Kahit na alam na ng batang lalaki na kailangan na niyang magpaalama sa kanyang kaibigan ay medyo nag-aalangan pa rin siya. Kita iyon sa pagbagal ng kanyang pagkain sa mga biscuit na kanina lang ay mabilis niyang nilalantakan. Hindi niya gustong umalis. Pero sadyang kailangan.
Hindi siya nababagay sa lugar na iyon. Hindi iyon ang kanyang mundo.
At si Cas… ang presensiya nito at ang hatid nitong pagkakaibigan ay nagpabuhay sa kanya ng mga hangaring ang akala niya ay matagal na niyang nalimutan. Mapanganib iyon para sa kanya… dahil nagsisimula na naman siyang maghangad at umasa sa mga bagay na napakaimposible para sa isang tulad niya.
Tumunog ang warning bell. Hudyat iyon ng kanilang paghihiwalay. Siguro ay panghabang-buhay na iyon.
Tinulungan niyang mag
Sa isang lumang warehouse…“Hindi ba’t sinabi ko nang mag-ingat kayo sa mga kilos niyo?! Ayan tuloy, nabulilyaso pa tayo! Muntik na tayong mahuli ng mga pulis dahil sa mga padalos-dalos niyong gawi!” galit na wika ng isang may edad na lalaki pagkahubad nito suot na ski mask. Malaki ang katawan nito at may mga tattoo sa namumutok na braso. Ang lalaking ito ay kilala bilang “Manong” na siyang may hawak sa maraming batang lansangan at pulubing namamalimos.Ang pinagbubuntunan nito ng galit ay ang tatlo nitong kasamahan na nakagawa ng pagkakamali kaya pumalpak ang kanilang huling plano.May koneksyon si Manong sa isang sindikato ng krimen at ilang beses na ring lumahok sa mga ilegal na gawain. Ngunit kahit na gayon ay nasa pinakamababang ranggo pa lamang ito.
“Tuloy pa rin ang pagtugis sa mga dumukot at pumatay sa batang babaeng annak ng isang mayamang negosyante…”Salubong ang kilay na pinapanood ni Ellaine ang balita sa TV nang marinig ang pagdating ng mga bata galing sa kanilang school. Rinig niya ang masasayang sigawan at pagbati ng mga ito sa ilang mga kasambahay na nakakasalubong nila bago sila makarating sa living room kung nasaan si Ellaine.Napanatag ang kanyang balisang loob na dala ng malagim na balita kanyang napanood.Huminga siya nang malalim. Isa sa pagbabago na dala ng pagiging ina ay ang pagiging mapag-alala. Hindi na ganoon kalaki ang tiwala niya sa mundo dahil pakiramdam niya kung minsan ay makalingat lang siya sandali ay mangyayari na agad na hindi maganda sa isa sa mga bata. Nababalisa siya at naaapektuhan ng m
Malakas ang nilikhang ingay ng nabasag na salamin ng picture frame nang bumagsak ito sa sahig. For whatever reason– nasangga siguro niya ang pinaglalagyan nitong shelf– ay bigla na lang itong nahulog. Natigilan si Ellaine, pinagmamasdan ang kinang sanhi ng pagtama ng sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana sa mga piraso ng basag na salamin.Napakunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang kakaibang pakiramdam na panandaliang lumukob sa kanya kasabay ng pagkabasag ng picture frame. Tila isa iyong pagbabadya, ngunit… ng ano?Yumuko siya at pinulot ang picture frame. Larawan ng tatlong bata ang nasa loob niyon. Muli siyang natigilan nang mapansing maraming lamat at malaking bahagi ng may basag ay ang parte kung nasaan si Cas.Sa pagkakataong iyon ay kakaibang lamig
Tiba-tiba si Manong at ang mga kasamahan nito. They were only planning to check out the premises so they could make a clear plan for their next step pero tila hinulugan sila ng langit ng isang biyaya.They caught a prey without the slightest difficulty nor any effort. Wala man lang kahirap-hirap.Wala naman sa plano nilang dumukot ng isang mapagkakakitaan sa kanilang unang punta sa lugar. Ang balak lang nila ay ang magmanman sa paligid at mangalap ng impormasyon upang makabuo ng mas komprehensibong plano. Pero dahil nasa harapan na nila ang isang oportunidad ay hindi na nila ito pinalampas pa.Umayon sa kanila ang pagkakataon at tinugon ng langit, o ng demonyo, ang kanilang matinding pangangailangan. They found their next money-making opportunity.Sa hitsura pa lam
