Share

CHAPTER 9

Author: arcaizzzz
last update Last Updated: 2021-10-23 10:46:00

“Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!”

Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION.

“Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae.

“Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!”

“Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel.

Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”

“Ganoon na nga,”

“At kung ayaw ko?”

“Diyan tayo ‘di magkakasundo!” mapanganib na sagot nito.

Nabuhay ang saya ng bata ng makita ang amang gumagapang papalapit sa mga lalaking iyon. Ngunit hindi pa man nakakalapit ay binaril na ito sa magkabilang binti.

“Ma, ‘wag na ‘wag mong pipirmahan ‘yan!” nahihirapang sigaw ng lalaki.

Patakbong nilapitan ng babae ang lalaking duguan at niyakap ito. “Pero paano ka?”

“Puta, drama!” ani ng lalaking may katandaan na at tinutukan ng baril ang lalaki.

“Ngayon, gagawin mo ba o pasasabugin ko ang bungo ng mahal mong asawa?”

“Ma, piliin mo ang dapat! Piliin mo ang kapakanan ng marami kaysa sa’kin!” Ani ng lalaki at bigla nitong inagaw ang baril na hawak ng matandang lalaki, inilapit ang dulo sa sariling ulo at kinalabit ang gatilyo.

“Ernestooooooo!!!!”

“PAPAAAAAA!”

Napabalikwas siya ng bangon at habol ang hiningang kinalma ang sarili. Napasinghap siya sa hangin ng mapagtantong panaginip lang iyon. 

Mabisco Corporatin?? May kinalaman ba ito? sambit niya sa sarili.

Nilingon niya ang orasan na nakapatong sa maliit na mesa sa tabi niya. Alas tres pa lang pala ng madaling araw.  Sinubukan pa niyang matulog ulit ngunit hindi na siya dinalaw ng antok.

Walang pasok sa opisina si Divine at day off niya ngayong araw dahil linggo na naman.

Kanina lang din ay tinawagan siya ni Cindy at inanyayahan siyang bumisita sa bahay nito na agad naman niyang pinaunlakan. Sabik na siyang makita ang Papa Mario niya! 

“Cindy?” pigil niya sa babae bago tuluyang makapasok sa bahay.

“Bakit?” nagtatakang tanong nito.

“May ipapakiusap lang sana ako sa’yo, gusto ko sanang huwag mong sabihin sa kanila na magkakilala tayo.” 

“Kanino? Kila mama at papa?” takang tanong nito.

“Hindi, sa opisina sana at sa kahit na sinong magtanong.”

“Ha? Bakit?”

“Pwede bang hindi ko na sabihin ang dahilan?”

“B-bahala ka, okay lang naman sa’kin.” Kibit-balikat na sagot nito. Napangiti siya, maaasahan talaga ang kaibigan. “Ahh…” biglang bulalas nito. “Pero si Inspector… Inspector David Cruz ba ‘yun? Nandito siya noong nakaraan at naitanong ka niya sa’kin, may mga nasabi akong tungkol sa’yo. Wala ka namang dapat ikabahala dahil wala naman akong nasabing masama.” Malapad itong ngumiti sa kaniya na alanganin niyang tinugon din ng ngiti.

Ano bang iniisip ni David para makichismiss sa buhay ko?

Hindi halos siya nakilala ng mag-asawang Ricarpio nang makita siya. Tuwang-tuwa ang dalawa sa muli nilang pagkikita. Ang Mama Jessa niya ay humingi ng tawad sa nagawa nito sa kaniya noon.

Hindi matapos-tapos ang kwentuhan nila tungkol sa naging buhay niya. Hindi niya naman inaasahang magtatanong ang Papa Mario niya tungkol sa paghihiganti niya dati. Hindi niya sinabi rito ang totoo, sinabi niya lang na wala na siyang anumang balita sa mga taong iyon hanggang ngayon. Ayaw niya itong pag-alalahin kung sakaling sasabihin niya man. 

Pauwi na siya mula sa bahay nila Cindy nang maalala ang Papa Toper niya na bilhan ng ensaymadang paborito nito sa nadaanang bakery shop. 

Sasakay na sana siya sa kotse nang mapansin ang paalis na pulang kotse mula sa eskinita. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang kotse ni Divine. May isa pang kotse na lumabas at sinundan ang sasakyan ni Divine.

