Isang nakakapagod na araw na naman ito para sa station nila Raven, katatapos lang ng lunch break nila nang may tumawag sa kanilang station. Nagka-emergency daw sa Mabisco Corporation, may nagpakamatay.
Nagmamadali nilang inayos ang sarili at umalis. Kasama niya sina Catherine at Oliver. Nang makarating sa lugar ay mabibilis ang kilos nilang bumaba sa sasakyan at tinakbo papasok ang malaking kompanya.
Mabisco Corporation. Natigil siya sa pagtakbo nang mabasa ang pangalang iyon ng kumpanya. Bakit parang pamilyar?
“What are you still doing here? Let’s go!” ani Inspector David at nauna nang maglakad. Luminga siya sa paligid, wala na rin pala sina Christine.
Maraming empleyado ang nadatnan nila na nakikiusyoso sa nangyari. Ang bangkay ng biktima ay nandoon pa rin, nakaupo ito sa swivel chair, hawak ang kaliwang dibdib habang nakalaylay ang ikaliwang pulsuhan na hiniwa nito. Tumulo pa ang dugo mula rito. May mga iilang gamit ang nagkalat sa sahig. Lumapit siya sa biktima para suriin ito.
“Ayleen Santos, 25 years old, secretary of the President. Suicide, she slashed herself,” sabi ni Oliver na nasa tabi niya habang tinitingnan nito sa camera ang mga litrato na nakuha nito. “Why would she kill herself though?” bulong nito habang titig na titig sa camera.
“Who told you she committed suicide?” inginuso nito si Christine na kausap ang ama nito. Mr. Alejo? “Anong ginagawa niya rito?” bulong niya sa sarili. Bakit nandito ang taong iyon?
“He works here. Top Manager dito si Mr. Alejo, Bigatin ‘no? Bakit naman hindi, Mabisco Corporation is one of the famous and wealthiest companies in the country.”
Ganoon kayaman ang may-ari nito? Kung gaanon pala, paano naging pamilyar sa kaniya ang Mabisco Corporation? Sigurado siyang hindi pa siya nakakapunta rito at hindi niya kilala ang may-ari nito. Pero tsaka na lang niya iisipin iyon. Kailangan niyang magpokus sa trabaho niya.
“Bukod sa laslas sa kaliwang pulsuhan ay mayroon din siyang pasa sa braso at namumula rin ang kaniyang panga.” Ani Christine ng makalapit ito sa kanila. Nilingon niya ito bago sinulyapan si Mr. Alejo na matamang tinitingnan ang bangkay ng babae.
“Kilala ba ng ama mo ang biktima?” tanong niya rito.
Tiningnan nito ang ama bago siya sinagot. “Yes. Everyone here knows her; after all she’s the secretary of President Divine.”
“President Divine?”
“The only heir of Mabisco Corporation,” tumango-tango siya at hinanap ng mata niya ang tinutukoy nito. Nahinto ang tingin niya sa pares na kausap ni Inspector David. Kung hindi siya nagkakamali, ito na marahil ang may-ari ng kumpanyang ito. The man is wearing a three-piece suit while the woman next to him is elegantly wearing a casual maxi dress.
“Nasaan siya? pwede ba natin siyang maka-usap?” tanong niya kay Christine nang hindi makita ang hinahanap.
“Unfortunately, wala siya rito at hindi pa nito alam ang nangyari sa secretary niya.”
“How long has she been working here?”
“5 years. She’s one of the best and loyal employees of Mabisco Corporation.”
“What about her co-employee? Is there anyone who she fought with the past weeks?
“No. Daddy said she's everyone’s favorite. Madaling makisama at mabait. Wala siyang problema rito sa kompanya. Even the President considered her as her close friend. At parang anak naman ang turing sa kaniya ng mag-asawang Mabisco dahil hindi naman nalalayo ang edad nito sa anak nila.” That’s it? Maayos naman pala ang lahat sa trabaho niya. Then why did she commit suicide?
