Share

CHAPTER 2

Author: arcaizzzz
last update Last Updated: 2021-09-18 22:43:22

WALA sa sariling naglakad siya sa katirikan ng araw, hindi alam kung saan siya patungo. Ang init ng araw ay tumatama sa balat niyang maputi at makinis na alaga ng kaniyang yumao ng ina. Mula pa kagabi siyang palakad-lakad at walang kain, sumasakit na rin ang tiyan niya sa gutom.

Gusto niya sanang humingi ng tulong kaya lang ay malinaw sa kaniya ang paglayo at pag-iwas ng mga tao. Mabilis ang mga itong iiwas sa kaniya kapag malapit na siya at ang iba ay kusa nang lumalayo makita pa lamang siya. Ang mga kapwa niya bata ay tinatawanan siya at may mga ilan namang tinatapunan lang siya ng tingin pero wala rin namang mga pakialam. Bakas ang pandidiri sa mga mata nila dahil sa itsura niyang pulos dumi at amoy hayop dahil sa kumapit na amoy ng mga alaga niyang ginuea pig. 

Makalipas pa ang ilang oras na paglalakad ay nanginginig at nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa init at gutom. Naninilim na rin ang kaniyang paningin. Ilan pang hakbang ang nagawa niya bago siya tuluyang bumagsak at nawalan ng malay.

“IYAN, AYOS na! Hilahin niyo na!” sigaw ni Mario sa mga kasamahan.

Itinaas ng mga ito ang hollow blocks sa pamamagitan ng paghila. Nang maitaas ay muli siyang bumalik sa paghahalo ng tinunaw na semento. Akmang magpupunas siya ng pawis nang mapalingon sa batang babae na katapat niya lamang, tinatahak ang daan sa hinukay nilang lupa na pagtatayuan ng isa pang poste. Wala sa sarili itong naglalakad, hindi alintana ang karatulang nilagpasan kung saan nakasaad ang underconstruction, at pakiwari niya’y anumang sandali ay tutumba na ito.  

Malapit lang naman ito sa kaniya kaya madali siyang nakalapit sa bata. Nahawakan niya ang bata sa braso bago pa man ito mahulog. Ngunit kasabay ng kaniyang paghila sa bata ay natumba ito at nawalan ng malay, mabuti na lamang at agad niya itong nadaluhan.

Sa iniwanan naman niyang pwesto ay nagkaroon ng aberya. Naputol ang lubid na sumusuporta sa pagbuhat ng mga hollow blocks kaya bumagsak ang mga ito sa tapat kung saan siya naghahalo ng semento. Kasabay nang pagbagsak ng mga hollow blocks ay napuno rin nang sigaw ng mga kasamahan niya ang lugar.

Nang mapawi na ang mga alikabok dahil sa pagbagsak ng hollow blocks ay gulat na gulat ang mga kasamahan nang makita siyang nasa gilid ng kalsada, gulat din at may buhat na bata. Kaagad namang nagsilapitan sa kaniya ang mga kasamahan.

“Mario, mabuti’t ayos ka lang,” nag-aalalang sabi ng kaniyang kasamahan.

“Akala namin naroon ka sa pwesto mo!” 

“Mabuti na lang at nakaalis ka agad!” 

“Sino ‘yang bata?” usisa ng isa niyang kasamahan sa batang buhat niya.

“Siya…” tiningnan niya nang may pagpapasalamat ang batang walang malay. Dahil sa batang ito kaya siya nakaligtas sa tiyak na kapahamakan. “Siya ang dahilan at buhay pa ako.”

“Buhay pa ba ‘yan? Anong nangyari at bakit ‘yan nandito?”

“Oo, pare. Nawalan lang ng malay.” Aniya at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ng bata. “Jusko! Ang taas nang lagnat ng batang ‘to! Pare, ikaw na ang bahala pagdumating si Boss, dadalhin ko lang ito sa hospital.” Hindi na hinintay ni Mario ang sagot nito at nagmamadali siyang pumara ng tricycle.

“Maayos na siya, nabigyan na namin siya ng gamot. Pagkagising niya ay maari niyo na siyang iuwi. Gutom at pagod ang dahilan kaya siya nawalan ng malay, wala namang iba pang komplikasyon.” ani ng Doktor kay Mario. Dinala niya ang bata sa pinakamalapit na pampublikong ospital.

Nang makaalis ang Doktor ay pinagmasdan niya ang bata. Lubos ang pasasalamat niya rito. Napansin niya ang bag na ibinaba niya kanina, bag iyon ng bata. Nag-aalinlangan man ay binuksan niya na rin, baka may gamit ito na makakapagsabi kung sino ba ito. 

Inusisa niya kung ano ang laman ng bag at nakita niya ang ilang mga notebook at ballpen. Nakasulat sa mga notebook ang pangalang SHIELA DE GUZMAN at Grade 5-Magalang. Kasing kaedaran lang pala nito ang anak niya. Sa mga nakikita niyang mga aktibidad ng bata malalamang matalino ito dahil sa mga matataas nitong iskor. Bukod doon ay nakita niya rin ang isang supot ng mga pera. Maraming pera. Nagtatakang nilingon niya ang natutulog na bata. Totoo kayang pera ang mga ito? Binuksan niya ang supot at nakumpirmang totoong pera ang mga iyon, mayroon ding papel na nakasingit doon.

'Shiela,

Anak gamitin mo ito sa pag-aaral mo, pasensiya ka na sa ginawa namin ng ama mo. Patawarin mo kami. Mamuhay ka nang payapa at maayos. Kaligtasan mo lang ang gusto namin ng papa mo. Mahal na mahal ka namin!

Mama Maria'

Binayaran niya ang nagastos nila sa hospital gamit ang pera ng bata, ayaw man niyang galawin iyon ngunit wala naman siyang pera at hindi pa sila sinuswelduhan ng Boss niya. Iniuwi niya ang bata kahit wala pa itong malay. Mas lalong lalaki ang gastos nila roon kapag nagtagal pa sila. Ang sabi naman ng Doktor, pagkagising ay pakainin ito ng masustansyang pagkain at may inireseta ring gamot para sa bata.

“Nako! Diyos ko. Salamat naman at walang nangyari sa’yo! Tumawag kanina si pareng Canor at sinabi ang nangyari, mabuti na lang at ayos ka—” natigilan sa pagsasalita ang asawa ni Mario nang mapansin ang batang buhat niya. “Sino ang batang iyan, Mario?”

