Share

CHAPTER 3

Penulis: arcaizzzz
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

‘GAYA ng gusto ni Cindy at ng mama Jessa niya ay umalis nga siya. Hindi siya napigilan ng papa Mario niya, bagkus ay nangako na lamang siyang magiging maayos ang buhay niya sa kung ano mang kahihinatnan niya.

Tulad dati ay nagpapalakad-lakad lamang siya, walang patutunguhan, walang destinasyon, ang kaibahan lang ay nasa tamag pag-iisip na siya ngayon.

Hindi niya kinuha ang perang ibinigay ng papa Mario niya sa kaniya. Sobra-sobra na ang ginawa nitong pagtulong sa kaniya. At balang araw ay makakabawi rin siya rito. Magiging maayos din ang buhay niya.

Naghahanap na siya ng pwedeng matuluyan sa tabing kalsada kung saan siya inabutan ng dilim. Marami namang mga batang pagala-gala rito, kaya ayos lang kung matutulog siya katabi ng mga ito. Itutulog niya na lang ang gutom at bukas na lang siya maghahanap ng makakain. 

Manglilimos siya. Iyon ang nasa isip niya ng gabing iyon. Alam niyang yun din ang ginagawa ng mga madudungis na batang kasama niyang nagbabanig ng karton sa gilid ng kalsada. Dahil wala siyang karton ay kumuha siya ng damit sa bag at iyon ang ginawang sapin sa simento pero laking gulat niya ng may dalawang batang humablot sa bag niya at biglang tumakbo palayo. Hinabol niya ang dalawang batang lalaking gumawa noon.

Mabilis tumakbo ang dalawang bata kaya hindi niya ito naabutan. Hindi rin siya makalayo-layo dahil madilim at hindi pa niya kabisado ang lugar baka mas lalo siyang mapahamak kung sakali. Bakit kailangang ang bag pa niya? Wala siyang pakialam sa laman niyon pero sana ay maibalik sa kaniya ang bag dahil importante iyon sa kaniya. 

Inis na lang siyang naglakad-lakad habang pinipigilan na hindi maiyak. Malapit na siya sa isang eskinita nang may naulinigan siyang nagbubulungan sa madilim na sulok niyon. Lakas loob at walang ingay siyang pumasok doon. 

“Wala namang pera at pagkain! Hindi rin natin mapapakinabangan itong mga damit dahil pangbabae!” ang mga batang kumuha ng bag niya ang tumambad sa kaniya sa kadiliman ng eskinita. Kinakalkal ng mga ito ang bag niya.

“Edi ibenta natin!”

“Sige!”

Binato niya ang dalawang bata na siyang ikinagulat ng mga ito. “Ibalik niyo ang bag ko, kundi tatamaan kayo sa’kin!”

“Ibalik na natin sa kaniya, Gino,” ani ng isa.

Mayabang na tiningnan siya noong Gino daw at hawak-hawak nito ang kaniyang bag. “Hindi na namin ito ibabalik sa’yo! Sa’min na ‘to!”

“Hindi ako nagbibiro! Ibalik mo ‘yan a’kin!” pagkasabi nun ay binato niya ito ng batong hawak niya. Alam niyang natamaan ito dahil ininda nito ang sakit. “May isa pa akong bato rito, baka gusto mo pa?” hamon niya.

“Kapag naubos ‘yang bato mo, lagot ka sa’kin!” galit na tugon nito.

“Talaga ba? Sa ulo mo kita babatuhin para mapuruhan ka!”

“Ibigay mo na lang kasi, Gino!” ani ng kasama nito at mahihimigan ang takot sa boses nito. Akala siguro ay tototohanin niya ang banta sa kaibigan.

“Para bag lang eh, wala ngang pera! Tsk!” inis na anas nito habang galit na nakatitig sa kaniya.

“Mahalaga ang bag na ‘yan sa’kin!”

“Gusto mo bang gutay-gutayin ko ‘to ha?!”

“Huwaggg!” takot na sigaw niya.

Napangisi ito, “takot ka naman pala! Ibigay mo na lang kasi sa’min ‘to, hindi mo naman ‘to kailangan. Mukha kang mayaman, naglayas ka lang ‘no? Kung ako sa’yo bata, uuwi na ako!” tiningnan ko ang suot ko, suot ko pala ang pinakamagandang dress na binili sa’kin ni papa Mario.

“Hindi ako naglayas! Gusto ko lang magsimula ng panibago at abutin ang mga pangarap ko!”

“Pangarap mo?” tanong nito sabay tawa, kahit ang kasamahan nito ay tumawa rin. “At dito mo planong magsimula?”

“Bakit ba? Anong nakakatawa roon?”

“Sa paanong paraan mo tutuparin ang pangarap mo? Sa panglilimos?” manghang anas nito na para bang bago lang ito sa pandinig niya.

“Oo, ganoon nga!”

“Sa tingin mo ba, yayaman ka sa panglilimos?” humalakhak pa sila, hindi naniniwala sa kaniya. Minamaliit ba siya ng mga ito?!

“Pagsisikapan ko ‘yon, siyempre!” imbes na bumilib ay lalo lamang humagalpak sa tawa ang dalawa.