Something doesn't seem right. May kulang!
“How about your father?” tanong niya rito. Bumukas ang pagkagulat sa mukha nito pero mabilis ding nakabawi. Isa itong pulis, alam nito na trabaho nila ang usisain ang lahat kahit na ang pinakamaliit na detalye na maaring makatulong sa kaso.
“My father was the first to see her. When he approached her, he saw her slashed wrist and lifeless body.” Mabilis niyang nilingon ang ama ng kaibigan na matiim na nakatingin sa kanila.
Ito ang unang nakakita sa bangkay at nauna sa crime scene. Bakit hindi siya palagay sa kaalamang ito?
“Bakit siya nandito? May appointment ba siya sa Presidente?”
“Yes. May mga papel siyang kailangan papirmahan sa President. But when he got here, Secretary Ayleen is dead and the President had left.”
“Anong oras umalis si President...?”
“Divine. President Divine, an employee said she left before lunch, quarter or around eleven.”
“And the estimated time of her death is?”
“Lunch time,” sagot sa kaniya ni Oliver na nasa tabi ng biktima at kinukunan ito ng litrato. “Estimated time of her death is around 12 in the afternoon.” Napatango-tango siya. “I’m confused. Based on your father’s statement, everything is going smoothly on her work life. If I were in her shoe, why would I commit suicide, right?” tanong ni Oliver sa kanila. Iyan din ang gumugulo sa kaniya na sinang-ayunan din ni Christine. Tiningnan na rin nito ang cellphone ng biktima at wala namang kakaiba roon na makapagtutukoy na may problema ito sa pamilya o kung saan pa man.
Hindi niya alam pero muling hinugot ng lalaki ang atensiyon niya. Nilingon niya ito, wala na sa kanila ang paningin nito bagkus ay na kay Oliver na, na ngayon ay kinukuhanan ng litrato ang mga gamit ng biktima.
“She and her boyfriend are not in good terms,” sabay-sabay silang napalingon kay Inspector David na sumagot sa katanungan nila. “One of her colleagues said that she saw her one night being violently dragged by her boyfriend. It could be the reason that leads her to kill herself.” Natahimik silang tatlo, tila nag-iisip.
“I checked her messages, wala naman siyang message sa boyfriend niya, even in her contact list. So I thought she’s single. Sa photos naman niya, it's more on her selfies and group photo with her friends. I’ll have her phone check, baka may mahanap tayo sa mga deleted content niya.” Ani Christine
“Do that, and everyone, make up your report. Darating na ang kukuha sa katawan. Let’s wait for the autopsy for further analysis.” Sabi ni Inspector at tinapik sila isa-isa sa balikat.
Muli nilang nilapitan ang katawan at sinuri. Kinuha niya ang maliit niyang notebook at sinulat doon ang lahat ng detalye. Makalat na office table. Mga papel at folder na hindi maayos ang pagkakasalansan. Basag na picture frame at baso sa sahig. Pasa sa kanang braso, tanda ng mahigpit na pagkakahawak. Namumulang panga at mata na galing sa pag-iyak. Kamay sa dibdib.
Lumuhod siya upang magpantay sila nang kaatwan ng biktima at makita ito sa ibang anggulo. Kumunot ang noo niya nang may mapansing kakaiba sa damit nito. Mas inilapit niya ang sarili rito. Nang makuntento sa tinitingnan ay tumayo siya at inilibot ang mata sa paligid. Naglakad-lakad din siya sa paligid ng crime scene.
Hindi niya napansin na may mabubunggo na pala siya dahil sa pagsusulat. Naramdaman na lang niyang bigla siyang nagbounce at sumalampak sa sahig ang likod niya.
“Arayyy!” mahinang daing niya.
“Ms. Cruz!” tawag sa kaniya ng lalaking kinamumuhian niya, si Mr. Alejo. Hinawakan nito ang braso niya para tulungan siyang tumayo. Iiwas na sana siya rito nang mapansin ang gusot sa suit nito.
