Share

The Kindhearted Revenge
The Kindhearted Revenge
Penulis: arcaizzzz

CHAPTER 1

Penulis: arcaizzzz
last update Terakhir Diperbarui: 2021-09-18 22:42:58

… Kapakanan ng isa o ang kapakanan ng nakararami.

“Ernesto, bilisan mo riyan!” garalgal na sigaw ni Maria sa asawa, pilit pinipigilan ang maluha habang tinatanggal ang mga picture frame sa dingding. Kailangan ay bago sumapit ang hapon ay matapos na sila sa ginagawa.

“Ma, a-anong nangyari at magulo ang bahay?” bungad ni Shiela sa kaniya nang makauwi galing sa eskwelahan ay ganoon na lamang ang nadatnan.

“Oh— Bakit nandito ka na?” natigilang ani niya. “Hindi ba’t oras pa ng klase mo? Mamaya pa ang tapos niyo.” Pasimple siyang tumalikod sa anak at pinahiran ang pisngi nang may lumandas na mga luha.

Nagtatakang lumapit si Shiela bago sumagot. “Mama, Friday po ngayon, maaga po ang labasan namin.”

“Ganoon ba, nakalimutan ko.” Wala sa sariling tugon niya at tinuloy ang ginagawa.

“Ano ho ang ginagawa niyo at tinatanggal niyo ang mga medal ko? Ang mga picture ko? At… at ang mga d-damit ko?” Naguguluhang tanong ng anak at lumapit sa mga gamit niya na isa-isa niyang isinisilid sa isang malaking sako bag.

“Ma, satingin ko ay sapat na ang hukay na ito!” sigaw ni Ernesto mula sa likod ng bahay. Nilingon ni Shiela ang pinanggalingan nang boses ng ama at nagtatanong ang mga matang tumingin sa kaniya. Naghahanap ng kasagutan.

Sa halip na sagutin ay inilihis niya ang usapan. “Mabuti pa ay tulungan mo na lang ako.” utos niya rito at kinuha ang isang envelope na naglalaman ng mga mahahalagang dokumento ng anak at saka isiniksik sa loob ng sako bag.

Tumigil siya nang makitang nakatingin lang ito sa kaniya. Bumuntong hiningang lumapit siya sa anak, hinarap ito, at hinawakan sa balikat.

“Alam kong matalino ka, anak, maganda at higit sa lahat ay mabait ka,” pinakatitigan muna niya ito bago muling nagsalita. “Sa ngayon, alam kong hindi mo pa ito mauunawaan.”

“Nagkakamali po kayo, mama. Ikaw na rin ang nagsabing matalino ako, kaya mauunawaan ko po.” Umiiling na sabi nito habang sunod-sunod ang pagbagsak nang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumuhos, nadudurog ang pusong tinuyo niya ang pisngi ng anak. Dahil sa pagtangis nito ay hindi na rin niya napigilan ang mga luhang kanina pa niya pilit ikinukubli.

“Mali ang kung ano mang iniisip mo, anak. H-hindi sa ganun—” pilit nagpapaunawang tinitigan niya ito. Iniisip na naman nitong ipapamigay nila siya.

“Ma, tapos na kaya—” hindi natuloy ang sasabihin ng kaniyang asawa nang makitang luhaan silang mag-ina. Lumapit ito sa kanila, masuyong hinawakan ang mukha ng anak nila at tinaboy ang mga luhang lumalandas sa mga pisngi nito.

“PAPA, sabihin niyo po sa’kin kung anong nangyayari rito,” pagmamakaawa niya sa ama.

“Anak, wala ito…” mahinahong sagot ng kaniyang ama. Habang ang kaniyang ina ay patuloy pa rin sa pagtangis.

“Meron po! Alam kong meron!”

“Matalino ka talaga anak, grade-v ka pa lang pero ang dami mo nang napupuna.”

“Ikinakahiya niyo po ako ‘di ba? Ayaw niyong magkaroon ng kaugnayan sa’kin kaya ipamimigay niyo na ako?!” puno nang sakit niyang sigaw sa ama.

“Hindi anak…” mabilis na pagsalungat nito.

“Ikinakahiya niyo ako! Ano po ba ang nagawa kong mali at—”

“W-wala. Wala kang nagawang mali, Shiela.”

“Kung ganoon, sabihin niyo po sa’kin kung anong nangyayari!”