Dali-dali siyang sumakay at pinaharurot pasunod sa dalawang sasakyan. Nasa unahan niya ang isang itim na kotse.

Ayaw man niyang mawala sa paningin ang mga ito ay hindi iyon ang nangyari. Humarurot ang dalawang kotse at siya naman ay naabutan ng stop light. Ngunit pasalamat pa rin siya at matalas ang kaniyang memorya, nakabisa niya ang plate number ng itim na kotse.

KINABUKASAN ay sinundo niya sa bahay ng Mabisco si Divine. Hindi siya nagkamali, kotse nga iyon ng babae at iyon rin ang gamit nila ngayon. 

Habang nasa elevator ay hindi niya napigilang titigan ang babae. Sino kaya ang sakay noong itim na kotse? At bakit hindi na naman ito nagsabing aalis? Iiwas na sana siya nang mapansin ang sugat nito sa noo at kalmot sa leeg. 

Saan niya nakuha ang mga ‘yon?

“I slipped last night, don't mind it.” natinag siya sa sinabi nito. Napansin pala nito ang pagtitig niya.

“Ma'am Divine, pwede ho bang mauna na kayo, naiihi ho kasi ako.” paalam niya rito.

“Buy me a coffee.” Ani nito tsaka tuluyang lumabas ng elevator.

Bumaba na siya, dumiretso muna siya sa CR bago lumabas ng building upang bumili ng kape ni Divine.

“One coffee please the usual order of Miss Divine Mabisco.” aniya sa cashier ng Grinder Café. Regular customer dito si Ms. Divine kaya alam na nila ang preferred coffee nito.

Naghintay pa siya ng ilang minuto para sa order niya.

Papasok na siya ng building nang may huminto na sasakyan sa harap niya at iniluwa non si Mr. Alejo. The car is quite familiar, hawig iyon noong kotse kagabi. Pasimple siyang lumakad papunta sa likod ng sasakyan upang makita ang plate number nito.

“Gotcha!”

“Miss Cruz?” nagulat siya nang may magsalita sa tagiliran niya. Ang hayop na si Alejo.

“Yes, Mr. Alejo?” 

“Titig na titig ka sa kotse ko. Is there any problem?” tanong nitong sinulyapan ang kanina niyang tinitingan bago nagtatakang nilingon siya.

“No, Mr. Alejo. I was just amazed at your car, it looks expensive.”

Tumikhim ito at inayos ang suot na tie bago nagsalita. “Well, yeah. It's the new release of Bentley for this year 2018, the Bentley Continental GT.” mayabang na sambit nito.

Ngumisi siya rito, “I see,”

Nawala ang yabang nito sa nakitang pag-ngisi niya, tumingin ito sa relo, “Oh, I have to go. See you around, Miss Cruz.”

Kibit-balikat siyang tumango rito. Gusto niyang sapakin ang lalaki!

Napapitlag siya nang mag-vibrate ang cellphone niya, kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.

Hello, Gino?” sagot niya sa kabilang linya. Okay, I'm on my way

Mabilis niyang tinawagan si Divine at nagpaalam ditong may emergency siyang sasaglitin. Mabilis naman siya nitong pinayagan. Pinag-utos niya na lang kay Kuya Liam ang kape ni Ms. Divine na ihatid sa office nito.

Bumalik siya sa bahay niya upang kunin ang sariling sasakyan tsaka pinaharurot patungong Bulacan. 

Sa Bulacan raw natagpuan ni Gino ang isa sa may kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang niya. 

“Dito na ba ‘yun?” Tanong niya sa lalaki.

“Oo. Diyan siya nakatira,” turo nito sa bahay 'di kalayuan sa kinatatayuan nila.

“Got it!” sagot niya at sinuot ang itim na sombrero, nagsuot din siya ng mask para matakpan ang mukha niya.

“Huwag mong sabihin na papasukin mo yung bahay?” 

“Then don’t ask, so I won’t say.” ngiting aniya nang maisuot ang gloves.

“Delikado, Ella” nag-aalalang anas nito.

“Nakakalimutan mo yatang pulis ang kaharap mo, walang delikado, Gino.”

