Maaga pa noong itinaboy siya ni Gino paalis sa tindahan nito. Nasabi niya rin kasing ilang oras din ang layo ng tinitirhan niya mula rito sa Tondo. Pero ang planong pag-uwi ay naantala ng pasyahin niyang manatili muna nang ilang oras.
Nilibot niya muna ang Tondo habang masayang sinasariwa ang mga alaala nila ng mga kaibigan. Natatawang umiling siya nang mapagtantong namiss niya ang mga pinagdaanan nilang magkakaibigan. Pwede pala ‘yun? Mamiss ng isang pulis ang magnakaw? Kung malalaman ito ng papa Toper niya ay baka mabatukan pa siya.
Marami nga talagang magbabago kasabay ng paglipas ng panahon. Malaki rin ang pinagbago ng lugar. Ang dating palengke na madalas nilang ikutan noon ay isa na ngayong mall. Hindi na rin pamilyar ang mga mukhang nakikita niya, kung hindi mga nagsitanda ay maaga namang namaalam ang mga taong naging saksi sa mga kasalanan niya.
Mas marami na rin ang mga tao ngayon na kung susumahin ay mas malaki ang bilang nang mga bata. Bata na katulad niya noon ay walang sariling tirahan at umaasa sa masama para makaraos sa buhay.
“Ate, palimos po,” napukaw ang atensiyon niya ng may batang humila-hila sa laylayan ng damit niya. Yumuko siya para makita ang tatlong bata na nakalahad ang mga kamay sa kaniya at nanghihingi ng limos.
“Pangkain lang, ‘te!”
“Kahit barya lang, ‘te. Sige na oh, gutom na kami eh!”
Yumukod siya para pumantay sa mga bata at nginitian ang mga ito. “Gutom na kayo? Gusto niyo bang kumain?” mabilis na sunod-sunod ang ginawang pagtango ng mga bata. “Sure, kakain tayo. Saan niyo ba gusto? May gusto ba kayong kainin?”
“Jollibee!” sabay-sabay na sagot ng mga ito.
Sa loob ng mall sila pumunta dahil nandoon ang pinakamalapit na branch ng Jollibee. Naisama niya sa loob ang mga bata, ayaw pa nga itong papasukin ng guard sa pag-aakalang manlilimos lang ang mga ito sa loob. Sa Jollibee agad sila dumiretso. Pumila siya sa kaunti ang tao para mabilis makakain ang mga bata. Nilingon niya ang mga kasama, galak na galak ang mga ito, masayang naghanap ng mapupwestuhan at ngiting-ngiti na umupo roon.
Nang makaorder ay tinabihan niya ang mga bata habang hinihintay ang kanilang pagkain. Nagkwentuhan sila, nalaman niya na magkapatid sina Nara at Mara, matagal na itong mga palaboy, ayon sa dalawang bata ay lumaki na talaga sila sa kalsada. Hindi na rin nila maalala kung may mga magulang ba sila o wala. Hindi rin ng mga ito alam kung ilang taon na ba sila. Kung siya ang tatanungin, siguro ay nasa labing-dalawang taong gulang si Mara at si Nara ay nasa sampong taong gulang. Si Loleth naman ay magdadalawang taon pa lang sa kalsada, pinalayas daw ito ng mga anak ng nanay niya sa bago nitong asawa, ayaw na rin naman daw doon ni Loleth dahil bukod sa sinasaktan siya ng ama-amahan ay muntik na raw siya nitong pagsamantalahan. Minabuti na lang din nitong umalis kaysa hayaan ang lalaki na sirain ang buhay niya.
Sa mga sandaling iyon ay para siyang bumalik sa dati. Nanariwa ang nakaraan, bakit kaya katulad nila ay kailangan maranasan ng mga batang ito ang kalupitan ng mundo sa murang edad? Maaga pa ay tinanggalan na ang mga ito ng karapatang sumaya at maranasan ang mga nararanasan ng ibang kapwa nila bata. Maaga silang minulat ng mundo sa totoong hirap ng buhay.
Nasasabik na nilantakan ng mga bata ang mga pagkain nang maihatid sa kanila ang lahat ng in-order niya. Mabibilis ang ginawa nilang pagsubo, sobrang nagagalak sa dami nang pagkain na nakahain sa harap ng mga ito. Matapos kumain ay nagtake out siya para naman sa ibang mga bata na kasamahan nila Loleth. Dinala niya rin ang mga ito sa department store, bumili siya ng ilang pares ng damit para magkaroon ng pamalit ang mga bata. Dumaan din sila sa grocery store, binili niya ang mga bata ng ilang tinapay, biscuit, at tubig. Sasapat para may makain ang mga bata nang ilang araw habang hindi pa niya ito nababalikan. Matapos mamili ay inihatid niya sina Nara sa mga kaibigan ng mga ito. Nang masiguro na maayos naman ang mga bata at lahat ay kumakain na, nagpaalam na rin siyang aalis na. Isa-isang nagpasalamat ang mga bata sa kaniya na may matamis na ngiti sa mga labi.