“Sandali nga lang at ihihiga ko muna ito,” lumakad siya patungo sa kwarto ng anak nilang si Cindy at inilapag ang bata sa kama.

“Sino ba ‘yang batang ‘yan?” 

“Shiela De Guzman, ang batang nagligtas sa buhay ko!” ani niya habang naka-upo sa gilid ng higaan. Nilahad niya sa asawa ang lahat ng nangyari, akala niya mauunawaan siya nito ngunit nagkamali siya.

“Siya ang iniligtas mo, hindi ikaw ang iniligtas niya!” inis na sambit ng asawa niya.

“Pareho lang ang nangyari,”

“Nagbayad ka sa ospital?! Hindi mo pa nga nakukuha ang sahod mo. Ano ba naman ‘yan, Mario!” 

“Hindi sa’kin galing ang perang ibinayad ko. Galing sa bata ang pera.” Nagtataka siyang tiningnan ng asawa. May pagdududa sa mga mata nito.

Pinagmasdan muna ni Mario ang bata bago kinuha ang bag nito. Ipinakita niya rito ang pera. Gulat namang napaupo ang asawa sa tabi niya.

“Saan galing ang perang ‘yan?” ‘di pa rin makapaniwalang sambit nito. Ipinakita niya rito ang sulat na mula sa ina ng bata.

Ibinalik niya ang pera sa bag at hinarap ang asawa. “Gusto ko sanang dito muna siya hanggang sa gumaling siya.”

“Ano?!” halata ang gulat at hindi pagsang-ayon sa asawa.

“Jessa, naman, hindi ka ba naaawa sa bata?” huminga siya ng malalim. “Pahiramin mo muna ang bata ng damit ni Cindy at pakilinisan na rin siya. Please, Jessa, para sa bata.” pakiusap niya sa asawa. Mariin itong napapikit sa pagsuko. Tumayo ito at kumuha ng damit ng anak nila, kumuha rin ito ng planggana na may tubig at bimpo.

“Tay, sino yung bata?” tanong ni Cindy sa kaniya pagkalabas nito sa sariling kwarto na agad tiningnan ang batang sinasabi ng ina na dala-dala niya. Kakauwi lang nito galing sa kapitbahay.

“Siya ang batang nagligtas sa’kin”

“Niligtas mo,” sabad ni Jessa na nasa kusina. Nagluluto ng hapunan nila.

Hindi na lang pinansin ni Mario ang pasaring ng asawa at nakangiting kinausap ang anak. “Gising na ba siya, anak?” 

“Hindi pa po. Ang cute niya ‘tay!” tuwang-tuwang bulalas nito.

“Pwede bang dumito muna siya sa atin?”

“Sige po!” masayang tugon ng anak. Natutuwa siya at magiliw ang anak sa bagong dating. 

Nasa sala sila habang nanonood sa TV at hinihintay matapos sa pagluluto si Jessa. Nagkukulitan silang mag-ama nang mapunta sa balita ang palabas. Ibinabalita ang pagkamatay ng mag-asawang De Guzman, sa likod mismo ng bahay nang mga ito kasama ang hindi kilalang bangkay din ng isa pang lalaki. Dahil sa narinig na apilyido ay nakuha nito ang atensiyon niya.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis ay may posibilidad na hindi ang lalaking kasama ng mag-asawa ang pumatay sa mga ito dahil may dalawa pang pares ng finger prints ang natagpuan sa baril na ginamit sa krimen, hinihinalang tumakas ang mga ito matapos ding patayin ang kasamahan. Dinagdag pa sa balita na may anak ang mag-asawa ayon sa mga kapitbahay nito, ngunit walang natagpuang bata sa bahay ng mag-asawa. Hinala ng mga pulisya ay kinuha ng mga suspek ang bata.

“Ihatid natin bukas ang bata sa mga pulis!” ani Jessa na kasama na pala nilang nanonood.

Bumaling siya sa anak na nakikinig ng balita na ngayon ay tungkol na sa mga artista. Inutusan niya itong maglinis na ng katawan at magpalit ng damit dahil malapit na silang kumain.

“Hindi! Hindi natin siya ibabalik.” 

Nagulat ang asawa sa sinabi niya. “Nababaliw ka na ba?” ‘di makapaniwalang tanong nito.

“Sa oras na ihatid ko siya sa mga pulisya, baka balikan siya ng mga kidnapper! O kaya naman ay isipin nilang ako ang kumidnap sa bata, mas magkakagulo!” natahimik ang asawa. “Sa tingin mo ba ay hindi nila kukuwestyunin kung paanong napunta sa’tin ang bata, pwede tayong mabaliktad kung sakali. Wala naman silang nakitang pagkakakilanlan ng bata, hindi nila malalaman na ang batang iyon ang nawawalang anak ng mag-asawa. At paano kung magka-apilyido lang naman pala sila?” nahulog sa pag-iisip si Jessa, nagdadalawang isip sa gusto niyang mangyari.

“Mama!!! Papa!!!” Napatakbo sila sa kwarto nang marinig ang boses ng bata. Nagdedeliryo ito. Lumapit siya upang gisingin ito.

“Papa!” gulat na bulalas nito nang magising. Ngumuso ito at sumimangot. “Papa, wala ka na naman sa play ko kanina sa school! Buti pa si mama, dumating,” nagtatampong sabi nito at sinulyapan ang asawa niyang nasa pintuan. Nagkatinginan sila ni Jessa na parehong naguguluhan sa tinuran ng bata.

Itinaas nito ang dalawang braso sa harap ni Jessa, “mama ang sakit po ng ulo ko,” naiiyak na sabi nito. Napatanga si Jessa, hindi alam kung lalapit ba o manatili sa kinatatayuan.

Siya na ang bumuhat sa bata. Marahil siguro sa taas nang lagnat nito kanina at sa pagdedeliryo ay inakala nitong sila ang mga magulang niya. 

“May lagnat ka kasi kaya masakit ang ulo mo,” sagot ng anak niya. Lumingon si Shiela kay Cindy at kunot noong binalingan siya. “Sino siya, papa?” magsasalita na sana siya nang maunahan siya ni Cindy.

“Ate mo ako, Ella. Ate Cindy!” parehas silang napasinghap ni Jessa sa sinabi ng anak.

