Normal lang naman sa mga magkakapatid ang hindi pagkakasunduan, pero ang madalas na nagkakaroon ng pagtatalo ay sina Anjie at Raze. Kapag nangyayari ang gayon, si Cas ang nananatiling neutral at siya ring umaawat sa dalawa. Cas seldom has seldom quarrelled nor had any disagreements with either Anjie or Raze, so it came as a surprise to him to experience a conflict with them the first time, not only with one of them but with both. Bilang siyang bunso, madalas siyang pinagbibigyan at naii-spoil ng mga nakatatandang kapatid, kahit na ilang oras lang naman ang tanda ng mga ito sa kanya. Kaya naman ang kanilang kasalukuyang sitwasyon, sina Anjie at Raze na nakatayos sa kanyang harapan at parehong bakas ang pagtatampo kay Cas, ay naghatid ng pagka-hindi mapalagay kay Cas. Hindi tuloy nito alam kung ano ang sasabihin o gagawin para amuhin ang dalawang mga kapatid.
Huling Na-update : 2022-03-10 Magbasa pa