Home / Romance / The Kindhearted Revenge / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Kindhearted Revenge: Chapter 1 - Chapter 10

17 Chapters

CHAPTER 1

… Kapakanan ng isa o ang kapakanan ng nakararami.  “Ernesto, bilisan mo riyan!” garalgal na sigaw ni Maria sa asawa, pilit pinipigilan ang maluha habang tinatanggal ang mga picture frame sa dingding. Kailangan ay bago sumapit ang hapon ay matapos na sila sa ginagawa.“Ma, a-anong nangyari at magulo ang bahay?” bungad ni Shiela sa kaniya nang makauwi galing sa eskwelahan ay ganoon na lamang ang nadatnan.“Oh— Bakit nandito ka na?” natigilang ani niya. “Hindi ba’t oras pa ng klase mo? Mamaya pa ang tapos niyo.” Pasimple siyang tumalikod sa anak at pinahiran ang pisngi nang may lumandas na mga luha.Nagtatakang lumapit si Shiela bago sumagot. “Mama, Friday po ngayon, maaga po ang labasan namin.”“Ganoon ba, nakalimutan ko.” Wala sa sariling tugon niya at tinuloy ang ginagawa.“Ano ho ang ginagawa niyo at tinatanggal niyo a
Read more

CHAPTER 2

WALA sa sariling naglakad siya sa katirikan ng araw, hindi alam kung saan siya patungo. Ang init ng araw ay tumatama sa balat niyang maputi at makinis na alaga ng kaniyang yumao ng ina. Mula pa kagabi siyang palakad-lakad at walang kain, sumasakit na rin ang tiyan niya sa gutom. Gusto niya sanang humingi ng tulong kaya lang ay malinaw sa kaniya ang paglayo at pag-iwas ng mga tao. Mabilis ang mga itong iiwas sa kaniya kapag malapit na siya at ang iba ay kusa nang lumalayo makita pa lamang siya. Ang mga kapwa niya bata ay tinatawanan siya at may mga ilan namang tinatapunan lang siya ng tingin pero wala rin namang mga pakialam. Bakas ang pandidiri sa mga mata nila dahil sa itsura niyang pulos dumi at amoy hayop dahil sa kumapit na amoy ng mga alaga niyang ginuea pig.    Makalipas pa ang ilang oras na paglalakad ay nanginginig at nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa init at gutom. Naninilim na rin ang kaniyang paningin. Ilan pang hakbang ang naga
Read more

CHAPTER 3

‘GAYA ng gusto ni Cindy at ng mama Jessa niya ay umalis nga siya. Hindi siya napigilan ng papa Mario niya, bagkus ay nangako na lamang siyang magiging maayos ang buhay niya sa kung ano mang kahihinatnan niya.   Tulad dati ay nagpapalakad-lakad lamang siya, walang patutunguhan, walang destinasyon, ang kaibahan lang ay nasa tamag pag-iisip na siya ngayon.   Hindi niya kinuha ang perang ibinigay ng papa Mario niya sa kaniya. Sobra-sobra na ang ginawa nitong pagtulong sa kaniya. At balang araw ay makakabawi rin siya rito. Magiging maayos din ang buhay niya.   Naghahanap na siya ng pwedeng matuluyan sa tabing kalsada kung saan siya inabutan ng dilim. Marami namang mga batang pagala-gala rito, kaya ayos lang kung matutulog siya katabi ng mga ito. Itutulog niya na lang ang gutom at bukas na lang siya maghahanap ng makakain.  Manglilimos siya. Iyon ang nasa isip niya ng gabing iyon. Alam niyang yun din ang ginagawa
Read more

CHAPTER 4

Maaga pa noong itinaboy siya ni Gino paalis sa tindahan nito. Nasabi niya rin kasing ilang oras din ang layo ng tinitirhan niya mula rito sa Tondo. Pero ang planong pag-uwi ay naantala ng pasyahin niyang manatili muna nang ilang oras.  Nilibot niya muna ang Tondo habang masayang sinasariwa ang mga alaala nila ng mga kaibigan. Natatawang umiling siya nang mapagtantong namiss niya ang mga pinagdaanan nilang magkakaibigan. Pwede pala ‘yun? Mamiss ng isang pulis ang magnakaw? Kung malalaman ito ng papa Toper niya ay baka mabatukan pa siya.  Marami nga talagang magbabago kasabay ng paglipas ng panahon. Malaki rin ang pinagbago ng lugar. Ang dating palengke na madalas nilang ikutan noon ay isa na ngayong mall. Hindi na rin pamilyar ang mga mukhang nakikita niya, kung hindi mga nagsitanda ay maaga namang namaalam ang mga taong naging saksi sa mga kasalanan niya.  Mas marami na rin ang mga tao ngayon na kung
Read more

