Nagising ako dahil sa ingay. Mga babaeng umiiyak, nagmamakaawang mga sigaw. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa. Unti unting tumulo ang mga luha ko, nais kong pigilan ngunit tila di ito nagpapaawat, naririnig ko ang pag ragasa ng saganang ulan na tila ba nakikiramay sa akin. Sinubukan kong kumilos, pero sobrang bigat ng katawan ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay wala akong makita. Madilim. Walang kahit na anong makikita bukod sa dilim. Ngunit ang iyak ng mga taong nandidito ay tila mas malakas pa sa ingay na gawa ng ulan. Nararamdaman ko ang mabigat at matigas na bagay na nakapulupot sa aking buong katawan. Hilong hilo ako, para akong nanggaling sa napakatagal na pagtulog, pero inaantok pa rin ako. Wala akong ibang magawa kundi umiyak, naguunahan ang mga luha ko ngunit walang hagulgol na lumalabas sa bibig ko.  
Read more