AKMANG sasakay na siya sa sasakyan ng may marinig siyang kumosyon sa ‘di kalayuan, mula sa kumpol ng mga taong naglalakad ay lumabas ang batang lalaki na mabilis na tumatakbo. Kasunod nito ay ang malalakas na sigaw ng isang babae. “Magnanakaw!! Magnanakaw!! Yung bag ko, tulong! Magnanakaw!!” tarantang pagsisisigaw nito. Mabilis lumampas sa harap niya ang batang lalaki, nang matauhan ay tatakbuhin niya sana ang bata ng may marahas na pwersa ang bumunggo sa kaniya na kamuntikan na niyang ikabuwal. Nang makabawi ay tiningnan niya ang bagay na iyon para lamang magalit dahil tao ang bumunggo sa kaniya at hindi man lang humingi ng tawad ang hudyo! Hinahabol nito ang batang lalaki.
Sa galit ay sumunod siya sa mga ito. Naabutan niyang hawak ng lalaking bumunggo sa kaniya ang bata habang pinapagalitan. Mangiyak-ngiyak naman ang bata habang nagpapaliwanag.
“—umiyak dahil kahit ano pang paliwanag mo, dadalhin pa rin kita sa presinto para itawag ka sa DSWD!”
“Huwag po! Hindi na po ako magnanakaw. Huwag niyo lang po ako dalhin sa presinto!”
Humalakhak ang lalaki sa sinabi ng bata. “Hindi na ako madadala sa ganiyan, Totoy! Tara na.” ani nito at kinaladkad ang bata. Dito na pumalahaw nang iyak ang kawawang bata. Nagmamakaawa sa lalaki para hindi siya isama pero bingi at bulag ito sa mga pakiusap niya.
Malalim siyang bumuntong hininga. Lumapit siya sa mga ito at pinigil sa palapulsuhan ang lalaki. Lihim siyang napangiwi ng hindi magkasya sa palad niya ang pulsuhan nito. Inis siyang nilingon ng lalaki. Aba, ito pa talaga ang may kapal ng mukha na mainis sa kaniya! Tinaasan niya ito ng kilay at mas hinigpitan ang hawak sa pulsuhan nito, maging ang mga kuko niya ay inilubog niya sa balat nito kaya naman napaaray na hinaklit nito ang sariling braso. Kinuha iyong oportunidad ng bata para makalayo, mabilis itong tumakbo palayo sa kanila.
“Who the hell are you?” galit na bulalas nito. Salubong ang kilay at matalim ang tinging ibinato sa kaniya. Pinantayan niya ang intensidad ng titig nito. Hindi siya magpapasindak sa isang hudyo! Tinaasan niya rin ito ng isang kilay at tinarayan niya ang bukas ng kaniyang mukha. “Ano bang problema mo, Miss? Dahil sa’yo nakatakas tuloy yung bata!”
“Hindi mo kailangan kaladkarin yung bata, nasasaktan siya sa ginagawa mo!” inis na anas niya. Walang puso ang isang ‘to! Oo nga’t mali ang ginawa ng bata, pero hindi naman nito kailangan daanin sa dahas. Bata pa rin ito at siya ay matanda, wala itong laban sa kaniya.
“Ano bang pakialam mo? Don’t you know? That kid is a thief and he’s been doing that for years now! At may karapatan akong hulihin siya dahil pulis ako.”
“May karapatan ka nga, pero wala kang karapatan para saktan ang bata! I know, dahil pulis din ako!” halata ang gulat nito sa sinabi niya, tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa na para bang makukumpirma nito ang narinig sa ginagawa.
Tumaas ang sulok ng labi nito at nanunuyang tinawanan siya. “I know this tactics, Miss!” ani nito at hinablot ang braso niya at pinaikot sa likuran niya, “and since pinatakas mo na ang kasamahan mo, ikaw na lang ang ikukulong ko!” bulong nito sa kaniya at naramdaman na lang niyang nakaposas na ang mga kamay niya. “Alam mo, hindi mo dapat tinuturuan ang mga bata na magnakaw. Huwag mo silang kunsintihing gumawa ng masama! Tsk!”
“Jerk! Isa kang malaking gago! Pakawalan mo ako!” kinaladkad siya nito, “sinabi ng pakawalan mo ako! Hindi ko kilala yung bata at hindi ko sila kinukunsinting gumawa ng masama! Pakawalan mo ako, bwisit ka!” Tumigil ito sa harap ng isang sasakyan, binuksan ang pinto ng passenger seat at marahan siyang tinulak papasok. Bago pa man nito masara ang pinto ay iniharang na niya ang paa niya at galit na tiningala ito. “Hindi ka ba marunong umintindi? Sinabi ko na ngang hindi ko kilala yung bata at pulis ako! Pulis!” pinanlakihan lang siya nito ng mata at hindi pinansin ang paliwanag niya.
