Share

CHAPTER 6

Автор: arcaizzzz
last update Последнее обновление: 2024-10-29 19:42:56

Hindi niya inaasahang makatatanggap sa araw na iyon nang tawag mula sa sekretarya ni Mr. Mabisco. Iniimbitahan raw siya nito sa kumpanya nito. Wala mang ideya kung bakit ay pumunta pa rin siya. Baka may gusto itong itanong tungkol sa kaso, ilang araw na rin kasi ang lumipas pero wala pang malinaw na lead kung sino ang salarin.

“Maupo ka,” alok ni Mr. Mabisco sa kaniya nang nasa opisina na siya nito. May kasama itong babae na mukhang kasing kaedaran lang nila ni Christine, ito marahil ang anak ng lalaki.

Lumapit ito sa lamesa at nagsalita sa intercom, “Cindy, bring three cups of coffee in my office.” Cindy? Cindy Ricarpio? Ito ba ang Cindy na kakilala niya? Pero baka hindi rin, marami ang may ganoong pangalan sa mundo.

“By the way, this is Divine, my daughter.” Napamulagat siya sa pagsasalita ng lalaki. Pinapakilala nito ang anak na tahimik na nakaupo sa tabi nito. Tiningnan lang siya nito at tipid na nginitian. Mukhang hindi pa rin ito nakaka-move on sa nangyari sa sekretarya nito. Mugto ang mata nito at mamula-mula pa, tanda na magdamag itong umiyak.

Bumuntong hininga si Mr. Mabisco at tinapik-tapik ang balikat ng anak.

“Kaya pala kita pinatawag dito ay dahil napag-alaman ko kay Inspector David na isa pa lang martial arts at taekwondo expert ang isang PO1 Raven Cruz, at mahusay ka rin daw sa baril.” Ani nito habang bakas sa boses at mukha ang paghanga sa nalaman.

Nakakataba naman ng puso ang nakita niyang reaksiyon nito. Para bang ang galing-galing niya.

Ngumiti siya rito at tumango-tango. “Totoo po ang bagay na iyon.”

Maagan itong ngumiti sa kaniya bago sinulyapan ang anak na tulad niya ay naguguluhan sa gustong ipunto ng ama nito. “I have a job offer for you,”

“Anong trabaho po?”

“Alam mo naman ang nangyaring insidente kamakailan lang at hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang krimina. I want someone to protect my daughter, and I want you to do it.” Masayang anas nito habang sila ng anak nito ay parehas na napanganga.

“She will be my bodyguard?” tanong ni Divine sa ama.

“A-ako po? Bodyguard?” gulat ding tanong niya.

“Yes,” sagot nito sa anak at bumaling sa kaniya, “and yes.”

“But, daddy, I don’t want a bodyguard! I can protect myself.”

“No. Sweetheart, listen to me, it’s just temporary okay? Everything will be back to normal once we find the one who killed your secretary. Not until I secure your safety, PO1 Raven Cruz will be your bodyguard. She will take good care of you!”

Naipikit niya ang mata at napahilot sa sentido. Pumayag na ba siya? At siya ang magbabantay rito? Goodness!

“I still don’t want it!” sigaw ni Divine sa ama at nagmartsa na palabas sa opisina nito. Brat!

“Pagpasensiyahan mo na si Divine. Tutol lang talaga iyon sa pagkakaroon ng bodyguard, tapos ay nagluluksa pa sa pagkamatay ng kaibigan.” Malungkot na anas nito. “Tatanggapin mo naman ang alok ko, ‘di ba?”

                                                                                         

“Pero, Mr. Mabis—”

“George. You can call me, Sir. George.” Ani nito at nilahad ang palad sa harap niya. Tinanggap niya iyon at nagpakilala rin.

“PO1 Raven Cruz, or just call me Raven, Sir.”

Nakarinig sila ng tatlong magkakasunod na katok pagkatapos ay bumukas ang pinto at pumasok ang sekretarya ni Sir George. Nanlaki ang mata niya nang makita ang mukha nito. Tama nga siya nang hinala, ito nga ang Cindy na anak ng tatay Mario niya!

Inilapag nito ang isang tasa sa harap niya, pilit niyang hinuhuli ang mata nito pero mailap ang babae. Nakalabas na lang ito nang hindi siya tinitingnan.

“Ms. Raven, tinatanggap mo ba ang alok ko?” muling tanong ni Sir George.

