Tatlong buwan ang lumipas.
Matapos ang pagdiriwang ng bagong taon ay bumalik rin naman agad sina Kuya at Dad sa America.
Wala na akong narinig pa kay Kuya tungkol sa relasyon namin ni Azon. Mukhang tinanggap na lang nito ang katutuhanang wala na siyang babalikan pa dahil ako na ang nag-aalaga sa babaeng dati niyang minahal.
Masayang lumipas sa amin ni Azon ang tatlong buwan na iyon kahit pa may ilan-ilan pa kaming naririnig sa paligid namin na hindi sang-ayon sa relasyon na meron kami. Nagbingi-bingihan na lamang kami dahil una sa lahat kaming dalawa ni Azon ang nagmamahalan hindi sila kasali sa relasyong binuo namin para pakinggan ang mga hinaing nila.
Ipinakilala ko kay Lola si Azon siya lang ang pinagkakatiwalaan kung makatatanggap sa relasyon meron sa amin ni Azon dahil hindi pa ako handang ipaalam iyon kay Mom, alam ko naman na hindi niya iyon magugustuhan kaya mainan nang hindi na muna niya malaman na may namamagita
Nakapila na ang lahat at hinihintay na lang ay ang hudyat upang simulan ang graduation march. Sampong tao ang nauuna sa akin dahil na rin C ang simula ng apelyido ko ay medyo malapit lang ako sa unahan.Kapansin-pansin na ako lang ang walang kasamang magulang sa pila, kaya minabuti ko na lang na 'wag nang magpalinga-linga sa kung saan dahil aaminin ko subra akong naiinggit sa lahat ng mga ka batch mate ko dahil nakikita ko kung paano sila ipagmalaki ng mga magulang nila sa araw mismong ito."Halika ka na Ben." Ikinagulat ko ng biglang sumulpot si Mrs. Tan sa tabi ko at inaaya ako na simulan ang maglakad."Po?" sa pagtataka ko ay natanong ko ito."Halika ka na ikaw na sunod na mag-mamartsa," saad niya pa sa akin.Bago ko pa tuluyang maunawaan siya ay napalingon ako sa dulo ng pila kung saan sina Azon, doon ay nakita ko siyang nakatingin sa akin at naka thumbs u
"Kapag 25 na tayo pakakasalan na kita," binitawan ko ang mga salitang iyon habang ang paningin ko ay nakatuon sa maliwanag na kalangitan dahil sa nagkikislapang bituin habang ang buwan ay bahagyang nakasilip sa ulap na nakatakip sa kaniya.Ramdam ko ang paglingon ni Azon sa akin ngunit nanatili lang akong nakamasid sa mga bituin habang napapangiti.Sigurado na ako sa mga salitang binitawan ko. 16 na ako ngayon at siyam na taon pa ang lilipas, walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa loob ng siyam na taon na iyon ngunit isang bagay lang ang sisiguraduhin ko ngayon kapag 25 na siya ay pakakasalan ko na siya."Ang advance mo naman mag-isip, mag tapos ka muna ng collage, aba!"Natatawang nilingon ko ito sa kanang gawi ko habang masungit na naman siyang nakatingin sa akin."Sinabi ko bang ngayon na kita pakakasalan, hindi naman ah. Sabi ko pag 25 ka na." Napakamot ako sa kilay ko matapos
Hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdam ko ngayon, kasing bilis ng pagpapaharurot ko sa motor ay siya ring bilis ng tibok ng puso ko na tila ba nakikipag-karira at kinakailangan manalo.Hindi ko kakayaning hindi maabutan siya, kaya kailangan ko pang bilisan.Bakit ngayon lang siya nagsabi sa akin na aalis siya kaya ko naman unawain ang paliwanag niya eh, hindi ko lang matanggap na iiwan niya ako na parang tangang walang alam sa mga nangyayari.Hindi ko kakayanin na matatapos lang sa amin ng ganito kasi aalis siya.Kung kinailangan na sumama sa kanila ay gagawin ko, hindi na mahalaga sa akin ang sasabihin ng magulang ko dahil hindi ko kakayaning mawala ang isang tao na tanging nagbigay halaga sa akin.Napakaraming tanong na gumugulo sa aking isipan na hindi ko na rin maintindihan kasi alam kong mailap ang mga sagot.Halos kalahating oras na akong nasa byahe ng saglit
[Present]Dalawang taon na akong nakakulong sa isang silid, na ang apat na sulok nito na ay tila ba rehas na kinukulong ako kahit ang pinto ay wala namang kandado ay hindi ko magawang makalabas.Ang mga paa ko ay tila ba nakagapos, ang mga kamay ay tila nakapusas habang ang kadiliman ay hindi ako nilubayan.Dalawang taon na rin akong umaasa na sana babalik si Azon upang muli ay mayroong isang tao ang magbibigay ng lakas sa akin ngunit mukhang malabo na.Kasabay nang paglayo niya, kasabay ng pagkawala ng paningin ko, kasabay din noong naglaho lahat sa akin. Tuluyan akong nawalan ng pagasa, tuluyang naglaho ang pangarap na nais kong abutin dahil tila ba hanggang dito na lamang ako dadalhin ng kapalaran ko.Tanging kadiliman at lungkot na lamang ang nanatili sa akin, At kahit pa ang mga kaibigan na tanging nakakasama ko noon kapag gusto kong magsaya ay wala nang nakaalala sa akin.
