Hindi natuloy ang dapat na meeting namin sa music club kahapon ng dahil sa pag-amin ko ay nag walk out ang president namin kaya wala kaming napag-usapan.
Sa kahihiyang iyon mas minabuti kong 'wag munang makipag-usap sa lahat. Kasabay noon ay umiwas na rin sa akin si Corazon dahil simula pa nang makapasok kami ng silid ay hindi manlang ito nakatingin sa akin ng diretso at hindi pa ito tumabi sa akin sa upuan na dating p'westo niya. Sa bandang likod ito umupo.
Mabuti na lang at kaming tatlo lang nina Owen ang member ng music club sa section na ito kaya hindi alam ng ibang kaklase namin ang nangyari, buti na lang din at hindi sinumpong ng kadaldalan si Owen kaya hindi nagagawang mag-kwento sa lahat. Siguro na kunsinsiya na rin ito dahil isa siya sa nagpilit sa akin kaya humantong sa ganito.
"Ben, anong balita kinausap ka na ba?" Sinabayan ako ni Owen papalabas ng room matapos ang klase namin. Alam kong tinutukoy nito ay si
"Sorry nga pala," mayamaya ay humingi ito ng tawad sa akin.Pahero na kaming nakaupo sa may gilid nang kalsada habang ilang tao naman ang dumaraan, dito muna namin naisipang mag palipas ng oras matapos namin bumili ng fishball kanina."Sorry saan?" pagtataka ko. Hindi ko akalaing kakausapin na agad niya ako ngayon matapos ang pag-amin ko sa kaniya kahapon at pag-iwas niya sa akin sa maghapong ito."Nasaktan yata kita sa pagtanggi ko sa'yo kahapon kaya sorry napahiya kita," saad nito."Tanggap ko naman 'yon, at saka hindi ko rin naman sinasadyang umamin sa 'yo sadyang ang kukulit lang ng mga kasamahan natin.""Buti nga inamin mo nang mas maaga eh, para malaman mo na hindi mo kailangan umasa sa akin. Alam mo ang sitwasyon Ben at alam mo ring ex ako ng kuya mo."Haha ouch. Mas masakit pa pala ito sa inaasahan ko punyeta."Hindi mo ako mapipigilan na umasa
"Oh," nahihiyang inilahad ko ang supot ng gummy bear na iyon sa harapan niya, tinapunan pa nito ng tingin ang inabot ko at napipilitan man ay tinanggap pa rin niya."Sabi ko namang tigilan mo na 'yang pagbigay sa akin ng ganito, please lang," napapairap pang saad niya ni hindi manlang nagpasalamat muna."Ganoon talaga, 'wag ka na umangal gusto mo naman.""Anong gusto? Tinatanggap ko na nga lang kasi nakakahiya naman sa'yo," mataray na saad niya."Eh 'yong feelings ko baka naman p'wedeng mahiya ka at tanggapin mo na," pilyong ngiti ang sunod na umukit sa labi ko ngunit pinandilatan lang ako nito ng mata."Sa tingin mo nakakatawa 'yon?" nauubusang pasensyang saad nito ngunit tanging tawa na lang ang naisagot ko.Natahimik na lang kami nang dumating na ang guro namin para sa unang subject sa umaga.Araw na ang lumipas ay hindi
"Hindi ako tututol na ligawan mo ang anak ko iho, pero sana ayaw kong maging dahilan ang anak ko upang mag-away kayo ng kuya mo alam mo na ang sitwasyon at sana ay naiintindihan mo iyon."Muling bumalik sa isip ko ang mga sinabing iyon ni Mrs. Tan sa akin kanina, alam ko naman na ang tungkol sa bagay na iyon dahil nangyari na nga dahilan para magbangayan kami ni kuya. Ngunit bago pa man umalis si kuya sinabi ko na sa kaniya na kung sakaling umalis siya wala na siyang babalikan.Wala na rin naman magagawa pa siya kapag nalaman niyang nililigawan ko ang ex niya, hindi na niya iyon mapipigilan lalo pa at nasa ibang bansa na siya.Matapos kong makapagpalit ng uniporme ko ay muli na akong lumabas ng silid ko upang maghanap sana ng makakain sa kusina, ngunit naagaw ng atensiyon ko ang ingay dala ng pag-uusap nina mom at lola sa isang kwarto, ayaw ko mang pakinggan iyon ay ginawa ko pa rin dahil mapapansin sa tono
Walang kapaguran akong magpapatuloy hanggang sa dumating ang sandali na isa na ako sa dahilan sa bawat araw na gigising niya sa umaga, nasabi ko sa sarili ko na kapag may isang tao akong mamahalin sisiguraduhin ko na siya na rin ang huli at siya ang napili ko at nakikita kong makakasama ko hanggang sa pagtanda."Good morning Azon," masiglang bati ko rito nang mag-isa ko itong naratnan sa silid namin.Nakasanayan ko na rin ang pagpasok ng maaga kasi alam kong lagi rin itong pumapasok ng maaga kasabay ang mama niya, hindi ko gawain dati ang ganito mas madalas pa nga ay absent ako sa klase kasi ang pag-aaral ay isang walang kwentang gawain lang sa akin noon, pero ngayon nagkaroon ako ng dahilan para magsumikap hindi lang para sa sarili ko kung hindi para may mapatunayan ako sa kanya."Huh?" pagtataka ang tugon nito sa akin."Anong huh?" pagtataka ko rin."Bakit mo ako tinawag ng ganoon?" muling t
