Share

Kabanata 6

"Ma, ano bang itinuro niyo kay Ben at lumaking sumail ang batang iyon? Kahit isa man sa bahay na ito ay hindi niya pinapakinggan," tinig ni mom ang narinig ko.

"Kahit sa akin ay hindi rin 'yan nakikinig, kaya nga pinilit kitang kunin siya hindi ba upang makasama kayo. Teresa naman, sana intindihin mo ang ugali niya lumaki siyang salat sa pagmamahal mula sa inyo kaya siya nagrerebilde at kung may sisisihin man rito ay kayo 'yun hindi niyo ipinaramdam kay Ben ang pagmamahal na dapat maramdaman ng isang bata, pagmamahal at pag-unawa ang kailangan niya mula sa inyo," nahihimigan naman ang galit sa tono ng pananalita ni lola.

Kasabay noon ay nakaramdam na naman ako ng galit, akala ko kinuha talaga ako ni mom upang makasama nila pero pinilit lang pala siya ni lola. 

Mula sa likod ng pintong pinagtataguan ko ay ipinagpatuloy ko ang pakikinig sa usapan nila, hindi nila ako mapapansin dahil medyo tago ang lugar kung asan ako.

Kinukuntrol ko ang galit ko habang nakasandal sa may pintong iyon, kuyom na kuyom ko ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.

"Ma, alam mo naman ang sitwasyon hindi ba." muling nagsalita si mom kaya mas lalo akong nagkaroon ng interes pakinggan iyon upang maunawaan kung ano bang sitwasyon ang tinutukoy niya.

"Anong sitwasyon ah? Ang hindi siya kayang tanggapin ng asawa mo dahil anak mo siya sa labas iyon ba?" saad ni lola.

Nanlambot ang mga tuhod ko matapos kong marinig ang mga katagang iyon mula kay lola, ramdam ko ang sakit ng kuko ko na bumabaon na sa palad ko dahil sa galit ko ay mas naikuyom ko pa ang mga palad kong iyon.

Ngayon ko lamang naunawaan ang lahat matapos ang labing-limang taong nabubuhay ako.

Bakit nga ba hindi ko iyon naisip, kaya pala napakalayo ng loob ni dad sa akin simula pa lang ay dahil hindi ako nito totoong anak.

Kaya pala ayaw nila akong patirahin sa iisang bahay kasama sila simula noon ay dahil iniisip nilang hindi ako parte ng pamilya. 

Kaya pala.

"Teresa kung hindi siya kayang tanggapin ng asawa mo sana ikaw na lang ang gumawa, ikaw ang ina kaya obligasyon mong iparamdam sa kanya kahit katiting lang na pagmamahal mo, hindi lang si Brent ang anak mo, si Benny din." dagdag pang sabi ni lola.

Ramdam kong tila ba hindi ko na kayang pakinggan pa ang sagutan ng dalawa kaya tumayo ako ng tuwid, sinuot ko ang headphone sa tainga ko na kaninang nakasuot sa leeg at saka ako lumabas sa pinagtataguan ko.

Lumakad ako papalapit sa gawi nila at umakto na parang wala manlang akong narinig isa man sa pinag-usapan nila, ipinagpapasalamat kong nakasuot ako ng headphone kaya hindi sila maghihinalang narinig ko sila.

Ayoko nang magtanong pa kay mom para kumpirmahin ang narinig ko, hindi na mahalaga sa akin iyon ang marinig mula sa kaniya ang katotohanan ay parusa lang sa akin, ayos nang nalaman ko ang totoo sa ganoong paraan ako na ang kusang mag aadjust para sa sarili ko.

Agad akong nakita ni lola na naglalakad, ngunit hindi mismong sa gawi nila ang pupuntahan ko dire-diretso akong naglakad at nilagpasan ang dalawa na parehong nakaupo sa may sala.

"Benny apo kanina ka pa ba riyan?" tanong ni lola sa akin, ngunit hindi ko siya pinansin pinanatili ko ang blankong eksprisyon ko at umakto na parang wala ring narinig sa tanong nito dahil sa nakasuot ako ng headphone.

Tuluyan akong naglakad patungo sa likod ng bahay, doon pipilitin kong humanap ng katahimikan.

Ngayon hindi ko na nga kailangan gumawa ng mga bagay na dahilan upang ipagmalaki nila, alam kong hindi na nila iyon mapapansin pa lalo na si dad, malinaw na sa akin ang lahat wala akong karapatan para ipagmalaki niya dahil si kuya lang naman ang anak niya at hindi ako kasama roon.

Lahat ng gagawin ko ngayon ay gagawin ko ng hindi na sila ang dahilan, gagawin ko ang mga bagay na ikakasaya ko na hindi para sa ikabibilib nila.

Gagawin ko ang alam kong magpapasaya sa akin, doon ay makakalaya ako sa sakit sa loob ko habang umaasang ipagmamalaki nila ako dahil ngayon alam kong malabo nang mangyari iyon kasi alam ko na ang totoong dahilan.