Aawayin na niya sana ang dalawa nang may mga taong padating sa kinaroroonan nila.

“Naku! Nandiyan na sila, anong gagawin natin, Gino?” nagpapanik na bulalas ng isa. “Wala tayong lulusutan, iyon lang ang labasan tapos nandoon pa sila! Masyado ring mataas ang pader!”

Ngumisi siya, ito na ‘yon! “Halaaa, lagot kayo! Wala na kayong takas, gusto niyo bang tawagin ko na sila?” sabi niya at tinalikuran ang mga ito, akmang sisigaw na siya nang pigilan siya ng mga ito.

“Teka, ‘wag! Maawa ka naman! Lagot kami sa kanila niyan!”

Umakto siyang nag-iisip, “sa isang kondisyon… ibabalik niyo sa’kin ang bag ko.”

Nagtinginan ang dalawa at walang nagawa si Gino kundi ang ibigay sa kaniya ang bag. Mabilis namang kumilos ang dalawa at nagtago sa pinakamadilim na parte ng eskinita.

Umarte siyang umiiyak nang matanglawan ng ilaw na mula sa flashlight ng isa sa dalawang guwardiyang pinagtataguan nila Gino. Lumapit ang mga ito sa kaniya, “Bata, may nakita ka bang dalawang batang lalaki?”

“Meron po, may dalawang batang lalaki ang kumuha ng pera ko. Pero kanina pa po sila nakaalis.”

“Alam mo ba kung saang direksiyon sila pumunta?” tumango siya at tinuro ang kaliwa kung saan sila galing kanina.

“Salamat, bata! Siya nga pala, umalis ka na rin dito, madilim na sa parteng ‘to at delikado, babae ka pa naman!”

Nang makaalis ang mga guwardiya ay tsaka pa lang lumabas ang dalawa sa pinagtataguan.

“Sinungaling ka ah! Bakit mo sinabing kinuha namin ang pera mo? Eh wala ka ngang pera?!” maktol ni Gino.

“Oh sige, tatawagin ko sila ulit para sabihing hindi niyo kinuha ang pera ko,” patakbo na siya nang pigilan siya ng dalawa.

“Hindi! ‘wag na!”

Nang-aasar na ngumiti siya sa dalawa, “Eh ‘yun naman pala,”

“Salamat sa’yo, bata,” ani ng kasama ni Gino. “Kundi dahil sa’yo, lagot kami ngayon!”

“Sino ka nga, bata? At saan ka nakatira?” tanong naman sa kaniya ni Gino.

“Ako si Shiela, pwede niyo rin ako tawaging Ella… at hindi na importante kung saan ako nakatira.” Nginitian niya ang dalawa, “Ikaw, anong pangalan mo?” balik tanong niya sa isang bata.

“Ako naman si Tupak.”

“Tupak?” hindi makapaniwalang ulit niya. Tumango ito bilang pagkumpirma. Ilang sandali pa siyang nakanganga rito bago natawa na agad ding natigil dahil sa biglaang pagbatok nito sa kaniya.

“Iyan ang dahilan kung bakit ganiyan ang pangalan niya. Kapag tinotopak ay bigla-bigla na lang nambabatok.” Natatawang saad ni Gino. “Ako naman si Gino.”

“Alam ko. Kanina ko pa naririnig ang pangalan mo.”

“Joshua, iyan ang totoo kong pangalan,” ani nito at natatawa sa sariling kalokohan.

Umirap siya at nagtanong ng may maalala. “Bakit nga pala kayo hinahabol ng mga guwardiya?”

“Eh paano, magnanakaw sana kami ng mga damit kaso lang ay nahuli kami ng tindero. Ayun, pinadampot kami sa guwardiya!”

“Tsk! Kaya pala ang bag ko na lang ang kinuha niyo!”

“Pera talaga ang gusto namin!” namomroblemang ani Joshua.

“Bakit ba kayo nagnanakaw? Masama ang magnakaw.” Pangaral niya sa dalawa.

“Siraulo ka ba? Kapag hindi kami magnanakaw, gutom ang aabutin namin,” masama siyang tinitigan ni Gino, “Palibhasa kase bago ka pa lang. Hindi ka tatagal sa mundong ‘to kung ganiyan ang pananaw mo!”

Napatunganga siya kay Gino. Natakot sa kung ano ang maaaring kahinatnan niya. Tama ba ang desisyon niyang umalis? Gusto niyang magsalita ngunit walang boses na lumabas sa bibig niya.

Inirapan siya ni Gino bago hinarap si Joshua. “Uwi na tayo.” Aya nito.

“May bahay kayo?” gulat niyang bulalas.

“Siyempre naman!” sagot ni Joshua. Hindi pa man nakakalayo ang dalawa nang pigilan niya ang mga ito.

“Sasama ako,” nagmamakaawang anas niya. Sila lang ang kilala niya rito at wala rin siyang alam sa lugar na ito, siguro ay sasama muna siya sa mga ito at papamilyarin ang sarili sa lugar.

“At bakit ka naman namin isasama?”

“Kasi… ahm… w-wala akong matutuluyan.” Nakayukong sagot niya. Nang walang marinig na sagot ay tumingin siya sa mga ito, bakas sa kanila na hindi sang-ayon sa sinabi niya. “Ahm… kaya ko! K-kaya kong magnakaw, tutulungan ko kayo.” Pangungumbinsi pa niya.