“Bakit po ako? Sigurado po ba kayo na ako ang gusto ninyong magbantay sa anak niyo?”

“Yes. You’re a smart woman, Raven. I know, I have witnessed it that day, and I know you’re strong and competent enough to protect my daughter.” Nangungusap siya nitong tiningnan. “Panandalian lang naman ito. Hanggang sa makasiguro lang ako na ligats na siya. Nakausap ko na rin si Inspector David tungkol dito.” bumuntong hininga siya at dahan-dahang tumango. May magagawa pa ba siya? Nakausap na rin nito si Inspictor!

Para itong nabunutan ng tinik nang pumayag siya. Kalahating oras pa siyang nanatili sa opisina nito, pinag-usapan nila ang magiging set-up at trabaho niya habang bodyguard siya ni Divine.

Nang makalabas ay naabutan niya roon si Cindy sa table nito. Lakas loob niya itong nilapitan. “Excuse me, a-are you… Cindy R-ricarpio?”

Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at ngumiti. “Yes, Ms, what can I do for you?”

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at niyakap ito. Miss na miss na niya ito. Ang Ate Cindy niya!

Malakas siyang itinulak ni Cindy at hindi makapaniwalang tiningnan siya. “Ms!”gulat na bulalas nito at humakbang palayo sa kaniya habang yakap ang sarili. Napangiwi siya, natakot ata niya ito.

“Cindy, ako ‘to! Hindi mo ba ako nakikilala?” sagot niya rito. Pinakatitigan siya nito, kinikilala. Ilang saglit lang ay napalitan ng gulat at panlalaki ng mata ang kaninang takot sa mga mata nito.

“E-ella?” alanganing tanong nito. Sunod-sunod siyang tumango rito. Nangilid ang luha nito. “E-ellla, ikaw ba talaga ‘yan?” umiiyak nang tanong nito.

“Ako nga, A-ate Cindy,” umiiyak na ring sagot niya rito. Mahigpit siya nitong niyakap na ginantihan din niya. Sabay silang umiyak sa bisig ng isa’t isa.

Nang parehas na silang kumalma ay tsaka lang sila nakapag-usap ng matino. “Alam mo bang hinanap ka namin?” ani Cindy na ikinagulat niya.

“T-talaga?”

Tumango ito. “Lalo na si Tatay. Miss na miss ka na nun. Bumisita ka naman sa bahay.” Punong-puno nang galak ang puso niya sa mga oras na iyon.

“Gusto ko nga sana, kung pwede lang,”

“Don’t worry, welcome ka sa bahay. Sorry, Ella. Patawarin mo sana kami ni Mama, masyadong makitid ang isip namin nang mga panahong iyon.” Hinawakan niya ang kamay ni Cindy at matamis itong nginitian.

“Matagal ko na kayong napatawad, Ate Cindy. Naiintindihan ko naman kung bakit kayo ganoon sa’kin, at tsaka wala na yun. Maraming taon na ang lumipas.”

“Salamat. Salamat sa pagpapatawad sa’min.” ani nito at muli siyang niyakap.

“Tama na, iiyak na naman tayo,” ani niya na ikinatawa nila pareho.

“Oo nga pala, ano pala ang ginagawa mo rito? Ikaw yung bisita ni Sir George ‘di ba?”

“Binigyan niya ako ng trabaho bilang bodyguard ni Ms. Divine.”

“Pero naka-uniform pangpulis ka?”

“Yeah, PO1 Raven Cruz, at your service!” ani niya at sumaludo.

“Raven Cruz?”

“Ipinangalan sa’kin ni Papa Toper, ang umampon sa’kin.”

“Masaya ako para saiyo.”

Matapos nilang mag-usap ni Cindy ay lumabas na siya ng building. Niyaya pa siya nitong sabay na silang maglunch, gustuhin man niya ay hindi pwede. May trabaho pa siyang kailangan tapusin lalo’t maiiba ang trabaho niya sa mga susunod na araw. Nangako siya ritong sabay sila sa susunod at bibisita rin siya sa bahay ng mga ito.

Patawid na sana siya nang makita si Mr. Alejo na papunta sa parking lot habang may kausap sa cellphone, mula sa kinaroroonan niya ay dinig niya ang galit na sigaw nito. Sa kuryosidad kung sino ang sinisigawan nito ay sinundan niya si Mr. Alejo at maingat na lumapit sa kinaroonan nito para marinig ang sinasabi sa kausap.

