Natapos ang ikalawang markahan namin, nakapasa ako sa lahat ng subjects ko ngunit hindi iyon kasing taas sa mga markang nakuha ni Azon. Masaya na akong kahit papaaano ay sinubukan ko sa abot ng aking makakaya, unti-unting binabalik ko ang sarili ko at gagawin ko ito hindi na para sa mga magulang ko kundi para sa babaeng gusto ko dahil gusto ko na may patutunguhan naman ang buhay ko na kaya niyang ipagmalaki.
Buwan ang lumipas na hindi ako tumigil sa panunuyo kay Azon, sapat na ang simpleng effort at pagpapansin ko rito upang iparamdam sa kaniya ang pagmamahal ko, hindi na ako ulit sumubok magtanong pa sa kaniya kung p'wede akong manligaw dahil sapat na iyong tatlong beses na tinanggihan niya ako, hahayaan ko na lang na kusa na rin siyang pumayag kapag napatunayan ko na ang sarili ko sa kaniya at hanggang sa dumating na ang araw na hindi na si kuya ang laman ng puso niya.
Sa buwan na lumipas na iyon ay ilang beses ko na rin na nadalaw si Azon
Kasalukuyan akong napapikit nang dahil sa pagka-inip ko, naisandal ko ang ulo ko sa pader na iyon sa loob ng music room habang nakaupo sa sahig at ang siko ko ay nakapatong sa isa kong tuhod, sa paraang iyon ay nakaramdam ako ng pahinga.Kakatapos lang namin mag-insayo ng kanta para sa gaganaping event sa susunod na buwan, nang dahil sa pagkakasandal ko sa pader ay unti-unti akong nakaramdam ng antok dahil na rin nakapikit ang mata ko.Ngunit bigla kong naramdaman na tila may mga matang nakatitig sa akin, iilan na lang kami sa loob ng music room dahil na rin naglabasan na ang iba at oras na rin para umuwi. Hindi ko alam kong sino ba ang nakatingin sa akin ngunit nararamdaman kong malapit lang iyon sa akin, pinanatili ko ang mata kong nakapikit at nakunwaring hindi ko siya napapansin."Cora mauuna na kami, sabay ba kayo uuwi ni Ben?" tanong ni Owen.Mabilis na kumabog ang puso ko nang marinig si Owen na
Kaya naman pala subrang bigat ng pakiramdam ko nang gumising ako dahil sa araw na ito ay kaarawan ko pala, at sa araw na ito alam kong hindi ako magiging masaya."Hindi niyo na po kailangan mag-abala para ipagdiwang ang araw na 'to, sanay na po akong walang nakakaalala sa araw na sinilang ako. Laging kayo na lang po ang nagpapaalala sa akin." malungkot kong binitawan ang mga salitang iyon kay lola."Apo naman 'wag mong isipin 'yan," malungkot na rin na saad nito saka lumapit sa akin."Bye la, papasok na po ako salamat sa luto mo pero hindi po ako gutom," nagpaalam na ako rito saka agad nang umalis, aaminin kong nagsinungaling ako rito na hindi ako gutom ayaw ko lang kasing makita si lola na naaawa sa akin na tanging siya na naman ang nakaalala sa birthday ko, kaya mas mabuting umiwas kasi alam ko kahit hindi niya sabihin subra rin siyang nalulungkot at naaawa para sa akin.Ang araw na i
