Halos isang linggong nanatili si kuya sa hospital bago ito tuluyang nakalabas, mabuti na lang at hindi malala ang pagkabagok nito. Simula ng makabalik ito sa bahay tuluyan ko na ring iniwas ang sarili ko sa kanilang lahat nakakasabay nila ako kapag kumakain sa hapag ngunit hindi ko sila kinakausap.
Gusto kong umalis at bumalik na lang ulit sa bahay ni lola kasi doon tahimik ako at walang kahit anong sermon na naririnig ngunit iniisip kong magiging pabigat lang din ako kay lola dahil matanda na rin ito.
Kaya kahit nahihirapan akong tumira sa bahay na ito pipilitin ko pa rin, at kapag tuluyan ko nang natapos ang pag-aaral ko ay tuluyan akong bubukod ng ako lang mag-isa.
"Tuloy na ang alis namin ni dad after graduation, ingatan mo si Cora," malungkot na saad ni kuya ng makasalubong ko ito matapos kong makalabas ng kwarto ko.
"Mahal ko 'yun," dagdag pa niya at hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sa akin.
Sa
'The great Ben', iyon ang bansag nila sa'kin rito hindi ko na lang namalayan na nasanay na rin akong tawagin nila ng ganoon, nagsimula lang naman iyon noong madalas akong tinatawag ni Justin ng 'The great ka talaga Ben' hanggang sa tumagal 'the great' ang tinatawag nila sa akin."Tamang-tama at narito ka, sumama ka sa'min Ben may lakad kami, halina kayo sumunod kayo sa'kin." sunod na saad ni Elijah upang pasunurin kami sa kanya.Sunod kung ipinagtaka ang sinabi nito dahil hindi ko naman inaasahan na may lakad pala sila, kapag sinabi kasing lakad alam ko nang sa rambol na naman ang uwi noon."Saan ang lakad p're?" si Justin ang tinanong ko dahil nakalayo na agad si Elijah sa amin."Si Elijah reresbakan niya 'yung ex ng shota niya, mapagmahal ang hayop eh, purke pina-iyak 'yung shota niya gusto agad kumitil ng buhay gago," natatawang tugon ni Justin. Hindi ko maunawaan sa sinabi niya kung
Ilang minuto na kaming nakatambay sa loob ng barangay, kumportable naman ang lugar na iyon para magpalipas ng magdamag kahit pa nakaupo lang kami sa sahig sa loob ng malamig na rehas na iyon, kaming tatlo na lang nina Justin at ang isa pa naming kasama ang naiwan doon dahil agad na pinayagang makalabas si Claude dahil nasa tamang edad na rin naman na ito habang kaming tatlo ay mga menor de edad pa, pinapirma lang siya ng mga tauhan ng barangay samantalang kaming tatlo na naiwan ay kawawa dahil wala kaming choice kung hindi manatili, isang himalang natatawag kung may susundo sa amin rito.Parang gusto ko na lang tuloy madaliin ang pagtanda ko ngayon para makalabas na, dahil subrang nakakabagot dahil kinuha rin ng mga tanod ang mga cellphone namin kaya wala kaming paglilibangan.Hindi ko na alam kong ilang oras na ang lumipas, hindi ko rin maramdaman ang antok marahil hindi naman sanay ang katawan ko sa ganitong lugar na minsan ko pang nararamdaman ang pagt
"Nakausap ko na ang kuya mo kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin, nalaman ko na rin na aalis pala siya pakatapos ng graduation," sambit iyon ni Corazon. Kahit pa hindi niya aminim ramdam ko ang lungkot na ikinukubli niya sa loob niya upang hindi ipahalata sa akin ang totoong nararamdaman.Bilang tugon ay napatango na lang ako rito.Pilit kong sinabayan siya sa pananahimik, wala na rin naman akong maisip na pwedeng sabihin para mabasag ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa."Teka nga bakit ba nag-iisa ka dito?" tanong nito mayamaya kung bakit nag-iisa akong nakaupo sa may sulok na iyon. "Nagsisimula na ang graduation ceremony ng kuya mo bakit hindi ka manood?" sunod nitong tanong.Sa kabila ng tanong ni Corazon sa akin ay nagkibit balikat lang ako, hindi ko na lang sinabi sa kaniya na wala ako sa mood para panoorin 'yun.Ngayong araw kasi na ito ang araw ng pagtatapos ni
Mabilis pang lumipas ang mga oras hanggang sa tumungo na kami sa isang public resort kung saan nakahanda ang party, pawang may mga kaya sa buhay ang mga istudyante sa paaralan namin kaya kayang-kaya nilang gumastos ng malaki makadalo lang sa magandang okasyon at magkaroon ng magandang alaala sa magandang lugar bago nila tahakin ang panibagong bukas ng kanilang buhay pagkatapos ng ilang taon nila bilang isang high school student.Tila ba mabilis na iniikot ang orasan sa mga sandaling iyon at nagsimula agad ang party matapos magsidatingan ang ilan, printe lang akong nakaupo sa tabi nang stage na nakahanda kung saan kami tutugtog, kulang na lang ay bilangin ko isa-isa lahat ng pumapasok sa isang pinto roon sa subrang pagkainip ko.Agad kong naituon ang paningin ko sa ibang direksiyon ng magtama ang paningin namin ni kuya matapos ako nitong makita, kasama niyang dumating ang mga kaibigan niya na hindi ko na inisa-isa pang tingnan d