“May ate po ako?” gulat na tanong ni Shiela at lumundag pababa sa kaniya para lapitan si Cindy at yakapin. “Ateee!” masayang tili nito. 

Napahinga siya nang malalim. Hindi na lang muna niya sasabihin dito ang totoo. Siguro nga rin ay mas makakabuti muna sa bata na isiping sila ang pamilya nito. 

“Hindi mo ba sasabihin ang totoo?” ani Jessa nang makalapit ito sa kaniya. 

“Hindi na muna sa ngayon,” sagot niya at tiningnan ang dalawang batang masayang nagyayakapan.

Nang dumating ang lunes ay nagtatakang tinanong sila ni Ella. Ella na ang itinawag nila rito dahil iyon ang ibinigay na pangalan dito ni Cindy, hindi na rin niya itinama pa. “Hindi po ako papasok sa eskwelahan?” tanong nito at sumulyap kay Cindy na nakauniporme na. Tumingin sa kaniya si Jessa na nagtatanong.

Ngumiti siya sa bata, “bukas ka pa pwedeng pumasok dahil nagkasakit ka noong nakaraan, ‘di ba? Magpahinga ka na lang muna ngayon at baka mabinat ka pa.” nakasimangot itong tumango, ayaw sa pasya niya. 

“Anong grade mo na, Ella?” tanong dito ni Cindy.

“Grade 1 na ako, ate.” 

“Grade 1 ka lang?” gulat na tanong ni Jessa, maging siya ay nagulat din. Ayon sa mga notebook nito ay nasa baitang lima na ito pero ang sa alaala nito ay nasa grade 1 pa lamang siya. Ilang taon din ang nawala sa memorya ng bata.

“Nakalimutan mo po, mama?” alanganing tumawa ang asawa niya. “Tumatanda na ang mama niyo,” ani na lang niya na ikinatawa nang dalawang bata.

Nang araw nga ring iyon ay inasikaso niya ang mga kakailanganin ni Ella sa pag-eenroll. Si Jessa ay naiwan sa bahay para may makasama ang bata roon. Dahil hindi naman nila tunay na anak si Ella ay kinailangan niyang magpagawa ng pekeng dokumento sa kakilala niyang gumagawa sa Recto. Isa na siyang Ella Ricarpio ngayon. 

Kinabukasan nang ihatid nila ang mga bata ay nagtaka pa ang guro at principal ng paaralan kung bakit grade 1 palang si Ella samantalang kung titingnan ay parang magkasing edad lang ito at si Cindy, hindi mukhang anim na taong gulang lamang.

Kilala ang pamilya Ricarpio dahil sa ibinibigay na karangalan ni Cindy sa pamilya nila at sa paaralan nito. Bawat taon ay humahakot ito ng mga medalya sa kaliwa’t kanang patimpalak ng bawat rehiyon at dibisyon, at maging sa akademya.

Makalipas ang mahigit dalawang linggo ni Ella sa eskwela ay sinadya sila ng guro nito sa kanilang tirahan. Sinabi nitong hindi pang grade 1 ang taglay na talino ni Ella. Maging ang pagsusulit para sa grade 2, 3 at 4 ay nasagutan ni Ella at lahat ay naipasa.

“Binigyan niyo siya ng test ng hindi namin nalalaman?” nagtatakang tanong niya.

“Pasensiya na, Mr. and Mrs. Ricarpio, kung hindi kami nakapag-abiso. Masyado matalino si Ella kumpara sa mga kaklase niya kaya nagdesisyon kaming bigyan siya nang ganoong pagsusulit. Ang kainaman naman po nito ay maaaring ma-accelerate ang inyong anak”

“Ano po ang ibig niyong sabihin?”

“Ililipat namin siya sa ika-limang baitang. Hanggang apat lang kasi ang rekomendasyon ng Principal kasi nasa unang baitang pa lamang siya. Pero sa oras na makitaan siya ng potensiyal at kayanin niya ang ika-limang baitang kahit sa murang edad ay maaari namin siyang ideretso sa ika-anim na baitang, iyon ay kung papayag po kayo, Mr. and Mrs. Ricarpio.” paliwanag ng guro.

Pumayag sila ni Jessa, wala namang masama rito at kung tutuusin ay dapat naman talagang nasa grade 5 na si Ella. Masaya rin sila at magiging magkaklase ang dalawa nilang anak. Maging ang mga bata ay tuwang-tuwa sa magandang balita.

ANG AKALANG masayang pamilya ay unti-unting nagbago. Nagising na lang isang araw si Ella na iba na ang pakikitungo sa kaniya ng kapatid at ng kaniyang ina.

Isang araw, nang tawagin si Cindy upang sagutin ang katanungan ng guro ay hindi nito iyon nasagot. Kaya naman muling nagtawag ang guro nila at siya ang natawag, dahil alam naman niya ito ay walang hirap niyang nasagot ang tanong.

Ilang buwan pa ang lumipas at laging ganoon ang nangyayari, siya ang laging sumasalo sa tanong sa tuwing hindi nasasagot iyon ng ate Cindy niya. At kung minsan nama’y nauunahan niya itong sumagot.

Matapos ang first grading ay inanunsyo kung sino ang naging una sa kanilang klase. Inaasahan nang marami na si Cindy pa rin ang mangunguna dahil hindi ito natatanggal sa pagiging top 1 sa klase. Ngunit sa pagkakataong iyon ay siya ang nangunguna at pumangalawa ang ate Cindy niya.

Akala niya ay matutuwa ito sa kaniya ngunit lalo lamang lumala ang inis sa kaniya ng kapatid. Minsan ay hindi siya nito kinikibo. Maging ang mama nila ay palaging mainit ang ulo sa kaniya at palagi siyang pinapagawa ng mga gawaing bahay samantalang si Cindy ay naglalaro lamang. Hindi rin siya pwedeng maglaro at mag-aral hanggat hindi tapos ang mga inuutos sa kaniya.

Isang gabi ay naabutan siya ng ama sa sala na nagbabasa. Hindi siya nakapag-aral kanina dahil sa mga utos ng mama niya. “Anak, tama na ‘yan, gabing-gabi na,” awat sa kaniya ng papa Mario niya at tumabi sa kaniya sa upuan.