“Siraulo ka talaga! Basta ako dito lang ako.” 

“Okay. Magmanman ka riyan.”

Dumaan siya sa likuran ng bahay. Hindi niya inakala na ganito kataas ang pader sa bahay. Buti na lang ay may dala siyang mga gamit na makatutulong sa kaniya.

Napanganga na lang siya noong nasa tuktok na siya ng puno. Hindi lang ito basta bahay, katulad kila Mr. Mabisco ay mansiyon din ang isang ‘to! Mukhang hindi biro ang mga kakalabanin niya!

Hindi rin naging mahirap ang pagbaba niya, naghintay pa siya ng ilang sandali para makahanap ng tiyempo dahil may iilang tauhan ang nagroronda.

Nagmasid muna siya bago tuluyang binuksan ang pinto sa likuran. Para siyang magnanakaw. Sabagay ninakaw na ng mga taong ito ang buhay ng mga magulang niya, ngayon panahon na para magbayad sila.

Tahimik ang loob ng bahay, mukhang walang tao. Malinis sa kusina at sa sala pero hindi pa rin siya nagpakampanti.

Dahan-dahan pero mabilis niyang inakyat ang hagdan. May tatlong pintuan doon sa ikalawang palapag ng bahay.

Marahan niyang pinihit ang siradura ng pinto sa gawing kanan. Walang iyong laman, bakante. Lumipat siya sa pangalawang kwarto at katulad noong una ay bakante rin ito, maging ang ikatlong kwarto ay ganoon din.

Nagtataka man kung bakit walang mga gamit ang mga kwartong iyon ay inakyat na niya ang huling palapag ng bahay.

Doon ay may nakita siyang kwarto, habang tinatangkang buksan ang pinto ay may narinig siyang nag-uusap paakyat ng hagdan. Bago pa man siya tuluyang mahuli ay nakapasok na siya sa kwartong iyon. 

“Sino ka?”

Nanlamig ang buo niyang katawan sa boses na narinig at mayroon ding nakatutok na matigas na bagay sa likuran niya. Nang masulyapan ang isang putter ng golf ay mabilis niyang kinalma ang sarili.

Dahan-dahan siyang humarap dito. Bumungad sa kaniya ang isang lalaking nasa mid-30's, base sa suot nito isa siyang katiwala sa mansyong ito.

Mukhang wala roon ang pakay niya!

Gulat ang gumuhit sa mukha ng lalaki nang mabilis niyang sinalag ang kanang braso nito na may hawak na patalim. Ginamit niya ang pagkakataong iyon upang abutin ang putter at inihampas iyon sa mukha nito.

“Fuck! S-Sino ka? Anong ginagawa mo rito?” nahihirapang tanong nito, sapo ang mukhang tinamaan ng putter.

“Sino ang boss mo?”

“H-hindi ko alam, b-bago lang ako rito” pagsisinungaling ng lalaki. Akala naman nito ay hindi niya ‘yon mahahalata.

“Sasabihin mo o pasasabugin ko ang bungo mo?” inilabas niya ang baril sa kaniyang tagiliran.

“Huwag! Pakiusap maawa ka!”

“Isa, sasabihin mo o hindi?” bilang niya.

“Hindi ko talaga alam!!”

“Dalawa,”

Umiling-iling ito, hindi talaga aamin. Kinasa niya ang baril na hawak at ipinutok iyon sa gilid ng lalaki. Napasigaw ito sa takot.

“Si-Si sir G-George!” takot na sambit nito. George? 

“George?” sinong George? Maraming George sa mundo!

“George Mabisco. Pakiusap 'wag mo akong patayin may mga anak ako.”  Pagmamakaawa nito. 

George Mabisco? Nagpaulit-ulit sa kaniyang isipan ang pangalang iyon.

Natinag siya sa kaniyang pag-iisip nang may nagsusumigaw sa labas ng kwarto. Malakas na hampas sa batok ang ginawa niya upang makatulog ang lalaki. Inikot niya ang paningin sa buong kwarto upang maghanap ng madadaan palabas sa mansyon. Sa 'di inaasahan ay nahagip pa ng mga mata niya ang isang litrato na nakapatong sa side table. Litrato iyon ng lalaki at kilalang-kilala niya iyon. 