Nagkatinginan lamang ang mga magulang niya at hindi na muling nagsalita. Iwinaksi niya ang kamay ng ama na nasa kaniyang mukha na pilit tinutuyo ang luhang hindi naman maampat. Tumakbo siya patungo sa kaniyang kuwarto, ikinandado ang pinto bago dumapang umiyak sa kaniyang kama. Hindi pa man nagtatagal ay nag-ingay na ang kaniyang pinto sa sunod-sunod na pagkatok ng inang sumunod agad sa kaniya.

“Anak, buksan mo ang pinto!” garalgal na ani ng ina dahil sa patuloy pa ring pag-iyak.

Hindi siya kumilos para pagbuksan ito ng pinto, mas ibinaon pa niya ang mukha sa unan. Ilang sandali pa’y narinig na niya ang masuyong boses ng ina, nakapasok na ito at sinusuyo siya.

“Umalis po kayo! Galit ako sa inyo ni Papa,” tumayo siya at hinarap ito. “Alis! Alis!” pagtataboy niya sa ina habang tinutulak ito palabas. Tumigil lang siya nang hindi na marinig ang masakit na pagtangis ng ina.

Pabalik na siya sa kama nang mapansin ang kabuoan ng kuwarto kung saan wala na ang kaniyang mga gamit. Wala na ang mga mahal niyang teddy bear na regalo sa kaniya ng mga magulang sa tuwing kaarawan niya. Sa sama ng loob ay lumabas siya sa kaniyang silid at pinuntahan ang mga ito.

“Kailangan na nating bilisan at baka maabutan pa nila tayo! Subukan mong kumbinsihen si Shiela na mamamasyal kayo. Ako na ang bahala rito!” tumigil siya nang marinig na nag-uusap ang kaniyang mama’t papa.

“Hindi pwede! Ako ang kailangan nila, kaya ikaw ang sasama kay Shiela! At isa pa’y hindi siya nakikinig sa’kin. Hindi siya makikinig sa’tin! Natatakot akong kamuhian niya tayo! Ayokong lumaki siyang may hinanakit sa’tin!” humahagulgol na ani ng kaniyang ina sa nahihirapang asawa.

Hindi niya maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito, mahal niya ang mga magulang kaya ganoon na lang kasakit na ayaw na ng mga ito sa kaniya. Pero sa kabila noon ay hindi niya pa rin kayang magalit sa mga ito.

“Hindi ‘yan mangyayari, mabait siyang bata at alam kong sa paglipas ng panahon ay maiintindihan niya tayo. Sige na, puntahan mo na siya at umalis na kayo rito.”

“Ano ka ba?! Kahit tumakas kami at patayin ka nila, hinding-hindi pa rin nila kami titigilan dahil ako ang pakay nila!” galit na anas ng mama niya sa kaniyang papa. “Naiintindihan mo ba?! Ako ang kailangan nila kaya ikaw ang sasa—” hinigit ng ama ang braso ng kaniyang ina at niyakap ito ng mahigpit. Tahimik na umiiyak at umuusal.

Ilang minuto ang lumipas bago nakabawi ang dalawa “Ano pa ang ginagawa natin? Bilisan natin at baka maabutan pa nila tayo!” Ani ng ama at mabilis na kumilos upang buhatin ang sako bag na naglalaman ng mga gamit niya.

Sinundan niya ang ama patungo sa labas ng bahay at nakita niyang inihulog nito iyon sa hukay.

“Papa! Ano pong ginagawa niyo? Mga toys ko ‘yan!” tarantang sabi niya. Nalipat ang tingin niya sa kulungan ng alaga niyang ginuea pig, mas nadagdagan ang pakataranta niya ng makitang wala roon ang mga alaga.

“Nasaan sina James at Jane?!” tukoy niya sa mga alaga.

“Nakawala sila at wala na akong panahon para hulihin sila kaya nakatakas.” Sagot ng ama habang patuloy sa pagpapala ng lupa upang tabunan ang mga gamit na inilibing nito.

“Tama na po, Papa!” tumakbo siya palapit sa ama at yumakap sa binti nito habang malakas na humahagulgol. “Importante po ‘yan sa’kin, Papa! Parang awa mo na po, huwag mong gawin ‘yan!” 

Patakbo namang lumapit ang ina para daluhan siya at awatin ngunit hindi siya bumitaw sa binti ng ama.

“Anak, tama na, halika na!” umiiyak na alo ng ina sa kaniya. Ngunit hindi pa rin siya nagpatinag.

“Sinabing tama na! umalis ka riyan!” sigaw sa kaniya nang kaniyang papa at nanlilisik ang mga matang ibinato sa kaniya.