“Hindi mo kaya—”

“Kaya ko nga!” pigil niya rito. “Tsaka malaki ang maitutulong ko. Kasi… kasi bago pa lang ako, hindi pa ako kilala ng mga tao. Kayo, hindi ba’t nahuli na kayo? Edi kilala na nila kayo niyan.” Alanganing pangungumbinsi niya. 

Hindi kumbinsidong tiningnan siya ni Gino, pero si Joshua ay tila nag-iisip. Lumakad siya palabas sa eskinita at iginala ang paningin, nakita ang tindahan ng pritong manok.

“Ayun,” turo niya sa tindahan. Lumapit sa kaniya ang dalawa at tinapunan ng tingin ang tinuro niya. “Kukunin ko ang atensiyon ni ate tapos kayo ang bahalang kumuha ng manok, game?” nagtinginan ang dalawa, ilang saglit lang ay sumang-ayon na ang mga ito. “Basta ay pwede na akong sumama sa inyo kapag hindi tayo nahuli.”

“Kol!” sabay na sagot ng dalawa.

Huminga muna siya ng malalim bago naglakad palapit sa tindahan. Nang hustong makalapit ay nagsimula na siyang umiyak.

“Ate. Ate. Ate tulong po!” agaw atensiyon niya rito. Nilingon siya nito at nagtatakang tiningnan siya. “Tulong po, nawawala po ako. Hindi ko po mahanap ang mama ko!” ani niya at pumalahaw ng iyak. Sumalampak na rin siya sa kalsada kaya dali-dali siyang dinaluhan ng ale at iniwan ang pwesto nito.

Doon naman mabilis pumuslit sina Gino at Joshua, nakita niyang dumampot ang mga ito ng ilang pirasong manok.

“Naku, ineng, saan natin hahanapin ang mama mo? Huwag ka ng umiyak. Teka, saan ka ba iniwan ng mama mo?” natatarantang tanong nito.

Mariin niyang kinagat ang labi dahil nakokonsyensiya na siya. Ang bait naman nito, mali ata ang napili niyang pagnakawan. Patawarin sana siya nito.

“Ineng? Ano bang pangalan ng mama mo at saan kayo nakatira? Sabihin mo sa’kin para matulungan kita.”

“Si mama po… ano…” sumenyas sa kaniya si Gino na umalis na, mabilis na pasimpleng umalis naman ang dalawa. Kinagat niya ang dila at nilinga ang paligid.

“Si mama po!” anas niya at itinuro ang babae sa kabilang kanto. “Si mama po ‘yon! Ayun na po siya!”

“Sigurado ka ba? Halika, ihahatid kita sa kaniya.” Tumayo siya at umiling. “Ako na lang po. Salamat po sa kabutihan niyo, sasabihin ko po ito kay mama.”

“Wala iyon. Basta sa susunod ay mag-iingat ka na. Huwag ka ng lumayo sa mama mo.”

“Salamat po ulit!” kumaway siya rito at mabilis tinakbo ang kabilang kalye habang ibinubulong sa hangin ang paghingi niya ng paumanhin sa ginawa.

Pansamantala! Gagawa muna siya ng masama pansamantala, habang nakikisama lang siya kina Gino. Pero kapag okay na ang lahat ay titigil na siya.

Pumasok siya sa eskinitang nilikuan ng dalawa, nang makita siya ay nagtuloy na ang mga ito sa paglalakad na sinundan naman niya. Narating nila ang dulo at mayroon doong nakalatag na karton at may nakasabit na mahabang tela na nagsisilbing silong.

“Nandito na tayo!” masayang anunsiyo ni Tupak. “Tara, tara.” Ani nito at umupo sa karton, tinapik nito ang tabi at doon siya pinaupo. “Upo na at nang makakain na tayo! Gutom na ako!” umupo siya at kumuha na rin ng manok, gutom na gutom na rin siya. Sumalampak na rin sa harap nila si Gino at sinaluhan silang kumain.

“Kayo na lang bang dalawa? Nasaan ang mga magulang niyo?” tanong niya sa mga ito kapagkuwan.

Si Gino ang unang sumagot. “Namatay ang mama ko sa panganganak sa’kin kaya napunta ako sa bahay-ampunan. Kaso ay tumakas ako, ayokong magpaampon!”

“Ako naman, laging nag-aaway ang nanay at tatay ko. Ang isa kong kapatid ay pinaampon nila, naglayas ako kasi balak nila akong ibenta. Tsk!” ani Tupak, “Ikaw?”

Bumuntong hininga muna siya at nagkwento. Sinabi niya ang lahat-lahat ng pangyayari sa buhay niya at matamang nakinig naman ang dalawa. “Ipinapangako kong ipaghihiganti sila sa mga taong pumatay sa kanila!” galit na bulalas niya. “Magiging pulis ako at ikukulong ko sila!” tama ang papa Mario niya, masama ang maghiganti sa maling paraan. Maghihiganti pa rin siya pero sa tama at legal na paraan na. 

“Sa tingin mo ba ay posible ‘yang gusto mo sa kalagayan mo ngayon?”