Ngiting hindi ko akalaing makikita ko mula sa mga labi niya, iyong ngiti na para sa akin talaga.Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon habang pinapanood ko siyang umaawit sa taas ng maliit na intablado, isang awitin na handog niya para sa akin. Pangarap ko lamang ito noon na sana ako rin ang aawitan niya at ngayon ito na nangyayari na.Hindi ko hiniling na gawin niya ito sa akin kaya ipinagpapasalamat kong kahit isang beses naranasan kong awitan niya kung paano siya noon kay kuya.Sapat na ang ginawa niyang iyon para pasayahin ako sa araw na ito, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti habang nakatitig sa mukha niya, wala akong mahanap na kasagutan kung bakit labis na saya ang nararamdaman ko ngayon kahit na may isa rin naman na naka-alala ng kaarawan ko kanina, si lola.Ang babaeng ito ay tila ba dinadala ako sa ibang mundo, pilit niya akong hinihila sa kadilimang kinaroroonan ko at unti-unting dinadala sa
"Mom this is —" "Corazon Tan, am I right?" pinutol ni mom ang sasabihin ko na labis kong ikinapanlumo, hindi ko inaasahang kilala pala nito si Azon na sa pagkakaalam ko ay hindi pa ito ipinakilala ni kuya noon sa mga magulang namin noong sila pa. "Yes po," pilit na ngiting sumagot si Azon rito. "Hindi ko po inaasahang kilala niyo na ako,nakukuwento po ba ako ni Ben sa inyo?" malambinh nitong tanong kay mom. Walang emosyong umiling si mom at sa pamamagitan pa ng mga titig nito kay Azon ay para bang isang walang halagang bagay lamang ang nasa harap niya. Sa kilos at pananalita pa lang nito masasabi kong hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari. Ni hindi manlang nga nito inalok muna si Azon na tumuloy sa loob ng bahay kaya nanatili kami sa may pinto. "Ex ka ng anak kong si Brent hindi ba?" napatango naman si Azon bilang sagot. "Nabanggit ka na niya sa akin, so anong plano mo?" prangkang tanong pa nito kay Azon na nagparamdam sa akin ng inis, dinala ko
Parehong pag-ibig ang nararamdaman naming dalawa, kahit hindi ko pa man naririnig mula sa bibig nito ang totoo ay nararamdaman ko na.Lubos pa sa saya'ng matatawag ang nararamdaman ko ngayon dahil alam kong nagbubunga na ang mga pinaghihirapan ko.Hindi namam talaga makakatulong ang pagsuko dahil ngayon subrang saya na kahit papa'no ay may kahihinatnan rin lahat ng mga bagay lalo na kapag pinaghihirapan hanggang sa maabot na ang rurok ng tagumpay.Natatanaw ko si Azon mula sa malayo, bakas ang saya sa ngiti nito habang nakikipag-usap sa ilan naming kasamahan sa music club hindi nito napapansin ang presinsya ko kahit pa minuto na ang nakalipas na pinagmamasdan ko siya. Ang pagmamasid sa kaniya ang isang bagay na pinakagusto kong gawin, doon ay nakikita ko ang matamis niyang ngiti dahil madalas ay pagsusungit ang ginagawa nito kapag ako ang nasa harapan niya, hindi ko pa maiwasang matawa kapag iniisip kong sa akin lang siya madalas masungit marahil pil
Mula sa katamtamang pagpapatakbo ko ng motor ay mas binilisan ko pa iyon, nararamdaman ko ang takot na nararamdaman ni Azon sa pamamagitann ng mahigpit na pagkakayakap nito sa akin at ramdam ko ring nakasubsob na ang ulo nito sa likod ko dahil nararamdaman ko ang helmet nito sa likod ko."Huwag kang matakot Azon," saad ko na rito at alam kong narinig niya iyon."B-bagalan mo naman kasi, wala naman siguro tayong hinabol 'di ba?""May kapalit kapag binagalan ko 'to," saad ko rito at hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti sa naisip kalukuhan."Ano?!" halos pasigaw nang ani nito sa'kin."Ikaw lang makakagawa no'n.""Ano nga!"Habang nanatili lang akong nakabalanse sa pagpapatakbo ng motor ay wala nang paglagyan ang sayang nararamdaman ko."Sabihin mo munang mahal mo rin ako, saka ko babagalan," saad ko.