“Hija! Are you okay?” tanong sa kaniya ni Mrs. Mabisco at tinulungan din siyang makatayo nang maayos. Nagpasalamat siya sa ginang at kahit labag sa loob ay nagpasalamat na rin siya sa lalaki. Ngumiti naman ito sa kaniya nang malapad.
Nang makabawi ay nagpaalam siya sa mga ito at humingi nang pasensiya sa istorbong nangyari. Dinampot niya ang notebook na nabitawan niya kanina at umalis na roon. Nang makalayo ay nilingon niya ulit si Mr. Alejo na nakikipag-usap muli sa mag-asawang Mabisco. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Mas maayos na itong tingnan kaysa noong huli niya itong nakita labing-anim na taon na ang nakararaan. Ang unfair lang minsan ng mundo!
“Inspector, we found this!” napukaw ang atensiyon nila nang may sumigaw. Si Norman na may hawak na maliit na bote.
Mabilis na iniwan ni Christine ang ginagawa at lumapit sa mga ito— hinahalungkat nito ang mga gamit sa lamesa at drawer.
“A cyanide poison,” bulalas ni Wendell na kasama ni Norman at iniabot ang bote kay Inspector. Lumapit na rin siya sa mga ito. “It’s a kind of poison that when ingested or inhaled can lead to seizures, cardiac arrest, or kill a person within minutes.”
Poison?
“Where did you find it?” tanong ni Inspector.
“Parking’s trash can. It’s odd. It’s not every day that we can find poison in a company’s trash bin. Isn’t it?” dagdag pa ni Norman.
“Yeah. It’s unusual.” Mahinang usal ni Christine na bagama’t mukhang naguguluhan ay tila unti-unti nang nakabubuo ng konklusyon. Nilingon nito ang biktima at pinakatitigan.
Mabilis naman niyang tinakbo ang katawan ng biktima para kumpirmahin ang kakaibang napansin niya kanina. Gottcha!
“Mr. and Mrs. Mabisco, I’m afraid that this is related to Ms. Santos. If it is, then—” hindi na niya pinatapos si Inspector, sumingit na siya sa usapan.
“Yes, definitely, it is not suicide but homicide,” aniya at hinarap ang mag-asawang Mabisco. Nang bumaling ang tingin ng mga ito sa kaniya ay bigla siyang kinabahan. Nakaka-intimidate ang tinging ipinukol ng mga ito sa kaniya, matiim siya nitong tinititigan na para bang isang maling salita niya lang ay may kalalagyan siya. Dumadagundong sa kaba ang puso niya kahit hindi naman ito ang unang beses niyang humarap sa malalaking tao.
“I beg your pardon, Ms…” ani Mr. Mabisco nang hindi na siya muling nakapagsalita. Naumid ang dila niya at kinailangan pa niyang hanapin ang sariling boses.
“PO1 Raven Cruz, come back to your senses now!” mahinang bulong ni Inspector David sa kaniya na nakalapit na pala sa pwesto niya nang hindi man lang niya namamalayan.
“Hmm!” tumikhim muna siya, “Like I said it is homicide disguised as a suicide.”
“What is your basis for that kind of assumption, PO1 Raven Cruz, huh?” biglang tanong ni Mr. Alejo. “Dahil lang ba sa isang maliit na bote na nakita sa basurahan? Nakakatawa! Parang hindi naman ata tama,” dagdag nito sa nanunuyang boses na nagpagulat sa kanilang lahat.
“Daddy,” gulat na bulalas ni Christine at nagpapaumanhin siyang tiningnan bago lumapit sa ama. “Let her, okay! It’s our job to assume anything even the impossible in order to unfold the mystery.” Matalim siyang tiningnan ni Mr. Alejo na para bang may mali siyang ginawa o sinabi. Napangisi na lang siya. kahit kailan talaga, ang likas na gago, kahit gaano katagal ang lumipas na taon ay gago pa rin!
