Home / Romance / My Beloved Corazon / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng My Beloved Corazon: Kabanata 1 - Kabanata 10

61 Kabanata

Kabanata 1

'Itinuro sa akin ng pag-ibig na ang pagsugal ay parte nito, walang kasiguraduhan ang masayang wakas ngunit tumaya ako at ngayon sa larong sabay naming sinimulan mag-isa na lamang pala akong magpapatuloy.'   Inaalala ko pa ang mga panahong magkasama kaming dalawa habang pinapanood ang maliwanag na buwan, kung paanong hindi ko makalimutan ang bawat anggulo ng kaniyang magandang mukha. Kung paanong ang kagandahan niya ay maikukumpara ko sa isang sampaguita na tila ba nagsasabog ng halimuyak sa umaga ko. Sapat na sa'king masilayan lang ang kanyang magandang ngiti, upang kumpletuhin ang buong araw ko —muli pa kaya iyong maibabalik ngayong malayo na siya sa piling ko.   Siya ang dahilan kung bakit ako nagbago ng hindi ko rin inaasahan noon, ang isang tulad ko na walang alam gawin kun'di puro mga kalukuhan at pagrerebelde sa magulang, ngunit ng dahil sa kanya nagbago lahat sa akin —binago niya lahat.   Malalim a
last updateHuling Na-update : 2021-09-03
Magbasa pa

Kabanata 2

 "May sasalihan ka na bang organization, kung wala pa sumali ka sa club namin kung gusto mo, basta marunong ka mag play ng music intrument pasok ka, mag audition ka sa friday si Cora ang president ng club namin," pang hihikayat sa akin ni Owen. Nagsimula na rin akong makihalubilo sa katabi ko dahil pansin naman na mabait siya. Matapos kung marinig ang sinabi nito para bang bigla akong nagkaroon ng interes na sumali sa music club na tinutukoy niya ng nalaman kong kasali roon si Corazon, kailanman ay hindi ako sumali sa mga ganitong organisasyon sa paaralan dahil sayang lang naman iyon sa oras ko sapat na sa aking kalukuhan lang ang ambag sa klase. Hindi ko maunawaan sa sarili ko kung bakit nga ba ako nagkaroon ng interes alamin at kilalanin ang babaeng iyon dahil hindi ko naman iyon gawain dati, dalawang taon na ang lumipas sa akin bilang high school student ngunit isa man sa mga babaeng nagkakagusto sa akin
last updateHuling Na-update : 2021-09-05
Magbasa pa

Kabanata 3

"Magaling ka pala, kinilabitan ako sa boses mo, walang'ya nain-love na yata ako sa boses mo Ben," natatawang saad ni Owen sa akin. "Mas kilabutan ka pa lalo, alam kong g'wapo ako pero hindi ako bakla gago," singhal ko rito saka kami naglakad na palabas. Tuluyan akong natanggap sa music club na iyon, matatanggihan ba naman nila ako sa ganda ng boses ko baka kahit lalaki kiligin kapag kinantahan ko. "Bro, pauwi ka na ba dalhin mo na 'tong gamit ko pauwi may practice pa kasi ako." Pabatong ibinigay ni kuya ang bag nito sa akin na mabilis ko namang nasalo, hindi na ako nakatanggi pa dahil matapos niya iyong maibigay sa akin ay agad na rin siyang tumalikod paalis na hindi manlang muna nagpasalamat.  "Kapatid mo si Brent?" gulat na tanong ni Jade sa akin habang pinapanood namin ang papalayo nang bulto ni kuya. "Oo," tipid kong sagot. "Siya ang captain ng baske
last updateHuling Na-update : 2021-09-05
Magbasa pa