“Nandoon!!” rinig niyang sigaw mula sa pinto kasabay nito ang pagdating ng iba pang tauhan at mga putok ng baril. 

Nagmamadali siyang bumaba ng bintana. Kahit na may kataasan ang mansyon na iyon ay sunod-sunod naman ang biranda kaya madali lang siyang makakarating sa unang palapag. 

“Bilisan niyo! Huwag siyang hayaang makalabas!” dinig niyang sigaw ng isa sa mga humahabol sa kaniya.

Mabilis siyang tumakbo pabalik sa dinaanan niya kanina. “Shit!” hiyaw niya ng madaplisan siya ng bala sa kanang hita noong paakyat na siya sa puno. Binunot niya ang baril at binaril ang kamay ng mga tauhang malapit na sa kaniya. Mas binilisan niya ang kilos para makaalis agad bago pa siya mamatay sa kamay ng mga pesteng tauhan ni George Mabisco!

“Patakbuhin mo na, Gino.” sigaw niya ng matanaw si Gino na nag-aalalang nakatingin sa kaniya. Tatakbo pa sana ito para lapitan siya nang sigawan niya ito. “Paandarin mo na!” nagmadali naman nitong binuhay ang sasakyan at nang makapasok siya ay pinaharurot na nito iyon.

Hindi niya alam kung saan na sila napadpad ni Gino. Isang bangin malapit sa kalsada ang hinintuan nila. Mukhang malayo sa syudad ang lugar na iyon.

Inilabas niya na lang sa pagsigaw ang sakit at galit na nararamdaman niya sa oras na iyon.

Hindi niya matanggap na napalapit siya sa taong pumatay sa mga magulang niya at sumira ng buhay niya!

Napahagulhol na lamang siya sa bisig ni Gino. Maraming katanungan ang pumasok sa kaniyang isipan.

James Alejo, George Mabisco I will ruin your lives, just like how you did to mine! Just fucking wait for it!!

Related chapters

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 10

    MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi. Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito. Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito! Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril

    Last Updated : 2021-10-28
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 11

    Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya. Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki! The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya! Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit. “Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit. “Shit! Nasaan naman kaya ako?”

    Last Updated : 2021-10-30
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 12

    “Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na!” patuloy na pangungulit ni David sa kaniya. Kanina pa siya nitong binubwiset. Sigaw nang sigaw at katok nang katok sa labas ng pinto niya. “Go away, David! Shut that damn mouth of yours!” balik sigaw niya rito bago nagtalukbong ng unan. Kailangan niya ng katahimikan! Hindi siya makakapag-isip ng maayos kung patuloy siya nitong kukulitin. Hindi niya alam kung paano sasagutin si David at kung anong sasabihin niya rito. Kailangan niya munang ikalma ang sarili para makapagdesisyon siya ng maayos at hindi padalos-dalos! “Huwag mo akong subukan, Raven! lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong pinto mo.” Banta nito. Mukhang hindi talaga siya papalaring makamtan ang katahimikang hinihiling niya dahil ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog at bumukas ang pinto, tumambad sa kaniya ang galit na si David.

    Last Updated : 2021-11-01
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 13

    Inutusan siya ni Ms. Divine na pumunta sa Baguio para kunin ang ilang dokumento kay Mr. Castro— ang namamahala sa construction ng building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Bilin ni Divine na dalhin iyon kaagad kay Mr. Mabisco kapag nakuha na niya dahil kailangan iyon ng lalaki. Nakakapagtaka lang kung bakit siya ang inutusan nito gayong importante ang dokumento na iyon at may hinala na ang babae sa kaniya. Sinunod na rin niya ang utos, pagkakataon na rin iyon upang makuha ang mga kakailanganin niya, mas magiging alerto na lang siya kung sakaling may pina-plano ang babae. Nasa Kennon road na siya—ang sikat na pakurbang daan sa Baguio—nang mag-ring ang cellphone niya. Mabilis niya iyong sinulyapan at sinagot ang tawag nang makitang ang ama iyon. “Hello, Pa?” sagot niya sa kabilang linya. “Pauwi ka na ba?” Binagalan niya an

    Last Updated : 2021-11-10
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 14