Dumating ang sunod na araw. Kagaya ng dati ay hindi ako nakikipag-usap sa kanila. Habang si mom napapansin kong wala naman talagang balak sabihin sa'kin ang totoong pagkatao ko, kaya mainan rin na manahimik na lang ako at magkunwaring walang alam.

"Sumali ka pala sa music club Benny, anong mapapala mo sa pagkanta, matutulungan ka ba niyan?" walang emosyong tanong ni dad ngunit ramdam ko ang istrektong tinig nito habang ang paningin nito ay sa pagkain na nasa harapan niya.

Kasalukuyang nasa harap kami ng hapag habang kumakain ng hapunan, kaming apat na lamang nina mom, dad at kuya ang narito dahil umuwi rin agad si lola kahapon matapos ng sandaling pagbisita.

Mabilis kong isinubo ang kanin na nasa kutsara ko at pinili na 'wag na lang sumagot.

"Sana sa club ka na lang ng kuya mo pumasok, its help you become physically fit hindi jan sa pakanta-kanta lang sasayangin mo lang ang oras mo." mariing dagdag nito.

Base sa tinig nito magsisimula na naman siyang sermonan ako kaya naman mabilis na naisubo ko ang natitirang pagkain sa plato ko saka mabilis rin na uminom ng tubig at nilunok lahat ng pagkain na nasa bibig ko, hindi na ako nag-aksaya ng oras na nguyain muna ang mga iyon, naagaw ko rin ang atensyon nila ng malakas na kumalantik ang kutsara at tinidor dahil sa biglang pagbitaw ko at pagbagsak ng mga iyon sa plato.

"Tapos na ako." Tumayo na ako agad matapos kung masabi iyon saka agad nang tumalikod sa kanila upang lisanin ang lugar na iyon.

Ramdam kong ikinagulat pa nila iyon ngunit mas gusto ko nang umalis na lang kisa marinig pa ang mga sermon ni dad.

"Hoy Ben ang bilis mo naman kumain!" narinig ko pa ang pagtawag ni kuya sa akin ngunit dire-diretso na akong naglakad at hindi na nilingon pa ito.

"Walang modo ka talagang bata ka!" napapasigaw pang saad ni dad.

Sunod akong tumungo sa kwarto ko upang mapag-isa, pinanatili ko ang madilim kong silid at hindi na binuksan ang ilaw upang damhin ang katahimikan at ang kulungkuyang unti-unti akong niyayakap, kinuha ko ang headphone sa desk ko kasama ang cellphone, tanda ko ang pinaglagyan ko kaya kahit madilim ang silid hindi ako nahirapan hanapin iyon.

Sa balkunahi ng kwartong iyon sunod akong tumungo, naupo ako sa isang silya habang itinuon ang paningin sa kawalan kasabay noon ay isinuot ko ang headphone at nagpatugtog ng isang malungkot na awitin habang sinasabayan ko ng panonood sa mga bituing nagniningning sa kalangitan.

Hindi ko pa maiwasang hindi humiling sa mga talang iyon, na sana balang araw isa na rin ako sa kanila, isang bituin na tinitingala ng marami isang bituin na pinakamakinang sa lahat.

Baka sa mga oras na iyon kaya na rin akong tingalain ng mga magulang ko —baka sakali lang.

________

"Gummy bear for you." Inabot ko kay Corazon ang isang plastic na naglalaman ng mga gummy bear matapos ko itong maratnan sa music room ng umagang iyon pagkapasok ko.

"Bakit ba lagi mo akong binibigyan niyan hindi ako mahilig sa matamis." tinapunan niya lang ng tingin ang inabot ko at hindi iyon tinanggap.

"Dapat mo nang kahiligan, araw-araw na kitang bibigyan nito."

"Tigilan mo 'yang ginagawa mo okay, baka kung anong isipin ng iba at malaman ng kuya mo ang mga ginagawa mo." mariing sambit nito saka ako napangisi.

"Baliw ang mga taong mag-iisip ng ganoon, at saka kaibigan naman kita kung magalit man si kuya sa'yo ibig sabihin lang no'n hindi ka niya mahal."

"Huh?" napalaki pa ang mata nito sa gulat dahil sa sinabi ko.

"Kung mahal ka niya mauunawaan niya 'yun, wala nga lang sa akin 'to eh." Inabot ko na sa kanya ang hawak ko. "Ayan kunin mo na 'wag ka nang mahiya," nag-iwan pa ako rito ng nakakalukong ngiti saka ko siya tinalikuran.

Noong araw na iyon sinabi kong wala lang sa akin 'yun, kahit alam kong nasasaktan ako sa loob ko. Iyon lang ang tangi kong magagawa dahil ayaw kong makagulo sa relasyong mayroon sila ng kuya ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status