Isang linggo ang lumipas at dumating ang intramurals, nakasanayan ko na simula elementary na hindi ako pumunta sa kahit na anong event sa paaralan ngunit ngayon kinakailangan kong pumunta dahil isa ako sa kakanta bilang panimula sa pagbubukas sa unang araw ng okasyon.
Bitbit ang sarili kong gitara ay tinahak ko ang daan patungo sa music room kung saan naroroon ang iba kong kasama.
Hindi pa man nagsisimula ang okasyon tila ba pinamamahayan na ako ng kaba dahil hindi lamang ito ordinaryong araw na kakanta ako, ito ang araw na mas madami ang makikinig at manonood sa akin at ang isipin na nandito rin si mom sa school ay mas nagpadagdag ng kaba sa akin.
Family day kasi ang unang event na magaganap ngayong unang araw ng intramurals kaya karamihan ay naririto ang mga magulang upang samahan ang kanilang mga anak.
Kinakabahan akong isipin na manonood si mom sa akin dahil kahit isang beses pa man ay hindi niya ako narinig n
Buwan na ang lumipas.Naagaw ni Chloe ang atensyon ko ng makita ko itong nakaupo sa may sala ng bahay matapos kong makapasok.Kakauwi ko lang galing iskwela at hindi ko inaasahan na nandito ito ngayon.Kilala ko si Chloe dahil minsan na rin itong nakapunta rito sa bahay, anak siya ng kaibigan ni dad na si Mr. Davis. Halos kasing edad lang ni kuya si Chloe, maganda siyang babae at lumaki rin sa may kayang pamilya, sa unang tingin pa lang makikitang angat siya sa buhay dahil sa mga mamahaling kasuotan nito."Hey Benny, nice to see you again. How are you?" nakangiting bati nito sa akin kasabay ng pagtayo niya. Lumapit ako rito."Wala pa sila, bakit ka naparito may kailangan ka ba?" malamig na saad ko at sinabing wala pa sina mom, hindi ko sinagot ang pangungumusta nito."Hindi naman sina tita ang pinunta ko rito, actually I was waiting for your brother," aniya.
Nag-umpisa nang lumalim ang gabi ngunit ramdam ko pa rin ang kakaibang tensiyon sa pagitan ng dalawa, mula pa ng makarating sila kanina ay hindi ko manlang napansin na nag-usap sila kahit saglit lang.Kahit pa magtinginan sa isa't isa ay parang hirap pa silang gawin.Hindi ko rin maunawaan kong bakit ngayon lamang kami inabot ng ganito kalalim ng gabi dahil madalas naman kapag alas dyes na ay iyon ang oras na nagpapasya kaming magsi-uwi, ngunit ngayon mag-a-alas dose na nandito pa rin kami at iilan na lang rin ang mga tao."Happy anniversary nga pala sa inyong dalawa Cora at Brent, salamat sa libre guys pero kailangan na naming mauna hinihintay na rin ako sa bahay." Nagpaalam na ang isa sa kasamahan namin, at nagpasalamat pa ito sa panglilibre ni kuya dahil ito ang nagbayad sa lahat ng kinakain namin.Nagsimula na ring magsi-uwian ang iba pa hanggang sa kaming apat na lang nina Owen, Corazon at kuya ang natira sa
Tanda ko pa ang sinabi ko noon kay Corazon na magiging masaya ako kapag naghiwalay sila ni kuya, ngunit kagabi nasaktan ako para sa kanya.Nakaramdam ako ng sakit habang umiiyak siya sa balikat ko, akala ko magiging masaya ako kasi sa wakas magkakaroon ako ng pagasa sa kaniya ngunit nabigo ako hindi ko akalaing masasaktan rin ako habang nakikita siyang ganoon.Kagabi nasabi ko sa sarili ko na hindi ko na gustong makita siyang malungkot, hindi ko na hahayaang muli pa niyang maranasan ang hirap dahil alam kong minsan na siyang nakalaya roon dati, hindi ko na hahayaang may isa pa ang manakit sa puso niya.Handa akong maging panakip butas kung sakali mang kailanganin niya, para kalimutan ang sakit —bukal sa loob ko iyong gagawin.Nagpasya akong kausapin si kuya nang dumating ang sunod na araw, upang humingi ng malinaw na kasagutan at totoong dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay kay Corazon.
