Madali lang mapawi ang lungkot at panghihinayang ni Cas. kinabukasan ay may dala na siyang iba pang pagkain para sa marusing na batang lalaki. Nagpadagdag siya ng baon sa kanyang Mama at tumango lamang nang tanungin nito kung para ba iyon pagsaluhan niya ng bago niyang kaibigan.
Dahil sa kinain na ng batang lalaki ang biscuit na itinira niya kahapon, ibig sabihin ay kaibigan na niya ito! Nakapagdesisyon na si Cas. masaya siya at palukso-lukso nang tinungo ang playground at ang parte kung saan niya nakita ang marusing na batang lalaki.
Halatang nagulat ito nang makita siya nitong parating at may dalang lunch bag.
Kung may iiba lamang na makakaita sa kanila, mawi-weirdo-han iyon dahil tila nagkakaintindihan ang dalawang bata kahit na walang salitang namutawi sa kanilang
Bago matulog, habang pinapaliguan ni Garreth ang dalawa sa tatlong triplets, ay inusisa ni Ellaine si Cas tungkol sa batang lalaki na nakita nila sa labas ng fast food na kinain nila. Hindi pa rin kasi ito nawawala sa isip niya. Kung hindi niya lang alam na wala siyang ibang nakaniig sa mundong iyon maliban kay Garreth ay iisipin na rin niyang anak niya ang batang iyon.Kakaiba kasi ang pakiramdam na hatid nito sa kanya. Napakapamilyar kasi nito sa kanya, kahit na alam naman siya, at siguradong-sigurado pa, na hindi pa niya nakikita kahit na isang beses ang batang iyon. Hinagilap na rin niya sa kanyang alaala ang imahe nito, ngunit walang tumatama.Ibig sabihin ay hindi pa talaga niya ito nakikita kahit na isang beses bago iyong pagkikita nila sa labas ng fast food.Gayunpaman ay hindi niya maipaliwanag
Sandaling tumitig nang mataman si Garreth sa mga mata ni Ellaine. Tila pinag-iisipan nitong mabuti ang mga susunod na sasabihin.Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Ellaine. Nakaramdam siya ng kaunting pagkadismaya na tila hindi pabor si Garreth sa nais niya, ngunit kaagad naman niya iyong ipinagsawalang-bahala. Hindi naman talaga dapat binibigla ang mga paksang katulad ng pag-aampon. Maraming mga factors na kailangang pag-isipan, lalong-lalo na at isang musmos na kaisipan na maaaring maraming mga paghihirap na pinagdaanan ang siya niyang napupusuang kupkupin.Kahit na naiintindihan ni Ellaine ang bagay na iyon, lumala pa rin ang pagkadismayang kanyang nararamdaman sa mga sunod na salitang binigkas ni Garreth. “I think you really have to think about this before you make any decision.”“You&rdquo
Raze and Anjie had already started to notice Cas’s strange behavior. Well, not necessarily “strange”, really, just… uncustomary. Sanay kasi sila sa karaniwan nang pang-araw-araw na routines ng kanilang bunsong kapatid. Bihira lamang iyon maabala o magbago.Kaya naman nang napansin ng dalawa na tila bahagyang nagbago ang nakagawian nito ay medyo nagtaka na sila. Noong una ay hinayaan lamang nila ito. Kahit naman triplets sila at magkakapatid ay may mga pagkakataon pa rin na mas gusto nilang gawin ang ibang bagay nang mag-isa at hindi kasama ang isa’t isa.“When will you let us meet your friend, Cas?” usisa ni Anjie nang minsan ay hindi na ito nakatiis.“Soon.” ang laging simpleng sagot ni Cas.“That&
Normal lang naman sa mga magkakapatid ang hindi pagkakasunduan, pero ang madalas na nagkakaroon ng pagtatalo ay sina Anjie at Raze. Kapag nangyayari ang gayon, si Cas ang nananatiling neutral at siya ring umaawat sa dalawa. Cas seldom has seldom quarrelled nor had any disagreements with either Anjie or Raze, so it came as a surprise to him to experience a conflict with them the first time, not only with one of them but with both.Bilang siyang bunso, madalas siyang pinagbibigyan at naii-spoil ng mga nakatatandang kapatid, kahit na ilang oras lang naman ang tanda ng mga ito sa kanya. Kaya naman ang kanilang kasalukuyang sitwasyon, sina Anjie at Raze na nakatayos sa kanyang harapan at parehong bakas ang pagtatampo kay Cas, ay naghatid ng pagka-hindi mapalagay kay Cas. Hindi tuloy nito alam kung ano ang sasabihin o gagawin para amuhin ang dalawang mga kapatid.