Kabanata 4

"Gusto mo ng gummy bear?" masigla kong alok kay Corazon nang salubongin ko ito papasok ng aming silid.  Nakasanayan ko na ang bumili ng mga gummy bear na ito, dahil masarap naman kahit papaano.   "Umagang-umaga naninira ka ng araw ko," masungit nitong tugon saka lang ako nilagpasan.   "Bakit ba napakasungit mo pagdating sa'kin, 'diba nga dapat nagpapakitang gilas ka sa pamilya ng boyfriend mo," sinabayan ko ito sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa upuan niya.   "Alam mo mr. gummy bear kung dapat man akong magpakitang-gilas — hindi sa'yo 'yon." Pinandilatan pa ako nito ng mata.   "At bakit naman hindi kapatid ako ng boyfriend mo, ako pa ang magsasabi sa magulang namin kung gaano ka kabait, pero sa tingin ko hindi ka pasado sa kanila." Napahawak ako sa baba ko at umakto na parang nag-iisip.   "Bakit ba napaka kulit mo layuan mo nga ako p'wede ba." Naitulak ako
last updateHuling Na-update : 2021-09-06
Magbasa pa

Kabanata 5

Matapos ang klase namin ng hapon magkasama kaming tumungo ni Corazon sa isang Cafe kagaya ng pinag-usapan namin. Isang cafe iyon kung saan sila kumakanta para magbigay aliw sa mga taong tumatambay o kaya naman ay kumakain. "Mabuti at pinapayagan ka ng mama mo na kumanta rito," saad ko habang naglalakad kami papasok ng restong iyon. "Kaibigan ni mama ang may-ari nitong cafe, si mama rin ang nagpasok sa'kin dito kasi alam niyang pagkanta ang hilig ko," tugon naman nito sa akin. Napatango na lamang ako bilang sagot rito. "Hey Ben what's up, sasama ka ba sa amin kumanta?" hindi ko pa inaasahan na nandito rin sina Owen kasama ang ilan pa sa mga miyembro namin sa music club. "Hindi siya kakanta, sinama ko lang siya rito," si Corazon ang sumagot. "Bakit naman hindi pakantahin na natin si Ben magaling naman siya, ako ang magpapaalam kay ms. Sam para pakantahin siya."
last updateHuling Na-update : 2021-09-16
Magbasa pa

Kabanata 6

"Ma, ano bang itinuro niyo kay Ben at lumaking sumail ang batang iyon? Kahit isa man sa bahay na ito ay hindi niya pinapakinggan," tinig ni mom ang narinig ko. "Kahit sa akin ay hindi rin 'yan nakikinig, kaya nga pinilit kitang kunin siya hindi ba upang makasama kayo. Teresa naman, sana intindihin mo ang ugali niya lumaki siyang salat sa pagmamahal mula sa inyo kaya siya nagrerebilde at kung may sisisihin man rito ay kayo 'yun hindi niyo ipinaramdam kay Ben ang pagmamahal na dapat maramdaman ng isang bata, pagmamahal at pag-unawa ang kailangan niya mula sa inyo," nahihimigan naman ang galit sa tono ng pananalita ni lola. Kasabay noon ay nakaramdam na naman ako ng galit, akala ko kinuha talaga ako ni mom upang makasama nila pero pinilit lang pala siya ni lola. Mula sa likod ng pintong pinagtataguan ko ay ipinagpatuloy ko ang pakikinig sa usapan nila, hindi nila ako mapapansin dahil medyo tago ang lugar kung asan ako. 
last updateHuling Na-update : 2021-09-19
Magbasa pa