Tsaka na lang niya iisipin na mali ang pakikinig sa usapan nang may usapan. Hindi pa rin naman nawawala sa kaniya ang kutob na may kinalaman ang lalaki sa pagkamatay ni Ayleen Santos.

“—pangalan ko ang 20% share mo sa kumpanya,” ani nito sa kausap sa kabilang linya. Ilang minuto itong tumahik para pakinggan ang sinasabi ng kausap bago galit na sinipa ang gulong ng sariling kotse. “Hindi mangyayari ‘yon kung hindi rin dahil sa katangahan mo!” sigaw nito. Ilang sandali muli nang malakas itong tumawa.  “Ikaw ang gumawa noon sa kaniya, hindi ako. ikaw ang may kasalanan, Bitch!” gigil na anas nito, binuksan nito ang pinto ng driver seat. “Sundin mo na lang ang inuutos ko—” hindi nito natuloy ang sasabihin, mukhang pinutol ng kausap. Isang malakas sa sigaw mula rito ang nagpatalon sa kaniya sa gulat. “Putangina, huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Fatima! Baka nakakalimutan mong nasa kamay ko ang buhay mo?! Wala kang ibang gagawin kundi gawin ang sinasabi ko! Pagsinabi ko, sumunod ka!” galit na sigaw nito bago sumakay sa kotse at pinaharurot ito paalis.

Hindi pa rin talaga ito nagbabago. Masamang damo pa rin ito! Dahil sa mga narinig na kasamaan ng lalaki ay lalo lamang nagngitngit sa galit ang puso niya para sa ama ni Christine! Pasensiya na Christine, pero hinding-hindi ko mapapatawad ang ama mo!

Related chapter

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 7

    Araw ng linggo ang nakagawian nilang pamamasyal ng kaniyang papa Toper. Parehas silang walang pasok tuwing linggo at iyon lang din ang araw na maghapon nilang makikita at makakasama ang isa’t isa. Sa umaga at gabi na lang kasi sila nagkakakitaan kapag weekdays dahil sa trabaho nila.Nagsisimba muna sila sa umaga at mamamasyal pagkatapos. Nang linggong iyon ay sa mall siya nag-aya matapos nila sa simbahan, kailangan na rin kasi nilang mag-grocery at may bibilhin din siya.Naghiwalay sila ng ama nang nasa department store na sila. Inabala niya ang sarili sa pamimili ng mga damit na dadalhin niya sa mga batang lansangan na nakilala niya ilang linggo na ang nakalilipas. Balak niyang isama ang mga bata sa bahay ampunan na malapit lang sa kanila. Sana lang ay sumama sa kaniya ang mga bata. Doon ay kilala niya ang mga sister na mag-aalaga sa mga bata, panatag ang loob niyang magiging maayos ang lagay ng mga ito.Nagmamada

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 8

    Mag-dadalawang linggo na rin mula noong maging bodyguard siya ng anak ni Mr. Mabisco at hanggang ngayon, wala pa ring update sa kaso. Bumagal ang imbestigasyon dahil wala pa rin silang makuhang ebidensiya na makapagtuturo kung sino ang pumatay sa biktima. Walang naiwang fingerprints sa crime scene at sa katawan nito. Pagkalason ang ikinamatay ng biktima, nakumpirma rin na ang ginamit na lason ay Cyanide na nakita nila Norman pero walang na-detect na fingerprints sa bote at sa kutsilyo na ginamit sa paglaslas. Kahit ang fingerprints ng biktima ay wala roon. Nakakapagtaka ring sira ang CCTV sa buong floor ng opisina ni President Divine at sa parking lot. Iniimbestigahan na rin ito pero hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na lead. Wala namang kakaibang banta sa buhay ni Ms. Divine. Payapa naman ang pagiging bodyguard niya rito. Wala ring kakaibang ginagawa si Mr. Alejo at hindi na niya ito muling natyempuhang kausap si Fatima. Naitanong

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 9

    “Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 10

    MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi. Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito. Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito! Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 11

    Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya. Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki! The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya! Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit. “Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit. “Shit! Nasaan naman kaya ako?”