Nang sumunod na araw ay tuluyan na rin naming nasabi sa mama ni Azon na kami na, makikita naman na hindi tumututol roon si Mrs. Tan habang mas pinili ko naman na gawing serkrito iyon sa pamilya ko kasi alam ko namang hindi nila iyon magugustuhan lalo na si kuya. Lubos namang naunawaan ni Azon ang sitwasyon ko, dahil madalas siya lahat ang nakikinig ng mga saluobin at hinanakit sa loob ko. Dumating ang lunes kagaya ng ipinangako ko sa mga kaklase ko ay ililibre ko silang lahat ng gummy bear kapag napasagot ko si Azon. "Hi," nakangiting bati ko kay Azon nang salubungin ako nito matapos kong makapasok ng gate. Ngiti ang natanggap kong tugon mula rito sunod na nabaling ang tingin nito sa paper bag na hawak ko. "Akala ko mala-late ka? Saan ka ba galing, ano 'yang dala mo?" magkakasunod nitong tanong. "Gummy bears, binili ko bago pumasok sa klase. Sinya
Wala manlang akong kaalam-alam na uuwi pala si kuya ngayong bakasyon, kung sabagay wala naman pala silang pakialam sa akin at para saan pa at sasabihin nila iyon sa'kin."Apo gising ka na pala? Kumain ka na," saad ni lola nang maratnan ko ito sa kusina.Tumango lang ako rito bilang sagot."Umuwi ang Daddy at Kuya mo mula sa America nakita mo na ba sila?" sunod nitong tanong saka lumapit sa akin matapos kung maupo sa harap ng hapag."Kailan pa po sila umuwi, bakit hindi ko alam?""Sasabihin ko dapat sa'yo, kaso mas madalas na wala ka naman sa bahay," tugon nito sa akin kaya pilit na lang akong tumango saka ako sumimsim ng kape na nasa harapan ko.Pinipilit kong pagaanin ang loob ko matapos lunukin ang katamtamang init ng kape na iyon ngunit hindi manlang iyon nakabawas sa bigat ng loob ko."Apo ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni lola nang mapan
MAHIGPIT ang mga kamay ni Mom na nakahawak sa braso ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa visiting area ng kulungan para puntahan ang nais naming makita. Dama ko ang kaba sa mga kamay niyang iyon na tila ba takot rin siya sa posibleng mangyari kapag nakita na niya ang mga taong naging dahilan at muntik nang masira ang buhay niya pati na ang pamilya niya noon.Pinanatili ko ang pagiging kalmado ko dahil ayaw ko na mag-alala pa si Mom sa akin kahit ang totoo ay kahit ako mismo ay kinakabahan rin.Kasama namin si Dad na pumunta ngayon sa kulungan dahil sa kahilingan ko kagabi.Makalipas ang saglit na paglalakad ay narating namin ang lugar kung saan p'wedeng bisitahin ang mga priso, walang ibang tao sa lugar maliban lang sa isang lalaki na nakasuot ng orange na t-shirt na siyang kausuotan ng mga bilanggo.Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatitig sa mukha ng lalaking iyon na masasabi
Hindi na umimik pa si Kuya hanggang sa tuluyan kaming makauwi ng bahay, alam na nito na kapag sa mga usapang move on agad na siyang tumitigil sa pang-aasar sa akin dahil alam niya na kahit isang taon na ang lumipas hindi ko pa rin matanggap-tanggap ang katutuhanan.Ang katutuhanan na ang mga mata na lang niya ang tanging naiwan sa akin, wala na siya."Mga Apo naka-uwi na pala kayo," saad ni Lola nang maratnan namin ito sa sala ng bahay."Good evening La," bati naman ni Kuya na nauuna maglakad sa akin."Tamang-tama kakatapos ko lang magluto at pauwi na rin sina Teresa sabay-sabay na tayong maghapunan."Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang makalapit kay Lola. Natapon ang tingin ko sa hawak nitong brown envelope kaya natanong ko ito kung ano iyon."Ah itong envelope sa Daddy mo 'to may nagpadala lang nito kanina, nakalimutan ko dito sa sala kaya dadalhin ko na sa
