Wala manlang akong kaalam-alam na uuwi pala si kuya ngayong bakasyon, kung sabagay wala naman pala silang pakialam sa akin at para saan pa at sasabihin nila iyon sa'kin.
"Apo gising ka na pala? Kumain ka na," saad ni lola nang maratnan ko ito sa kusina.Tumango lang ako rito bilang sagot.
"Umuwi ang Daddy at Kuya mo mula sa America nakita mo na ba sila?" sunod nitong tanong saka lumapit sa akin matapos kung maupo sa harap ng hapag.
"Kailan pa po sila umuwi, bakit hindi ko alam?"
"Sasabihin ko dapat sa'yo, kaso mas madalas na wala ka naman sa bahay," tugon nito sa akin kaya pilit na lang akong tumango saka ako sumimsim ng kape na nasa harapan ko.
Pinipilit kong pagaanin ang loob ko matapos lunukin ang katamtamang init ng kape na iyon ngunit hindi manlang iyon nakabawas sa bigat ng loob ko.
"Apo ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni lola nang mapan
Walang emosyon akong nakaupo sa harap ng mahabang lamesa sa loob ng kusina, nasa kaliwang parte ko si Kuya habang nasa harapan naman nito si Mom, habang si lola naman ang nasa kanang bahagi ko nakaupo. Si Dad ang nasa sentrong upuan kung saan nakikita ng lahat.Hindi ko na pinagkaabalahan bilangin kung ilan ang mga bisitang kasalo namin sa hapag dahil kahit isa roon ay hindi ko manlang tiningnan.Tatlong boses lang ng mga lalaki at dalawang magkaibang boses ng babae ang naririnig kong kausap ni Dad kaya masasabi kong hindi sila lalagpas sa sampu.Pilit kong sinabayan sila sa dinner na ito dahil na rin si Mom na mismo ang pumilit sa akin na lumabas at sabayan sila, alam ko naman na ang mangyayari magtataka pa ba ako.Magbuhat kasi nang magsimula ang dinner ay wala silang bukam-bibig kung hindi ang pag-usapan ang business at hindi roon maalis ang isang bagay na nagdudulot sa akin ng sakit.Dahil
Nararamdam ko ang marahang pagtama ng malambot na bagay sa pisngi ko, tamang-tama lang ang init noon upang pagaanin ang nararamdaman ko.Marahan kong minulat ang mga mata ko saka ako nahimasmasan sa kalasingan nang mapagtanto kong nasa ibang lugar na ako.Sunod na nabaling ang paningin ko sa magandang mukha ni Azon na nasa tabi ko habang nakaupo sa sopa, pinupunasan pa rin nito ang mukha ko nang bimpo pala na may maligamgam na tubig. Walang emosyon ang mukha nito at hindi manlang nagawang tumingin sa akin ng diretso, doon pa lang nahalata kong galit siya.Napahawak ako sa sintido ko ng maramdaman ko ang pagkirot noon dala na rin siguro ng madaming alak na nainom ko."B-bakit ako napunta rito?" nauutal kong tanong dahil wala manlang akong matandaan na umuwi pala ako.Tanging natatandaan ko lang bago ako tuluyang kunin ng espirito ng alak ay nakikipag-inoman ako kina
DUMAAN ANG MGA ARAW, hanggang sa sumapit ang pasko. Masaya akong sasalubungin iyon kasama ang isang taong mahal na mahal ko.Umalis ako ng bahay kahit pa alam kung naroon ang ilang kamag-anak ni Mom, doon nila naisipang salubungin ang pasko. Kahit naman makihalubilo ako sa mga ito ay hindi rin naman ako kumportable dahil kahit sino man sa kanila ay hindi ko napalagayan ng loob dahil kagaya nang sabi ko dati simula pa lang hindi ako nakikisalamuha sa sino man.Matapos nang gabing naglasing ako ay hindi na iyon naulit, pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na uulitin iyon para kay Azon. Mabilis din naman kaming nagkaayos matapos noon."Gummy bear marunong ka mag baked ng cookies hindi ba?" ikinagulat ko ang tanong nito sa akin.Natatandaan kong sinabi ko nga pala sa kaniyang ako ang nag baked ng cookies na binigay ko sa kaniya dati na ang totoo ay si lola talaga.Tatawa-tawa akong lumingon