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 12

    “Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na!” patuloy na pangungulit ni David sa kaniya. Kanina pa siya nitong binubwiset. Sigaw nang sigaw at katok nang katok sa labas ng pinto niya. “Go away, David! Shut that damn mouth of yours!” balik sigaw niya rito bago nagtalukbong ng unan. Kailangan niya ng katahimikan! Hindi siya makakapag-isip ng maayos kung patuloy siya nitong kukulitin. Hindi niya alam kung paano sasagutin si David at kung anong sasabihin niya rito. Kailangan niya munang ikalma ang sarili para makapagdesisyon siya ng maayos at hindi padalos-dalos! “Huwag mo akong subukan, Raven! lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong pinto mo.” Banta nito. Mukhang hindi talaga siya papalaring makamtan ang katahimikang hinihiling niya dahil ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog at bumukas ang pinto, tumambad sa kaniya ang galit na si David.

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 13

    Inutusan siya ni Ms. Divine na pumunta sa Baguio para kunin ang ilang dokumento kay Mr. Castro— ang namamahala sa construction ng building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Bilin ni Divine na dalhin iyon kaagad kay Mr. Mabisco kapag nakuha na niya dahil kailangan iyon ng lalaki. Nakakapagtaka lang kung bakit siya ang inutusan nito gayong importante ang dokumento na iyon at may hinala na ang babae sa kaniya. Sinunod na rin niya ang utos, pagkakataon na rin iyon upang makuha ang mga kakailanganin niya, mas magiging alerto na lang siya kung sakaling may pina-plano ang babae. Nasa Kennon road na siya—ang sikat na pakurbang daan sa Baguio—nang mag-ring ang cellphone niya. Mabilis niya iyong sinulyapan at sinagot ang tawag nang makitang ang ama iyon. “Hello, Pa?” sagot niya sa kabilang linya. “Pauwi ka na ba?” Binagalan niya an

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 14

    “Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Ang sabi ng Doctor mo ay makabubuti kung matutulog ka nang matutulog para bumalik agad ang lakas mo.” Ani ng Papa Toper niya habang inaayos ang kumot niya.Apat na araw matapos niyang magising ay hindi umalis sa tabi niya ang ama. Ayon dito ay dalawang linggo rin siyang walang malay at ang nagbantay sa kaniya ay ang kupal na si David. Pero mula naman nang magising siya ay hindi na nagpakita ang lalaki.Nabugbog ang katawan niya sa nangyaring aksidente, na-fractured ang kaliwang braso at binti niya at kumikirot-kirot pa rin ang ulo niya. Sabi ng Doctor ay maari na siyang makauwi sa loob ng tatlong linggo kung magiging maayos ang kalagayan niya. Pero kailangan niyang ipahinga ang braso at binti ng tatlong buwan. And that sucks!Ayon pa sa Doctor ay maswerte siya’t nakaligtas siya sa nangyaring insidente, kung natagalan nga raw ang pagresponde sa k

Latest chapter

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 17

    Tatlong araw nang hindi nagkikibuan ang mag-ama, hindi na rin alam ni Raven kung paano pag-aayusin ang dalawa. Naguguluhan na rin siya sa mga kinikilos ni David. May gusto ba siya sa ‘kin? Pero imposible naman ‘yon, isa pa magkapatid kami. “Satingin mo sapat na kaya itong mga nakuha nating mga dokumento para mapakulong si George?” tanong ni Gino na nagpahinto sa kaniyang pag-iisip. “Hindi pa, kailangan niyang mabulok sa kulungan.” Tiim bagang banggit ni Raven. Napailing na lang si Gino sa kaniya. Kahit anong pigil niya sa kaibigan ay hindi niya ito mapipigilan desidido na talaga ang dalaga sa pagpapakulong kay George. Agad naman silang napalingon sa pintuan ng marinig ang ingay ng pagbukas at sara ng gate, sinyales na may taong paparating. Mabilis silang kumilos upang itago ang mga papel na hawak. “Oh, andito ka pala Gino” ang papa Toper niya. “Oho, kina

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 16

    “You’re three months suspended, PO1 Raven Cruz! I’m not glad to hear you broke the rule, you disappoint me!” sigaw ng kanilang Chief. Kanina pa siya nito pinapagalitan at wala siyang ibang nagawa kundi ang yumuko. Nakarating na sa Chief nila ang ginawa niyang pag-iimbestiga sa kaso ni Ms. Ayleen kahit tinanggal na siya roon, at ang naging kapalit nito ay suspensiyon.Aminado naman siyang kasalanan niya at handa naman siyang tanggapin ang kaparusahan. Nakakainis lang na halos apat na buwan siyang nawala sa serbisyo dahil sa pagpapagaling tapos ngayon naman ay tatlong buwan siyang suspendido!“Are you listening, Officer?”Napapitlag siya at mabilis na nagtaas ng ulo sa kaharap. “Yes, sir!” sigaw na tugon niya.Napasentido ito at napailing-iling. “You were such an outstanding officer; you did

