Share

Kabanata 4

"Gusto mo ng gummy bear?" masigla kong alok kay Corazon nang salubongin ko ito papasok ng aming silid. 

Nakasanayan ko na ang bumili ng mga gummy bear na ito, dahil masarap naman kahit papaano.

"Umagang-umaga naninira ka ng araw ko," masungit nitong tugon saka lang ako nilagpasan.

"Bakit ba napakasungit mo pagdating sa'kin, 'diba nga dapat nagpapakitang gilas ka sa pamilya ng boyfriend mo," sinabayan ko ito sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa upuan niya.

"Alam mo mr. gummy bear kung dapat man akong magpakitang-gilas — hindi sa'yo 'yon." Pinandilatan pa ako nito ng mata.

"At bakit naman hindi kapatid ako ng boyfriend mo, ako pa ang magsasabi sa magulang namin kung gaano ka kabait, pero sa tingin ko hindi ka pasado sa kanila." Napahawak ako sa baba ko at umakto na parang nag-iisip.

"Bakit ba napaka kulit mo layuan mo nga ako p'wede ba." Naitulak ako nito ng marahan sa balikan saka ito naupo sa silya niya sa unahang iyon.

"Pag naghiwalay kayo ni kuya ako na siguro ang pinakamasayang tao sa araw na iyon, ewan ko lang kung may mas isusungit ka pa." Tumawa ako rito ng nakakaluko ngunit inis itong pinanlisikan ako ng mata.

Kung sakali man talagang mangyari ang araw na iyon subra akong matutuwa dahil baka doon may pagasa na ako sa'yo Corazon.

"Gummy bear for you, enjoy." Inilapag ko na ng kusa sa desk ng upuan niya ang isang plastic na may lamang gummy bear, alam ko naman kasing hindi niya iyon tatanggapin kaya iniwan ko na.

"Ang gummy bear na 'to ay kasing kunat ng pagmumukha mo!" Tatalikod na sana ako ngunit sinigawan ako nito.

Muli ko itong nilingon habang may ngiti sa mga labi ko.

"Kasing kunat man iyan ng pagmumukha ko, ngunit sinasabi ko sa'yo, masarap ako." mabilis na kindat ang ginawa ko na ikinatigil niya, hindi na ito nakapagsalita pa habang pigil na pigil naman ako ng tawa.

Ang inisin siya sa araw-araw ay para bang nagbibigay sa akin ng lakas ng katawan, sapat na sa aking mapansin niya ako kahit sa paraan lang ng pang-aasar sa kanya.

Mabilis na akong tumungo sa sarili kong upuan, mabuti na lang at kaming dalawa pa lang ni Corazon ang nandito sa silid kaya walang mga kamag-aral na mangangantiyaw sa amin.

Ang oras ay muling tumakbo ng mabilis, tapos na ang unang klase namin kay Mrs. Tan sa subject na Filipino kaya naman may ilang minuto kami para makapag recess.

"Corpuz!" papalabas na sana ako ng silid na iyon nang ikinagulat kong tawagin ako ni Mrs. Tan habang nakaupo pa ito sa unahan.

Tanging kaming tatlo na lang ng anak nito ang naiwan sa silid na iyon matapos magsilabasan ng iba.

Tanging paglingon lamang ang ginawa ko rito at hindi na nagsalita, sunod na napatingin ako sa mga papel na hawak nito iyon ang mga papel namin sa pagsusulit na ginawa kani-kanina lang.

Marahan akong lumapit kay Mrs. Tan dahil mukhang may gusto itong sabihin sa akin, matapos kong makalapit sa mesa kaharap niya ay siya namang paglapit ni Corazon sa amin.

"Nabanggit ni Cora sa akin na kapatid mo pala si Brent, bakit hindi mo kaya gayahin ang kapatid mo. Naging istudyante ko na rin kasi ang kuya mo at madalas siya ang nangunguna sa klase, pero ikaw Benny anong meron sa'yo nakita ko ang mga grades mo mula sa pinaggalingan mong school puro pasang awa ang mga marka mo, pati sa mga pagsusulit natin hindi ka manlang nakakakuha ng mataas." Tumingin pa ito sa hawak n'yang mga papel.

Ikinabagsak ng mga balikat ko matapos marinig iyon sa guro, hindi ko akalaing mapupuna pa nito ang mga marka ko dati.

"Kulang ka lang sa tiyaga iho, bakit hindi mo kaya gawing inspirasyon ang kuya mo napakatalino niya, mag-aral ka rin ng mabuti upang maabot mo rin ang kaya niya," dagdag pa ng guro.

Napatingin ako kay Corazon na kasalukuyang nasa harapan ko at nakatingin din sa'kin, pilit akong ngumiti bago nagsalita.

"Sinubukan ko na po ang lahat para lang mapantayan siya simula pa noon kung alam n'yo lang, at pagod na po ako," saad ko habang pinipilit pang 'wag maging malungkot ang tinig kong iyon upang hindi nila mahalata ang sakit na nararamdaman ko sa loob ko.

Akala ko dati ang pagkumpara ng magulang sa anak niya ang pinakamasakit ko nang maririnig, ngunit may mas isasakit pa pala, ngayong narinig ko mismo mula sa ibang tao na ipagkumapara ako sa sarili kong kapatid.

Bakit ba hindi na lang nila tanggapin na magkaiba kami ni kuya —magkaibang-magkaiba.

Pasensya ito lang naman ako eh.