“Kailangang maging posible, Gino! At iyon ang gagawin at pagsusumikapan ko.” Ikukulong ko po sila mama, papa. Bibigyan ko po ng hustisya ang pagkamatay niyo.

Nagkwentuhan pa sila, nalaman niyang dalawang taon ang tanda sa kaniya ni Gino. Napatunayan din niya ang kagaspangan ng ugali nito. Mayabang at maangas ito, sungki naman ang ngipin! Mabuti na lang ay madiskarte ito.

Si Tupak naman ay gwapo, bata pa lang ay may maganda ng mukha. Magkasing edad lang din sila. Mabait ito na kabaliktaran ni Gino, ayun nga lang ay may pagkaduwag, madaling matakot. Dalawang buwan pa lang magkasama ang dalawa. Dahil sa parehas ulila at palaboy, nagkasundo ang dalawa at naging magkaibigan.

Ang planong pansamantala ay naging pansamantagal. Sa loob ng isang taon, ang buhay nila ay umiikot sa panglilimos sa umaga at pagnanakaw sa gabi. Nililibot nila ang Tondo tuwing umaga para manlimos, kung saan-saan na rin sila nakarating. Sa gabi naman ay didiskarte sila upang makapangnakaw ng pagkain at damit. Naging mahusay na grupo sila at marami-rami kung minsan ang nakukuha nila na ipinamimigay din sila sa kapwa nila pulubi. Pero hindi nila nakakalimutang mag-ipon, ang lahat halos ng napapanglimos nila ay iniipon nila. Ginawa nila iyong batas at bawal iyong gastusin dahil para iyon sa pag-aaral nila.

Ngunit hindi nga sa lahat ng pagkakataon ay aayon sa kanila ang tadhana. Dahil sa nalibot na nila ang halos kabuuan ng Tondo, kilalang-kilala na sila sa larangan ng pagnanakaw. Isang gabi ay hindi sila nakadiskarte dahil bantay sarado na ang bawat tindahan sa presensiya nilang tatlo.

Kalagitnaan ng hating-gabi nang magyaya si Gino magnakaw ng pagkain. Gutom na gutom na sila at kumakalam na ang kanilang sikmura, hindi alintana ang gabi, pumayag sila ni Tupak sa plano ni Gino. 

Sarado na ang maliliit na tindahan kaya sa isang bukas na fastfood nila isasakatuparan ang plano. Papasok na sana sila nang harangin sila ng guwardiya. “Pasensiya na po manong guard, susunduin lang namin si papa, nasa loob po siya.” Ani niya. Sandali pa muna sila nitong tinitigan bago papasukin. Ayaw pa atang maniwala.

Nang makapasok ay humiwalay siya agad sa dalawa at nilapitan ang isang lalaking mag-isang kumakain. “Papa… papa!” tawag niya rito nang makalapit siya. Nagtatakang tumingin ito sa kaniya. Hinawakan niya ito sa braso at hinila. “Tara na po, papa. Uwi na po tayo,” pumiglas ito sa hawak niya.

“Ano ba! Sino ka ba?” galit na anas nito. Hinawakan niya ito ulit at hinila, pero walang habas naman siya nitong tinabig na ikinasalampak niya sa sahig. “Sinabi ng hindi kita kilala eh!” galit na sigaw nito, dahil sa pagsigaw nito ay napunta sa kanila ang atensiyon ng mga tao. Doon nagkaroon ng pagkakataon sina Gino upang ipuslit ang pagkain ng isang kostumer, mabilis nila itong kinuha at lumakad palabas.

Aalis na rin sana siya nang sawayin ng guard sina Gino at Tupak dahil nakita nito ang ginawa ng dalawa. Nagkagulo ang mga kostumer lalo ang nakuhanan nila ng pagkain. Tumingin si Gino sa kaniya at sinenyasan siyang tumakbo, nang tumango siya ay buong lakas nitong tinulak ang guard at tumakbo ito palabas kasama si Tupak. Tatakbo na rin sana siya nang kulungin ng lalaking tinawag niyang papa ang kaniyang braso.

“Kasabwat ‘to ng mga batang ‘yon! Hulihin niyo siya!” kinabahan siya at nilingon ang labas ngunit wala na roon ang mga kaibigan dahil hinabol ito ng guard. Ibinigay siya ng lalaki sa Manager ng fastfood na may tinatawagan.

Bumalik ang guard na hindi nahuli ang mga kaibigan niya, nag-iisip siya ng paraan para makatakas nang dumating ang mga barangay tanod. Natatakot man ay tinatagan niya ang loob, makakatakas din siya sa mga ito!

“MANONG, sige na po, pahingi po kahit isang mansanas lang!” nagmamakaawang ani ng isang batang lalaki. Bakas ang pagod at gutom sa itsura nito. Nilingon ito ng tindero at imbes na mahabag ay tinaboy lamang ito. Bagsak ang balikat na tumalikod ito para umalis. Ang akmang pag-alis ay natigil ng may babaeng lumapit at bumili. Nilingon nito ang tindero na abala sa kaniyang kostumer. Pasimple itong lumapit at mabilis humablot ng isang mansanas. Tatakbo na sana paalis ang bata nang mapigilan ito sa braso ng tindero at ang tangkang pagbawi sa mansanas ay mabilis niyang pinigil.