Napabitaw siya sa binti ng ama sa pagkagimbal. Ngayon lang niya nakita ang ama na ganoon. Ni minsan ay hindi nito nagawang sigawan siya o kaya ay paluin man lang. Napayakap siya sa ina sa takot.

Samatalang ipinagpatuloy naman ng ama ang ginagawa na naudlot dahil sa kakulitan niya. Nang mawala sa paningin niya ang malaking pulang bag at napalitan ng mga tambak na lupa, kinuha naman ng ama ang kulungan ng kaniyang alaga, inayos ito sa ibabaw ng lupang pinagbaunan upang hindi mahalatang nagalaw ang bahaging iyon ng kalupaan. Nang maiyos ang lahat ay lumapit na ito sa kanilang mag-ina.

“Anak, Shiela, patawarin mo ang Papa ha, nagawa ko lang naman ito para sa’yo.”

Hindi siya sumagot, ni hindi tiningnan ang ama kahit na hinuhuli nito ang tingin niya. Pero hindi pa rin siya natigil sa kakaiyak at nanginginig ang buo niyang katawan sa takot. Kitang-kita iyon sa higpit ng kapit niya sa ina.

“Galit ako sa’yo, Papa! Galit ako sa’yo!”

“Alam ng Papa ‘yan, anak. Alam ko ring hindi mo ako maiintindihan—” tinangka nitong hawakan ang kaniyang kamay na nakapulupot sa leeg ng ina ngunit umilag siya.

“Pero pagdating ng panahon, mauunawaan mo rin kami ng mama mo.”

“Ikinakahiya niyo ako!” sigaw niya at kumawala siya sa pagkakayakap sa ina at sinubukang tumakbo, ngunit hindi niya na nagawa, nahawakan na siya ng ina sa braso.

“Galit ako sa inyo!” sabi niya sa ina.

“Alam namin ‘yan, kaya lisanin mo ang lugar na ito at huwag ka ng babalik pa! Tuparin mo ang mga pangarap mo!” sabi nitong nakatitig sa kaniyang mga mata. “Hindi ba’t gusto mong maging doktora at flight attendant? Tuparin mo ang mga iyon o kahit alin doon! At kapag naging ganap ka ng doktora o flight attendant, bumalik ka rito at hukayin mo ang inilibing ng Papa mo.”

“Saan po tayo pupunta?” nagtataka niyang tanong sa ina.

Umiling-iling ito, “Ikaw lang, anak,” masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. “At sana kapag dumating ang panahon na iyon ay hindi ka mamuhi sa’min ng iyong ama.”

“Ano pong ibig niyong sabihin?” Lumingon siya sa ama ngunit nakayuko lamang ito nang magsalita.

“magpakatatag ka, magpakabait, at huwag kang mag-aalinlangang sundin kung ano mang gusto ng puso mo. Malaman mo sana kung alin sa dalawa ang siyang dapat piliin, ang kapakanan ng isa o ang kapakanan ng nakararami.”

“Ano po ba ang sinasabi niyo? Hindi ko po maintindihan.”

Muli niyang ibinalik ang tingin sa ina nang magsalita ito. “Ito ang pera,” sabi nito habang ipinapasok sa kaniyang bag ang supot ng pera. “tumawag na ako sa DSWD at papunta na sila rito para sunduin ka.”

Muling bumalik ang sakit at takot na kanina pa niyang dinaramdam, mas dumoble na nga lang nayon. “DSWD? Kung ganoon ay ipapamigay niyo nga ako kasi kinakahiya niyo ako?!”

“Hindi, anak…” Pinilit siyang kumawala mula sa pagkakahawak ng ina. Malaman pa lang na ipapamigay siya ng mga ito ay halos madurog na ang puso niya. “Walang magulang ang ikahihiya ka, anak. Proud na proud kami ng papa mo sa’yo. Pinagpala kami simula nang dumating ka sa buhay namin.”

“Kung ganoon po bakit niyo pa ako ipamimigay?”

“Panandalian lang ito, susunduin ka rin namin doon. Alagaan mo ang sarili mo anak.”

“Hindi ko po maintindihan at—” Hindi na natuloy ang sasabihin niya nang may kumatok sa pintuan nila ng marahas at malalakas at sunod-sunod kaya dinig nila hanggang sa likod ng bahay.

“Nandiyan na pala ang taga-DSWD. Maghanda ka na, anak.”

“Sa tingin ko ay hindi taga-DSWD ang mga iyon, umalis na kayo! Ilayo mo siya rito!” Ani ng kaniyang ama na biglang naging alerto at patakbong pumasok sa loob ng bahay.

