tungkol sa mga hinihingi nila sa magulang ng kanilang kasalukuyang bihag. Kung walang mangyayaring aberya, ang makukuha nilang pera ang siyang pinakamalaking halaga na mapapasakanila.Noong una ay isang milyong piso lang talaga ang balak niyang hingin mula kay Mr. Randall, ngunit nang mabanggit niya ang tungkol dito sa contact niya sa sindikato ay binigyan siya nito ng ilan pang impormasyon tungkol sa pagkatao nito. Nang malaman niya ang background nito ay medyo nag-alinlangan siya kung kaya ba ng kanilang grupo na banggain ang isang katulad nito ngunit nahikayat siya ng kanyang contact.Sinabi nito na huli na para magsisi pa siya gayong nasa kamay na niya ang anak nito. Ang tanging magagawa na lang ni
“Seven million… is a fairly big sum.” hindi maiwasang maikomento ni Ellaine. She had been a hard worker in her previous life– she had to in order to live comfortably– but all her worldly possessions and bank account savings in that life had not amounted to that sum. Tinitigan niya si Garreth nang diretso sa mga mata. “Thank you.”“Hindi mo kailangang magpasalamat. Cas is also my son.” seryosong sagot ni Garreth.He’s right. Pero hindi kasi naisip ni Ellaine na handa itong maglabas ng ganoong kalaking halaga para iligtas ang buhay ng anak nila gayong hindi pa naman ito nakakasama ni Garreth nang matagal. Siguro medyo may pagka-cynical lang siyang talaga, pero hindi lubos ang tiwala ni Ellaine sa mga tao at sa bigkis na gawa ng parehong dugo na dumadaloy sa kanilang mga ugat.
Tahimik ang lugar. Madilim ang buong paligid sa kalagitnaan ng gabi. Unang beses pa lamang ni Garreth na makapunta sa lugar na iyon pero pamilyar pa rin ito sa kanya. Kasama kasi iyon sa listahan ng mga prime real estate location na siyang napupusuang bilihin ng kanilang kumpanya para i-develop.It was an old private Catholic boarding school that had already closed a few years ago. Sa tagal ng pagkakatatag sa lugar ay maituturing na nga itong isang historic site. Ilang henerasyon galing sa iisang pamilya ang siyang nagmamay-ari sa eskwelahang iyon dati ngunit hindi lahat ng mga taong humawak sa pamunuan nito ay naging maayos ang pamamalakad sa institusyon. Kaya naman pagkatapos ng mahaba nitong kasaysayan ay kinailangan na rin itong ipasara.Dahil sa laki ng naging utang nito sa bangko– nasangkot kasi ang pinaka-recent nitong presidente sa isang emb
Nagkita sila sa isang malawak at madamong bakanteng lote na siyang dating soccer field ng eskwelahang iyon. Sa ilang taon nang inanbandona ang lugar, nakapagtatakang hindi pa ganoon kataas ang mga damong tumubo roon. Sa pinakagitna pa nga ng loteng iyon ay tila mas malinis ang lupa at wala masyadong mga ligaw na halaman.It’s because the abandoned lot had been the venue of a few wild parties and activities for some young adults who run on the wild side. The gloomy place had unconsciously invited groups of friends and schoolmates who want to participate in dares and courage tests and celebrating afterwards.Ang espasyo na iyon ang siyang paglalapagan ng helicopter.Pagkatapos ng pagpapalitan ng pera at kanilang mga bihag ay ang tauhan niyang dating miyembro ng isang crime syndicate sa abroad at isang dating mil
Malabo ang mga alaala ni Ellaine ng mga nangyari nang makaraang gabi pagkatapos niyang ikulong ang sarili sa loob ng banyo. But when she opened her eyes, she wasn't surprised when she saw Garreth's face beside hers on the pillow. Getting almost assaulted was not a pleasant experience. She hated how she allowed herself to get in that kind of situation where she's completely helpless and dependent on somebody else to save her. Not a good feeling at all. Ang nakakainis pa ay hindi man lang niya nagamit ang mga self-defense techniques na pinag-aralan niya. Catherine was able to gain the upper hand on her because she wasn't that wary of her yet.At isa pa, mayroon itong System na siyang nagsisilbing cheat slash goldfinger nito.Sandaling natigilan si Ellaine nang maalala si Catherine at ang System. Ilang segundo bago bumalik sa kanyang memorya ang nagyari sa CR kung saan ay kinuryente siya ni Catherine. Sigurado si Ellaine na dahil iyon sa kakayahan ng System. Marahil ay may iba itong