After 1 YearAng kirot sa puso ko ay walang pinagbago kung paano ito paulit-ulit na nangungulila kay Corazon, kahit isang taon na ang nakalilipas ay tila ba kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. Nangungulila ako sa mga yakap niya sa akin. At pinakananais kong marinig muli ang mga pangaral niya sa akin, mga payo niya sa kung ano ba ang tama at kailangan kong gawin.Ngunit ngayon kahit maghintay pa siguro ako buong buhay ko para lang bumalik siya ay sadyang napakalabo na dahil tuluyan na siyang naroon sa lugar kung saan matatagpuan ang totoong pahinga.Isang taon na ang lumipas at hindi ko sasayangin ang mga susunod pa dahil si Azon ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng pagasa sa ikalawang pagkakataon noong ibigay niya sa akin ang mga mata niya. Hindi ko sasayangin ang ibinigay niya sa akin at kahit wala na siya magpapatuloy ako na tanging siya ang inspirasyon.Nag-aral ako ulit at kinuha ang cour
Sadyang napakadaya ng tadhana, wala ba akong karapatan para maranasan ang sayang nais ko, bakit ganito katindi ang sakit matapos ang pansamantalang saya."Aking pinakamamahal, paano ko ngayon tutuparin ang mga pangarap natin kung mag-isa na lang ako, napakadaya mo Azon, sana kung gusto mong umalis tinanong mo manlang ako kung gusto kong sumama," umiyak kong sambit habang pinapanood ko ang puting kabaong niyang unti-unti nang pumapailamin sa lupa."Hindi ko na kinakaya ang sakit, paano kita kalilimutan? Bigyan mo ako ng lakas upang magpatuloy dahil hindi ko na kaya mahal." halos bulong sa hangin ko nang sinambit iyon sa kabila pa rin ng pag-iyak.Nagsimula nang manlambot ang tuhod ko kaya hirap na hirap man akong gawin ay pilit kong binitawan ang tangkay ng puting rosas na hawak ko para itapon sa ibabaw ng kabaong niya. Kasabay ng pagbagsak ng rosas na iyon sa kabaong ay siya ring tuluyang pagbagsak ko sa lu
"Si Azon kumusta siya, asan siya Mom?" magkasunod kong tanong kay Mom dahil hindi naman nito sinagot ang tanong ko kanina."Kailangan ko siyang makita matagal kong hinintay na makakitang muli, Kuya dalhin mo'ko sa kaniya." Sunod na pakiusap ko kay Kuya, ngunit ang ipinagtataka ko ay bigla na lamang nawala ang saya ng mga ito.Pinanood ko silang tatlo nina Mom at Dad na magpalitan ng tingin na tila ba sa paraang iyon nagagawa nilang makapag-usap.Tuluyang lumabas ang doctor at iniwan kami kasabay noon at binalot ang silid ng nakabibinging katahimikan ng wala isa man sa mga ito ang nakasagot sa tanong ko.Gusto ko pa sanang muling tanungin sila ngunit hindi ko na naituloy nang biglang may bumukas ng pinto ng silid dahilan para mapalingon kaming apat sa pumasok.Si Mrs. Tan iyon na labis kong ikinagulat kung bakit naririto siya.Ngunit bago pa man ako matuwa na makita ang dati kong g