“Sa presinto ka na lang magpaliwanag, Miss. Now, shut up and stay calm!” inis na sinipa niya ang compartment na nasa harap niya na ikinalaki nang mata ng kasama niya. Malakas itong napasinghap at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.
“Huwag ka ngang gago at pakinggan mo ako! Kanina ka pa, yung bata hindi mo rin pinapakinggan. Nakikiusap na sa’yong hindi na uulit pero anong ginawa mo? Dinaan mo pa sa dahas maisama mo lang! Tapos ngayon namimilit ka pa, harassment ‘to, aba!” napanganga ito sa ginawa niyang pagsigaw. May iilan ding nakarinig sa kaniya na tumigil sa paglalakad. Nakikiusyuso!
“Edi ano pa lang gusto mong mangyari, Miss? Hayaan ang mga bata sa ginagawa nilang pagnanakaw dahil bata pa naman ang mga ito? Kung hahayaan silang gumawa ng masama habang bata pa, lalaki ang mga iyan na kriminal! Dapat silang parusahan dahil sa mali nilang ginawa, para habang bata pa alam na nila kung ano ang dapat sa hindi dapat gawin!” ani ng isang babae na sinang-ayunan ng mga nakarinig.
Nagulat siya sa sinabi nito. Pinalibot niya ang tingin, nakakuha na pala sila ng atensiyon nang mangilan-ngilang dumaraan. Ang babaeng nagsalita ay ang nanakawan ng bag kanina, kinuha nito ang bag sa lalaking pulis at nagpasalamat. Nang lingunin siya ay umiling-iling ito.
Gusto niyang ipagtanggol ang mga bata at ang sarili. Pero tama bang gawin iyon? Tama naman ang babae, kung lalaki ang mga bata na gumagawa ng masama, malaki ang posibilidad na makakaya nitong gumawa ng mabibigat na krimen paglaki. Hindi naman lahat ng bata sa lansangan ay katulad niya at nila Gino na sa kabila ng mga maling nagawa ay lumaki pa rin ng maayos at may magandang buhay. Hindi lahat sinuswerte katulad nila.
“Naiintindihan mo ba, Miss?” mapanuyang tanong nito ng hindi siya nakapagsalita.
Lumabas siya ng sasakyan, “Salamat sa pagpapaintindi. Pero sana rin maintindihan mo na hindi lahat ay may swerte katulad mo. May mga taong kinakailangan pang gumawa ng masama, mabuhay lang, at karamihan doon ay mga batang walang muwang sa mundo na maagang pinagkaitan ng karapatang mamuhay ng matiwasay. Hindi rin nila pinili at ginusto ang ganitong klase ng pamumuhay, they were left with no choice but to steal so they can provide for themselves. Wala naman kasing gagawa nun sa kanila kundi sila rin mismo. Hindi sila gagawa ng masama kung kahit papaano, may tumutulong sa kanila.” Sagot niya.
Oo alam niyang mali at masama, pero para sa isang batang gutom na gutom, kumakalam ang sikumura, at walang gustong tumulong, pagnanakaw ang makakapitan nila para mabuhay. Mali man at masama.
Nang hindi sumagot ang babae at pati ang paligid ay tumahimik, ang pulis ang binalingan niya, tumalikod siya rito at iniabot ang kamay na nasa likuran, “Pakawalan mo ako!” galit na utos niya rito. Doon tumalima ang babae at pasaring na nagpaalam na aalis na at muling nagpasalamat sa gagong pulis na nasa likuran niya.
“Para sa isang pulis, masyado kang emosyonal.” Ani nito na ikinairap niya.
“Para sa isang lalaki, masyado kang chismoso!” humalakhak ito bago kalasin ang posas. Mabilis niyang hinilot ang kamay ng pakawalan nito, masyado ata siyang nagpumiglas kanina, sumasakit ang mga kamay niya.
“Kailangan pa rin kitang isama sa presinto—”
“Ano?!”
“Nagsinungaling ka, ginamit mo pa talaga ang pagiging pul—”
“Dahil pulis talaga ako, gago!” sigaw niya sa mukha nito at kinuha ang wallet at pinakita rito ang badged niya.
Pinakatitigan nito itong mabuti bago nagsalita, “sigurado ka bang totoo ito at hindi pineke?” yung galit niyang unti-unti nang humuhupa ay mabilis na tumaas. Pakiramdam niya ay sasabog siya dahil sa lalaking kaharap. Hindi ba kapani-paniwalang pulis siya? Bago pa siya tuluyang sumabog ay umalis na siya, pero bago siya umalis ay sinugarado muna niyang nasapak niya ito nang dalawang beses. Serves him right!
MANILA POLICE HEADQUARTERS
“Sigurado ka bang 27 ka pa lang? Ang bata mo pa kasi para maging pulis.” Tanong sa kaniya ni Christine—isang Technical coordinator, isa sa mga kasamahan niyang pulis.
