Share

Kabanata 5

Matapos ang klase namin ng hapon magkasama kaming tumungo ni Corazon sa isang Cafe kagaya ng pinag-usapan namin.

Isang cafe iyon kung saan sila kumakanta para magbigay aliw sa mga taong tumatambay o kaya naman ay kumakain.

"Mabuti at pinapayagan ka ng mama mo na kumanta rito," saad ko habang naglalakad kami papasok ng restong iyon.

"Kaibigan ni mama ang may-ari nitong cafe, si mama rin ang nagpasok sa'kin dito kasi alam niyang pagkanta ang hilig ko," tugon naman nito sa akin. Napatango na lamang ako bilang sagot rito.

"Hey Ben what's up, sasama ka ba sa amin kumanta?" hindi ko pa inaasahan na nandito rin sina Owen kasama ang ilan pa sa mga miyembro namin sa music club.

"Hindi siya kakanta, sinama ko lang siya rito," si Corazon ang sumagot.

"Bakit naman hindi pakantahin na natin si Ben magaling naman siya, ako ang magpapaalam kay ms. Sam para pakantahin siya." Nakangiting saad pa ni Owen upang kumbinsihin pa si Corazon na pakantahin ako.

"No, hindi ako kakanta hindi ako sanay na maraming nanonood sa akin, kayo na lang manonood na lang ako sa inyo." tumanggi na ako rito.

"Hi, guys naka handa na ang stage kayo na bahala kung kailan kayo mag-istart." Linapitan kami ng isang bading na halos kitang-kita ang haba ng legs nito sa subrang ikli ng shorts na suot.

Ngunit matapos anh sinabi nito ay sa akin napunta ang atensyon niya.

"Ows sino itong cutie na kasama niyo?" tanong nito habang nakatingin sa akin.

"Ms. Sam siya si Benny kaibigan namin." ipinakilala ako ni Owen sa bading na tinawag nitong ms. Sam.

"Ben siya ang manager dito si Ms. Sam," saad naman sa akin ni Owen. 

Ngumiti lang ako sa bading.

"Naku hindi na namin kailangan ng kakanta, wala na kasi kaming sapat na pera pang sahod sa inyo kaya hindi ka namin pwedeng tanggapin Benny." malulungkot nang ani nito.

"Nagkakamali po kayo hindi po siya mag-aapply ms. Sam sumama lang siya rito," pagtata ni Corazon mukhang inisip siguro nito ay mag-aapply ako.

"Hindi naman po siya naghahanap ng trabaho, pero ms. Sam baka naman p'wede siyang pakantahin kahit walang bayad, sinasabi ko sa'yo magaling 'tong si Ben narinig na namin siyang kumanta sa school." hirit na naman ni Owen. Sinabi ko na ngang ayaw kong kumanta napaka kulit naman ng isang 'to.

"Talaga? Sige kayo bahala pero walang bayad 'yan a?" 

"Wala po," agad na sang-ayon ni Owen rito na ikinasalubong naman ng kilay ko at sunod na lamang akong napakamot sa batok.

Mukhang wala nga yata akong magagawa dahil sa pagpupumilit ni Owen na pakantahin ako.

Lumipas ang ilang minuto ay nagsimula na silang tumugtog, sa isang maliit na stage na napapalibutan ng mga christmas light kasama ng mga instrument na ginagamit nila, ang stage na iyon ay nasa centro ng restaurant kaya naman siguradong mapapanood ka talaga ng lahat.

"Ganito ba lagi kadami ang tao rito?" naitanong ko iyon kay Corazon habang nasa may gilid kami ng stage at nakaharap sa mga taong naroon.

"Tuwing weekend lang maraming tao rito, kaya tuwing biyernes at sabado lang kami narito kasi walang pasok kinabukasan," saad nito habang ang paningin niya ay abala sa cellphone nito habang mabilis na tumitipa ang daliri sa screen na tila ba may kausap.

"Si kuya hindi ba siya pumupunta rito, 'wag mong sabihin sa kaniya na kasama mo'ko." 

Natigilan ito at saka tumingin sa akin.

"Sorry nasabi ko na eh." Gusto ko pa sanang magulat ngunit hindi ko na nagawa, sana pala sinabi ko na ng maaga sa kanya sigurado kasing hindi iyon magugustuhan ni dad kapag nalaman niyang kumakanta ako.

"Haha sige okay lang, 'di ko naman kasi nasabi agad sa'yo." pilit akong ngumiti rito.

"Si kuya ba pumupunta rito para panoorin ka?" sunod kong tanong.

"Nabibilang ko lang sa kamay ko sa daliri ang ilang beses na pumunta siya rito, mga anim na beses siguro."

"Bakit naman akala ko ba madalas ka rito?"

"Adventurous na tao ang kuya mo, mahilig siya sa sports pero wala s'yang hilig sa music at ang pagkanta ay para bang isang napakaboring na bagay para sa kaniya doon kami hindi nagkakasundo," malungkot na saad nito na ikanalungkot ko rin.