Takang nilingon siya ng lalaking tindero at inis na binulyawan. “Sino ka ba? Kasamahan ka ba niya?”

“Bitawan mo ang bata,” ani niya ng malumanay.

“Magnanakaw ang batang ‘yan— ahh!” pinilipit niya ang braso nitong hawak niya kaya nabitawan nito ang bata na agad tumakbo palayo sa takot.

“Tangina! Ang sakit ah. Sino ka ba? Pakialamera ka!”

“Ang lupit mo naman, para isang mansanas lang, hindi mo pa binigyan! Mas marami ka pa nga kung magnakaw kaysa sa kaniya!”

“A-ano? Hoy! Sino kang babae—”

“Grabe, ang bilis mo namang makalimot,” ani niya at kumuha ng mansanas. Pinunas ito sa damit at kinagatan na lalong ikinagalit ng tindero.

“Aba’t, bayaran mo ‘yan!” sigaw nito sa kaniya.

Ngumuso siya umiling, “Ayoko nga!”

Kulang na lang ay umusok ang ilong nito sa galit sa kaniya at akmang babatuhin siya ng atis na nadampot nito pero hindi rin itinuloy. “Bayaran mo na ‘yang kinain mo at umalis ka na bago pa kita patulan. Hindi porket babae ka—”

Lumapit siya rito at malakas itong binatukan na ikinatanga nito sa kaniya. “Oh, ayan, naaalala mo na ba ako ha, Gino?”

Gulat itong tinitigan siya at tinaasan ng isang kilay. “Sumusobra ka na talagang babae ka! Suntukin kay—” hindi na niya ito pinatapos at inis na nagkwento.

“Once upon a time, may tatlong bata ang gutom na gutom. Ang isa sa mga bata ay nakaisip ng paraan at inaya ang dalawa. Habang isinasakatuparan ang misyon ay nagkaroon ng problema at nagkagipitan, naiwan ang isang bata habang ang dalawa ay nakatakas. The end!” matapos magkwento ay nakanganga lang sa harap niya si Gino. Kinailangan niya pang pitikin ang noo nito para bumalik sa wisyo.

“E-el-ela?” hindi makapaniwalang bulalas nito.

Malaki siyang ngumiti, “Got it!”

“I-ikaw… ba talaga ‘yan?” hindi pa ring makapaniwalang anas nito.

Hindi niya ito masisisi. Masyadong matagal ang labing limang taon na hindi sila nagkita. Mas matagal pa kaysa nang makasama niya ang mga ito. Humalukipkip at humakbang ito palayo sa kaniya nang tawirin niya ang pagitan nila at itaas ang mga braso. Natatawang ikinulong niya ito sa mga bisig niya. “Natakot ka ba? Duwag ka na pala!” pang-aasar niya rito at humalakhak pa ng malakas.

Masarap pala talaga sa pakiramdam ang tumawa. Ngayon na lang ulit siya nakaramdam ng kapayapaan. Namiss niyang kasama ang mga kaibigan.

“A-akala ko sasapakin mo ako kasi iniwan ka namin.”

“That, gusto nga rin kitang sapakin. Ang kaso ay mas miss kita!” lumiwanag ang mukha nito dahil sa sinabi niya. Mukhang nabunutan ng tinik. Nakangiting tinitigan siya nito. Namiss niya talaga ang dating kaibigan. Akmang yayakapin niya itong muli ng lumayo ito sa kaniya. Kunot noong tiningnan niya ito. “Parang yakap lang, ang damot mo na ah!”

“Eh, sandali kasi! Ang baho ko na, nakakahiya namang yumakap sa mabango, maganda, at sexing ‘tulad mo. Grabe, ang laki ng ipinagbago mo!”

“Dati na akong maganda, Gino! Kung makaasta ka akala mo parang ang imposible nang nakikita mo ngayon!”

Humalakhak ito at tinitigan siya. “Kumusta? Mukhang asensado ka na ah?”

“Ikaw lang eh, wala kang bilib sa’kin!” nangingiting umiling ito. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng tindahan, malaki-laki ito at maraming paninda. Ngumiti siya dito, “natupad din ang pangarap mong tindahan.” Proud na anas niya. “Sana lang din ay hindi ka nakakalimot sa nakaraan mo. Huwag kang malupit sa mga bata, nagiging katulad mo na ‘yung mga tindera dati!”

“Araw-araw na niya kasi yung ginagawa. Ayokong matulad siya sa’kin na panatag ang loob na mabubuhay sa panlilimos. Gusto kong matanto niyang kailangan niyang kumilos at ‘wag makontento sa buhay niya ngayon.”

Manghang tinitigan niya ito. Noong una niyang makilala sina Gino at Tupak ay walang direksyon ang mga buhay ng mga ito. Gusto lamang nila na makapangnakaw at mairaos ang buong maghapon. Ngunit nang sabihin niyang gusto niyang maging pulis, nagsimula na ring mangarap ang dalawa.

Naalala niya ang pag-iipong ginawa nila para sa pangarap nila na ipinangako nilang pagsusumikapan nila.