Ngumiti siya bago ito sinagot. “Na-accelerate kasi ako noong high school nang dalawang taon, dapat ay first year pa lang ako pero natransfer na agad sa third year.”
“Wow, ang talino naman talaga!” sabad ni Oliver na noong unang araw pa lang niyang madestino roon ay nagpakita na agad ng interes sa kaniya.
Halos lahat kasi nang mga babaeng pulis doon ay may mga edad na at karamihan ay may mga asawa na katulad ni Christine. Sina Oliver at Christine ang una niyang naging kaibigan sa mga kasamahan nang malipat siya. Madali niyang nakagaanan ng loob ang dalawa.
“PO1 Raven Cruz, pamilyar ka ba sa mga pick-up line?” malokong tanong sa kaniya ni Oliver.
Nginisihan niya ito bago pinakita rito ang kamao,”Ikaw ba, pamilyar ka ba sa kamao ni PO1 Raven Cruz?” balik tanong niya rito na ikinatawa nang malakas ni Chritine.
“Tanggapin mo na kasi, Oliver, hindi ikaw ang tipo niyang si Raven!”
“PO1 Raven Cruz, pinapatawag ka ni Inspector,” tawag pansin sa kaniya ng isa nilang kasamahan. Nagkatinginan muna silang tatlo bago siya sumunod sa tumawag sa kaniya.
Hindi pa niya personal na nakikilala ang kanilang Inspector dahil nang madestino siya roon ay nakaleave naman ito. Medyo kinakabahan din siya, bakit kaya sobrang biglaan ata?
Halos lumuwa ang mga mata niya ng makita ang Inpector na nagpatawag sa kaniya. Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata dahil baka nagkakamali lang siya, isang gago ang nasa harap niya at hindi ang kanilang Inspector!
“So, ikaw pala ang bagong pulis na nadestino rito,” ani nito na nagkumpirma na totoo ang nakikita ng mga mata niya.
Malakas siyang napasinghap. “I-ikaw?”
“I see, you’re telling the truth, PO1 Raven Cruz.” Anas nito habang nakataas ang sulok ng labi.
Sa dinami-rami nang makakatrabaho niya bakit isang mayabang na gago pa?!
ISANG ARAW ay inanyayahan sila ni Christine sa kaarawan nito. Kasama niya ang nakakainis na si Oliver at ang gagong si Inspector David.
Malaki at maganda ang bahay nila Christine, o bahay pa nga bang matatawag ito, para sa kaniya ay mansiyon ito. Masyado itong malaki at marangya. Nakalulula rin ang dami nang mga bisita nito. Akala mo ay debutante ang may kaarawan. Naggagandahan ang mga babae sa suot na evening dresses at naggagwapuhan ang mga lalaki sa suot na suit. Idagdag pang mukha silang mamahalin dahil lahat ng bisita ay kabilang sa upper class, mayayamang negosyante at pulitiko.
Silang tatlo lang din ang naiiba ang dress code, biglaan kasi ang imbitasyon ni Christine, pauwi na sila ng sabihin nitong kaarawan nito at kailangan nilang dumalo sa pagdiriwang nito.
Sumalubong sa kanila ang ina ni Christine, elegante at sopistikadang tingnan. Hindi nalalayo ang itsura sa anak, dito namana ni Christine ang pagka-amo ng mukha. Mukha silang anghel. Nakamamangha rin ang kabaitan nito, hindi ito katulad ng ibang mayayaman na matapobre.
“Pasensiya na po kayo at hindi kami masyadong nakapaghanda, hindi po kasi agad nagpasabi si Christine na may handaang magaganap.” Ani Oliver.
“Pagpasensiyahan niyo rin. Christine didn’t know about it either. She doesn’t like parties but I want to surprise her and celebrate her birthday with us. So we secretly throw a party for her.” Sagot ng ginang.
“And I highly appreciated it, mom!” sarkastikong tugon ni Christine sa ina na tinawanan lang ng ginang. Sanay na marahil ito sa ugali ng anak. Masaya siyang nakikipagtawanan sa kanila ng mabaling ang atensiyon niya sa lalaking naglalakad papunta sa gawi nila.
Napakapamilyar ng mukha nito sa alaala niya, kabisado niya ang tindig ng lalaki, ang tabas ng mukha nito, at ang pilat nito sa kaliwang tainga. Hindi niya maialis ang tingin sa lalaki kahit na nakalapit na ito sa kanila.
Natauhan lang siya ng kapitan ito ni Christine sa braso at magiliw na ipinakilala sa kanila, “And this is my father, James Alejo.” Napanganga siya sa rebelasyong iyon ng kaibigan. Hindi niya matanggap na itong lalaking ito ang ama ng kaibigan. Muntikan na siyang mabuwal ng parang pinupukpok ang ulo niya, naagapan naman siya ni Inspector David, nahawakan siya nito sa braso at inalalayang tumayo ng tuwid.