"Baka sa pagkanta doon mo malamangan ang kuya mo at ipagmamalaki ka ng mga magulang mo dahil kahit hindi mo mapantayan ang talino ng kuya mo magaling ka naman pagdating sa music."

Mariin akong napangisi sa sinabi nito, "Tsk, kalukuhan."

"Bakit naman?"

"Hindi nila gusto ang pagkakaroon ko ng hilig sa music, kasi gusto nila gayahin ko ang hilig ni kuya, the heck." napamura pa ako.

Nakita ko ang pagkagulat sa reaksyon ni Corazon matapos marinig ang sinabi ko, itutuloy ko pa sana ang pagkukwento ko ngunit tinawag na ako ni Owen.

"Please lang, kung ano man sana ang napag-uusapan natin manatili na lang sa ating dalawa, ayokong malaman pa nila pati na si kuya," saad ko saka ako tumalikod rito at lumapit na sa stage kung saan sina Owen.

Nang makaharap na ako sa mga tao nagsimula na akong kabahan, mahilig ako sa music ngunit hindi ko pa naranasan na may makikinig sa akin habang umaawit. Ito na nga ang sinasabi ko bakit ba naman kasi pinilit pa ako nitong si Owen.

Pakiramdam ko tila ba na naistatwa ako sa kinatatayuan ko habang hawak ko ang microphone na inabot sa akin ni Owen.

Nagsimula na ang bulungan ng ilan ng hindi ko magawang simulang ibuka ang bibig ko dahil sa kaba.

"Magaling ka 'di ba ipakita mo iyon sa lahat, wala kang mapapala kapag takot ka." Napalingon ako ng magsalita si Corazon sa likuran ko, kinuha nito ang gitara kay Owen at siya ang pumalit sa p'westong kinauupuan ni Owen kanina.

"Ako ang tutugtog, alam mo ba ang kantang 'Tadhana'?" mukhang isang kanta lang naman ang tinutukoy nito kaya napatango naman ako.

"Kaya mo 'yan huwag kang matakot," dagdag pang ani nito.

Tila may kung ano akong naramdaman sa mga sinabi n'yang iyon na nagpalakas ng loob ko, hindi ko maunawaan kung bakit tila ba may inerheya siyang dinadala sa akin upang huwag akong makaramdam ng takot tanging presinsya lang naman ang binibigay niya ngunit nagdudulot iyon sa akin ng kakaiba, siguro ay dahil simula pa lang wala kahit isa sa akin na nagsabi na huwag akong matakot harapin ang kinakatakutan ko.

Sinimulan nitong kalabitin ang string ng gitarang hawak niya habang hindi manlang naalis ang tingin ko sa maaliwalas nitong mukha. Ramdam ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko ngunit sa pagkakataong ito tumitibok iyon hindi na dahil sa kaba kun'di dahil sa saya na tila ba dinadala ako sa ibang daigdig at tanging siya na lamang ang nakikita ko.

"Sa hindi inaasahang,

Pagtatagpo ng mga mundo," pagkanta ko.

Pilit kong inaalis ang paningin kong nakatitig sa kaniya, ngunit tila ba hinihipnotismo ako at hinihila ang paningin ko pabalik sa kaniya wala akong magawa kung hindi manatiling nakatitig sa kaniya habang inaawit ko ang liriko ng kanta habang siya ang nag-gigitara.

"May minsan lang na nagdugtong

Damang-dama na ang ugong nito

'Di pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding-hindi ko ipararanas sa 'yo?

Ibinubunyag ka ng iyong matang

Sumisigaw ng pagsinta." patuloy ko sa pag-awit.

Ramdam kong lahat ng mata ngayon ay sa akin na nakatingin, ito ang unang beses na kumanta ako sa harap ng maraming tao ipinapapasalamat kong 'yung kaba ko kanina ay tuluyan nang lumisan dahil ngayon subrang saya na ng nararamdaman ko.

Ngayon ko lamang naramdaman ang totoong saya sa buong buhay ko, subrang saya dahil ngayon may ginawa ako na hindi ko akalaing magagawa ko pala at kaya ko.

Natapos ang kantang iyon, nakatayo ako sa kaharap ang mga taong kasalukuyang nanonood sa akin, bawat reaksyon sa mga mukha nila ay makikita ko ang tuwa sunod noon ay malakas na palakpakan ng lahat ang sunod kong narinig, nakakatuwang pakinggan para sa akin ang malalakas nilang palakpak para purihin ako na tila ba sa paraan ng palakpak na iyon talagang nagustuhan nila ang kanta ko, sa unang pagkakataon naranasan kong hangaan at purihin ng marami.

Noong gabing iyon ang unang beses na naranasan ko sa buong buhay ko na palakpakan ng maraming tao.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status