Sandali pa silang naghintay doon. Umaasa si Cas na sa araw na iyon babalik ang kanyang kaibigan. Sinamahan naman siya nina Anjie at Raze. Ngunit lumipas ang oras hanggang sa tumunog ang warning bell na siyang hudyat na kailangan na nilang bumalik sa kanilang classroom ay hindi pa rin bumalik ang kaibigan ni Cas.Napansin ng kanyang mga kapatid ang unti-unting paglungkot at panlulumo ng kanyang ekspresyon na siyang nagdulot ng pag-aalala sa dalawa.“Don’t be sad, Cas,” Anjie comforted his younger brother, “Your friend must be busy doing something and forgot the time.”Hindi pa rin napigilan ni Cas ang lungkot na nararamdaman. Nag-aalala rin siya na baka hindi na bumalik ang kanyang kaibigan at hindi na sila muli pang magkikita.Bahagya
Katulad ng kanilang nakagawian pagkauwi galing sa school, nagbeso ang tatlong bata kina Ellaine at Garreth. Sandali silang nagkatinginan dahil pareho nilang napansin na tila matamlay ang tatlo. Tahimik lamang sina Raze at Anjie at hindi nag-uunahang maikuwento sa kanila ang lahat ng nangyari at ginawa nila sa school. Wala rin ang ngiti ng mga ito.Bukod pa roon ay napansin ni Ellaine na maya’t mayang tinatapunan ng nag-aalangang tingin nina Raze at Anjie si Cas na mas walang imik kaysa sa karaniwan.Nahulaan na agad ni Ellaine na nagkaroon ng pagtatalo ang tatlo. Medyo nabigla siya dahil tila ang dalawang nakatatanda ang nasa isang panig at si Cas naman ang nasa kabila. Ito ang unang beses iyong nangyari. Hindi niya maiwasang mapaisip kung ano ang dahlan ng hindi nila pagkakasundo.Hindi maiwasan ni Ella
Sa tabi ng kuwarto ng triplets ay ang kanilang shared playroom at siya ring nagsisilbing study room ng tatlo. That’s where Elliaine found Cas.Kaiba sa pangkaraniwan nitong ginagawa kapag nasa silid na iyon, nakaupo ito sa child-sized na writing desk at chair at kasalukuyang nagkukulay sa isang pahina ng farm animal na coloring book nito.Naupo si Ellaine sa katabing bakanteng silya sa tabi nito. “Hello, darling.”“Hello, Mommy,” walang siglang sagot ni Cas nang hindi tumitigil sa ginagawa nito.“Feeling sad?”Ilang minutong hindi sumagot si Cas. Ellaine waited patiently.“My friend is gone.” pagkuway bulong ni Cas.
Natuldukan lamang ang katahimikan at pag-aalangan sa pagitan ni Cas at ng batang lalaki dahil sa isang kakaibang ingay– ang kanilang kumukulong tiyan dala ng gutom.Tila natauhan si Cas at hinawakan sa kamay ang batang lalaki. “Kain na tayo,” pagyayaya niya rito. Ipinakita pa nito ang dalang punong-punong lunch box na para talaga sa kanilang dalawa.Tinitigan ng batang lalaki ang maputing kamay na siyang nakakapit sa isa niyang kamay.Napakalaki ng pagkakaiba nila. Maputi ang balat nito, malambot ang palad, maiikli ang mga kuko. At malinis. Walang kahit na anong mantsa o dumi roon. Sa maliit na distansya nila ay naaamoy rin niya ang halimuyak nito na dahil siguro sa pabango o pulbo na ginamit nito. Hindi pa niya nararanasang makagamit ng mga gayon.