Home / All / The Kindhearted Revenge / Chapter 11 - Chapter 17

All Chapters of The Kindhearted Revenge: Chapter 11 - Chapter 17

17 Chapters

CHAPTER 11

Bigla na lamang napapikit at napahigang muli si Raven sa kama nang sinubukan niyang tumayo. Kumikirot ang ulo niya.    Habang kinakalma ang sarili ay napansin niyang kakaiba ang amoy ng kwarto niya. Amoy lalaki!   The scent of citrus with aromatic rosemary intertwines with salty seawater and is softened the woody base. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Nakakaadik. It's Acqua Di Gio by Armani! At hindi iyon ang amoy ng kwarto niya!   Unti-unti niyang minulat ang mga mata upang malaman kung saan siya nakatulog. Tumambad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid at mga panlalaking gamit.    “Hindi kaya?” agad niyang sinilip ang katawan niyang nakabalot sa kumot para makasigurado sa iniisip. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may saplot pa rin siya at iyon pa rin ang suot niyang damit.   “Shit! Nasaan naman kaya ako?”
last updateLast Updated : 2021-10-30
Read more

CHAPTER 12

“Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na!” patuloy na pangungulit ni David sa kaniya. Kanina pa siya nitong binubwiset. Sigaw nang sigaw at katok nang katok sa labas ng pinto niya.   “Go away, David! Shut that damn mouth of yours!” balik sigaw niya rito bago nagtalukbong ng unan.   Kailangan niya ng katahimikan! Hindi siya makakapag-isip ng maayos kung patuloy siya nitong kukulitin. Hindi niya alam kung paano sasagutin si David at kung anong sasabihin niya rito. Kailangan niya munang ikalma ang sarili para makapagdesisyon siya ng maayos at hindi padalos-dalos!   “Huwag mo akong subukan, Raven! lumabas ka riyan bago ko pa sirain itong pinto mo.” Banta nito.   Mukhang hindi talaga siya papalaring makamtan ang katahimikang hinihiling niya dahil ilang segundo lang ay nakarinig siya ng kalabog at bumukas ang pinto, tumambad sa kaniya ang galit na si David.
last updateLast Updated : 2021-11-01
Read more

CHAPTER 13

Inutusan siya ni Ms. Divine na pumunta sa Baguio para kunin ang ilang dokumento kay Mr. Castro— ang namamahala sa construction ng building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Bilin ni Divine na dalhin iyon kaagad kay Mr. Mabisco kapag nakuha na niya dahil kailangan iyon ng lalaki.   Nakakapagtaka lang kung bakit siya ang inutusan nito gayong importante ang dokumento na iyon at may hinala na ang babae sa kaniya. Sinunod na rin niya ang utos, pagkakataon na rin iyon upang makuha ang mga kakailanganin niya, mas magiging alerto na lang siya kung sakaling may pina-plano ang babae.   Nasa Kennon road na siya—ang sikat na pakurbang daan sa Baguio—nang mag-ring ang cellphone niya. Mabilis niya iyong sinulyapan at sinagot ang tawag nang makitang ang ama iyon.   “Hello, Pa?” sagot niya sa kabilang linya.   “Pauwi ka na ba?”   Binagalan niya an
last updateLast Updated : 2021-11-10
Read more

CHAPTER 14

“Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Ang sabi ng Doctor mo ay makabubuti kung matutulog ka nang matutulog para bumalik agad ang lakas mo.” Ani ng Papa Toper niya habang inaayos ang kumot niya. Apat na araw matapos niyang magising ay hindi umalis sa tabi niya ang ama. Ayon dito ay dalawang linggo rin siyang walang malay at ang nagbantay sa kaniya ay ang kupal na si David. Pero mula naman nang magising siya ay hindi na nagpakita ang lalaki. Nabugbog ang katawan niya sa nangyaring aksidente, na-fractured ang kaliwang braso at binti niya at kumikirot-kirot pa rin ang ulo niya. Sabi ng Doctor ay maari na siyang makauwi sa loob ng tatlong linggo kung magiging maayos ang kalagayan niya. Pero kailangan niyang ipahinga ang braso at binti ng tatlong buwan. And that sucks! Ayon pa sa Doctor ay maswerte siya’t nakaligtas siya sa nangyaring insidente, kung natagalan nga raw ang pagresponde sa k
last updateLast Updated : 2021-11-14
Read more

CHAPTER 15

“Ella, delikado!” Protesta ni Cindy nang sabihin ni Raven ang ipapagawa niya rito. Kailangan niya ang mga dokumento ng lupa at bagong building na ipinapagawa ni Mr. Mabisco. Kailangan din niya si Cindy para makuha ang mga iyon. “Pakiusap, Cindy, huling pabor ko na ‘to sayo. Ikaw lang ang tanging pweding maglabas-pasok sa office ni George at hindi ka nila paghihinalaan dahil malaki ang tiwala nila sa’yo.” “Iyon na nga, Ella, malaki ang tiwala nila sa akin at ayaw kong sirain ‘yon. Saka tungkol pa rin ba ito kay Mr. Alejo?” Nasabi niya noon kay Cindy ang tungkol kay Alejo, na kasama ang lalaki sa mga pumatay sa magulang niya. Napansin kasi ni Cindy ang disgusto niya at ang matatalim niyang titig dito. “Oo, kaya tulungan mo na ako.” Pagsisinungaling n
last updateLast Updated : 2021-12-14
Read more

CHAPTER 16

“You’re three months suspended, PO1 Raven Cruz! I’m not glad to hear you broke the rule, you disappoint me!” sigaw ng kanilang Chief. Kanina pa siya nito pinapagalitan at wala siyang ibang nagawa kundi ang yumuko. Nakarating na sa Chief nila ang ginawa niyang pag-iimbestiga sa kaso ni Ms. Ayleen kahit tinanggal na siya roon, at ang naging kapalit nito ay suspensiyon. Aminado naman siyang kasalanan niya at handa naman siyang tanggapin ang kaparusahan. Nakakainis lang na halos apat na buwan siyang nawala sa serbisyo dahil sa pagpapagaling tapos ngayon naman ay tatlong buwan siyang suspendido! “Are you listening, Officer?” Napapitlag siya at mabilis na nagtaas ng ulo sa kaharap. “Yes, sir!” sigaw na tugon niya. Napasentido ito at napailing-iling. “You were such an outstanding officer; you did
last updateLast Updated : 2022-01-01
Read more

CHAPTER 17

Tatlong araw nang hindi nagkikibuan ang mag-ama, hindi na rin alam ni Raven kung paano pag-aayusin ang dalawa. Naguguluhan na rin siya sa mga kinikilos ni David. May gusto ba siya sa ‘kin? Pero imposible naman ‘yon, isa pa magkapatid kami. “Satingin mo sapat na kaya itong mga nakuha nating mga dokumento para mapakulong si George?” tanong ni Gino na nagpahinto sa kaniyang pag-iisip. “Hindi pa, kailangan niyang mabulok sa kulungan.” Tiim bagang banggit ni Raven. Napailing na lang si Gino sa kaniya. Kahit anong pigil niya sa kaibigan ay hindi niya ito mapipigilan desidido na talaga ang dalaga sa pagpapakulong kay George.   Agad naman silang napalingon sa pintuan ng marinig ang ingay ng pagbukas at sara ng gate, sinyales na may taong paparating. Mabilis silang kumilos upang itago ang mga papel na hawak. “Oh, andito ka pala Gino” ang papa Toper niya. “Oho, kina
last updateLast Updated : 2022-03-01
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status