Marahan kong minulat ang mga mata ko at labis na pagkamangha ang namuhay sa loob ko ng mga sandaling ito dahil unti-unting sumisilay sa akin ang liwanag na labis kung ipinagtaka.'Bumalik na ba ang paningin ko?' pagtataka kong naitanong sa aking sarili.Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa hindi ko malamang lugar, napakaliwanag ng paligid ngunit wala manlang akong makita na kahit ano.Walang gamit o kahit ano pa man pawang liwanag lang ang nakikita ko.Pilit kong inuunawa kung nasaan kaya akong lugar, bakit ganoon kadaling bumalik ang paningin ko?Bakit nawala bigla iyong sakit sa ulo ko?Bakit nasa ganitong lugar ako at walang makita isa man sa pamilya ko.Sa kabila ng pagtataka kong iyon ay bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob at labis na natuwa dahil hindi lang pala ako mag-isa sa lugar na ito.Hindi kalayuan ay natanaw ko si Azon na n
Marahan ang andar ng taxi na sinasakyan namin pauwi, sa mga sandaling ito hinihiling kong sana mas bumagal pa ang takbo ng oras at manatili kami sa sandaling ito na magkasama.Hindi ko maunawaan kung bakit ganoon na lamang kahigpit ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko, ang higpit noon ay tila ba ipinaparamdam sa akin na ayaw niya na akong bitawan.Nanatili siyang nakahawak sa kamay ko habang nasa byahe pa rin kami at isinawalang bahala ko na lang iyon marahil mamimiss niya talaga ako kapag tuluyan na nga akong naka-alis sa susunod na linggo."Kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako palagi, labis kong ikatutuwa kapag nakakita kang muli Gummy Bear," aniya at sunod na naramdaman ko na lang ang ulo niyang marahang sumandal sa balikat ko.May tila kung ano akong naramdaman matapos ang mga sinabi niyang iyon, hindi ko maunawaan kung ikatutuwa ko nga ba iyon o ikalulungkot lubha
Matapos ng outing na ginawa ng buo naming pamilya ay tuluyan kong naranasan ang maging masaya, ganoon pala 'yung pakiramdam na totoo kang masaya. Unang beses ko iyong naranasan dahil na rin sa pagpapaunawa sa akin ni Azon na hindi ko kailangan maging matigas na lang buong buhay, sinubukan kong gawin ang sinasabi ng puso ko at iyon ay ang bigyan ng pagkakataon ang mga magulang ko para bumawi sa akin.At alam kong ginagawa nga nila ang lahat ng makakaya nila para mailaan ang mga sandaling nasayang nila sa pagbabalewala sa akin noon.Gusto ko na lang ng ganitong pakiramdam, iyong wala na akong iniisip na dahilan para magpabigat sa loob ko, sa ngayon pinaghahandaan ko lang ang araw ng pag-alis namin patungong America, hindi na ako makapaghintay na makakitang muli at muling didilat sa umaga na mayroon nang payapang isipan, hindi pa man nangyayari ay pinananabikan ko nang mangyari ang araw na iyon....&nb
Nakadalawang hakbang na ako sa palapag ng hagdan paakyat nang maramdaman ko na naman ang mga matang tila nakamasid sa akin, sigurado na akong si Mom iyon dahil siya lang naman ang madalas na nagmamasid sa akin lalo pa kapag pababa at paakyat ako ng hagdan.Wala si Azon para tulungan ako sa pag-akyat ngayon dahil nag-prisenta ito kanina na sumama sa katulong na mamalengke at ngayon ay hindi pa nakababalik."Mom?" pagtawag ko kay Mom dahil nasisigurado kong nasa malapit lang siya."W-wala siya may nilakad ang Mom mo," tinig ni Dad ang sumagot.Hindi ko inasahang si Dad iyon, alam ko naman kasing si Mom lang ang madalas na nagmamasid sa akin."Kailangan mo ba ng tulong anak?" Nanlambot ang mga tuhod ko ng marinig ang sinabi niyang iyon.Tama ba ako ng dinig at tinawag niya akong anak.Matagal na panahon kong pinakaaasam na maramdaman na ituring niya rin akong anak.Pilit kong binabalanse ang mga paa ko sa pagkakatayo dahil sa pa