“Continue, Ms. Cruz. I apologized on behalf of Mr. Alejo,” ani Mr. Mabisco na mabilis niyang inilingan.
“It’s alright, I understand.” Sagot niya at ngumiti rito. “Back to what I’m saying,” lumapit siya sa biktima at tinuro ang kamay nito na nasa dibdib. “For it to be suicide, she has to cut her wrist first before she held her left chest as if catching for air or gasping.”
“And your point is? I see nothing wrong with her,” sikmat ni Mr. Alejo sa kaniya.
“There is, Mr. Alejo! Take a closer look at her hand in her chest,” lumapit ito at maging sina Mr. and Mrs. Mabisco. Sumunod din ang iba pa nilang mga kasamahan habang sina Christine, Oliver, at Inspector David ay pumwesto sa likuran niya.
“Kung nagpakamatay nga siya, mayroon dapat na talsik ng dugo sa kanang kamay niya na ginamit niya panglaslas sa kaliwang pulsuhan niya. But if you’re going to look closer at her hand and clothes, it’s clear from even a single drop of blood.” Lumapit si Christine dito at ginalaw ang kamay nito na mahigpit na nakahawak sa kaliwang dibdib nito, pinilit nitong ibuka ang kamao ng biktima, malinis ito at walang bakas ng dugo o anumang mantsa kahit sa damit nito.
“Another thing, basa ang damit ng biktima…”
Iyon ang mga napansin niya rito kanina. Mabasa-basa ang damit nito, unti-unti nang natutuyo. Malinis din ang katawan nito at walang mantsa ng dugo, direktang sa sahig tumulo ang dugo.
“In conclusion…” tiningnan niya nang taimtim sa mata sina Mr. and Mrs. Mabisco, Mr. Alejo, at Inspector David. “The killer forced her to drink cyanide that left bruises on her arm and jaw, and the water spilled in her clothes.” tinuro niya ang mga pasa nito at ang basang damit nito. “And the victim attempted to fight with the killer that causes the picture frame to fell and her stuff scattered messily.” Iminuwestra niya ang mga gamit nitong nagkalat. “At noong nawalan na ng buhay ang biktima, he set it up as suicide and cut her wrist, that explain why there is no bloodstains in her right hand. And most especially is the position of the glass. Nasa dulo ito ng mesa sa kaliwa ng biktima. Kung titingnan ang posisyon niya, nawalan siya ng balanse pakanan, kung may mahahawi man siyang gamit hindi kasali roon ang baso na nahulog sa kaliwang gilid ng lamesa.” Lahat ng matang naroon ay sinusundan ang tinuturo niya.
“Ibig sabihin, ibang tao ang nakatabig ng baso.” Bulalas ni Oliver.
Nilingon niya si Mr. Alejo na halatang pilit nagpapakalmante pero binibigo ito ng sarili nitong emosyon. Mapatunayan ko lang na ikaw ang may gawa, tapos ka!
“Impressive!” puri sa kaniyan ni Mr. Mabisco.
“If it’s the case then, who did that to her? Why Divine’s secretary?” tanong ni Mrs. Mabisco.
“For now, that’s all we can say. But you should not worry Mr. and Mrs. Mabisco, we will conduct a further investigation about this case and we will give you the results as soon as possible. And I suggest putting security on President Divine as we don’t know the motive yet.” Sagot ni Inspector dito.
“Thank you; we will do that, Inspector. Please, give justice to our Ayleen. She’s nothing but a good employee and a friend to our Divine.” Umiiyak na ani Mrs. Mabisco.
“We will do our best, Mrs. Mabisco.”
Kinausap pang muli ni Mr. Mabisco si Inspector kaya nang mag-aya si Oliver para umalis ay naiwan ito.
Bago pumasok sa elevator ay nilingon niyang muli si Mr. Alejo na mukha mang kalmado ang hilatsa ng mukha ay madiin namang nakakuyom ang kamao.