Ang kaniya namang mama ay hinila siya palayo sa kanilang bahay. Puno ng pangamba ang mukha nito, tarantang inililibot ang paningin sa kabuuan ng lugar na para bang naghahanap ng imposible.

“Diyos ko, tulungan niyo kami!” mahinang anas ng ina. Nag-aalalang nilingon niya ang ina at pilit iniintindi ang mga nangyayari.

“Diyos ko! Alam kong napakasama kong ina sa gagawin kong ito pero ito na lamang ang naiisip kong paraan!” muling bulong ng ina ngunit hindi na iyon malinaw sa kaniyang pandinig dahil hinila na siya nito patakbo sa kinalalagyan ng kulungan ng kaniyang alaga.

“Anak, pumasok ka sa loob!” takot na nilingon niya ang ina. Sasagot pa lang siya nang biglang may marinig silang sunod-sunod na putok ng baril.

“Shielaaa! Pumasok ka na!” naghihisteryang sigaw ng mama niya at pilit siyang ipinapasok sa loob ng kulungan. Sa kaguluhan at takot ay nagpaubaya siya sa gustong mangyari ng ina.

“Kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang lalabas dito! At huwag ka ring gagawa ng ingay na ikakapahamak mo!” sabi nito nang makapasok siya. Hinalikan siya nito sa noo. “Mahal na mahal ka namin ng papa mo!” ani pa nito bago tuluyang isinara ang kurtina na nakatakip sa kulungan at ang pintuan.

Nakita niyang tinakbo ng mama niya papasok ang bahay nila dahil sa maliit na butas sa kurtina. Pero bigla na lamang itong tumilapon pabalik at sumalpok ito sa lupa malapit sa kinaroroonan niya.

Tatlong lalaki ang nakita niyang lumabas sa kanilang bahay at lumapit sa mama niya. Ang isa na nangunguna sa tatlo ay may hawak na envelope, mahaba ang bigote at balbas nito. Ang dalawa namang kasama nito ay may hawak na baril. Siguradong ang mga ito ang may gawa ng putok ng baril kanina. Ang isa ay may katandaan na base sa kulubot ng mukha nito at ang isa ay mas bata kumpara rito, maraming nakasuot na hikaw sa kaniyang tainga, mayroon din itong pilat sa kaliwang tainga.

Hindi siya gumawa ng ingay, pati paghinga ay pilit niyang pinipigilan upang hindi makagawa ng anumang tunog. Tinakpan niya ang sariling bibig ng mga kamay upang hindi makatakas ang kaniyang paghikbi. Malapit lamang ang mga ito sa kaniya kaya hindi siya dapat mag-ingay.

“Malamang ay alam mo na kung bakit kami naririto!” ani ng lalaking may hawak ng envelope.

“Anong ginawa niyo sa asawa ko?” tanong ng kaniyang ina sa nahihirapang boses.

“Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!”

Inihagis nito ang envelope sa mukha ng mama niya, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Nahagip ng paningin niya ang nakasulat mula sa kinaroroonan niya, ilang metro lamang ang layo niya mula sa mga ito. MABISCO CORPORATION.

“Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng kaniyang ina. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!”

“Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel na nabitawan ng ina.

Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”

“Ganoon na nga,”

“At kung ayaw ko?”

“Diyan tayo ‘di magkakasundo!” mapanganib na sagot nito. Marami pa itong sinabi pero hindi niya na masyado pang naintindihan, bukod sa mabilis itong magsalita ay ramdam ang galit na lalong nagpalala sa takot niya.

Nakita niyang gumagapang palabas ang ama, nabuhay ang saya sa puso niya nang makitang buhay ito, ngunit nang makita ito ng dalawang lalaki ay mabilis nilang binaril ang ama sa magkabilang binti.

“Ma, ‘wag na ‘wag mong pipirmahan ‘yan!” nahihirapang sigaw ng papa niya.

Patakbong nilapitan ng mama niya ang kaniyang papa at niyakap ito. “Pero paano ka?”

“Puta, drama!” ani ng lalaking may katandaan na at tinutukan ng baril papa niya.

“Ngayon, gagawin mo ba o pasasabugin ko ang bungo ng mahal mong asawa?”

Umiiyak na paulit-ulit umiling ang mama niya. Gustong-gusto na niyang lumabas sa pinagtataguan at yakapin ang mga magulang. Nasasaktan siya na nakikitang umiiyak ang kaniyang ina at nahihirapan ang kaniyang ama.

“Ma, piliin mo ang dapat! Piliin mo ang kapakanan ng marami kaysa sa’kin!”