Tatlong buwan ang lumipas.Matapos ang pagdiriwang ng bagong taon ay bumalik rin naman agad sina Kuya at Dad sa America.Wala na akong narinig pa kay Kuya tungkol sa relasyon namin ni Azon. Mukhang tinanggap na lang nito ang katutuhanang wala na siyang babalikan pa dahil ako na ang nag-aalaga sa babaeng dati niyang minahal.Masayang lumipas sa amin ni Azon ang tatlong buwan na iyon kahit pa may ilan-ilan pa kaming naririnig sa paligid namin na hindi sang-ayon sa relasyon na meron kami. Nagbingi-bingihan na lamang kami dahil una sa lahat kaming dalawa ni Azon ang nagmamahalan hindi sila kasali sa relasyong binuo namin para pakinggan ang mga hinaing nila.Ipinakilala ko kay Lola si Azon siya lang ang pinagkakatiwalaan kung makatatanggap sa relasyon meron sa amin ni Azon dahil hindi pa ako handang ipaalam iyon kay Mom, alam ko naman na hindi niya iyon magugustuhan kaya mainan nang hindi na muna niya malaman na may namamagita
Nakapila na ang lahat at hinihintay na lang ay ang hudyat upang simulan ang graduation march. Sampong tao ang nauuna sa akin dahil na rin C ang simula ng apelyido ko ay medyo malapit lang ako sa unahan.Kapansin-pansin na ako lang ang walang kasamang magulang sa pila, kaya minabuti ko na lang na 'wag nang magpalinga-linga sa kung saan dahil aaminin ko subra akong naiinggit sa lahat ng mga ka batch mate ko dahil nakikita ko kung paano sila ipagmalaki ng mga magulang nila sa araw mismong ito."Halika ka na Ben." Ikinagulat ko ng biglang sumulpot si Mrs. Tan sa tabi ko at inaaya ako na simulan ang maglakad."Po?" sa pagtataka ko ay natanong ko ito."Halika ka na ikaw na sunod na mag-mamartsa," saad niya pa sa akin.Bago ko pa tuluyang maunawaan siya ay napalingon ako sa dulo ng pila kung saan sina Azon, doon ay nakita ko siyang nakatingin sa akin at naka thumbs u
"Kapag 25 na tayo pakakasalan na kita," binitawan ko ang mga salitang iyon habang ang paningin ko ay nakatuon sa maliwanag na kalangitan dahil sa nagkikislapang bituin habang ang buwan ay bahagyang nakasilip sa ulap na nakatakip sa kaniya.Ramdam ko ang paglingon ni Azon sa akin ngunit nanatili lang akong nakamasid sa mga bituin habang napapangiti.Sigurado na ako sa mga salitang binitawan ko. 16 na ako ngayon at siyam na taon pa ang lilipas, walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa loob ng siyam na taon na iyon ngunit isang bagay lang ang sisiguraduhin ko ngayon kapag 25 na siya ay pakakasalan ko na siya."Ang advance mo naman mag-isip, mag tapos ka muna ng collage, aba!"Natatawang nilingon ko ito sa kanang gawi ko habang masungit na naman siyang nakatingin sa akin."Sinabi ko bang ngayon na kita pakakasalan, hindi naman ah. Sabi ko pag 25 ka na." Napakamot ako sa kilay ko matapos
Hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdam ko ngayon, kasing bilis ng pagpapaharurot ko sa motor ay siya ring bilis ng tibok ng puso ko na tila ba nakikipag-karira at kinakailangan manalo.Hindi ko kakayaning hindi maabutan siya, kaya kailangan ko pang bilisan.Bakit ngayon lang siya nagsabi sa akin na aalis siya kaya ko naman unawain ang paliwanag niya eh, hindi ko lang matanggap na iiwan niya ako na parang tangang walang alam sa mga nangyayari.Hindi ko kakayanin na matatapos lang sa amin ng ganito kasi aalis siya.Kung kinailangan na sumama sa kanila ay gagawin ko, hindi na mahalaga sa akin ang sasabihin ng magulang ko dahil hindi ko kakayaning mawala ang isang tao na tanging nagbigay halaga sa akin.Napakaraming tanong na gumugulo sa aking isipan na hindi ko na rin maintindihan kasi alam kong mailap ang mga sagot.Halos kalahating oras na akong nasa byahe ng saglit
[Present]Dalawang taon na akong nakakulong sa isang silid, na ang apat na sulok nito na ay tila ba rehas na kinukulong ako kahit ang pinto ay wala namang kandado ay hindi ko magawang makalabas.Ang mga paa ko ay tila ba nakagapos, ang mga kamay ay tila nakapusas habang ang kadiliman ay hindi ako nilubayan.Dalawang taon na rin akong umaasa na sana babalik si Azon upang muli ay mayroong isang tao ang magbibigay ng lakas sa akin ngunit mukhang malabo na.Kasabay nang paglayo niya, kasabay ng pagkawala ng paningin ko, kasabay din noong naglaho lahat sa akin. Tuluyan akong nawalan ng pagasa, tuluyang naglaho ang pangarap na nais kong abutin dahil tila ba hanggang dito na lamang ako dadalhin ng kapalaran ko.Tanging kadiliman at lungkot na lamang ang nanatili sa akin, At kahit pa ang mga kaibigan na tanging nakakasama ko noon kapag gusto kong magsaya ay wala nang nakaalala sa akin.