Natapos ang ikalawang markahan namin, nakapasa ako sa lahat ng subjects ko ngunit hindi iyon kasing taas sa mga markang nakuha ni Azon. Masaya na akong kahit papaaano ay sinubukan ko sa abot ng aking makakaya, unti-unting binabalik ko ang sarili ko at gagawin ko ito hindi na para sa mga magulang ko kundi para sa babaeng gusto ko dahil gusto ko na may patutunguhan naman ang buhay ko na kaya niyang ipagmalaki.Buwan ang lumipas na hindi ako tumigil sa panunuyo kay Azon, sapat na ang simpleng effort at pagpapansin ko rito upang iparamdam sa kaniya ang pagmamahal ko, hindi na ako ulit sumubok magtanong pa sa kaniya kung p'wede akong manligaw dahil sapat na iyong tatlong beses na tinanggihan niya ako, hahayaan ko na lang na kusa na rin siyang pumayag kapag napatunayan ko na ang sarili ko sa kaniya at hanggang sa dumating na ang araw na hindi na si kuya ang laman ng puso niya.Sa buwan na lumipas na iyon ay ilang beses ko na rin na nadalaw si Azon
Kasalukuyan akong napapikit nang dahil sa pagka-inip ko, naisandal ko ang ulo ko sa pader na iyon sa loob ng music room habang nakaupo sa sahig at ang siko ko ay nakapatong sa isa kong tuhod, sa paraang iyon ay nakaramdam ako ng pahinga.Kakatapos lang namin mag-insayo ng kanta para sa gaganaping event sa susunod na buwan, nang dahil sa pagkakasandal ko sa pader ay unti-unti akong nakaramdam ng antok dahil na rin nakapikit ang mata ko.Ngunit bigla kong naramdaman na tila may mga matang nakatitig sa akin, iilan na lang kami sa loob ng music room dahil na rin naglabasan na ang iba at oras na rin para umuwi. Hindi ko alam kong sino ba ang nakatingin sa akin ngunit nararamdaman kong malapit lang iyon sa akin, pinanatili ko ang mata kong nakapikit at nakunwaring hindi ko siya napapansin."Cora mauuna na kami, sabay ba kayo uuwi ni Ben?" tanong ni Owen.Mabilis na kumabog ang puso ko nang marinig si Owen na
Kaya naman pala subrang bigat ng pakiramdam ko nang gumising ako dahil sa araw na ito ay kaarawan ko pala, at sa araw na ito alam kong hindi ako magiging masaya."Hindi niyo na po kailangan mag-abala para ipagdiwang ang araw na 'to, sanay na po akong walang nakakaalala sa araw na sinilang ako. Laging kayo na lang po ang nagpapaalala sa akin." malungkot kong binitawan ang mga salitang iyon kay lola."Apo naman 'wag mong isipin 'yan," malungkot na rin na saad nito saka lumapit sa akin."Bye la, papasok na po ako salamat sa luto mo pero hindi po ako gutom," nagpaalam na ako rito saka agad nang umalis, aaminin kong nagsinungaling ako rito na hindi ako gutom ayaw ko lang kasing makita si lola na naaawa sa akin na tanging siya na naman ang nakaalala sa birthday ko, kaya mas mabuting umiwas kasi alam ko kahit hindi niya sabihin subra rin siyang nalulungkot at naaawa para sa akin.Ang araw na i
Ngiting hindi ko akalaing makikita ko mula sa mga labi niya, iyong ngiti na para sa akin talaga.Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon habang pinapanood ko siyang umaawit sa taas ng maliit na intablado, isang awitin na handog niya para sa akin. Pangarap ko lamang ito noon na sana ako rin ang aawitan niya at ngayon ito na nangyayari na.Hindi ko hiniling na gawin niya ito sa akin kaya ipinagpapasalamat kong kahit isang beses naranasan kong awitan niya kung paano siya noon kay kuya.Sapat na ang ginawa niyang iyon para pasayahin ako sa araw na ito, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti habang nakatitig sa mukha niya, wala akong mahanap na kasagutan kung bakit labis na saya ang nararamdaman ko ngayon kahit na may isa rin naman na naka-alala ng kaarawan ko kanina, si lola.Ang babaeng ito ay tila ba dinadala ako sa ibang mundo, pilit niya akong hinihila sa kadilimang kinaroroonan ko at unti-unting dinadala sa