“Papa, nasaan na po pala ang mga medal ko?” tanong niya rito, noong nakaraan pa niya ito gustong itanong sa ama dahil gusto niyang isama roon ang certificate na ibinigay sa kaniya ng kanilang guro. Ang sa ate Cindy niya lang ang nakikita niya at talagang napakarami niyon. Nakakamangha ang kapatid niya.

“Medalya? Anak wala ka pang medal, ‘di ba nga ay accelerated ka? Marami kang taon na nilampasan.” Paliwanag ng papa niya.

“Hindi po, papa. Meron po akong medal. Araw-araw niyo nga pong nililinisan iyon. Paulit-ulit pa nga kayo na sobrang proud kayo sa’kin.” Ani niya at tumawa dahil sa alaalang iyon ng ama. Nakakapagtaka lang na sa alaalang iyon ay malabo ang mukha ng ama, kung hindi niya lang ito tinawag na papa ay baka naipagkamali na niya iyon na ibang tao.

Matiim siyang tiningnan ng ama, mukhang may gustong sabihin. Pagkaraan nang ilang minuto ay yumuko ito at umiling-iling. “Matulog ka na, gabi na.” ani nito at mabilis siyang pinatakan ng halik sa noo at iniwan siya bigla sa sala.

Lumipas ang mga buwan at sa tatlong sunod-sunod na grading ay siya ang nanguguna. Dinoble ni Cindy ang oras nang pag-aaral niya samantala siya naman ay naging doble rin ang gawaing bahay na pinapagawa ng mama niya. Ngayon ay naintindihan na niya kung saan nanggagaling ang inis sa kaniya ng nakatatandang kapatid, natatalo niya kasi ito sa eskwelahan at palaging sinasabi ng mga kaklase nilang mas magaling siya kumpara sa ate niya.

Tumayo siya upang sagutin ang katanungan ng kanilang guro nang tawagin siya nito. Sa ‘di inaasahan ay bigla na lamang siya nakaramdam nang pananakit ng ulo. Hinawakan niya ang ulong kumikirot at ipinikit ang mga mata. Sa pagpikit ay may mga mukha siyang nakikita sa isipan. “Ella? Ayos ka lang ba?” tanong sa kaniya ng guro. May nakikita siyang babae at lalaki na kasama niya, parang nagtatalo sila dahil bigla na lang siyang tumakbo habang umiiyak. “Hindi mo ba alam ang sagot, Ella?” bigla na lang nagbago ang paligid, bumalik siya sa babae at lalaki na ngayon ay nakalumpasay sa lupa at parehong duguan. Doon bumigay ang tuhod niya at napaupo siya pabalik sa silya niya. Nag-aalalang tiningnan siya ng kaniyang guro, pipilitin sana niyang sumagot para hindi na ito mag-alala sa lagay niya nang ang ate na niya ang sumagot sa tanong ng guro nila. 

Yumukyok na lang siya sa lamesa niya. Hinihiling na sana ay mawala na ang kirot sa ulo niya. Ilang sandali pa ay bumalik muli sa isipan niya ang dalawang tao na kanina lang ay duguan na. Lalong kumirot ang ulo niya nang makita muli ang dalawa, sa pagkakataong ito ay may tatlong tao nang kasama ang dalawa. Sa pagkabigla at takot ay malakas siyang napasigaw nang mabilis na kinuha ng lalaki ang baril ng isang lalaki at ipinutok iyon sa sariling ulo. Ang babae naman ay mabilis ding binaril ng isa pang lalaki. “Tama na! Ayoko na! Ahhhh! Tama na! ang sakit!!” sigaw niya habang namimilipit sa sakit at unti-unting lumilinaw ang mga pangyayari sa kaniyang isipan.

Nagising siya sa clinic ng kanilang eskwelahan. Nang masiguro ng kanilang guro na maayos na ang lagay niya at hindi na masakit ang ulo niya ay pinauwi na sila ng ate niya. Pinasama sa kaniya si Cindy para malalayan siya nito.

Parehas nasa trabaho ang mama at papa nila nang makarating sila sa bahay. Nang makauwi ay galit siyang sinigawan ng kapatid niya, inaakusahan siyang nagkunwari na masakit ang ulo dahil hindi niya masagot ang tanong kanina, kaya upang hindi mapahiya ay umarte raw siyang masakit ang ulo.

“Totoong masakit ang ulo ko, ate.” naiiyak niyang sabi rito.

“Sinungaling! Ito ang unang beses kong mag-absent sa klase at dahil ‘yon sa’yo!” sigaw ni Cindy sa kaniya at inabot ang buhok niya’t malakas iyong hinila.

“Tama na, ate! Arayyy!” umiiyak niyang pakiusap dito. Pero hindi pa rin nito binitawan ang buhok niya, sumasakit na ang anit niya kaya buong lakas niyang itinulak ang kapatid, humampas ang likod nito sa upuan na ikinabigla nilang dalawa.

“Sorry, ate, ‘di ko sinasadya.” hinging tawad niya rito.

Sinubukang tumayo ni Cindy ngunit nahirapan ito. Tutulungan niya sana ito pero itinulak lang din siya nito na ikinatumba niya at ikinatama ng ulo niya sa dingding.

“Galit ako sa’yo! kinamumuhian kita!” umiiyak na sigaw sa kaniya ng kaniyang ate.

“Alam ko,” umiiyak niya ring sagot dito. “Naaalala ko na ang lahat… hindi mo ako tunay na kapatid kaya galit na galit ka sa’kin… Naiintindihan ko na ate, Cindy, sorry.” Ani niya at tahimik na umiyak. Namayani ang katahimikan, hindi na rin nakapagsalita si Cindy.

Tumayo siya ng mapawi ang mga luha sa mga mata at tinulungan si Cindy makatayo. “Pwede bang huwag mong sabihin kay mama at papa na alam ko na ang lahat, kung pwede lang naman.” Pakiusap niya rito.

“Para saan pa? Alam mo naman na palang napulot ka lang ni papa, bakit hindi ka na lang bumalik sa totoo mong pamilya? Huwag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo sa bahay na ‘to, Ella!” galit na sigaw nito sa kaniya at tinulak siyang muli bago pumasok sa kwarto nito. 