"Mr. Gummy bear."Sinalubong ako ni Corazon habang tinatahak ko ang daan papasok sa aming silid.Makikita sa mukha nito ang matinding pag-aalala marahil nalaman na niya ang nangyari sa kapatid ko."Ang sabi ni mama tumawag daw ang mommy mo sa school at sinabing nasa hospital si Brent, anong nangyari sa kaniya? Kumusta siya?" magkasunod pang tanong nito sa akin.Sa kabila ng mga nangyari sa kanila nag-aalala pa rin siya kay kuya, kung sabagay may malalim din silang pinagsamahan kaya hindi iyon madaling kalimutan."Hoy, tinatanong kita kumusta si Brent?" muli itong nagtanong dahil hindi ko siya sinagot."Buhay pa naman siguro, wala pang inuuwing kabaong sa bahay eh." pilosopong saad ko rito saka naunang maglakad."Tarantado ka ba, tinatanong kita ng maayos mr. gummy bear!" hindi ko inaasahan ang pabulyaw nitong saad sa a
Halos isang linggong nanatili si kuya sa hospital bago ito tuluyang nakalabas, mabuti na lang at hindi malala ang pagkabagok nito. Simula ng makabalik ito sa bahay tuluyan ko na ring iniwas ang sarili ko sa kanilang lahat nakakasabay nila ako kapag kumakain sa hapag ngunit hindi ko sila kinakausap.Gusto kong umalis at bumalik na lang ulit sa bahay ni lola kasi doon tahimik ako at walang kahit anong sermon na naririnig ngunit iniisip kong magiging pabigat lang din ako kay lola dahil matanda na rin ito.Kaya kahit nahihirapan akong tumira sa bahay na ito pipilitin ko pa rin, at kapag tuluyan ko nang natapos ang pag-aaral ko ay tuluyan akong bubukod ng ako lang mag-isa."Tuloy na ang alis namin ni dad after graduation, ingatan mo si Cora," malungkot na saad ni kuya ng makasalubong ko ito matapos kong makalabas ng kwarto ko."Mahal ko 'yun," dagdag pa niya at hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sa akin.Sa
'The great Ben', iyon ang bansag nila sa'kin rito hindi ko na lang namalayan na nasanay na rin akong tawagin nila ng ganoon, nagsimula lang naman iyon noong madalas akong tinatawag ni Justin ng 'The great ka talaga Ben' hanggang sa tumagal 'the great' ang tinatawag nila sa akin."Tamang-tama at narito ka, sumama ka sa'min Ben may lakad kami, halina kayo sumunod kayo sa'kin." sunod na saad ni Elijah upang pasunurin kami sa kanya.Sunod kung ipinagtaka ang sinabi nito dahil hindi ko naman inaasahan na may lakad pala sila, kapag sinabi kasing lakad alam ko nang sa rambol na naman ang uwi noon."Saan ang lakad p're?" si Justin ang tinanong ko dahil nakalayo na agad si Elijah sa amin."Si Elijah reresbakan niya 'yung ex ng shota niya, mapagmahal ang hayop eh, purke pina-iyak 'yung shota niya gusto agad kumitil ng buhay gago," natatawang tugon ni Justin. Hindi ko maunawaan sa sinabi niya kung
Ilang minuto na kaming nakatambay sa loob ng barangay, kumportable naman ang lugar na iyon para magpalipas ng magdamag kahit pa nakaupo lang kami sa sahig sa loob ng malamig na rehas na iyon, kaming tatlo na lang nina Justin at ang isa pa naming kasama ang naiwan doon dahil agad na pinayagang makalabas si Claude dahil nasa tamang edad na rin naman na ito habang kaming tatlo ay mga menor de edad pa, pinapirma lang siya ng mga tauhan ng barangay samantalang kaming tatlo na naiwan ay kawawa dahil wala kaming choice kung hindi manatili, isang himalang natatawag kung may susundo sa amin rito.Parang gusto ko na lang tuloy madaliin ang pagtanda ko ngayon para makalabas na, dahil subrang nakakabagot dahil kinuha rin ng mga tanod ang mga cellphone namin kaya wala kaming paglilibangan.Hindi ko na alam kong ilang oras na ang lumipas, hindi ko rin maramdaman ang antok marahil hindi naman sanay ang katawan ko sa ganitong lugar na minsan ko pang nararamdaman ang pagt
"Nakausap ko na ang kuya mo kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin, nalaman ko na rin na aalis pala siya pakatapos ng graduation," sambit iyon ni Corazon. Kahit pa hindi niya aminim ramdam ko ang lungkot na ikinukubli niya sa loob niya upang hindi ipahalata sa akin ang totoong nararamdaman.Bilang tugon ay napatango na lang ako rito.Pilit kong sinabayan siya sa pananahimik, wala na rin naman akong maisip na pwedeng sabihin para mabasag ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa."Teka nga bakit ba nag-iisa ka dito?" tanong nito mayamaya kung bakit nag-iisa akong nakaupo sa may sulok na iyon. "Nagsisimula na ang graduation ceremony ng kuya mo bakit hindi ka manood?" sunod nitong tanong.Sa kabila ng tanong ni Corazon sa akin ay nagkibit balikat lang ako, hindi ko na lang sinabi sa kaniya na wala ako sa mood para panoorin 'yun.Ngayong araw kasi na ito ang araw ng pagtatapos ni