Sunod na akong lumabas ng silid matapos ang mga sinabi ko, pansin kong ipinagtaka nila ang inasta ko ngunit hindi ko na siguro kailangan pang magpaliwanag.

Nawalan na ako ng gana upang pumasok sa susunod na klase ko, nagpasya akong tumungo sa music room dahil alam kong doon ako makakahanap ng katahimikan, bukas ang silid na iyon kaya kahit anong oras pwedeng p'wede ako pumasok dahil miyembro na ako ng music club.

Walang katao-tao sa silid na iyon ng makapasok ako, wala ring ingay dahil sarado lahat ang mga bintana. Maliwanag ang buong silid kaya nagpasya akong libangin na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtugtog ng gitara ng may makita ako sa tabi.

Naka sounds proof ang silid na ito iyon ang alam ko, pinasadya siguro iyon upang kahit anong ingay dito sa loob walang maiistorbong klase sa labas.

Paulit-ulit akong tumugtog ng gitara hanggang sa nagsawa na ako, kaya napahiga na lamang ako sa malamig na sahig at dinama ang katahimikan ng buong paligid ko, hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako.

"Hey wake up." Nagising ako sa tinig na iyon na gumigising sa akin, kaya naman marahan kong iminulat ang mata upang alamin kung sino iyon.

Mukha ni Corazon ang humangad sa akin habang nakaluhod ito sa sahig upang pantayan ako.

"Lunch break na, bakit hindi ka pumasok sa klase. Natulog ka lang ba rito buong oras?"

Hindi ako sumagot sa tanong nito, bumangon lang ako mula sa pagkakahiga at saka naupo.

"Sorry." Ikinagulat ko ang paghingi nito ng tawad sa'kin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tiningnan ko siya sa mata ngunit wala akong makita na kahit anong reaksyon doon sunod noon ay naupo rin ito sa sahig hindi naman malayo sa p'westo ko.

"Sorry for what?" pagtataka kong tanong.

"Sorry if na-offend ka sa sinabi ni mama sa'yo kanina, wala naman kasi akong makitang ibang dahilan kung bakit bigla ka na lang hindi pumasok sa klase."

"Tsk." Napangisi ako sa sinabi nito, sa unang pagkakataon ngayon lang siya nakitungo sa akin ng hindi nagsusungit. Ngayon ko lang nakita ang mukha nito na hindi nakasalubong ang mga kilay dahil sa inis.

"Hindi na bago sa akin na ipagkumpara ako kay kuya, totoo naman kasi kaya sanay na ako sa ganoon."

"Sanay ka na pala pero bakit nagpapa-apekto ka pa rin, masanay kang 'wag masaktan iyon ang dapat mong gawin alam ko at alam mo sa sarili mo na magkaiba kayo ni Brent, just accept the fact, you're just like that iyan lang ang kaya mo hindi mo kailangan pilitin na gawin ang mga bagay para lang pantayan ang kuya mo, magkaiba kayo." 

Para bang hinaplos ang puso ko sa mga sinabi nito, mga salitang ipinaunawa sa akin na kailangan ko na lang tanggapin at huwag nang magpa-apekto sa mga naririnig dahil iyon ang pinaka mabuting gawin.

"Bakit bumait ka bigla anong nakain mo?" sunod na tanong ko rito habang natatawa, sunod noon ay sumalubong na naman ang kilay niya.

"Ayaw mo bang maging mabait ako?"

Napailing ako. "Haha biro lang sana maging mabait ka na lang parati," natatawang saad ko pa.

"Alam kong may problema ka nakita ko iyon sa mga mata mo kanina, gusto ko sanang tanungin ka pero alam ko namang hindi ka handang mag-kwento kaya hindi ko na lang itatanong." Tumayo na ito mula sa pagkakaupo niya at sunod na dinampot ang bag.

"Wala ka bang gagawin mamaya?" tanong na nito habang nakatayo na sa harapan ko, pag-iling na lang ang sinagot ko ibig sabihin ay wala.

"Pakatapos ng klase mamayang hapon, sumama ka sa gig namin masaya do'n malilibang ka." walang emosyong saad nito upang alukin ako, hindi na ito naghintay na magsalita pa ako at nagsimula nang maglakad papalabas.

"Sandali!" tinawag ko siya dahilan kaya napatigil ito sa paglalakad at muling humarap sa akin.

"Kung sakali bang handa na akong mag-kwento makikinig ka ba?" nahihiya man ay naitanong ko pa rin iyon sa kaniya, dahil sa totoo lang kailangan ko talaga ng isang taong handang makinig sa mga sakit na tinitago ko sa loob ko.

Hindi ko inaasahang ngingiti si Corazon sa akin matapos ang tanong kong iyon, isang matamis na ngiting pinakananais kong makita, isang ngiti mula sa kanya para sa akin.

"Kung handa ka nang mag-kwento 'wag kang magdalawang isip lapitan ako, handa akong makinig." Nakangiting sabi niya at matapos noon ay agad na ulit itong tumalikod at tuluyang lumabas ng silid na iyon.

Naiwan akong naka tanga sa kawalan, pilit kung pinapaniwala ang sarili ko na totoo nga ang ngiting iyon, ngumiti na sa akin si Corazon.

Kahit isang beses wala pang kahit isa ang nakinig sa lahat ng problema ko sa buhay, wala kahit isa ang nagpalakas ng loob ko ngunit...

Noong araw na iyon may isang tao ang nagsabi sa akin na handa siyang makinig kung sakaliang handa na akong mag-kwento.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status