“Are you okay, Hija?” nag-aalalang tanong ng lalaki. Ang ngiti sa labi nito ay nawala at ang saya sa mukha nito ay napalitan ng pag-aalala. Nakakatawa siya!
Pakiramdam niya ay bumaliktad ang sikmura niya ng marinig ang boses nito. Naninindig ang balahibo niya at nangangatog siya sa galit.
“Raven, you’re pale! Masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalalang bulalas ni Oliver. Nilapitan siya nito at kinapa ang noo niya. “Medyo mainit ka,”
“I think we should go. Excuse us, Mr and Mrs Alejo, Christine,” paalam ni Inspector David sa mga ito.
Nag-aalalang hinawakan ni Christine ang pisngi niya, “Pahinga ka, sobra mo sigurong pinagod ang sarili mo kanina,” tumango siya rito bago nagpaalam.
Nang humarap sa mga magulang ng kaibigan ay mariin niyang ikinuyom ang kamao para pigilan ang sarili na sumabog sa galit. Nagpaalam sa mga ito sina Oliver at Inspector. Malaki ang pagkakangiti ng mga ito sa kanila, ang sarap tanggalin ng ngiti nito, nasusuklam siya sa lalaki. Matalim niya itong tinitigan, matatanggal din niya ang masayang ngiti sa labi nito kapag nabubulok na ito sa bilangguan! Kinailangan pa siyang hilahin ni Inspector David para makakilos siya, hindi niya napansing nalunod na pala siya sa pagtitig sa lalaki.
Mabibilang na lang ang masasayang araw mo, Mr James Alejo!
“KANINA ka pa ganiyan ah! Na-startruck ka ba sa papa ni Christine? Grabe, matanda na yun, uy!” bulalas ni Oliver at binato siya ng tissue. Masama ang tinging ipinukol niya rito.
Tangina, kadiri ah! “Kilabutan ka nga, Oliver!”
Malakas naman itong tumawa sa sinabi niya. “Kung makatitig ka naman kasi, parang inaaalam mo buong pagkatao niya. Baka sabihin ni Mr. Alejo, ang creepy nang kaibigan ng anak niya.”
As if naman may pakialam siya sa sasabihin ng matanda tungkol sa kaniya! Inis niyang binato kay Oliver pabalik ang tissue. “Ang creepy mo naman talaga! Tsk,” pasaring niya rito at inirapan ito. Humahalakhak nitong sinalo ang tissue at ibinalik iyon sa compartment ng sasakyan.
Pagod niyang isinaldal ang likod at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Babalik pa sila sa headquarter para makuha niya ang sasakyan. Isang sasakyan na lang kasi ang napagkasunduan nila kanina na gamitin, si Inspector ang nagpresinta na sasakyan nito ang gamitin. Nasa backseat siya habang nasa unahan ang dalawa, si Oliver sa passenger at si David ang nagmamaneho.
Gustong-gusto na niyang humiga at magpahinga pero sinusubok talaga ng tadhana ang pasensiya niya. Inabutan sila ng traffic dahil sa ginagawang kalsada na ang tagal-tagal matapos. Malakas siyang napabuntong hininga at napapadyak na lang.
“Oh, kainin mo muna ‘to,” ani Oliver at iniabot sa kaniya ang isang plastic. Burger at bottled water ang laman niyon. “Kumain ka muna kahit ‘yan lang, tapos inumin mo ‘to.” May kinuha ito sa bulsa na gamot.
“Boy scout ah!” komento niya.
“Binili ko ‘yan kanina noong mahinto tayo sa traffic. Hindi mo napansin kasi busy kang tumulala, tsk!” napanguso siya. nagmamagandang loob ba ‘to o nanunumbat?
Nakakalahati na niya ang burger ng may kumatok sa bintana sa tabi ni Oliver. Isang marungis na batang lalaki. Hindi niya marinig ang sinasabi nito habang kumakatok pero sigurado siyang nanlilimos ito. Bahagyang binuksan nito ang bintana at itinaboy ang bata.
“Sa susunod ‘wag mo na buksan ang bintana, baka bigla ka na lang dakmain ng mga yan kapag hindi mo binigyan!” narinig niyang anas ni Inspector na dismayadong inilingan ni Oliver.
“Mga bata… sila na nga ang nanlilimos, sila pa ang galit kapag hindi nabigyan!”
“May mga ganoon talagang bata na nananakit na, palibhasa ay matagal na sa kalsada kaya sisiga-siga na.”
Marahas na nagtaas-baba ang dibdib niya sa naririnig sa mga kasama. Bakit ganito ang mga itong mag-isip? Kasalanan ba ng mga batang iyon na pulubi sila? Kasalanan ba nilang kailangan pa nilang manlimos para makakain? Kasalanan ba nilang hindi sila pinalad sa buhay katulad ng iba?
Marahas niyang nilunok ang kinakain at uminom ng tubig. Umusog siya sa kabilang bahagi ng kotse at binuksan ang bintana. Tinawag niya ang batang lalaki at inabutan ito ng isang libong piso. “Bumili ka na ng pagkain mo at magpahinga, lumalalim na ang gabi.” Ani niya sa bata na walang humpay sa pagpapasalamat. Nang makuntento ito ay masaya itong tumakbo sa mga kasamahan.