    “Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Ang sabi ng Doctor mo ay makabubuti kung matutulog ka nang matutulog para bumalik agad ang lakas mo.” Ani ng Papa Toper niya habang inaayos ang kumot niya.Apat na araw matapos niyang magising ay hindi umalis sa tabi niya ang ama. Ayon dito ay dalawang linggo rin siyang walang malay at ang nagbantay sa kaniya ay ang kupal na si David. Pero mula naman nang magising siya ay hindi na nagpakita ang lalaki.Nabugbog ang katawan niya sa nangyaring aksidente, na-fractured ang kaliwang braso at binti niya at kumikirot-kirot pa rin ang ulo niya. Sabi ng Doctor ay maari na siyang makauwi sa loob ng tatlong linggo kung magiging maayos ang kalagayan niya. Pero kailangan niyang ipahinga ang braso at binti ng tatlong buwan. And that sucks!Ayon pa sa Doctor ay maswerte siya’t nakaligtas siya sa nangyaring insidente, kung natagalan nga raw ang pagresponde sa k

    Last Updated : 2021-11-14
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 15

    “Ella, delikado!” Protesta ni Cindy nang sabihin ni Raven ang ipapagawa niya rito.Kailangan niya ang mga dokumento ng lupa at bagong building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Kailangan din niya si Cindy para makuha ang mga iyon.“Pakiusap, Cindy, huling pabor ko na ‘to sayo. Ikaw lang ang tanging pweding maglabas-pasok sa office ni George at hindi ka nila paghihinalaan dahil malaki ang tiwala nila sa’yo.”“Iyon na nga, Ella, malaki ang tiwala nila sa akin at ayaw kong sirain ‘yon. Saka tungkol pa rin ba ito kay Mr. Alejo?”Nasabi niya noon kay Cindy ang tungkol kay Alejo, na kasama ang lalaki sa mga pumatay sa magulang niya. Napansin kasi ni Cindy ang disgusto niya at ang matatalim niyang titig dito.“Oo, kaya tulungan mo na ako.” Pagsisinungaling n

    Last Updated : 2021-12-14
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 16

    “You’re three months suspended, PO1 Raven Cruz! I’m not glad to hear you broke the rule, you disappoint me!” sigaw ng kanilang Chief. Kanina pa siya nito pinapagalitan at wala siyang ibang nagawa kundi ang yumuko. Nakarating na sa Chief nila ang ginawa niyang pag-iimbestiga sa kaso ni Ms. Ayleen kahit tinanggal na siya roon, at ang naging kapalit nito ay suspensiyon.Aminado naman siyang kasalanan niya at handa naman siyang tanggapin ang kaparusahan. Nakakainis lang na halos apat na buwan siyang nawala sa serbisyo dahil sa pagpapagaling tapos ngayon naman ay tatlong buwan siyang suspendido!“Are you listening, Officer?”Napapitlag siya at mabilis na nagtaas ng ulo sa kaharap. “Yes, sir!” sigaw na tugon niya.Napasentido ito at napailing-iling. “You were such an outstanding officer; you did

    Last Updated : 2022-01-01
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 17

    Tatlong araw nang hindi nagkikibuan ang mag-ama, hindi na rin alam ni Raven kung paano pag-aayusin ang dalawa. Naguguluhan na rin siya sa mga kinikilos ni David. May gusto ba siya sa ‘kin? Pero imposible naman ‘yon, isa pa magkapatid kami. “Satingin mo sapat na kaya itong mga nakuha nating mga dokumento para mapakulong si George?” tanong ni Gino na nagpahinto sa kaniyang pag-iisip. “Hindi pa, kailangan niyang mabulok sa kulungan.” Tiim bagang banggit ni Raven. Napailing na lang si Gino sa kaniya. Kahit anong pigil niya sa kaibigan ay hindi niya ito mapipigilan desidido na talaga ang dalaga sa pagpapakulong kay George. Agad naman silang napalingon sa pintuan ng marinig ang ingay ng pagbukas at sara ng gate, sinyales na may taong paparating. Mabilis silang kumilos upang itago ang mga papel na hawak. “Oh, andito ka pala Gino” ang papa Toper niya. “Oho, kina

    Last Updated : 2022-03-01

Latest chapter

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 9

    “Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”

DMCA.com Protection Status