R18//Some scenes are not suitable for minors. ***Halos mabaliw si Garreth sa kakahanap kay Ellaine nang malaman nyang nawawala ito. Hindi niya akalaing makakaramdam siya ng ganoon katinding emosyon dahil lamang sa pag-aalala na baka may kung ano nang nangyari ditong masama. Ginamit niya ang kanyang impluwensiya, koneksyon, at kapangyarihan para ipasarado ang buong venue upang masigurong walang makakalabas sa lugar. Ang sabi ng staff na nagbabantay sa lobby at parking kot ay wala pang umaalis na bisita kaya ang ibig lang nitong sabihin ay basa paligid lamang si Ellaine. Kinapalan na niya ang mukha at nanghiram ng tauhan mula sa mga kakilala niyang naroroon para halughugin maging ang kasuluk-sulukan ng buong lugar. Marami ang nainis at nayamot dahil sa abalang idinulot niya.Pagkatapos ng masinsinan at mabilisang imbestigasyon ay nakakuha rin sila ng impormasyon na nakapagturo sa kanila ng kinalalagyan ni Ellaine.Isang cleaner ang nakapagsabi na kakaiba ang ikinikilos ng isa sa mga
Nagising na lamang si Ellaine na nakahiga na siya sa isang malambot na kama sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Dama pa niya ang panghihina ng kanyang kalamnan dahil sa pagkuryente sa kanya ni Catherine– ang pekeng heroine! “Letsugas ka, Catherine! Lintik lang ang walang ganti!” inis na pinaghahampas ni Ellaine ang unan sa tabi niya. Natigilan siya. Catherine wouldn’t cause her to faint just so she could let her sleep in a soft bed. May balak ang bruhilda! Naalerto si Ellaine. Kung hindi siya nahanap ng kanyang mga bodyguard, maaaring si Catherine ang nagdala sa kanya sa silid na iyon. Sa tingin niya ay wala itong magandang balalk para sa kanya. Ang silid na kasalukuyan niyang kinalalagyan… hindi maganda ang kutob niya. Pinilit niyang bumangon kahit na hinang-hina siya. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon. She was able to get out of bed but the moment her feet landed on the floor, it was like all her strength was sucked out of her. She fell to her knees by the side of t
Nasa isang charity function si Ellaine. Wala sana siyang bapak na daluhan ang event na iyon subalit nakiusap sa kanya ang organizer na kahit magpakita lang daw siya kahit na kalahating oras lang sa mismong venue at magpakuha ng ilang litrato sa press ay sapat na. Malaki na ang maitutulong ng kanyang pangalan para makahakot ng atensyon mula sa media at sa mga possible donors.Pumayag si Ellaine dahil nagpasabi rin sa kanya ang assistant ni Garreth na dadalo rin ito sa nasabing event.Si Garreth agad ang unang hinagilap ng mga mata ni Ellaine nang makarating siya sa venue. Hindi niya ito nakita sa ballroom area, gayundin ang assistant nito. She looked for a comfort room so she can have some time to herself.Mag-isa lang siya sa comfort room. Tatawagan niya dapat si Garreth para tanungin kung nasaan ito subalit nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Catherine.Kumunot ang noo ni Ellaine nang makita ito. What a small world. Hindi niya inaasahang makikita niya it
“Bakit kailangan kong maparusahan gayong wala naman akong kasalanan? Sila mismo ang lumapit sa’kin. At isa pa, bayad ang transaksyong iyon. Mas mahal pa nga iyon kaysa sa mga dati kong pinupuntahang lugar na may ganoon ring serbisyo. Nakuha namin pareho ang gusto namin. Masuwerte pa nga sila sa akin at medyo normal ang s*xual appetites ko kaysa sa iba na mas extreme ang gusto.”Napangiwi ang karamihan nang marinig ang walang kuwentang pahayag na ito ng pangalawang Tito ni Garreth. Mababakas ni Garreth mula sa mukha ng kanyang pinsan na nagpigil lamang ito nang sobra upang hindi nito maibulalas ang pandidiri sa kamag-anak nilang ito. Nakakasuka na related sila ganitong klase ng tao. Sa huli ay hindi rin ito nakatiis at nagkomento ng, “Tito, Your s*xual appetite isn’t exactly “normal”. You like f*cking teens, barely legal college students. Bukod sa labag sa batas, napaka-immoral pa.”Ngumisi ito. “Kung immoral lang din ang pag-uusapan, sa tingin ko ay mas pasok doon ang isang katulad m