Tinatanya ko ang bawat hakbang na ginagawa ko pababa ng hagdan na iyon. Sa dalawang taon kong bulag ay nagawa ko nang kabisaduhin ang bawat hakbang ko sa pag-akyat at baba ko sa hagdan na ito. Ngunit kahit ulit-ulitin ko pa sigurong maglakad pababa at pataas ay hindi pa rin madali dahil hindi ko makita ang dinaraanan ko, subrang hirap ng wala akong mahagilap na liwanag kahit na naisin ko pa.Hawak ko sa kaliwang kamay ko ang tungkod, ito ang nagsisilbi kong gabay sa paglalakad at upang matiyantiya ko ang bawat hahakbangan kong palapag ng hagdan.Humawak ako sa railings ng hagdan upang magsilbi ring balanse sa akin kung sakali mang mamali ako ng hakbang.Naka limang hakbang na siguro ang nagawa ko pababa ng hagdan ngunit nararamdaman ko na tila may mga matang nakamasid sa akin. Paulit-ulit na ganoon ang senaryo na nararamdaman ko na tila ba binabantayan ako sa pagbaba kung sakali mang mahulog ako.Hin
"Happy birthday anak," masiglang binati ako ni Mom matapos kong makaupo sa silya sa harap ng hapag.Hindi ko nagawang sumagot o kahit nagpasalamat manlang dito, alam kong may hinanda sila sa akin para sa araw na ito pero hindi na ako roon matutuwa dahil kahit isa sa hinanda nila hindi ko nakikita. Amoy ko ang sauce ng spaghetti na siguradong niluto ni Lola para sa akin na alam niyang paborito ko.Sunod na pagkalantik ng kutsara ang narinig ko na tila sinasalinan ako ng pagkain ni Mom sa sarili kong plato."Kain na anak, gusto mo bang subuan na lang kita?""Bulag ako pero may sarili akong kamay." inis kong tugon dahilan para marinig ko na naman ang pagbuntong hininga nito."Ben alam naming nahihirapan ka sa sitwasyon mo, pero bakit ayaw mo pa rin sumama sa amin sa America maraming makatutulong sa'yo para makakita ka ulit," nagsalita si Dad sa tinig nang pangungumbinsi.
Matagal kong pinanabikan ang mga yakap ni Mom na kahit minsan hindi ko naramdaman, minsan pang hiniling ko na sana hahawakan niya ako sa likuran upang patahanin sa pag-iyak, hindi ko akalaing ngayon ay nararamdaman ko na. Gusto kong yakapin siya pabalik ngunit tila ba istatwa ang katawan ko sa mga sandaling ito."Ayos lang ako," mariing binitawan ko ang salitang ayos lang ako kahit dama ko sa loob ko ang matinding kirot na ang katotohanan ay hindi naman talaga ako okay.Pilit kong kinuntrol ang mga luhang nangingilid na naman sa mga mata ko, ramdam kong anumang oras ay handa itong pumatak sa kadahilanang hindi ko na kaya ang bigat."Anak I'm so sorry," paghingi ni Mom ng tawad sa'kin sa kabila pa rin ng mahigpit na pagkakayakap niya.Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko, ngunit sigurado akong hindi pa kayang tanggapin ng puso ko ang mga patawad mula sa kaniya sa tagal na pa
Sinasabayan ko na naman ang katahimikan ng gabi. Wala talagang pinagbago ang sakit na nararamdaman ko na tila ba may kulang sa buhay ko na hindi ko mawari kung ano.Nalaman ko na ang kwento tungkol sa isang bagay na matagal ko ng gustong malaman tungkol sa ama ko at hindi na ako aasang mahanap pa siya kung ang hustisya nga ay hindi mahanap-hanap ni Mom.Isang tao na lang talaga ang tanging hinihintay ko, ang paliwanag niya ang tanging kailangan ko kung bakit siya umalis na hindi sinabi sa akin ang totoong dahilan. Si Corazon lang ang kailangan ko para muli ay magkaroon ako ng dahilan para magpatulog, ngunit napakailap pa rin ng pagkakataon at hindi ko malaman kung kailan ba siya babalik.Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi na siya nagparamdam pa, na kahit si Kuya na ilang beses kong pinakiusap na kuntakin si Azon ay hindi rin nito nakausap.Hirap na hirap na akong paniwalaan