Nanatili ang tahimik kong buhay sa loob ng tahanan na iyon hanggang sa lumipas ang buwan, napadalas ang pagtambay ko kasama ang mga tropa ko sa mga lugar na hindi pa dapat ako pumupunta dahil wala pa ako sa tamang edad. Sa bar kami napapadalas at nakatikim na rin ako ng iba't ibang lasa ng alak sa edad kong labing-lima, sa paraang iyon kasi doon lamang ako nakakalimot sa lungkot na pinagdadaanan ko ang tumakas sa sitwasyong meron ako, pinapayagan akong makapasok doon sa bar dahil na rin kilala nina Claude ang nagbabantay. Minsan na akong umuwi ng bahay na lango sa alak ngunit kahit pa nga madalas ay hating-gabi na ako umuuwi ay hindi manlang ako pinagalitan ni mom dahil madalas tulog na ito o sadyang wala naman talagang pakialam ito sa akin.Bakasyon naman kaya tanging pagliwaliw ang ginagawa ko sa buhay ko, wala namang silbi kung magpapakatino pa ako hindi ba, wala naman may pakialam."Ma'am, may sasabihin lang po sana ako." t
Matapos ng pagdiriwang na dinaluhan namin ay muling napadalas ang pagtambay namin sa café na iyon dahil bakasyon naman ay mas marami kaming araw upang kumanta bilang palipas oras na rin. Sinubukan kong iwasan sina Claude at sa grupo ko sa music club doon ako napadalas sumama alam kong kahit minsan hindi ako nakikitungo nang maayos sa mga ito nararamdam kong sila ang paraan upang matakasan ko ang maling daan na tinatahak ko kapag sina Claude ang kasama ko.Naging mas malapit ang loob ko sa mga kasamahan ko sa music club at doon ay nakahanap ako ng mga totoong kaibigan kahit pa wala silang alam sa totoong pinagdaraanan ko ay nakaramdam ako ng karamay.Mas lumalim ang samahan namin lalo na sa'min dalawa ni Corazon, ilang beses nagkaroon ng pagkakataon na laging kaming dalawa lang ang magkasama ngunit sa ilang beses na iyon hindi ko manlang nagawang umamin rito.Hindi ako takot na umamin sa kaniya sa totoong nararamdaman ko, sadyang takot lang ako s
Dahil sa lumalalim nang samahan namin ni Corazon hindi maiwasang tuksuhin kami ng mga kaklase at kaibigan namin. Gusto ko ang paraan ng pagtukso nila sa amin, kasi sa paraang iyon iniisip ko na sana mahulog din ang loob niya sa akin. Ngunit sa madalas na panunukso ng ilan ay tinatawanan niya lang iyon at doon nalulungkot akong isipin na ako lang ang natutuwa sa mga nangyayari at nagbibigay kahulugan sa mga bagay na isang biro lang para sa kaniya. Napakahirap pala ng ganito, palihim ko siyang minamahal at sa lihim na pagmamahal na iyon palihim din akong nasasaktan. "Ben, ano na? Wala na sila ng kuya mo bakit hindi ka pa rin umaamin kay Cora?" tanong ni Owen. Mabilis kong naiiwas ang paningin ko na kasalukuyang nakatingin ngayon kay Corazon. Nandito kami ngayon sa music room upang mag meeting para sa mga magiging bagong officers sa club ngayong school year. Bukod kay Corazon ay na
Hindi natuloy ang dapat na meeting namin sa music club kahapon ng dahil sa pag-amin ko ay nag walk out ang president namin kaya wala kaming napag-usapan.Sa kahihiyang iyon mas minabuti kong 'wag munang makipag-usap sa lahat. Kasabay noon ay umiwas na rin sa akin si Corazon dahil simula pa nang makapasok kami ng silid ay hindi manlang ito nakatingin sa akin ng diretso at hindi pa ito tumabi sa akin sa upuan na dating p'westo niya. Sa bandang likod ito umupo.Mabuti na lang at kaming tatlo lang nina Owen ang member ng music club sa section na ito kaya hindi alam ng ibang kaklase namin ang nangyari, buti na lang din at hindi sinumpong ng kadaldalan si Owen kaya hindi nagagawang mag-kwento sa lahat. Siguro na kunsinsiya na rin ito dahil isa siya sa nagpilit sa akin kaya humantong sa ganito."Ben, anong balita kinausap ka na ba?" Sinabayan ako ni Owen papalabas ng room matapos ang klase namin. Alam kong tinutukoy nito ay si