“Limang milyon?” ulit ni Garreth matapos marinig ang presyong hinihingi ng nasa kabilang linya.“Limang milyon. In cold hard cash.” kumpirma naman nito. “Hindi naman siguro masyadong malaki ang halagang iyon kapalit ang buhay ng isa sa mga anak mo, hindi ba?” Iniisip nitong namamahalan si Garreth sa presyong ibinigay.Hindi sumagot si Garreth. Tama ang sinasabi nito. Ang limang milyon ay maliit lamang na halaga para sa kanya. Nais lamang niyang maging malinaw ang bawat detalye sa pagitan nila. “Iyon lang ba?”“Kailangan rin namin ng isang getaway vehicle. Ang balita ko ang RanCorp na kumpanya ninyo ay may helipad sa pinakaitaas ng building nito. Ibalato ninyo na lang iyon sa’min. Sigurado namang makakabili pa kayo ulit ng bago.”
Masakit na masakit ang kanyang katawan nang muli siyang magkamalay. Iminulat niya ang mga mata. Isang hindi pamilyar at maduming kisame na may ilang mga sapot ng mga gagamba ang bumungad sa kanya.Mahamog pa ang kanyang isipan, at kahit na paghinga lang ang kanyang ginagawa nang mga oras na iyon ay ramdam pa rin niya ang tila pumipintig na kirot sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Hindi pa lubusang humihilom ang mga pasa na natamo niya sa pambubugbog sa kanya ng mga batang katulad niya, pero heto siya at nadagdagan na naman ang sakit na iniinda.Ngunit mas matindi ang mga natamo niyang pinsala saNaalala niya bigla ang rason kung bakit siya humantong sa ganoong sitwasyon. Napabalikwas siya ng bangon. Sandaling naglaho ang kanyang mga nararamdaman sa katawan. Tila naging isa siyang mabangis na
Halata ng lahat ng kanyang mga kasamahan na tila walang mapagsidlan ng galak si Manong matapos nitong ibaba ang ikalawang tawag nito para humingi ng update tungkol sa mga hinihingi nila sa magulang ng kanilang kasalukuyang bihag. Kung walang mangyayaring aberya, ang makukuha nilang pera ang siyang pinakamalaking halaga na mapapasakanila.Noong una ay isang milyong piso lang talaga ang balak niyang hingin mula kay Mr. Randall, ngunit nang mabanggit niya ang tungkol dito sa contact niya sa sindikato ay binigyan siya nito ng ilan pang impormasyon tungkol sa pagkatao nito. Nang malaman niya ang background nito ay medyo nag-alinlangan siya kung kaya ba ng kanilang grupo na banggain ang isang katulad nito ngunit nahikayat siya ng kanyang contact.Sinabi nito na huli na para magsisi pa siya gayong nasa kamay na niya ang anak nito. Ang tanging magagawa na lang ni
“Seven million… is a fairly big sum.” hindi maiwasang maikomento ni Ellaine. She had been a hard worker in her previous life– she had to in order to live comfortably– but all her worldly possessions and bank account savings in that life had not amounted to that sum. Tinitigan niya si Garreth nang diretso sa mga mata. “Thank you.”“Hindi mo kailangang magpasalamat. Cas is also my son.” seryosong sagot ni Garreth.He’s right. Pero hindi kasi naisip ni Ellaine na handa itong maglabas ng ganoong kalaking halaga para iligtas ang buhay ng anak nila gayong hindi pa naman ito nakakasama ni Garreth nang matagal. Siguro medyo may pagka-cynical lang siyang talaga, pero hindi lubos ang tiwala ni Ellaine sa mga tao at sa bigkis na gawa ng parehong dugo na dumadaloy sa kanilang mga ugat.