Alam kong may kinalaman ka rito, ang pinagtataka ko lang, ano ang dahilan mo? Pero kahit ano pa ‘yan, hindi ko ito palalampasin! Minsan na kayong kumitil nang buhay ng inosenteng tao, hindi na iyon mauulit pa!
Hi. This chapter is based on my imagination only. Please be advised that I am not pro in writing crime fiction.
Hindi niya inaasahang makatatanggap sa araw na iyon nang tawag mula sa sekretarya ni Mr. Mabisco. Iniimbitahan raw siya nito sa kumpanya nito. Wala mang ideya kung bakit ay pumunta pa rin siya. Baka may gusto itong itanong tungkol sa kaso, ilang araw na rin kasi ang lumipas pero wala pang malinaw na lead kung sino ang salarin.“Maupo ka,” alok ni Mr. Mabisco sa kaniya nang nasa opisina na siya nito. May kasama itong babae na mukhang kasing kaedaran lang nila ni Christine, ito marahil ang anak ng lalaki.Lumapit ito sa lamesa at nagsalita sa intercom, “Cindy, bring three cups of coffee in my office.” Cindy? Cindy Ricarpio? Ito ba ang Cindy na kakilala niya? Pero baka hindi rin, marami ang may ganoong pangalan sa mundo.“By the way, this is Divine, my daughter.” Napamulagat siya sa pagsasalita ng lalaki
Araw ng linggo ang nakagawian nilang pamamasyal ng kaniyang papa Toper. Parehas silang walang pasok tuwing linggo at iyon lang din ang araw na maghapon nilang makikita at makakasama ang isa’t isa. Sa umaga at gabi na lang kasi sila nagkakakitaan kapag weekdays dahil sa trabaho nila.Nagsisimba muna sila sa umaga at mamamasyal pagkatapos. Nang linggong iyon ay sa mall siya nag-aya matapos nila sa simbahan, kailangan na rin kasi nilang mag-grocery at may bibilhin din siya.Naghiwalay sila ng ama nang nasa department store na sila. Inabala niya ang sarili sa pamimili ng mga damit na dadalhin niya sa mga batang lansangan na nakilala niya ilang linggo na ang nakalilipas. Balak niyang isama ang mga bata sa bahay ampunan na malapit lang sa kanila. Sana lang ay sumama sa kaniya ang mga bata. Doon ay kilala niya ang mga sister na mag-aalaga sa mga bata, panatag ang loob niyang magiging maayos ang lagay ng mga ito.Nagmamada
Mag-dadalawang linggo na rin mula noong maging bodyguard siya ng anak ni Mr. Mabisco at hanggang ngayon, wala pa ring update sa kaso. Bumagal ang imbestigasyon dahil wala pa rin silang makuhang ebidensiya na makapagtuturo kung sino ang pumatay sa biktima. Walang naiwang fingerprints sa crime scene at sa katawan nito. Pagkalason ang ikinamatay ng biktima, nakumpirma rin na ang ginamit na lason ay Cyanide na nakita nila Norman pero walang na-detect na fingerprints sa bote at sa kutsilyo na ginamit sa paglaslas. Kahit ang fingerprints ng biktima ay wala roon. Nakakapagtaka ring sira ang CCTV sa buong floor ng opisina ni President Divine at sa parking lot. Iniimbestigahan na rin ito pero hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na lead. Wala namang kakaibang banta sa buhay ni Ms. Divine. Payapa naman ang pagiging bodyguard niya rito. Wala ring kakaibang ginagawa si Mr. Alejo at hindi na niya ito muling natyempuhang kausap si Fatima. Naitanong
“Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”
MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi. Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito. Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito! Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril
Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya. Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki! The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya! Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit. “Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit. “Shit! Nasaan naman kaya ako?”
“Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na!” patuloy na pangungulit ni David sa kaniya. Kanina pa siya nitong binubwiset. Sigaw nang sigaw at katok nang katok sa labas ng pinto niya. “Go away, David! Shut that damn mouth of yours!” balik sigaw niya rito bago nagtalukbong ng unan. Kailangan niya ng katahimikan! Hindi siya makakapag-isip ng maayos kung patuloy siya nitong kukulitin. Hindi niya alam kung paano sasagutin si David at kung anong sasabihin niya rito. Kailangan niya munang ikalma ang sarili para makapagdesisyon siya ng maayos at hindi padalos-dalos! “Huwag mo akong subukan, Raven! lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong pinto mo.” Banta nito. Mukhang hindi talaga siya papalaring makamtan ang katahimikang hinihiling niya dahil ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog at bumukas ang pinto, tumambad sa kaniya ang galit na si David.
Inutusan siya ni Ms. Divine na pumunta sa Baguio para kunin ang ilang dokumento kay Mr. Castro— ang namamahala sa construction ng building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Bilin ni Divine na dalhin iyon kaagad kay Mr. Mabisco kapag nakuha na niya dahil kailangan iyon ng lalaki. Nakakapagtaka lang kung bakit siya ang inutusan nito gayong importante ang dokumento na iyon at may hinala na ang babae sa kaniya. Sinunod na rin niya ang utos, pagkakataon na rin iyon upang makuha ang mga kakailanganin niya, mas magiging alerto na lang siya kung sakaling may pina-plano ang babae. Nasa Kennon road na siya—ang sikat na pakurbang daan sa Baguio—nang mag-ring ang cellphone niya. Mabilis niya iyong sinulyapan at sinagot ang tawag nang makitang ang ama iyon. “Hello, Pa?” sagot niya sa kabilang linya. “Pauwi ka na ba?” Binagalan niya an
Tatlong araw nang hindi nagkikibuan ang mag-ama, hindi na rin alam ni Raven kung paano pag-aayusin ang dalawa. Naguguluhan na rin siya sa mga kinikilos ni David. May gusto ba siya sa ‘kin? Pero imposible naman ‘yon, isa pa magkapatid kami. “Satingin mo sapat na kaya itong mga nakuha nating mga dokumento para mapakulong si George?” tanong ni Gino na nagpahinto sa kaniyang pag-iisip. “Hindi pa, kailangan niyang mabulok sa kulungan.” Tiim bagang banggit ni Raven. Napailing na lang si Gino sa kaniya. Kahit anong pigil niya sa kaibigan ay hindi niya ito mapipigilan desidido na talaga ang dalaga sa pagpapakulong kay George. Agad naman silang napalingon sa pintuan ng marinig ang ingay ng pagbukas at sara ng gate, sinyales na may taong paparating. Mabilis silang kumilos upang itago ang mga papel na hawak. “Oh, andito ka pala Gino” ang papa Toper niya. “Oho, kina
“You’re three months suspended, PO1 Raven Cruz! I’m not glad to hear you broke the rule, you disappoint me!” sigaw ng kanilang Chief. Kanina pa siya nito pinapagalitan at wala siyang ibang nagawa kundi ang yumuko. Nakarating na sa Chief nila ang ginawa niyang pag-iimbestiga sa kaso ni Ms. Ayleen kahit tinanggal na siya roon, at ang naging kapalit nito ay suspensiyon.Aminado naman siyang kasalanan niya at handa naman siyang tanggapin ang kaparusahan. Nakakainis lang na halos apat na buwan siyang nawala sa serbisyo dahil sa pagpapagaling tapos ngayon naman ay tatlong buwan siyang suspendido!“Are you listening, Officer?”Napapitlag siya at mabilis na nagtaas ng ulo sa kaharap. “Yes, sir!” sigaw na tugon niya.Napasentido ito at napailing-iling. “You were such an outstanding officer; you did