Kabanata 7

Ilang mga araw pa ang lumipas ay mas nakilala ko pa ng maigi si Corazon, masayahin siyang babae at matalino.Madalas masungit ngunit nasasabayan ko na lang iyon ng kalokohan.Mas marami pa nga yata ang oras na ako ang nakakasama ni Corazon kumpara kay kuya, dahil madalas nakasama ko lagi si Corazon sa pag-iinsayo ng kanta habang si kuya ay abala naman sa sport nito. Hindi ko malaman kung bakit sa tuwing sinusubukan kong umiwas ay wala akong magawa dahil siya rin ang kusang lumalapit. Sinubukan kong ituon sa ibang bagay ang pansin upang mawala ang atensyon ko kay Corazon ngunit nabigo ako, dahil habang tumatagal mas lalo lamang akong nahuhulog rito, sa hindi ko rin maunawaang dahilan. Hindi lang basta nahuhulog dahil sa totoo lang may nararamdaman na ako sa kanya —minamahal ko na siya. Kahit isang beses ay hindi ko pa naranasan ang kumain ng paruparo, ngunit sa tuwing nakikita ko ang matamis na ngiti nito ay para bang may
last updateHuling Na-update : 2021-09-22
Magbasa pa

Kabanata 8

 "Pangarap ko ang ibigin kaAt sa habang panahon, ikaw ay makasamaIkaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong itoPangarap ko ang ibigin ka..." Maririnig sa magandang boses ni Corazon ang tuwa sa kinakanta niya, habang ang mga mata ay nakatingin kay kuya, kaya naman kay kuya sunod nabaling ang paningin ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ng mga sandaling iyon nang nakitang wala manlang kaemo-emosyon ang mukha nito na tila ba wala manlang kasupo-suporta sa ginagawa ng kanyang kasintahan.  Kahit ang pagngiti ay hindi manlang nito ginawa na para bang nanonood lang siya ng isang nakakabagot na palabas kahit pa ang kinakantang iyon ni Corazon ay para sa kaniya. Tama nga ang sinabi ni Corazon noong nakaraan na wala naman hilig si kuya sa music. Pero nakakainsulto lang isipin na sana kahit pagsuporta lang sana ang gawin nito. Na
last updateHuling Na-update : 2021-09-26
Magbasa pa

Kabanata 9

"Gummy bear gusto mo?" ikinagulat kong tanong nito saka ako napatingin sa hawak niya nang bigla na lamang siyang maglahad ng isang plastic ng gummy bear sa harapan ko, habang tahimik lang akong nakaupo sa isang sulok na iyon ng music room. Kakatapos lang ng practice namin ngayon para sa gaganaping intramurals sa school at kami ang naatasan sa pagkanta at pag-arrange ng mga gagamiting sound sa araw na iyon. "Bakit?" imbis na tanggapin iyon tinanong ko siya. "Anong bakit?" pinandilatan ako nito ng mata niya at sinagot din ako ng tanong. "Bakit mo 'ko binibigyan niyan?" "Naisip ko lang, mukhang hindi ka na ata nakakain ng gummy bear kaya wala ka lagi sa mood," aniya. Napapansin na nga siguro nito na lagi akong wala sa mood, simula pa noong nakaraan.Nag pa-praktis kami ng kanta ngunit tanging pag-iling at tango lang ang ginagawa ko upang sundin ang sinasa
last updateHuling Na-update : 2021-09-27
Magbasa pa

Kabanata 10

Isang linggo ang lumipas at dumating ang intramurals, nakasanayan ko na simula elementary na hindi ako pumunta sa kahit na anong event sa paaralan ngunit ngayon kinakailangan kong pumunta dahil isa ako sa kakanta bilang panimula sa pagbubukas sa unang araw ng okasyon. Bitbit ang sarili kong gitara ay tinahak ko ang daan patungo sa music room kung saan naroroon ang iba kong kasama.Hindi pa man nagsisimula ang okasyon tila ba pinamamahayan na ako ng kaba dahil hindi lamang ito ordinaryong araw na kakanta ako, ito ang araw na mas madami ang makikinig at manonood sa akin at ang isipin na nandito rin si mom sa school ay mas nagpadagdag ng kaba sa akin. Family day kasi ang unang event na magaganap ngayong unang araw ng intramurals kaya karamihan ay naririto ang mga magulang upang samahan ang kanilang mga anak. Kinakabahan akong isipin na manonood si mom sa akin dahil kahit isang beses pa man ay hindi niya ako narinig n
last updateHuling Na-update : 2021-09-29
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status