MAHIGPIT ang mga kamay ni Mom na nakahawak sa braso ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa visiting area ng kulungan para puntahan ang nais naming makita. Dama ko ang kaba sa mga kamay niyang iyon na tila ba takot rin siya sa posibleng mangyari kapag nakita na niya ang mga taong naging dahilan at muntik nang masira ang buhay niya pati na ang pamilya niya noon.Pinanatili ko ang pagiging kalmado ko dahil ayaw ko na mag-alala pa si Mom sa akin kahit ang totoo ay kahit ako mismo ay kinakabahan rin.Kasama namin si Dad na pumunta ngayon sa kulungan dahil sa kahilingan ko kagabi.Makalipas ang saglit na paglalakad ay narating namin ang lugar kung saan p'wedeng bisitahin ang mga priso, walang ibang tao sa lugar maliban lang sa isang lalaki na nakasuot ng orange na t-shirt na siyang kausuotan ng mga bilanggo.Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatitig sa mukha ng lalaking iyon na masasabi
Hindi na umimik pa si Kuya hanggang sa tuluyan kaming makauwi ng bahay, alam na nito na kapag sa mga usapang move on agad na siyang tumitigil sa pang-aasar sa akin dahil alam niya na kahit isang taon na ang lumipas hindi ko pa rin matanggap-tanggap ang katutuhanan.Ang katutuhanan na ang mga mata na lang niya ang tanging naiwan sa akin, wala na siya."Mga Apo naka-uwi na pala kayo," saad ni Lola nang maratnan namin ito sa sala ng bahay."Good evening La," bati naman ni Kuya na nauuna maglakad sa akin."Tamang-tama kakatapos ko lang magluto at pauwi na rin sina Teresa sabay-sabay na tayong maghapunan."Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang makalapit kay Lola. Natapon ang tingin ko sa hawak nitong brown envelope kaya natanong ko ito kung ano iyon."Ah itong envelope sa Daddy mo 'to may nagpadala lang nito kanina, nakalimutan ko dito sa sala kaya dadalhin ko na sa
After 1 YearAng kirot sa puso ko ay walang pinagbago kung paano ito paulit-ulit na nangungulila kay Corazon, kahit isang taon na ang nakalilipas ay tila ba kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. Nangungulila ako sa mga yakap niya sa akin. At pinakananais kong marinig muli ang mga pangaral niya sa akin, mga payo niya sa kung ano ba ang tama at kailangan kong gawin.Ngunit ngayon kahit maghintay pa siguro ako buong buhay ko para lang bumalik siya ay sadyang napakalabo na dahil tuluyan na siyang naroon sa lugar kung saan matatagpuan ang totoong pahinga.Isang taon na ang lumipas at hindi ko sasayangin ang mga susunod pa dahil si Azon ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng pagasa sa ikalawang pagkakataon noong ibigay niya sa akin ang mga mata niya. Hindi ko sasayangin ang ibinigay niya sa akin at kahit wala na siya magpapatuloy ako na tanging siya ang inspirasyon.Nag-aral ako ulit at kinuha ang cour
Sadyang napakadaya ng tadhana, wala ba akong karapatan para maranasan ang sayang nais ko, bakit ganito katindi ang sakit matapos ang pansamantalang saya."Aking pinakamamahal, paano ko ngayon tutuparin ang mga pangarap natin kung mag-isa na lang ako, napakadaya mo Azon, sana kung gusto mong umalis tinanong mo manlang ako kung gusto kong sumama," umiyak kong sambit habang pinapanood ko ang puting kabaong niyang unti-unti nang pumapailamin sa lupa."Hindi ko na kinakaya ang sakit, paano kita kalilimutan? Bigyan mo ako ng lakas upang magpatuloy dahil hindi ko na kaya mahal." halos bulong sa hangin ko nang sinambit iyon sa kabila pa rin ng pag-iyak.Nagsimula nang manlambot ang tuhod ko kaya hirap na hirap man akong gawin ay pilit kong binitawan ang tangkay ng puting rosas na hawak ko para itapon sa ibabaw ng kabaong niya. Kasabay ng pagbagsak ng rosas na iyon sa kabaong ay siya ring tuluyang pagbagsak ko sa lu