CHAPTER 5

Isang nakakapagod na araw na naman ito para sa station nila Raven, katatapos lang ng lunch break nila nang may tumawag sa kanilang station. Nagka-emergency daw sa Mabisco Corporation, may nagpakamatay.   Nagmamadali nilang inayos ang sarili at umalis. Kasama niya sina Catherine at Oliver. Nang makarating sa lugar ay mabibilis ang kilos nilang bumaba sa sasakyan at tinakbo papasok ang malaking kompanya.   Mabisco Corporation. Natigil siya sa pagtakbo nang mabasa ang pangalang iyon ng kumpanya. Bakit parang pamilyar?   “What are you still doing here? Let’s go!” ani Inspector David at nauna nang maglakad. Luminga siya sa paligid, wala na rin pala sina Christine.   Maraming empleyado ang nadatnan nila na nakikiusyoso sa nangyari. Ang bangkay ng biktima ay nandoon pa rin, nakaupo ito sa swivel chair, hawak ang kaliwang dibdib habang nakalaylay ang ikaliwang pulsuhan na
Read more

CHAPTER 6

Hindi niya inaasahang makatatanggap sa araw na iyon nang tawag mula sa sekretarya ni Mr. Mabisco. Iniimbitahan raw siya nito sa kumpanya nito. Wala mang ideya kung bakit ay pumunta pa rin siya. Baka may gusto itong itanong tungkol sa kaso, ilang araw na rin kasi ang lumipas pero wala pang malinaw na lead kung sino ang salarin. “Maupo ka,” alok ni Mr. Mabisco sa kaniya nang nasa opisina na siya nito. May kasama itong babae na mukhang kasing kaedaran lang nila ni Christine, ito marahil ang anak ng lalaki. Lumapit ito sa lamesa at nagsalita sa intercom, “Cindy, bring three cups of coffee in my office.” Cindy? Cindy Ricarpio? Ito ba ang Cindy na kakilala niya? Pero baka hindi rin, marami ang may ganoong pangalan sa mundo. “By the way, this is Divine, my daughter.” Napamulagat siya sa pagsasalita ng lalaki
Read more

CHAPTER 7

Araw ng linggo ang nakagawian nilang pamamasyal ng kaniyang papa Toper. Parehas silang walang pasok tuwing linggo at iyon lang din ang araw na maghapon nilang makikita at makakasama ang isa’t isa. Sa umaga at gabi na lang kasi sila nagkakakitaan kapag weekdays dahil sa trabaho nila. Nagsisimba muna sila sa umaga at mamamasyal pagkatapos. Nang linggong iyon ay sa mall siya nag-aya matapos nila sa simbahan, kailangan na rin kasi nilang mag-grocery at may bibilhin din siya. Naghiwalay sila ng ama nang nasa department store na sila. Inabala niya ang sarili sa pamimili ng mga damit na dadalhin niya sa mga batang lansangan na nakilala niya ilang linggo na ang nakalilipas. Balak niyang isama ang mga bata sa bahay ampunan na malapit lang sa kanila. Sana lang ay sumama sa kaniya ang mga bata. Doon ay kilala niya ang mga sister na mag-aalaga sa mga bata, panatag ang loob niyang magiging maayos ang lagay ng mga ito. Nagmamada
Read more

CHAPTER 8

Mag-dadalawang linggo na rin mula noong maging bodyguard siya ng anak ni Mr. Mabisco at hanggang ngayon, wala pa ring update sa kaso. Bumagal ang imbestigasyon dahil wala pa rin silang makuhang ebidensiya na makapagtuturo kung sino ang pumatay sa biktima. Walang naiwang fingerprints sa crime scene at sa katawan nito.   Pagkalason ang ikinamatay ng biktima, nakumpirma rin na ang ginamit na lason ay Cyanide na nakita nila Norman pero walang na-detect na fingerprints sa bote at sa kutsilyo na ginamit sa paglaslas. Kahit ang fingerprints ng biktima ay wala roon. Nakakapagtaka ring sira ang CCTV sa buong floor ng opisina ni President Divine at sa parking lot. Iniimbestigahan na rin ito pero hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na lead.   Wala namang kakaibang banta sa buhay ni Ms. Divine. Payapa naman ang pagiging bodyguard niya rito. Wala ring kakaibang ginagawa si Mr. Alejo at hindi na niya ito muling natyempuhang kausap si Fatima. Naitanong
Read more

CHAPTER 9

“Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!”   Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION.   “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae.   “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!”   “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel.   Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”  
Read more

CHAPTER 10

MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi.   Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito.   Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito!   Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status