Share

127

Sa isang lumang warehouse…

“Hindi ba’t sinabi ko nang mag-ingat kayo sa mga kilos niyo?! Ayan tuloy, nabulilyaso pa tayo! Muntik na tayong mahuli ng mga pulis dahil sa mga padalos-dalos niyong gawi!” galit na wika ng isang may edad na lalaki pagkahubad nito suot na ski mask. Malaki ang katawan nito at may mga tattoo sa namumutok na braso. Ang lalaking ito ay kilala bilang “Manong” na siyang may hawak sa maraming batang lansangan at pulubing namamalimos.

Ang pinagbubuntunan nito ng galit ay ang tatlo nitong kasamahan na nakagawa ng pagkakamali kaya pumalpak ang kanilang huling plano.

May koneksyon si Manong sa isang sindikato ng krimen at ilang beses na ring lumahok sa mga ilegal na gawain. Ngunit kahit na gayon ay nasa pinakamababang ranggo pa lamang ito.

<

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status