Ani ng ama at bigla nitong inagaw ang baril na hawak ng matandang lalaki, inilapit ang dulo sa sariling ulo at kinalabit ang gatilyo.

“Ernestooooooo!!!!” puno nang sakit na sigaw ng kaniyang ina habang dumadausdos sa bisig nito ang walang buhay niyang ama.

Lalong humigpit ang hawak niya sa kaniyang bibig nang makitang bumulagta sa lupa ang ama habang ang mama niya ay iyak nang iyak.

“Gunggong ka talaga! Bakit ka lumapit? Sa tingin mo ba mapapapirma ko pa ‘yang babaeng ‘yan?” galit na bulyaw ng lalaking mabigote, inagaw nito ang baril ng isa pang kasama at binaril sa ulo ang kasamahang may katandaan na.

Lumapit ito sa mama niya at kinuha ang kamay, pilit pinapaperma sa papel. “Permahan mo na, puta!”

Lumaban ang mama niya at itinulak ito. “Hindi ako pipirma!”

“Gago kang puta ka!” Nang makabawi ang lalaki ay walang pagdadalawang isip na binaril nito ang kaniyang ina sa ulo. Kinuha ang papel at inilagay sa palad ng kasamahan niya ang baril. “Tara na!”

Nang makaalis na ang mga ito ay tsaka lamang niya pinakawalan ang malalakas na paghikbi. Iyak lamang siya nang iyak. Nawala ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon. Ang atensiyon niya ay nasa mga magulang na walang buhay na nakahandusay sa lupa. Ni hindi niya maikurap ang mga mata. Ang mga matang naging saksi sa kinahantungan ng mga mahal niyang magulang.

Dapit hapon na nang makarinig siya ng ingay sa kaniyang paligid. Sa takot na muling nagbalik ang mga masasamang taong pumatay sa mga magulang ay dali-dali siyang lumabas sa kulungan. Mabilis niyang tinahak ang daan sa pinakalikod ng kanilang bahay kung saan nakatirik ang malaking puno na madalas niyang inaakyat. Gamit ang malaking puno ay nakalabas siya sa kanilang bakuran. Hilam ng luha siyang tumakbo palayo sa mga magulang na kailanman ay hindi na niya makakasama pang muli. 

Bab terkait

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 2

    WALA sa sariling naglakad siya sa katirikan ng araw, hindi alam kung saan siya patungo. Ang init ng araw ay tumatama sa balat niyang maputi at makinis na alaga ng kaniyang yumao ng ina. Mula pa kagabi siyang palakad-lakad at walang kain, sumasakit na rin ang tiyan niya sa gutom. Gusto niya sanang humingi ng tulong kaya lang ay malinaw sa kaniya ang paglayo at pag-iwas ng mga tao. Mabilis ang mga itong iiwas sa kaniya kapag malapit na siya at ang iba ay kusa nang lumalayo makita pa lamang siya. Ang mga kapwa niya bata ay tinatawanan siya at may mga ilan namang tinatapunan lang siya ng tingin pero wala rin namang mga pakialam. Bakas ang pandidiri sa mga mata nila dahil sa itsura niyang pulos dumi at amoy hayop dahil sa kumapit na amoy ng mga alaga niyang ginuea pig. Makalipas pa ang ilang oras na paglalakad ay nanginginig at nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa init at gutom. Naninilim na rin ang kaniyang paningin. Ilan pang hakbang ang naga

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-18
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 3

    ‘GAYA ng gusto ni Cindy at ng mama Jessa niya ay umalis nga siya. Hindi siya napigilan ng papa Mario niya, bagkus ay nangako na lamang siyang magiging maayos ang buhay niya sa kung ano mang kahihinatnan niya. Tulad dati ay nagpapalakad-lakad lamang siya, walang patutunguhan, walang destinasyon, ang kaibahan lang ay nasa tamag pag-iisip na siya ngayon. Hindi niya kinuha ang perang ibinigay ng papa Mario niya sa kaniya. Sobra-sobra na ang ginawa nitong pagtulong sa kaniya. At balang araw ay makakabawi rin siya rito. Magiging maayos din ang buhay niya. Naghahanap na siya ng pwedeng matuluyan sa tabing kalsada kung saan siya inabutan ng dilim. Marami namang mga batang pagala-gala rito, kaya ayos lang kung matutulog siya katabi ng mga ito. Itutulog niya na lang ang gutom at bukas na lang siya maghahanap ng makakain. Manglilimos siya. Iyon ang nasa isip niya ng gabing iyon. Alam niyang yun din ang ginagawa