“Ella, delikado!” Protesta ni Cindy nang sabihin ni Raven ang ipapagawa niya rito.Kailangan niya ang mga dokumento ng lupa at bagong building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Kailangan din niya si Cindy para makuha ang mga iyon.“Pakiusap, Cindy, huling pabor ko na ‘to sayo. Ikaw lang ang tanging pweding maglabas-pasok sa office ni George at hindi ka nila paghihinalaan dahil malaki ang tiwala nila sa’yo.”“Iyon na nga, Ella, malaki ang tiwala nila sa akin at ayaw kong sirain ‘yon. Saka tungkol pa rin ba ito kay Mr. Alejo?”Nasabi niya noon kay Cindy ang tungkol kay Alejo, na kasama ang lalaki sa mga pumatay sa magulang niya. Napansin kasi ni Cindy ang disgusto niya at ang matatalim niyang titig dito.“Oo, kaya tulungan mo na ako.” Pagsisinungaling n
“Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Ang sabi ng Doctor mo ay makabubuti kung matutulog ka nang matutulog para bumalik agad ang lakas mo.” Ani ng Papa Toper niya habang inaayos ang kumot niya.Apat na araw matapos niyang magising ay hindi umalis sa tabi niya ang ama. Ayon dito ay dalawang linggo rin siyang walang malay at ang nagbantay sa kaniya ay ang kupal na si David. Pero mula naman nang magising siya ay hindi na nagpakita ang lalaki.Nabugbog ang katawan niya sa nangyaring aksidente, na-fractured ang kaliwang braso at binti niya at kumikirot-kirot pa rin ang ulo niya. Sabi ng Doctor ay maari na siyang makauwi sa loob ng tatlong linggo kung magiging maayos ang kalagayan niya. Pero kailangan niyang ipahinga ang braso at binti ng tatlong buwan. And that sucks!Ayon pa sa Doctor ay maswerte siya’t nakaligtas siya sa nangyaring insidente, kung natagalan nga raw ang pagresponde sa k
Inutusan siya ni Ms. Divine na pumunta sa Baguio para kunin ang ilang dokumento kay Mr. Castro— ang namamahala sa construction ng building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Bilin ni Divine na dalhin iyon kaagad kay Mr. Mabisco kapag nakuha na niya dahil kailangan iyon ng lalaki. Nakakapagtaka lang kung bakit siya ang inutusan nito gayong importante ang dokumento na iyon at may hinala na ang babae sa kaniya. Sinunod na rin niya ang utos, pagkakataon na rin iyon upang makuha ang mga kakailanganin niya, mas magiging alerto na lang siya kung sakaling may pina-plano ang babae. Nasa Kennon road na siya—ang sikat na pakurbang daan sa Baguio—nang mag-ring ang cellphone niya. Mabilis niya iyong sinulyapan at sinagot ang tawag nang makitang ang ama iyon. “Hello, Pa?” sagot niya sa kabilang linya. “Pauwi ka na ba?” Binagalan niya an
“Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na!” patuloy na pangungulit ni David sa kaniya. Kanina pa siya nitong binubwiset. Sigaw nang sigaw at katok nang katok sa labas ng pinto niya. “Go away, David! Shut that damn mouth of yours!” balik sigaw niya rito bago nagtalukbong ng unan. Kailangan niya ng katahimikan! Hindi siya makakapag-isip ng maayos kung patuloy siya nitong kukulitin. Hindi niya alam kung paano sasagutin si David at kung anong sasabihin niya rito. Kailangan niya munang ikalma ang sarili para makapagdesisyon siya ng maayos at hindi padalos-dalos! “Huwag mo akong subukan, Raven! lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong pinto mo.” Banta nito. Mukhang hindi talaga siya papalaring makamtan ang katahimikang hinihiling niya dahil ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog at bumukas ang pinto, tumambad sa kaniya ang galit na si David.
Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya. Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki! The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya! Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit. “Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit. “Shit! Nasaan naman kaya ako?”
MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi. Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito. Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito! Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril
“Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”