Masama ang loob na isinara niya ang bintana at hinarap ang dalawang kasama na malakas na napasinghap sa ginawa niya.
“Bakit mo binigyan ng pera yung bata?” gulat na tanong ni Oliver. “Gagastusin lang nila iyon sa sugal!” dagdag pa nito.
Paano nilang naaakusahan ng ganoon ang mga bata?
“Paano mong nasasabi ‘yan? Pangkain nila iyon, hindi pangsugal!” sagot niya rito.
“At paano ka rin nakakasigurado?” balik tanong sa kaniya ni David. “Siguro yung iba ay talagang pangkain nila, ginagamit nila sa tama ang mga napapanglimos nila. Pero, Raven, hindi lahat ng bata ay ganoon,”
“Naranasan mo na bang manglimos para masabi ‘yan?”
“Hindi ko kailangan manglimos para masabi ko ‘yon,”
“Edi walang basehan ‘yang mga paratang mo!”
“Pero naranasan kong magbigay ng limos sa batang akala ko ay sa pagkain ginagastos ang napanglilimos niya. Malaman-laman ko, ipinangsusugal lang pala at ibinibili ng alak! Ilang taon lang yung bata? Labing tatlo!”
Nawalan siya ng sasabihin. Hindi siya makaimik.
“Hindi rin lahat ng batang marungis na nakikita mo ay talagang pulibi. May ilan diyan na ginagawa lang yun para magkapera at tulad ng sinabi ni Inspector, ginagamit pangbisyo.” Dagdag pa ni Oliver.
Totoo ba ‘yun? Pero noong panahon niya, noong nanglilimos sila nila Gino at Tupak, wala naman silang nakilala na gumagawa ng ganoon. Madalas pa nga sila ang tumutulong sa kapwa nila bata dahil wala ang mga itong napapalimos, pero kahit wala silang napapanglimos, hindi nanakit at gumawa ng masama ang mga kapwa niya bata noon.
“Mayroon ding bata na nanlimos sa’kin at dahil natuto na ako, hindi ko binigyan. Nasa kotse ako noon, ang ginawa ay inabot ako sa kwelyo at sinapak, hindi pa nakuntento, binato pa ng bato ang sasakyan ko! May mga bata kasing nasasanay na lagi silang binibigyan kapag nanlilimos sila, kaya kapag hindi napagbibigyan ay nagiging bayolente.” ani muli ni David. “Paano na lang kung mahirap din ang hiningian nila, walang-wala rin at wala talagang maibibigay sa kanila, ayos lang na saktan nila dahil walang maipanglimos sa kanila?”
“Pero hindi pa rin nila kasalanan kung bakit nanglilimos lang sila…” mahinang anas niya
“Alam namin. Nandoon na tayo sa hindi nila kasalanan, wala silang kasalanan sa bagay na iyon. Ang ipinupunto lang namin dito, huwag kang masyadong mabait sa lahat ng bata, Raven. Dahil hindi lahat ay mabait, bata man iyan o matanda, hindi lahat mapagkakatiwalaan mo ng buo!” sagot sa kaniya ni Oliver na matamang nakatitig sa mga mata niya.
Matapos iyon ay hindi na siya umimik pa hanggang sa makarating sila sa station at makasakay sa sarili niyang sasakyan. Hindi na rin siya nagpaalam sa dalawa.