Tumayo siya para lamang muling matumba, masakit ang likod niyang tumama sa pagkakatulak ni Cindy kanina. Pero mas masakit ang binitawan nitong salita, hindi ba talaga siya pwede rito? Kailangan na ba talaga niyang umalis? Dapat ba niya talagang iwan ang papa niya na natutunan na niyang mahalin bilang tunay na ama? Masaya na siya dahil sa kanila, mahal na niya ang mga ito, tunay na pamilya ang turing niya sa mga ito. Ngunit ganoon din ba ang mga ito? Masaya ba sila dahil sa kaniya? Mahal ba nila siya? Pamilya rin kaya ang turing ng mga ito sa kaniya? Ipinagsisiksikan niya nga ba talaga ang sarili sa lugar na hindi naman siya dapat talagang naroroon?

“Mama, papa, bakit niyo po ako iniwan? Sana isinaman niyo na lang po ako! Mama!! Papa!!”

Nang maalala ang mga tunay na magulang ay mas lalong bumigat ang sakit na nararamdaman niya. Wala nang mas sasakit pa sa naalalang pagkakapatay sa mga mahal niyang magulang. Ilang buwan niyang nakalimutan ang mga ito, hindi man lang niya sila naipagluksa, kinalimutan pa niya! Gusto niyang sumabog sa sakit na nararamdaman, pinipira-piraso ang puso niya sa sakit! Tinapik-tapik niya ang dibdib nang mahirapang huminga dahil sa sobrang pag-iyak.

Hindi siya pumasok kinabukasan at nagdahilang masama ang pakiramdam niya, sumakto naman dahil medyo mainit nga siya. Hindi na rin sana papasok ang papa Mario niya upang bantayan siya pero pinilit niya itong pumasok dahil kaya naman niyang alagaan ang sarili. Pinakain at pinainom na lang siya nito ng gamot bago ito pumasok sa trabaho.

Magdamag niyang pinag-isipan ang sinabi ng ate Cindy niya. Tama naman ito. Hindi sila ang pamilya niya kaya hindi siya dapat naririto. Pero kapag naman naiisip niya ang papa Mario niya ay sobra siyang nalulungkot, parang ayaw niyang iwan ang papa niya. 

Isang araw pa! Pagkatapos ng bukas ay aalis na siya at iiwan ang pamilya nila Cindy.

Nang magtanghali ay bumuti na ang pakiramdam niya kaya naman naisipan na lang niyang maglinis ng buong bahay. Habang nagwawalis sa ilalim nang kama ng mama at papa niya ay nawalis niya ang isang kahon. Ibabalik na sana niya ang kahon nang masagi niya ang takip niyon, tumambad sa kaniya ang isang pink na bag na sobrang pamilyar sa kaniya, ang bag na regalo sa kaniya ng tunay niyang mga magulang. Sa loob niyon ay nandoon pa ang mga dati niyang notebook. Muling namalabis ang mga luha niyang akala niya ay naubos na kagabi. Nalulunod na naman siya sa kalungkutan at pangungulila sa mama Maria at papa Ernesto niya.

Napapitlag siya nang marinig ang malakas na sigaw ng mama Jessa niya, galit at malakas nitong tinatawag ang pangalan niya. Nagmamadaling lumabas siya sa kwarto ng mga ito bitbit ang bag niya. Sumalubong ang mama Jessa niyang galit na galit habang naka-alalay sa ate Cindy niyang namumula at halatang masama ang lagay. Iniupo muna nito si Cindy sa upuan bago siya sinugod. Marahas nitong hinaklit ang braso niya. “Anong ginawa mo sa anak ko? Perwisyo kang bata ka!” gigil na sabi nito at halos madurog ang braso niya sa higpit nang hawak nito. Hindi siya makapagsalita sa takot. Nangangatog na rin siya at tanging pag-iyak na lang ang nagawa niya. “Kaya ko pang pagtiisan ang pagiging palamunin mo sa pamamahay ko, pero ang saktan ang anak ko? Hindi ko mapapalampas iyon! Lintek kang bata ka!!” padarag siya nitong hinila sa pinto. “Lumayas kang palamunin ka! Lumayas ka!” tinulak siya nito palabas. Napasalampak siya roon at napahagulgol. Pumasok ito sa loob ng bahay at paglabas ay dala na ang iilang damit niya, ibinato nito iyon sa mukha niya bago siya dinuro. “Umalis ka rito at ‘wag na ‘wag ka nang babalik pa!” Iniwan siya nitong iyak nang iyak. Aalis naman talaga siya, pero bakit sa ganitong kasakit na paraan pa siya kailangan paalisin? 

Malakas siyang humahagulgol habang pinupulot isa-isa ang mga damit niya, iyon ang tagpong naabutan nang papa Mario niya. Ang gulat sa mukha nito ay hindi matawaran sa nakitang itsura niya. Mabilis itong lumapit sa kaniya at tiningnan ang lagay niya. Bukod sa gasgas sa tuhod at pananakit ng katawan ay wala namang ibang nangyari sa kaniya. 

“Shhhhs. Tahan na, anak. Tahan na, nandito na si papa! Huwag ka nang umiyak!” pag-aalo nito sa kaniya na mas lalo niyang ikinaiyak. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng kakampi. “Tahan na, tahan na.” ani nito habang tinutuyo ang mga luha niya. Unti-unti ay kumakalma na siya, pero sunod-sunod pa rin ang pagsinok niya dahil sa matinding pag-iyak kanina. Nang makalma siya ay napalitan ng galit ang kaninang pag-aalala sa mga mata ng papa niya. Binuhat siya nito at pinasok sa loob ng bahay.

“Ano ang ginagawa ng batang ‘yan dito? Pinalayas ko na ‘yan!” sigaw agad ang bumungad sa kanila pagkapasok. Natatakot na sumiksik siya sa papa niya.

“Ano bang nangyayari sa’yo, Jessa? Napakalupit mo sa bata! Anak natin si Ella kaya bakit mo pinapalayas?” sigaw din nang papa rito.

“Naririnig mo ba ang sarili mo, Mario? Isa lang ang anak natin—”

“Jessa!!”

“Huwag mo akong sigawan, Mario! Dahil diyan sa punyeta mong ampon kaya nagkasakit ang anak mo!! Sinaktan ng pesteng batang ‘yan ang anak ko kaya siya nagkasakit!!” napipilan ang papa niya at naguguluhang nilingon siya. “Oh, ano, hindi mo alam? Kailan ka nga ba huling nagkaroon ng pakialam sa sarili mong anak?”