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-18
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 4

    Maaga pa noong itinaboy siya ni Gino paalis sa tindahan nito. Nasabi niya rin kasing ilang oras din ang layo ng tinitirhan niya mula rito sa Tondo. Pero ang planong pag-uwi ay naantala ng pasyahin niyang manatili muna nang ilang oras.Nilibot niya muna ang Tondo habang masayang sinasariwa ang mga alaala nila ng mga kaibigan. Natatawang umiling siya nang mapagtantong namiss niya ang mga pinagdaanan nilang magkakaibigan. Pwede pala ‘yun? Mamiss ng isang pulis ang magnakaw? Kung malalaman ito ng papa Toper niya ay baka mabatukan pa siya.Marami nga talagang magbabago kasabay ng paglipas ng panahon. Malaki rin ang pinagbago ng lugar. Ang dating palengke na madalas nilang ikutan noon ay isa na ngayong mall. Hindi na rin pamilyar ang mga mukhang nakikita niya, kung hindi mga nagsitanda ay maaga namang namaalam ang mga taong naging saksi sa mga kasalanan niya.Mas marami na rin ang mga tao ngayon na kung

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-18
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 5

    Isang nakakapagod na araw na naman ito para sa station nila Raven, katatapos lang ng lunch break nila nang may tumawag sa kanilang station. Nagka-emergency daw sa Mabisco Corporation, may nagpakamatay. Nagmamadali nilang inayos ang sarili at umalis. Kasama niya sina Catherine at Oliver. Nang makarating sa lugar ay mabibilis ang kilos nilang bumaba sa sasakyan at tinakbo papasok ang malaking kompanya. Mabisco Corporation. Natigil siya sa pagtakbo nang mabasa ang pangalang iyon ng kumpanya. Bakit parang pamilyar? “What are you still doing here? Let’s go!” ani Inspector David at nauna nang maglakad. Luminga siya sa paligid, wala na rin pala sina Christine. Maraming empleyado ang nadatnan nila na nakikiusyoso sa nangyari. Ang bangkay ng biktima ay nandoon pa rin, nakaupo ito sa swivel chair, hawak ang kaliwang dibdib habang nakalaylay ang ikaliwang pulsuhan na

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-19
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 6

    Hindi niya inaasahang makatatanggap sa araw na iyon nang tawag mula sa sekretarya ni Mr. Mabisco. Iniimbitahan raw siya nito sa kumpanya nito. Wala mang ideya kung bakit ay pumunta pa rin siya. Baka may gusto itong itanong tungkol sa kaso, ilang araw na rin kasi ang lumipas pero wala pang malinaw na lead kung sino ang salarin.“Maupo ka,” alok ni Mr. Mabisco sa kaniya nang nasa opisina na siya nito. May kasama itong babae na mukhang kasing kaedaran lang nila ni Christine, ito marahil ang anak ng lalaki.Lumapit ito sa lamesa at nagsalita sa intercom, “Cindy, bring three cups of coffee in my office.” Cindy? Cindy Ricarpio? Ito ba ang Cindy na kakilala niya? Pero baka hindi rin, marami ang may ganoong pangalan sa mundo.“By the way, this is Divine, my daughter.” Napamulagat siya sa pagsasalita ng lalaki

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-19
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 7

    Araw ng linggo ang nakagawian nilang pamamasyal ng kaniyang papa Toper. Parehas silang walang pasok tuwing linggo at iyon lang din ang araw na maghapon nilang makikita at makakasama ang isa’t isa. Sa umaga at gabi na lang kasi sila nagkakakitaan kapag weekdays dahil sa trabaho nila.Nagsisimba muna sila sa umaga at mamamasyal pagkatapos. Nang linggong iyon ay sa mall siya nag-aya matapos nila sa simbahan, kailangan na rin kasi nilang mag-grocery at may bibilhin din siya.Naghiwalay sila ng ama nang nasa department store na sila. Inabala niya ang sarili sa pamimili ng mga damit na dadalhin niya sa mga batang lansangan na nakilala niya ilang linggo na ang nakalilipas. Balak niyang isama ang mga bata sa bahay ampunan na malapit lang sa kanila. Sana lang ay sumama sa kaniya ang mga bata. Doon ay kilala niya ang mga sister na mag-aalaga sa mga bata, panatag ang loob niyang magiging maayos ang lagay ng mga ito.Nagmamada

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-20
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 8