Tahimik ang ancestral house ng Randall Family. Bahagyang nanibago si Garreth sa katahimikan niyon dahill nasanay siyang umuuwi roon sa tuwing may espesyal na okasyon kung kailan madalas ay nagre-reunion ang kanilang angkan. Walang anumang okasyon nang araw na iyon. His grandfather had contacted Garreth and asked him to go back to their ancestral house so he could visit him. Batid ni Garreth na hindi tatanggapin ng kanyang lolo ang isang negatibong sagot kaya nanatili siyang tahimik hanggang sa ipahayag nitong hihintayin siya nito.May ideya na si Garreth kung bakit siya pinauuwi ng kanyang lolo. May kinalaman iyon sa mga kasong kinasasangkutan ng kanyang mga kamag-anak– ng kanyang Tito at pinsan. Mapang-uyam ang ekspresyon ni Garreth. When he was a child, Garret used to look up to his grandfather. The old Randall patriarch was a force to be reckoned with in the business world. Everybody in their caste both look up to him in fear and admiration. He made a formidable figure to his op
Inis na inis si Catherine. She had revealed herself to the Villain! Hindi niya alam kung paano nangyari iyon. She was trying her best to let him fall under her spell pero tulad ng naunang dalawang beses ay pumalpak na naman ang produkto ng System.Si Garreth…She hates him! Ang lakas ng loob nitong pagsalitaan siya. Akala ba nito ay makakaligtas ito? Matteo and Janes have already decided. They wanted his seat. Hindi ito mananalo laban sa kanila, lalo pa at pati si Arturo ay nangakong tutulungan silang makuha ang RanCorp.[Mission to conquer World's Villain… Result: Failed.]Hindi makapaniwala si Catherine sa narinig na announcement na iyon mula sa System. "System! Anong ibig sabihin nito?!" taranta niyang tanong.[Ayon sa analysis ng Main System, wala nang pag-asa na makuha mo ang favorability points galing sa Villain dahil naunos mo na ang tatlong pagkakataon na puwede mong gawin iyon.]"Tatlong pagkakataon? Anong ibig mong sabihing tatlong pagkakataon? Wala namang ganoon sa mga na
“Garreth!” Hindi napigilan ni Garreth ang pagkunot ng kanyang noo nang marinign ang tinig na iyon na tumawag sa kanya. Aakto sana siyang hindi iyon narinig at magpapatuloy sa paglalakad. Subalit hindi agad bumukas ang pinto ng elevator kaya naabutan din siya nito.“Garreth,” malamyos ang tinig na tawag sa kanya ni Catherine Alavarado.Halos mapangiwi siya sa sobrang tamis ng boses nito sa pagtawag sa kanyang pangalan. Kahit ang Assistant niya ay napatingin na sa kanya nang may pagdududa sa mukha nito. Alam naman ng lahat na may asawa at anak na siya subalit heto at may isang babae pa ang naghahabol sa kanya. Tila nakaligtaan ng mga ito na ang babaeng ito na “humahabol” sa kanya ay may asawa na rin at matagal nang kasal.“Please call me “Mr. Randall” since our relationship is purely business,” matiim na wika ni Garreth kay Catherine nang wala na siyang magawa kundi ang lingunin ito at kausapin. Nilakasan pa niya ang pagbigkas sa mga salitang “purely business” para marinig ng kanyang
“It’s Daddy again~” Masayang itinuro ni Raze ang screen ng TV kung saan nakabalandra ang mukha at pangalan at posisyon ni Garreth. Ang mukha nito ang laman ng headlines sa karamihan ng mga locak channels. Nagsipaglapitan ang iba pang mga kapatid nito para makita nang masinsinan ang ama na ilang araw na rin nilang hindi nakikita o nakakausap sa personal maliban na lamang sa ilang maiikling tawag nito para magsabi ng “Good night” sa mga bata. Ramdam ni Ellaine kung gaano nami-miss ng mga ito ang kanilang ama. Ilang beses nila itong hinahanap sa isang araw. Napabuntong-hininga siya bago malumanay na sinaway ang mga bata, “Huwag masyadong lumapit sa TV. Your eyesight’s going to get bad.” “Okay, Mommy~” Simula ng mga suliraning kinakaharap ng RanCorp ay mas lalong dumalang ang pagkikita nila sa personal ni Garreth gayundin ng mga bata. Kung ano namang idinalang nilang makita ito sa personal ay ganoon naman nila kadalas makita ito na laman ng mga balita sa TV at pahayagan. Pagkatapos