“Jessa, hindi ‘yun sa ganoo—”

“Tantanan mo ako, Mario! Magmula nang dinala mo sa bahay na ‘to ‘yang ampon mo, nabalewala mo na si Cindy! Sa tuwing uuwi ka, si Ella kaagad ang hinahanap mo sa halip na si Cindy. Si Ella lagi ang binibilhan mo ng bagong gamit pero si Cindy ay nagtitiis sa luma. Mas malapit ka pa sa ampon mo! Mas nagpapakaama ka pa riyan keysa sa sarili mong anak!!” 

“Tama na, Jessa! Tumigil ka na! Tumahimik ka na!” puno nang diing sigaw nito sa asawa. “Hindi ko binabalewala ang anak ko! Hinahanap ko si Ella dahil sa tuwing darating ako ay hindi niyo siya kasama. Wala siya, dahil kung hindi mo pinaglalaba ay kung ano-ano ang iniuutos mo sa bata! Binibilhan ko siya ng mga gamit dahil sa tuwing bibili ka, lahat ay para kay Cindy, ni hindi mo nga naibili ng kahit candy lamang itong si Ella! Ikaw ang hindi patas sa mga bata, Jessa!”

“Dahil hindi ko naman anak ‘yang si Ella! Si Cindy lang ang anak ko na nahihirapan dahil diyan sa sampid mo!”

“Sinabi ng tumigil ka—”

“Tama na po.” Nagmamaka-awang pakiusap niya sa dalawa. Ayaw niyang mag-away pa ang mga ito dahil sa kaniya. Hindi niya gustong mag-away ang mga magulang ni Cindy. Nilingon niya si Mario, “papa, alam ko na po ang lahat. Naaalala ko na po.” Humihikbing sabi niya na ikinatahimik ng mag-asawa. “Huwag kang mag-alala, mama, aalis naman na po talaga ako rito,”

“Hindi, Ella, hindi mo kailangang umalis,”

“Tama na po, papa. Masyado na po akong naging problema sa inyo. Nasasaktan ko po kayo pare-pareho dahil sinisiksik ko ang sarili ko rito. Ayoko po kayong nasasaktan nila mama, dahil sa inyo ay nagkaroon po muli ako ng pamilya kahit na sa sandaling panahon lang. Ayoko na pong maging pabigat sa inyo.”

“Hindi ka naman pabigat sa amin.”

Umiling-iling siya sa naging ama-amahan at pilit na bumaba sa mga bisig nito. “Naging makasarili po ako. Inagaw ko po ang lahat kay Cindy, pagmamahal, at karangalan. Kaya tama lang na umalis ako para maibalik ko sa kaniya ang mga kinuha ko.” Mariing napapikit ang ama sa sinabi niya at malalim itong humugot nang hininga.

“Ella, hindi mo naiintindihan—” 

“Naiintindihan ko po. Naiintindihan ko po kaya nga ako aalis. Ako po ang problema sa bahay na ito, kapag umalis na ako ay magiging masaya muli kayong pamilya. Maraming salamat po sa inyong lahat, sa kabutihang ipinakita niyo sa’kin. Hindi ko po kayo makakalimutan.”

“Hindi ka pwedeng umalis, anak” naiiyak na sabi nito sa kaniya.

“Alam niyo po, sabi ni papa Ernesto ko, lagi kong piliin ang kapakanan nang marami kaysa sa kapakanan nang isa. Kaya kailangan niyo pong piliin ang pamilya niyo kaysa sa’kin.” Ngayon niya mas naintindihan ang ipinupunto ng kaniyang papa sa palagi nitong bilin sa kanila ng mama niya. 

“Bahagi ka na ng pamilya, Ella.”

“Ayoko pong kamuhian kayo ni Cindy, papa. Ang huli ko pong sinabi sa papa ko ay ‘galit ako sa inyo’, ayoko pong mangyari rin sa’yo ‘yon.” Pigil ang iyak na pagpapaintindi niya rito.

Lumuhod ito sa harap niya. Katulad nang pagluhod na ginawa ng mama niya bago sila maghiwalay.

“Ella, kung aalis ka, saan ka pupunta? Wala kang ibang pupuntahan! Patay na ang mga magulang mo, dito ka na lang sa’min,”

“Gusto ko pong hanapin ang pumatay sa mga magulang ko,”

“Saan mo naman siya hahanapin? At bakit mo siya hahanapin? Ang bata mo pa, Ella!”

Suminghot-singhot muna siya bago sumagot. “Gusto ko pong ipaghiganti sina mama at papa,”

“Jusko, Mario! Naririnig mo ba ang sinasabi ng batang ‘yan? Nagdala ka rito sa pamamahay ko ng kriminal!” gulat na bulalas ni Jessa.

“Tumigil ka nga, Jessa! Hindi kriminal si Ella!” 

“Makinig kang mabuti, anak, Ella. Hindi maganda ang paghihiganti, wala itong maidudulot na mabuti sa’yo. Hindi mo kailangang gumawa ng masama para maipaghiganti ang mga magulang mo. Maraming ibang paraan, mga tama at legal na paraan. Lagi mong tatandaan ang tama at mali. Ang tama ay hindi laging mabuti, minsan ito ay nagiging mali. Ang mali naman ay hindi laging masama, ito rin ay nagiging tama. Bago ka magdesisyon ay lagi mong papakaisipin kung ano ba ang totoong tama at mali.” Paliwanag ng papa Mario niya. “At hindi mo dapat iniisip ang mga ganiyang bagay, bata ka pa para sa mga ganitong problema!”

Tumango siya rito habang patuloy na nagbabagsakan ang mga luha niya na agad namang tinutuyo ng ama.

“Salamat po, papa, tatandaan ko po ang mga sinabi niyo.” Muli niyang niyakap ang ama nang mahigpit. Iyon na ang huling yakap niya sa itinuturing na ama.