    Mag-dadalawang linggo na rin mula noong maging bodyguard siya ng anak ni Mr. Mabisco at hanggang ngayon, wala pa ring update sa kaso. Bumagal ang imbestigasyon dahil wala pa rin silang makuhang ebidensiya na makapagtuturo kung sino ang pumatay sa biktima. Walang naiwang fingerprints sa crime scene at sa katawan nito. Pagkalason ang ikinamatay ng biktima, nakumpirma rin na ang ginamit na lason ay Cyanide na nakita nila Norman pero walang na-detect na fingerprints sa bote at sa kutsilyo na ginamit sa paglaslas. Kahit ang fingerprints ng biktima ay wala roon. Nakakapagtaka ring sira ang CCTV sa buong floor ng opisina ni President Divine at sa parking lot. Iniimbestigahan na rin ito pero hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na lead. Wala namang kakaibang banta sa buhay ni Ms. Divine. Payapa naman ang pagiging bodyguard niya rito. Wala ring kakaibang ginagawa si Mr. Alejo at hindi na niya ito muling natyempuhang kausap si Fatima. Naitanong

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-21
  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 9

    “Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-23

Bab terbaru

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 17

    Tatlong araw nang hindi nagkikibuan ang mag-ama, hindi na rin alam ni Raven kung paano pag-aayusin ang dalawa. Naguguluhan na rin siya sa mga kinikilos ni David. May gusto ba siya sa ‘kin? Pero imposible naman ‘yon, isa pa magkapatid kami. “Satingin mo sapat na kaya itong mga nakuha nating mga dokumento para mapakulong si George?” tanong ni Gino na nagpahinto sa kaniyang pag-iisip. “Hindi pa, kailangan niyang mabulok sa kulungan.” Tiim bagang banggit ni Raven. Napailing na lang si Gino sa kaniya. Kahit anong pigil niya sa kaibigan ay hindi niya ito mapipigilan desidido na talaga ang dalaga sa pagpapakulong kay George. Agad naman silang napalingon sa pintuan ng marinig ang ingay ng pagbukas at sara ng gate, sinyales na may taong paparating. Mabilis silang kumilos upang itago ang mga papel na hawak. “Oh, andito ka pala Gino” ang papa Toper niya. “Oho, kina

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 16

    “You’re three months suspended, PO1 Raven Cruz! I’m not glad to hear you broke the rule, you disappoint me!” sigaw ng kanilang Chief. Kanina pa siya nito pinapagalitan at wala siyang ibang nagawa kundi ang yumuko. Nakarating na sa Chief nila ang ginawa niyang pag-iimbestiga sa kaso ni Ms. Ayleen kahit tinanggal na siya roon, at ang naging kapalit nito ay suspensiyon.Aminado naman siyang kasalanan niya at handa naman siyang tanggapin ang kaparusahan. Nakakainis lang na halos apat na buwan siyang nawala sa serbisyo dahil sa pagpapagaling tapos ngayon naman ay tatlong buwan siyang suspendido!“Are you listening, Officer?”Napapitlag siya at mabilis na nagtaas ng ulo sa kaharap. “Yes, sir!” sigaw na tugon niya.Napasentido ito at napailing-iling. “You were such an outstanding officer; you did

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 15

    “Ella, delikado!” Protesta ni Cindy nang sabihin ni Raven ang ipapagawa niya rito.Kailangan niya ang mga dokumento ng lupa at bagong building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Kailangan din niya si Cindy para makuha ang mga iyon.“Pakiusap, Cindy, huling pabor ko na ‘to sayo. Ikaw lang ang tanging pweding maglabas-pasok sa office ni George at hindi ka nila paghihinalaan dahil malaki ang tiwala nila sa’yo.”“Iyon na nga, Ella, malaki ang tiwala nila sa akin at ayaw kong sirain ‘yon. Saka tungkol pa rin ba ito kay Mr. Alejo?”Nasabi niya noon kay Cindy ang tungkol kay Alejo, na kasama ang lalaki sa mga pumatay sa magulang niya. Napansin kasi ni Cindy ang disgusto niya at ang matatalim niyang titig dito.“Oo, kaya tulungan mo na ako.” Pagsisinungaling n