“Ikaw, anong nangyari sa’yo? Binalikan ka namin ni Tupak sa fastfood nang mailigaw namin ang guard pero wala ka na roon. Hindi lang kami makalapit kasi bantay-sarado ang guard!”

Umupo siya sa upuang nahagip ng mata niya at iniba ang usapan. “Si Tupak, nasaan? Tinotopak pa rin ba?” natatawang tanong niya.

“May asawa na si Tupak,” nanlaki ang mata niya sa narinig. Ganoon na nga siguro talaga silang katagal na hindi nagkita.

“Talaga? Wow! Eh ikaw, kasal ka na rin?”

Umiling ito. “Hindi,”

“Sabagay, hindi na ‘yon nakakapagtaka.” Ani niya at humalakhak. Natigil lamang siya nang makitang titig na titig sa kaniya si Gino. Tumikhim siya at umayos ng upo.

“Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina. Magkwento ka, Ella.” Napabuntong hininga siya, kailangan niyang magkwento dahil hindi siya titigilan nito.

“Nang gabing ‘yon, dinala ako sa baranggay at pinagsabihan. Nang malaman nilang pulibi ako ay binalak nila akong ibigay sa DSWD. Nagmakaawa ako sa lalaking nagpahuli sa’kin, akala ko ay masama siya pero nagkamali ako. Naawa siya sa’kin kaya siya na ang kumupkop sa’kin. Hindi niya ako dinala sa DSWD, bagkus binigyan niya ako ng tahanan. Gusto ko sana kayong balikan at isama, kaso ay hindi niya raw kakayanin bumuhay ng tatlo. Hindi na sana ako sasama sa kaniya at babalik sa inyo pero sinabi niyang sumama ako sa kaniya para magkaroon ako ng magandang buhay at tsaka ko na lang kayo balikan.” Ngumiti siya kay Gino na matamang nakikinig sa kaniya. “At nandito na nga ako, sorry kung natagalan.” Hilaw siyang ngumiti rito. “Raven Cruz, iyan na ang bago kong pangalan. Pinalitan ni papa. Mabait siya, ibinigay niya sa’kin lahat ng kailangan ko at pinag-aral pa ako.” ngumisi siya rito. “And I am now a police officer, P01 Raven Cruz, sir!” ani niya at sumaludo rito na ikinatawa nito.

“I’m so proud of you, police officer, Shiela De Guzman!” nangilid ang luha niya sa narinig na pangalang binanggit nito. Masaya siyang naging pulis sa pangalang ibinigay ng kaniyang bagong ama, pero nauna pa rin niyang pinangarap maging pulis sa totoo niyang pangalan. Emosyonal siyang tumayo at yumakap sa lalaki na ginantihan din ang yakap niya.

Bumitaw siya nang may maalala. “Gino… isa pa nga pa lang rason kung bakit din ako pumunta rito…” binuksan niya ang bag at may kinuha roong papel at iniabot dito. “Gusto ko sanang hanapin mo siya,” tiningnan nito ang papel at kumunot ang noo. “Iyan ang isa sa pumatay sa magulang ko. Gusto ko sanang hanapin mo siya.” Iginuhit niya sa papel na iyon ang mukha ng lalaki.

“Para saan” nagdududang tanong nito.

“Matagal ko na silang hinahanap pero hindi ko pa rin makita, tulungan mo ako! Hanapin natin sila,”

“Para saan nga? Maghihiganti ka, ganoon ba?”

“Ipapakulong ko sila, Gino! Iyon naman ang dahilan kaya ako nagpulis ‘di ba? Gusto kong bigyan ng hustisya ang mga magulang ko! At mangyayari lang iyon kapag naipakulong ko na ang mga hayop na pumatay sa kanila.”

Marahas itong humugot ng hininga. Tinitigan siya at parang pinag-aaralan ang mukha niya. “Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak dito at hindi ka gagawa ng masama!” ngumiti siya rito at sumaludo.

Bab terkait

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 4

    Maaga pa noong itinaboy siya ni Gino paalis sa tindahan nito. Nasabi niya rin kasing ilang oras din ang layo ng tinitirhan niya mula rito sa Tondo. Pero ang planong pag-uwi ay naantala ng pasyahin niyang manatili muna nang ilang oras.Nilibot niya muna ang Tondo habang masayang sinasariwa ang mga alaala nila ng mga kaibigan. Natatawang umiling siya nang mapagtantong namiss niya ang mga pinagdaanan nilang magkakaibigan. Pwede pala ‘yun? Mamiss ng isang pulis ang magnakaw? Kung malalaman ito ng papa Toper niya ay baka mabatukan pa siya.Marami nga talagang magbabago kasabay ng paglipas ng panahon. Malaki rin ang pinagbago ng lugar. Ang dating palengke na madalas nilang ikutan noon ay isa na ngayong mall. Hindi na rin pamilyar ang mga mukhang nakikita niya, kung hindi mga nagsitanda ay maaga namang namaalam ang mga taong naging saksi sa mga kasalanan niya.Mas marami na rin ang mga tao ngayon na kung