Related chapters

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 3

    ‘GAYA ng gusto ni Cindy at ng mama Jessa niya ay umalis nga siya. Hindi siya napigilan ng papa Mario niya, bagkus ay nangako na lamang siyang magiging maayos ang buhay niya sa kung ano mang kahihinatnan niya. Tulad dati ay nagpapalakad-lakad lamang siya, walang patutunguhan, walang destinasyon, ang kaibahan lang ay nasa tamag pag-iisip na siya ngayon. Hindi niya kinuha ang perang ibinigay ng papa Mario niya sa kaniya. Sobra-sobra na ang ginawa nitong pagtulong sa kaniya. At balang araw ay makakabawi rin siya rito. Magiging maayos din ang buhay niya. Naghahanap na siya ng pwedeng matuluyan sa tabing kalsada kung saan siya inabutan ng dilim. Marami namang mga batang pagala-gala rito, kaya ayos lang kung matutulog siya katabi ng mga ito. Itutulog niya na lang ang gutom at bukas na lang siya maghahanap ng makakain. Manglilimos siya. Iyon ang nasa isip niya ng gabing iyon. Alam niyang yun din ang ginagawa

    Last Updated : 2021-09-18
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 4

    Maaga pa noong itinaboy siya ni Gino paalis sa tindahan nito. Nasabi niya rin kasing ilang oras din ang layo ng tinitirhan niya mula rito sa Tondo. Pero ang planong pag-uwi ay naantala ng pasyahin niyang manatili muna nang ilang oras.Nilibot niya muna ang Tondo habang masayang sinasariwa ang mga alaala nila ng mga kaibigan. Natatawang umiling siya nang mapagtantong namiss niya ang mga pinagdaanan nilang magkakaibigan. Pwede pala ‘yun? Mamiss ng isang pulis ang magnakaw? Kung malalaman ito ng papa Toper niya ay baka mabatukan pa siya.Marami nga talagang magbabago kasabay ng paglipas ng panahon. Malaki rin ang pinagbago ng lugar. Ang dating palengke na madalas nilang ikutan noon ay isa na ngayong mall. Hindi na rin pamilyar ang mga mukhang nakikita niya, kung hindi mga nagsitanda ay maaga namang namaalam ang mga taong naging saksi sa mga kasalanan niya.Mas marami na rin ang mga tao ngayon na kung

    Last Updated : 2021-10-18
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 5

    Isang nakakapagod na araw na naman ito para sa station nila Raven, katatapos lang ng lunch break nila nang may tumawag sa kanilang station. Nagka-emergency daw sa Mabisco Corporation, may nagpakamatay. Nagmamadali nilang inayos ang sarili at umalis. Kasama niya sina Catherine at Oliver. Nang makarating sa lugar ay mabibilis ang kilos nilang bumaba sa sasakyan at tinakbo papasok ang malaking kompanya. Mabisco Corporation. Natigil siya sa pagtakbo nang mabasa ang pangalang iyon ng kumpanya. Bakit parang pamilyar? “What are you still doing here? Let’s go!” ani Inspector David at nauna nang maglakad. Luminga siya sa paligid, wala na rin pala sina Christine. Maraming empleyado ang nadatnan nila na nakikiusyoso sa nangyari. Ang bangkay ng biktima ay nandoon pa rin, nakaupo ito sa swivel chair, hawak ang kaliwang dibdib habang nakalaylay ang ikaliwang pulsuhan na

    Last Updated : 2021-10-19
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 6

    Hindi niya inaasahang makatatanggap sa araw na iyon nang tawag mula sa sekretarya ni Mr. Mabisco. Iniimbitahan raw siya nito sa kumpanya nito. Wala mang ideya kung bakit ay pumunta pa rin siya. Baka may gusto itong itanong tungkol sa kaso, ilang araw na rin kasi ang lumipas pero wala pang malinaw na lead kung sino ang salarin.“Maupo ka,” alok ni Mr. Mabisco sa kaniya nang nasa opisina na siya nito. May kasama itong babae na mukhang kasing kaedaran lang nila ni Christine, ito marahil ang anak ng lalaki.Lumapit ito sa lamesa at nagsalita sa intercom, “Cindy, bring three cups of coffee in my office.” Cindy? Cindy Ricarpio? Ito ba ang Cindy na kakilala niya? Pero baka hindi rin, marami ang may ganoong pangalan sa mundo.“By the way, this is Divine, my daughter.” Napamulagat siya sa pagsasalita ng lalaki

    Last Updated : 2021-10-19
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 7

    Araw ng linggo ang nakagawian nilang pamamasyal ng kaniyang papa Toper. Parehas silang walang pasok tuwing linggo at iyon lang din ang araw na maghapon nilang makikita at makakasama ang isa’t isa. Sa umaga at gabi na lang kasi sila nagkakakitaan kapag weekdays dahil sa trabaho nila.Nagsisimba muna sila sa umaga at mamamasyal pagkatapos. Nang linggong iyon ay sa mall siya nag-aya matapos nila sa simbahan, kailangan na rin kasi nilang mag-grocery at may bibilhin din siya.Naghiwalay sila ng ama nang nasa department store na sila. Inabala niya ang sarili sa pamimili ng mga damit na dadalhin niya sa mga batang lansangan na nakilala niya ilang linggo na ang nakalilipas. Balak niyang isama ang mga bata sa bahay ampunan na malapit lang sa kanila. Sana lang ay sumama sa kaniya ang mga bata. Doon ay kilala niya ang mga sister na mag-aalaga sa mga bata, panatag ang loob niyang magiging maayos ang lagay ng mga ito.Nagmamada

    Last Updated : 2021-10-20
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 8

    Mag-dadalawang linggo na rin mula noong maging bodyguard siya ng anak ni Mr. Mabisco at hanggang ngayon, wala pa ring update sa kaso. Bumagal ang imbestigasyon dahil wala pa rin silang makuhang ebidensiya na makapagtuturo kung sino ang pumatay sa biktima. Walang naiwang fingerprints sa crime scene at sa katawan nito. Pagkalason ang ikinamatay ng biktima, nakumpirma rin na ang ginamit na lason ay Cyanide na nakita nila Norman pero walang na-detect na fingerprints sa bote at sa kutsilyo na ginamit sa paglaslas. Kahit ang fingerprints ng biktima ay wala roon. Nakakapagtaka ring sira ang CCTV sa buong floor ng opisina ni President Divine at sa parking lot. Iniimbestigahan na rin ito pero hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na lead. Wala namang kakaibang banta sa buhay ni Ms. Divine. Payapa naman ang pagiging bodyguard niya rito. Wala ring kakaibang ginagawa si Mr. Alejo at hindi na niya ito muling natyempuhang kausap si Fatima. Naitanong