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 14

    “Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Ang sabi ng Doctor mo ay makabubuti kung matutulog ka nang matutulog para bumalik agad ang lakas mo.” Ani ng Papa Toper niya habang inaayos ang kumot niya.Apat na araw matapos niyang magising ay hindi umalis sa tabi niya ang ama. Ayon dito ay dalawang linggo rin siyang walang malay at ang nagbantay sa kaniya ay ang kupal na si David. Pero mula naman nang magising siya ay hindi na nagpakita ang lalaki.Nabugbog ang katawan niya sa nangyaring aksidente, na-fractured ang kaliwang braso at binti niya at kumikirot-kirot pa rin ang ulo niya. Sabi ng Doctor ay maari na siyang makauwi sa loob ng tatlong linggo kung magiging maayos ang kalagayan niya. Pero kailangan niyang ipahinga ang braso at binti ng tatlong buwan. And that sucks!Ayon pa sa Doctor ay maswerte siya’t nakaligtas siya sa nangyaring insidente, kung natagalan nga raw ang pagresponde sa k

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 13

    Inutusan siya ni Ms. Divine na pumunta sa Baguio para kunin ang ilang dokumento kay Mr. Castro— ang namamahala sa construction ng building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Bilin ni Divine na dalhin iyon kaagad kay Mr. Mabisco kapag nakuha na niya dahil kailangan iyon ng lalaki. Nakakapagtaka lang kung bakit siya ang inutusan nito gayong importante ang dokumento na iyon at may hinala na ang babae sa kaniya. Sinunod na rin niya ang utos, pagkakataon na rin iyon upang makuha ang mga kakailanganin niya, mas magiging alerto na lang siya kung sakaling may pina-plano ang babae. Nasa Kennon road na siya—ang sikat na pakurbang daan sa Baguio—nang mag-ring ang cellphone niya. Mabilis niya iyong sinulyapan at sinagot ang tawag nang makitang ang ama iyon. “Hello, Pa?” sagot niya sa kabilang linya. “Pauwi ka na ba?” Binagalan niya an

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 12

    “Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na!” patuloy na pangungulit ni David sa kaniya. Kanina pa siya nitong binubwiset. Sigaw nang sigaw at katok nang katok sa labas ng pinto niya. “Go away, David! Shut that damn mouth of yours!” balik sigaw niya rito bago nagtalukbong ng unan. Kailangan niya ng katahimikan! Hindi siya makakapag-isip ng maayos kung patuloy siya nitong kukulitin. Hindi niya alam kung paano sasagutin si David at kung anong sasabihin niya rito. Kailangan niya munang ikalma ang sarili para makapagdesisyon siya ng maayos at hindi padalos-dalos! “Huwag mo akong subukan, Raven! lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong pinto mo.” Banta nito. Mukhang hindi talaga siya papalaring makamtan ang katahimikang hinihiling niya dahil ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog at bumukas ang pinto, tumambad sa kaniya ang galit na si David.

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 11

    Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya. Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki! The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya! Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit. “Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit. “Shit! Nasaan naman kaya ako?”

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 10

    MAG-ISA sa bahay si David dahil nang gabing iyon ay wala si Raven, hindi rin nakauwi ang kaniyang ama dahil mag-o-over time raw sa training center at bukas pa ng umaga ang uwi. Mas mabuti na ring wala ang lalaki dahil hindi niya pa rin talaga gustong kasama ang ama. Ilang araw na rin siya sa bahay nito pero hindi pa rin nababawasan ang galit niya para rito. Desidido talaga ang lalaki sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Tuwing darating siya sa gabi ay todo asikaso sa kaniya at anumang sabihin niya ay gagawin at ibibigay nito sa abot ng makakaya nito. Na lalo lamang niyang ikinagagalit sa ama. Paano nito nagagawang umakto na parang wala itong ginawa sa kaniya noon? Sabagay, wala naman talaga itong nagawa para sa kaniya noon dahil bata pa lang siya ay iniwan na siya nito! Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ama ay bumabalik sa kaniya lahat ng sakit, hirap, at pangungulilang dinulot nito sa kaniya. Awang-awa siya saril

  • The Kindhearted Revenge   CHAPTER 9

    “Huwag kang mag-alala, hindi pa naman patay ang lalaking iyon, pero kung susuwayin mo ang gusto ko, hindi ko lang alam!” Inihagis ng isang lalaki ang envelope sa mukha ng babae, pinulot nito iyon at inilabas ang papel na nakapaloob dito. Mula sa malayo, naaninag ng bata ang nakasulat doon. MABISCO CORPORATION. “Ano pa ba ang kailangan niyo?” umiiyak na anas ng babae. “Hindi ba’t sinabi ko na, patay na siya nang masunog ang una naming bahay! At wala rin naman kayong nakitang ebidensiya na magpapatunay na buhay pa nga siya!” “Hindi lang siya ang kailangan ko! Nandiyan sa papel na ‘yan!” turo nito sa papel. Pinulot nito iyon at tiningnan “Gusto mong permahan ko ito?”

DMCA.com Protection Status