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 5

    Isang nakakapagod na araw na naman ito para sa station nila Raven, katatapos lang ng lunch break nila nang may tumawag sa kanilang station. Nagka-emergency daw sa Mabisco Corporation, may nagpakamatay. Nagmamadali nilang inayos ang sarili at umalis. Kasama niya sina Catherine at Oliver. Nang makarating sa lugar ay mabibilis ang kilos nilang bumaba sa sasakyan at tinakbo papasok ang malaking kompanya. Mabisco Corporation. Natigil siya sa pagtakbo nang mabasa ang pangalang iyon ng kumpanya. Bakit parang pamilyar? “What are you still doing here? Let’s go!” ani Inspector David at nauna nang maglakad. Luminga siya sa paligid, wala na rin pala sina Christine. Maraming empleyado ang nadatnan nila na nakikiusyoso sa nangyari. Ang bangkay ng biktima ay nandoon pa rin, nakaupo ito sa swivel chair, hawak ang kaliwang dibdib habang nakalaylay ang ikaliwang pulsuhan na

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 6

    Hindi niya inaasahang makatatanggap sa araw na iyon nang tawag mula sa sekretarya ni Mr. Mabisco. Iniimbitahan raw siya nito sa kumpanya nito. Wala mang ideya kung bakit ay pumunta pa rin siya. Baka may gusto itong itanong tungkol sa kaso, ilang araw na rin kasi ang lumipas pero wala pang malinaw na lead kung sino ang salarin.“Maupo ka,” alok ni Mr. Mabisco sa kaniya nang nasa opisina na siya nito. May kasama itong babae na mukhang kasing kaedaran lang nila ni Christine, ito marahil ang anak ng lalaki.Lumapit ito sa lamesa at nagsalita sa intercom, “Cindy, bring three cups of coffee in my office.” Cindy? Cindy Ricarpio? Ito ba ang Cindy na kakilala niya? Pero baka hindi rin, marami ang may ganoong pangalan sa mundo.“By the way, this is Divine, my daughter.” Napamulagat siya sa pagsasalita ng lalaki

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 7

    Araw ng linggo ang nakagawian nilang pamamasyal ng kaniyang papa Toper. Parehas silang walang pasok tuwing linggo at iyon lang din ang araw na maghapon nilang makikita at makakasama ang isa’t isa. Sa umaga at gabi na lang kasi sila nagkakakitaan kapag weekdays dahil sa trabaho nila.Nagsisimba muna sila sa umaga at mamamasyal pagkatapos. Nang linggong iyon ay sa mall siya nag-aya matapos nila sa simbahan, kailangan na rin kasi nilang mag-grocery at may bibilhin din siya.Naghiwalay sila ng ama nang nasa department store na sila. Inabala niya ang sarili sa pamimili ng mga damit na dadalhin niya sa mga batang lansangan na nakilala niya ilang linggo na ang nakalilipas. Balak niyang isama ang mga bata sa bahay ampunan na malapit lang sa kanila. Sana lang ay sumama sa kaniya ang mga bata. Doon ay kilala niya ang mga sister na mag-aalaga sa mga bata, panatag ang loob niyang magiging maayos ang lagay ng mga ito.Nagmamada

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 8

    Mag-dadalawang linggo na rin mula noong maging bodyguard siya ng anak ni Mr. Mabisco at hanggang ngayon, wala pa ring update sa kaso. Bumagal ang imbestigasyon dahil wala pa rin silang makuhang ebidensiya na makapagtuturo kung sino ang pumatay sa biktima. Walang naiwang fingerprints sa crime scene at sa katawan nito. Pagkalason ang ikinamatay ng biktima, nakumpirma rin na ang ginamit na lason ay Cyanide na nakita nila Norman pero walang na-detect na fingerprints sa bote at sa kutsilyo na ginamit sa paglaslas. Kahit ang fingerprints ng biktima ay wala roon. Nakakapagtaka ring sira ang CCTV sa buong floor ng opisina ni President Divine at sa parking lot. Iniimbestigahan na rin ito pero hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na lead. Wala namang kakaibang banta sa buhay ni Ms. Divine. Payapa naman ang pagiging bodyguard niya rito. Wala ring kakaibang ginagawa si Mr. Alejo at hindi na niya ito muling natyempuhang kausap si Fatima. Naitanong

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 9

    “Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 10

    MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi. Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito. Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito! Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 11

    Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya. Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki! The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya! Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit. “Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit. “Shit! Nasaan naman kaya ako?”

Bab terbaru

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 17

    Tatlong araw nang hindi nagkikibuan ang mag-ama, hindi na rin alam ni Raven kung paano pag-aayusin ang dalawa. Naguguluhan na rin siya sa mga kinikilos ni David. May gusto ba siya sa ‘kin? Pero imposible naman ‘yon, isa pa magkapatid kami. “Satingin mo sapat na kaya itong mga nakuha nating mga dokumento para mapakulong si George?” tanong ni Gino na nagpahinto sa kaniyang pag-iisip. “Hindi pa, kailangan niyang mabulok sa kulungan.” Tiim bagang banggit ni Raven. Napailing na lang si Gino sa kaniya. Kahit anong pigil niya sa kaibigan ay hindi niya ito mapipigilan desidido na talaga ang dalaga sa pagpapakulong kay George. Agad naman silang napalingon sa pintuan ng marinig ang ingay ng pagbukas at sara ng gate, sinyales na may taong paparating. Mabilis silang kumilos upang itago ang mga papel na hawak. “Oh, andito ka pala Gino” ang papa Toper niya. “Oho, kina