Isang nakakapagod na araw na naman ito para sa station nila Raven, katatapos lang ng lunch break nila nang may tumawag sa kanilang station. Nagka-emergency daw sa Mabisco Corporation, may nagpakamatay. Nagmamadali nilang inayos ang sarili at umalis. Kasama niya sina Catherine at Oliver. Nang makarating sa lugar ay mabibilis ang kilos nilang bumaba sa sasakyan at tinakbo papasok ang malaking kompanya. Mabisco Corporation. Natigil siya sa pagtakbo nang mabasa ang pangalang iyon ng kumpanya. Bakit parang pamilyar? “What are you still doing here? Let’s go!” ani Inspector David at nauna nang maglakad. Luminga siya sa paligid, wala na rin pala sina Christine. Maraming empleyado ang nadatnan nila na nakikiusyoso sa nangyari. Ang bangkay ng biktima ay nandoon pa rin, nakaupo ito sa swivel chair, hawak ang kaliwang dibdib habang nakalaylay ang ikaliwang pulsuhan na
Hindi niya inaasahang makatatanggap sa araw na iyon nang tawag mula sa sekretarya ni Mr. Mabisco. Iniimbitahan raw siya nito sa kumpanya nito. Wala mang ideya kung bakit ay pumunta pa rin siya. Baka may gusto itong itanong tungkol sa kaso, ilang araw na rin kasi ang lumipas pero wala pang malinaw na lead kung sino ang salarin.“Maupo ka,” alok ni Mr. Mabisco sa kaniya nang nasa opisina na siya nito. May kasama itong babae na mukhang kasing kaedaran lang nila ni Christine, ito marahil ang anak ng lalaki.Lumapit ito sa lamesa at nagsalita sa intercom, “Cindy, bring three cups of coffee in my office.” Cindy? Cindy Ricarpio? Ito ba ang Cindy na kakilala niya? Pero baka hindi rin, marami ang may ganoong pangalan sa mundo.“By the way, this is Divine, my daughter.” Napamulagat siya sa pagsasalita ng lalaki
Araw ng linggo ang nakagawian nilang pamamasyal ng kaniyang papa Toper. Parehas silang walang pasok tuwing linggo at iyon lang din ang araw na maghapon nilang makikita at makakasama ang isa’t isa. Sa umaga at gabi na lang kasi sila nagkakakitaan kapag weekdays dahil sa trabaho nila.Nagsisimba muna sila sa umaga at mamamasyal pagkatapos. Nang linggong iyon ay sa mall siya nag-aya matapos nila sa simbahan, kailangan na rin kasi nilang mag-grocery at may bibilhin din siya.Naghiwalay sila ng ama nang nasa department store na sila. Inabala niya ang sarili sa pamimili ng mga damit na dadalhin niya sa mga batang lansangan na nakilala niya ilang linggo na ang nakalilipas. Balak niyang isama ang mga bata sa bahay ampunan na malapit lang sa kanila. Sana lang ay sumama sa kaniya ang mga bata. Doon ay kilala niya ang mga sister na mag-aalaga sa mga bata, panatag ang loob niyang magiging maayos ang lagay ng mga ito.Nagmamada
Mag-dadalawang linggo na rin mula noong maging bodyguard siya ng anak ni Mr. Mabisco at hanggang ngayon, wala pa ring update sa kaso. Bumagal ang imbestigasyon dahil wala pa rin silang makuhang ebidensiya na makapagtuturo kung sino ang pumatay sa biktima. Walang naiwang fingerprints sa crime scene at sa katawan nito. Pagkalason ang ikinamatay ng biktima, nakumpirma rin na ang ginamit na lason ay Cyanide na nakita nila Norman pero walang na-detect na fingerprints sa bote at sa kutsilyo na ginamit sa paglaslas. Kahit ang fingerprints ng biktima ay wala roon. Nakakapagtaka ring sira ang CCTV sa buong floor ng opisina ni President Divine at sa parking lot. Iniimbestigahan na rin ito pero hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na lead. Wala namang kakaibang banta sa buhay ni Ms. Divine. Payapa naman ang pagiging bodyguard niya rito. Wala ring kakaibang ginagawa si Mr. Alejo at hindi na niya ito muling natyempuhang kausap si Fatima. Naitanong
“Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”
MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi. Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito. Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito! Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril
Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya. Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki! The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya! Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit. “Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit. “Shit! Nasaan naman kaya ako?”
“Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na!” patuloy na pangungulit ni David sa kaniya. Kanina pa siya nitong binubwiset. Sigaw nang sigaw at katok nang katok sa labas ng pinto niya. “Go away, David! Shut that damn mouth of yours!” balik sigaw niya rito bago nagtalukbong ng unan. Kailangan niya ng katahimikan! Hindi siya makakapag-isip ng maayos kung patuloy siya nitong kukulitin. Hindi niya alam kung paano sasagutin si David at kung anong sasabihin niya rito. Kailangan niya munang ikalma ang sarili para makapagdesisyon siya ng maayos at hindi padalos-dalos! “Huwag mo akong subukan, Raven! lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong pinto mo.” Banta nito. Mukhang hindi talaga siya papalaring makamtan ang katahimikang hinihiling niya dahil ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog at bumukas ang pinto, tumambad sa kaniya ang galit na si David.