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 15

    “Ella, delikado!” Protesta ni Cindy nang sabihin ni Raven ang ipapagawa niya rito.Kailangan niya ang mga dokumento ng lupa at bagong building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Kailangan din niya si Cindy para makuha ang mga iyon.“Pakiusap, Cindy, huling pabor ko na ‘to sayo. Ikaw lang ang tanging pweding maglabas-pasok sa office ni George at hindi ka nila paghihinalaan dahil malaki ang tiwala nila sa’yo.”“Iyon na nga, Ella, malaki ang tiwala nila sa akin at ayaw kong sirain ‘yon. Saka tungkol pa rin ba ito kay Mr. Alejo?”Nasabi niya noon kay Cindy ang tungkol kay Alejo, na kasama ang lalaki sa mga pumatay sa magulang niya. Napansin kasi ni Cindy ang disgusto niya at ang matatalim niyang titig dito.“Oo, kaya tulungan mo na ako.” Pagsisinungaling n

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 14

    “Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Ang sabi ng Doctor mo ay makabubuti kung matutulog ka nang matutulog para bumalik agad ang lakas mo.” Ani ng Papa Toper niya habang inaayos ang kumot niya.Apat na araw matapos niyang magising ay hindi umalis sa tabi niya ang ama. Ayon dito ay dalawang linggo rin siyang walang malay at ang nagbantay sa kaniya ay ang kupal na si David. Pero mula naman nang magising siya ay hindi na nagpakita ang lalaki.Nabugbog ang katawan niya sa nangyaring aksidente, na-fractured ang kaliwang braso at binti niya at kumikirot-kirot pa rin ang ulo niya. Sabi ng Doctor ay maari na siyang makauwi sa loob ng tatlong linggo kung magiging maayos ang kalagayan niya. Pero kailangan niyang ipahinga ang braso at binti ng tatlong buwan. And that sucks!Ayon pa sa Doctor ay maswerte siya’t nakaligtas siya sa nangyaring insidente, kung natagalan nga raw ang pagresponde sa k

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 13

    Inutusan siya ni Ms. Divine na pumunta sa Baguio para kunin ang ilang dokumento kay Mr. Castro— ang namamahala sa construction ng building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Bilin ni Divine na dalhin iyon kaagad kay Mr. Mabisco kapag nakuha na niya dahil kailangan iyon ng lalaki. Nakakapagtaka lang kung bakit siya ang inutusan nito gayong importante ang dokumento na iyon at may hinala na ang babae sa kaniya. Sinunod na rin niya ang utos, pagkakataon na rin iyon upang makuha ang mga kakailanganin niya, mas magiging alerto na lang siya kung sakaling may pina-plano ang babae. Nasa Kennon road na siya—ang sikat na pakurbang daan sa Baguio—nang mag-ring ang cellphone niya. Mabilis niya iyong sinulyapan at sinagot ang tawag nang makitang ang ama iyon. “Hello, Pa?” sagot niya sa kabilang linya. “Pauwi ka na ba?” Binagalan niya an

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 12

    “Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na!” patuloy na pangungulit ni David sa kaniya. Kanina pa siya nitong binubwiset. Sigaw nang sigaw at katok nang katok sa labas ng pinto niya. “Go away, David! Shut that damn mouth of yours!” balik sigaw niya rito bago nagtalukbong ng unan. Kailangan niya ng katahimikan! Hindi siya makakapag-isip ng maayos kung patuloy siya nitong kukulitin. Hindi niya alam kung paano sasagutin si David at kung anong sasabihin niya rito. Kailangan niya munang ikalma ang sarili para makapagdesisyon siya ng maayos at hindi padalos-dalos! “Huwag mo akong subukan, Raven! lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong pinto mo.” Banta nito. Mukhang hindi talaga siya papalaring makamtan ang katahimikang hinihiling niya dahil ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog at bumukas ang pinto, tumambad sa kaniya ang galit na si David.

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 11

    Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya. Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki! The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya! Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit. “Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit. “Shit! Nasaan naman kaya ako?”

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 10

    MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi. Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito. Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito! Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 9

    “Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”

DMCA.com Protection Status