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 16

    “You’re three months suspended, PO1 Raven Cruz! I’m not glad to hear you broke the rule, you disappoint me!” sigaw ng kanilang Chief. Kanina pa siya nito pinapagalitan at wala siyang ibang nagawa kundi ang yumuko. Nakarating na sa Chief nila ang ginawa niyang pag-iimbestiga sa kaso ni Ms. Ayleen kahit tinanggal na siya roon, at ang naging kapalit nito ay suspensiyon.Aminado naman siyang kasalanan niya at handa naman siyang tanggapin ang kaparusahan. Nakakainis lang na halos apat na buwan siyang nawala sa serbisyo dahil sa pagpapagaling tapos ngayon naman ay tatlong buwan siyang suspendido!“Are you listening, Officer?”Napapitlag siya at mabilis na nagtaas ng ulo sa kaharap. “Yes, sir!” sigaw na tugon niya.Napasentido ito at napailing-iling. “You were such an outstanding officer; you did

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 15

    “Ella, delikado!” Protesta ni Cindy nang sabihin ni Raven ang ipapagawa niya rito.Kailangan niya ang mga dokumento ng lupa at bagong building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Kailangan din niya si Cindy para makuha ang mga iyon.“Pakiusap, Cindy, huling pabor ko na ‘to sayo. Ikaw lang ang tanging pweding maglabas-pasok sa office ni George at hindi ka nila paghihinalaan dahil malaki ang tiwala nila sa’yo.”“Iyon na nga, Ella, malaki ang tiwala nila sa akin at ayaw kong sirain ‘yon. Saka tungkol pa rin ba ito kay Mr. Alejo?”Nasabi niya noon kay Cindy ang tungkol kay Alejo, na kasama ang lalaki sa mga pumatay sa magulang niya. Napansin kasi ni Cindy ang disgusto niya at ang matatalim niyang titig dito.“Oo, kaya tulungan mo na ako.” Pagsisinungaling n

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 14

    “Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Ang sabi ng Doctor mo ay makabubuti kung matutulog ka nang matutulog para bumalik agad ang lakas mo.” Ani ng Papa Toper niya habang inaayos ang kumot niya.Apat na araw matapos niyang magising ay hindi umalis sa tabi niya ang ama. Ayon dito ay dalawang linggo rin siyang walang malay at ang nagbantay sa kaniya ay ang kupal na si David. Pero mula naman nang magising siya ay hindi na nagpakita ang lalaki.Nabugbog ang katawan niya sa nangyaring aksidente, na-fractured ang kaliwang braso at binti niya at kumikirot-kirot pa rin ang ulo niya. Sabi ng Doctor ay maari na siyang makauwi sa loob ng tatlong linggo kung magiging maayos ang kalagayan niya. Pero kailangan niyang ipahinga ang braso at binti ng tatlong buwan. And that sucks!Ayon pa sa Doctor ay maswerte siya’t nakaligtas siya sa nangyaring insidente, kung natagalan nga raw ang pagresponde sa k

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 13

    Inutusan siya ni Ms. Divine na pumunta sa Baguio para kunin ang ilang dokumento kay Mr. Castro— ang namamahala sa construction ng building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Bilin ni Divine na dalhin iyon kaagad kay Mr. Mabisco kapag nakuha na niya dahil kailangan iyon ng lalaki. Nakakapagtaka lang kung bakit siya ang inutusan nito gayong importante ang dokumento na iyon at may hinala na ang babae sa kaniya. Sinunod na rin niya ang utos, pagkakataon na rin iyon upang makuha ang mga kakailanganin niya, mas magiging alerto na lang siya kung sakaling may pina-plano ang babae. Nasa Kennon road na siya—ang sikat na pakurbang daan sa Baguio—nang mag-ring ang cellphone niya. Mabilis niya iyong sinulyapan at sinagot ang tawag nang makitang ang ama iyon. “Hello, Pa?” sagot niya sa kabilang linya. “Pauwi ka na ba?” Binagalan niya an

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 12

    “Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na!” patuloy na pangungulit ni David sa kaniya. Kanina pa siya nitong binubwiset. Sigaw nang sigaw at katok nang katok sa labas ng pinto niya. “Go away, David! Shut that damn mouth of yours!” balik sigaw niya rito bago nagtalukbong ng unan. Kailangan niya ng katahimikan! Hindi siya makakapag-isip ng maayos kung patuloy siya nitong kukulitin. Hindi niya alam kung paano sasagutin si David at kung anong sasabihin niya rito. Kailangan niya munang ikalma ang sarili para makapagdesisyon siya ng maayos at hindi padalos-dalos! “Huwag mo akong subukan, Raven! lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong pinto mo.” Banta nito. Mukhang hindi talaga siya papalaring makamtan ang katahimikang hinihiling niya dahil ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog at bumukas ang pinto, tumambad sa kaniya ang galit na si David.

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 11

    Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya. Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki! The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya! Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit. “Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit. “Shit! Nasaan naman kaya ako?”

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 10

    MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi. Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito. Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito! Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 9

    “Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”

DMCA.com Protection Status