Tatlong araw nang hindi nagkikibuan ang mag-ama, hindi na rin alam ni Raven kung paano pag-aayusin ang dalawa. Naguguluhan na rin siya sa mga kinikilos ni David. May gusto ba siya sa ‘kin? Pero imposible naman ‘yon, isa pa magkapatid kami. “Satingin mo sapat na kaya itong mga nakuha nating mga dokumento para mapakulong si George?” tanong ni Gino na nagpahinto sa kaniyang pag-iisip. “Hindi pa, kailangan niyang mabulok sa kulungan.” Tiim bagang banggit ni Raven. Napailing na lang si Gino sa kaniya. Kahit anong pigil niya sa kaibigan ay hindi niya ito mapipigilan desidido na talaga ang dalaga sa pagpapakulong kay George. Agad naman silang napalingon sa pintuan ng marinig ang ingay ng pagbukas at sara ng gate, sinyales na may taong paparating. Mabilis silang kumilos upang itago ang mga papel na hawak. “Oh, andito ka pala Gino” ang papa Toper niya. “Oho, kina
“You’re three months suspended, PO1 Raven Cruz! I’m not glad to hear you broke the rule, you disappoint me!” sigaw ng kanilang Chief. Kanina pa siya nito pinapagalitan at wala siyang ibang nagawa kundi ang yumuko. Nakarating na sa Chief nila ang ginawa niyang pag-iimbestiga sa kaso ni Ms. Ayleen kahit tinanggal na siya roon, at ang naging kapalit nito ay suspensiyon.Aminado naman siyang kasalanan niya at handa naman siyang tanggapin ang kaparusahan. Nakakainis lang na halos apat na buwan siyang nawala sa serbisyo dahil sa pagpapagaling tapos ngayon naman ay tatlong buwan siyang suspendido!“Are you listening, Officer?”Napapitlag siya at mabilis na nagtaas ng ulo sa kaharap. “Yes, sir!” sigaw na tugon niya.Napasentido ito at napailing-iling. “You were such an outstanding officer; you did
“Ella, delikado!” Protesta ni Cindy nang sabihin ni Raven ang ipapagawa niya rito.Kailangan niya ang mga dokumento ng lupa at bagong building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Kailangan din niya si Cindy para makuha ang mga iyon.“Pakiusap, Cindy, huling pabor ko na ‘to sayo. Ikaw lang ang tanging pweding maglabas-pasok sa office ni George at hindi ka nila paghihinalaan dahil malaki ang tiwala nila sa’yo.”“Iyon na nga, Ella, malaki ang tiwala nila sa akin at ayaw kong sirain ‘yon. Saka tungkol pa rin ba ito kay Mr. Alejo?”Nasabi niya noon kay Cindy ang tungkol kay Alejo, na kasama ang lalaki sa mga pumatay sa magulang niya. Napansin kasi ni Cindy ang disgusto niya at ang matatalim niyang titig dito.“Oo, kaya tulungan mo na ako.” Pagsisinungaling n
“Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Ang sabi ng Doctor mo ay makabubuti kung matutulog ka nang matutulog para bumalik agad ang lakas mo.” Ani ng Papa Toper niya habang inaayos ang kumot niya.Apat na araw matapos niyang magising ay hindi umalis sa tabi niya ang ama. Ayon dito ay dalawang linggo rin siyang walang malay at ang nagbantay sa kaniya ay ang kupal na si David. Pero mula naman nang magising siya ay hindi na nagpakita ang lalaki.Nabugbog ang katawan niya sa nangyaring aksidente, na-fractured ang kaliwang braso at binti niya at kumikirot-kirot pa rin ang ulo niya. Sabi ng Doctor ay maari na siyang makauwi sa loob ng tatlong linggo kung magiging maayos ang kalagayan niya. Pero kailangan niyang ipahinga ang braso at binti ng tatlong buwan. And that sucks!Ayon pa sa Doctor ay maswerte siya’t nakaligtas siya sa nangyaring insidente, kung natagalan nga raw ang pagresponde sa k
Inutusan siya ni Ms. Divine na pumunta sa Baguio para kunin ang ilang dokumento kay Mr. Castro— ang namamahala sa construction ng building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Bilin ni Divine na dalhin iyon kaagad kay Mr. Mabisco kapag nakuha na niya dahil kailangan iyon ng lalaki. Nakakapagtaka lang kung bakit siya ang inutusan nito gayong importante ang dokumento na iyon at may hinala na ang babae sa kaniya. Sinunod na rin niya ang utos, pagkakataon na rin iyon upang makuha ang mga kakailanganin niya, mas magiging alerto na lang siya kung sakaling may pina-plano ang babae. Nasa Kennon road na siya—ang sikat na pakurbang daan sa Baguio—nang mag-ring ang cellphone niya. Mabilis niya iyong sinulyapan at sinagot ang tawag nang makitang ang ama iyon. “Hello, Pa?” sagot niya sa kabilang linya. “Pauwi ka na ba?” Binagalan niya an
“Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na!” patuloy na pangungulit ni David sa kaniya. Kanina pa siya nitong binubwiset. Sigaw nang sigaw at katok nang katok sa labas ng pinto niya. “Go away, David! Shut that damn mouth of yours!” balik sigaw niya rito bago nagtalukbong ng unan. Kailangan niya ng katahimikan! Hindi siya makakapag-isip ng maayos kung patuloy siya nitong kukulitin. Hindi niya alam kung paano sasagutin si David at kung anong sasabihin niya rito. Kailangan niya munang ikalma ang sarili para makapagdesisyon siya ng maayos at hindi padalos-dalos! “Huwag mo akong subukan, Raven! lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong pinto mo.” Banta nito. Mukhang hindi talaga siya papalaring makamtan ang katahimikang hinihiling niya dahil ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog at bumukas ang pinto, tumambad sa kaniya ang galit na si David.
Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya. Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki! The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya! Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit. “Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit. “Shit! Nasaan naman kaya ako?”
MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi. Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito. Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito! Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril
“Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”