    Last Updated : 2021-10-21
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 9

    “Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”

    Last Updated : 2021-10-23
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 10

    MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi. Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito. Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito! Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril

    Last Updated : 2021-10-28

Latest chapter

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 17

    Tatlong araw nang hindi nagkikibuan ang mag-ama, hindi na rin alam ni Raven kung paano pag-aayusin ang dalawa. Naguguluhan na rin siya sa mga kinikilos ni David. May gusto ba siya sa ‘kin? Pero imposible naman ‘yon, isa pa magkapatid kami. “Satingin mo sapat na kaya itong mga nakuha nating mga dokumento para mapakulong si George?” tanong ni Gino na nagpahinto sa kaniyang pag-iisip. “Hindi pa, kailangan niyang mabulok sa kulungan.” Tiim bagang banggit ni Raven. Napailing na lang si Gino sa kaniya. Kahit anong pigil niya sa kaibigan ay hindi niya ito mapipigilan desidido na talaga ang dalaga sa pagpapakulong kay George. Agad naman silang napalingon sa pintuan ng marinig ang ingay ng pagbukas at sara ng gate, sinyales na may taong paparating. Mabilis silang kumilos upang itago ang mga papel na hawak. “Oh, andito ka pala Gino” ang papa Toper niya. “Oho, kina

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 16

    “You’re three months suspended, PO1 Raven Cruz! I’m not glad to hear you broke the rule, you disappoint me!” sigaw ng kanilang Chief. Kanina pa siya nito pinapagalitan at wala siyang ibang nagawa kundi ang yumuko. Nakarating na sa Chief nila ang ginawa niyang pag-iimbestiga sa kaso ni Ms. Ayleen kahit tinanggal na siya roon, at ang naging kapalit nito ay suspensiyon.Aminado naman siyang kasalanan niya at handa naman siyang tanggapin ang kaparusahan. Nakakainis lang na halos apat na buwan siyang nawala sa serbisyo dahil sa pagpapagaling tapos ngayon naman ay tatlong buwan siyang suspendido!“Are you listening, Officer?”Napapitlag siya at mabilis na nagtaas ng ulo sa kaharap. “Yes, sir!” sigaw na tugon niya.Napasentido ito at napailing-iling. “You were such an outstanding officer; you did

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 15

    “Ella, delikado!” Protesta ni Cindy nang sabihin ni Raven ang ipapagawa niya rito.Kailangan niya ang mga dokumento ng lupa at bagong building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Kailangan din niya si Cindy para makuha ang mga iyon.“Pakiusap, Cindy, huling pabor ko na ‘to sayo. Ikaw lang ang tanging pweding maglabas-pasok sa office ni George at hindi ka nila paghihinalaan dahil malaki ang tiwala nila sa’yo.”“Iyon na nga, Ella, malaki ang tiwala nila sa akin at ayaw kong sirain ‘yon. Saka tungkol pa rin ba ito kay Mr. Alejo?”Nasabi niya noon kay Cindy ang tungkol kay Alejo, na kasama ang lalaki sa mga pumatay sa magulang niya. Napansin kasi ni Cindy ang disgusto niya at ang matatalim niyang titig dito.“Oo, kaya tulungan mo na ako.” Pagsisinungaling n

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 14

    “Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Ang sabi ng Doctor mo ay makabubuti kung matutulog ka nang matutulog para bumalik agad ang lakas mo.” Ani ng Papa Toper niya habang inaayos ang kumot niya.Apat na araw matapos niyang magising ay hindi umalis sa tabi niya ang ama. Ayon dito ay dalawang linggo rin siyang walang malay at ang nagbantay sa kaniya ay ang kupal na si David. Pero mula naman nang magising siya ay hindi na nagpakita ang lalaki.Nabugbog ang katawan niya sa nangyaring aksidente, na-fractured ang kaliwang braso at binti niya at kumikirot-kirot pa rin ang ulo niya. Sabi ng Doctor ay maari na siyang makauwi sa loob ng tatlong linggo kung magiging maayos ang kalagayan niya. Pero kailangan niyang ipahinga ang braso at binti ng tatlong buwan. And that sucks!Ayon pa sa Doctor ay maswerte siya’t nakaligtas siya sa nangyaring insidente, kung natagalan nga raw ang pagresponde sa k

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 13

    Inutusan siya ni Ms. Divine na pumunta sa Baguio para kunin ang ilang dokumento kay Mr. Castro— ang namamahala sa construction ng building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Bilin ni Divine na dalhin iyon kaagad kay Mr. Mabisco kapag nakuha na niya dahil kailangan iyon ng lalaki. Nakakapagtaka lang kung bakit siya ang inutusan nito gayong importante ang dokumento na iyon at may hinala na ang babae sa kaniya. Sinunod na rin niya ang utos, pagkakataon na rin iyon upang makuha ang mga kakailanganin niya, mas magiging alerto na lang siya kung sakaling may pina-plano ang babae. Nasa Kennon road na siya—ang sikat na pakurbang daan sa Baguio—nang mag-ring ang cellphone niya. Mabilis niya iyong sinulyapan at sinagot ang tawag nang makitang ang ama iyon. “Hello, Pa?” sagot niya sa kabilang linya. “Pauwi ka na ba?” Binagalan niya an

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 12

    “Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na!” patuloy na pangungulit ni David sa kaniya. Kanina pa siya nitong binubwiset. Sigaw nang sigaw at katok nang katok sa labas ng pinto niya. “Go away, David! Shut that damn mouth of yours!” balik sigaw niya rito bago nagtalukbong ng unan. Kailangan niya ng katahimikan! Hindi siya makakapag-isip ng maayos kung patuloy siya nitong kukulitin. Hindi niya alam kung paano sasagutin si David at kung anong sasabihin niya rito. Kailangan niya munang ikalma ang sarili para makapagdesisyon siya ng maayos at hindi padalos-dalos! “Huwag mo akong subukan, Raven! lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong pinto mo.” Banta nito. Mukhang hindi talaga siya papalaring makamtan ang katahimikang hinihiling niya dahil ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog at bumukas ang pinto, tumambad sa kaniya ang galit na si David.

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 11

    Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya. Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki! The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya! Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit. “Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit. “Shit! Nasaan naman kaya ako?”

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 10

    MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi. Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito. Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito! Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 9

    “Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”

DMCA.com Protection Status