"Si Azon kumusta siya, asan siya Mom?" magkasunod kong tanong kay Mom dahil hindi naman nito sinagot ang tanong ko kanina."Kailangan ko siyang makita matagal kong hinintay na makakitang muli, Kuya dalhin mo'ko sa kaniya." Sunod na pakiusap ko kay Kuya, ngunit ang ipinagtataka ko ay bigla na lamang nawala ang saya ng mga ito.Pinanood ko silang tatlo nina Mom at Dad na magpalitan ng tingin na tila ba sa paraang iyon nagagawa nilang makapag-usap.Tuluyang lumabas ang doctor at iniwan kami kasabay noon at binalot ang silid ng nakabibinging katahimikan ng wala isa man sa mga ito ang nakasagot sa tanong ko.Gusto ko pa sanang muling tanungin sila ngunit hindi ko na naituloy nang biglang may bumukas ng pinto ng silid dahilan para mapalingon kaming apat sa pumasok.Si Mrs. Tan iyon na labis kong ikinagulat kung bakit naririto siya.Ngunit bago pa man ako matuwa na makita ang dati kong g
Marahan kong minulat ang mga mata ko at labis na pagkamangha ang namuhay sa loob ko ng mga sandaling ito dahil unti-unting sumisilay sa akin ang liwanag na labis kung ipinagtaka.'Bumalik na ba ang paningin ko?' pagtataka kong naitanong sa aking sarili.Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa hindi ko malamang lugar, napakaliwanag ng paligid ngunit wala manlang akong makita na kahit ano.Walang gamit o kahit ano pa man pawang liwanag lang ang nakikita ko.Pilit kong inuunawa kung nasaan kaya akong lugar, bakit ganoon kadaling bumalik ang paningin ko?Bakit nawala bigla iyong sakit sa ulo ko?Bakit nasa ganitong lugar ako at walang makita isa man sa pamilya ko.Sa kabila ng pagtataka kong iyon ay bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob at labis na natuwa dahil hindi lang pala ako mag-isa sa lugar na ito.Hindi kalayuan ay natanaw ko si Azon na n
Marahan ang andar ng taxi na sinasakyan namin pauwi, sa mga sandaling ito hinihiling kong sana mas bumagal pa ang takbo ng oras at manatili kami sa sandaling ito na magkasama.Hindi ko maunawaan kung bakit ganoon na lamang kahigpit ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko, ang higpit noon ay tila ba ipinaparamdam sa akin na ayaw niya na akong bitawan.Nanatili siyang nakahawak sa kamay ko habang nasa byahe pa rin kami at isinawalang bahala ko na lang iyon marahil mamimiss niya talaga ako kapag tuluyan na nga akong naka-alis sa susunod na linggo."Kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako palagi, labis kong ikatutuwa kapag nakakita kang muli Gummy Bear," aniya at sunod na naramdaman ko na lang ang ulo niyang marahang sumandal sa balikat ko.May tila kung ano akong naramdaman matapos ang mga sinabi niyang iyon, hindi ko maunawaan kung ikatutuwa ko nga ba iyon o ikalulungkot lubha
Matapos ng outing na ginawa ng buo naming pamilya ay tuluyan kong naranasan ang maging masaya, ganoon pala 'yung pakiramdam na totoo kang masaya. Unang beses ko iyong naranasan dahil na rin sa pagpapaunawa sa akin ni Azon na hindi ko kailangan maging matigas na lang buong buhay, sinubukan kong gawin ang sinasabi ng puso ko at iyon ay ang bigyan ng pagkakataon ang mga magulang ko para bumawi sa akin.At alam kong ginagawa nga nila ang lahat ng makakaya nila para mailaan ang mga sandaling nasayang nila sa pagbabalewala sa akin noon.Gusto ko na lang ng ganitong pakiramdam, iyong wala na akong iniisip na dahilan para magpabigat sa loob ko, sa ngayon pinaghahandaan ko lang ang araw ng pag-alis namin patungong America, hindi na ako makapaghintay na makakitang muli at muling didilat sa umaga na mayroon nang payapang isipan, hindi pa man nangyayari ay pinananabikan ko nang mangyari ang araw na iyon....&nb
Nakadalawang hakbang na ako sa palapag ng hagdan paakyat nang maramdaman ko na naman ang mga matang tila nakamasid sa akin, sigurado na akong si Mom iyon dahil siya lang naman ang madalas na nagmamasid sa akin lalo pa kapag pababa at paakyat ako ng hagdan.Wala si Azon para tulungan ako sa pag-akyat ngayon dahil nag-prisenta ito kanina na sumama sa katulong na mamalengke at ngayon ay hindi pa nakababalik."Mom?" pagtawag ko kay Mom dahil nasisigurado kong nasa malapit lang siya."W-wala siya may nilakad ang Mom mo," tinig ni Dad ang sumagot.Hindi ko inasahang si Dad iyon, alam ko naman kasing si Mom lang ang madalas na nagmamasid sa akin."Kailangan mo ba ng tulong anak?" Nanlambot ang mga tuhod ko ng marinig ang sinabi niyang iyon.Tama ba ako ng dinig at tinawag niya akong anak.Matagal na panahon kong pinakaaasam na maramdaman na ituring niya rin akong anak.Pilit kong binabalanse ang mga paa ko sa pagkakatayo dahil sa pa