Hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdam ko ngayon, kasing bilis ng pagpapaharurot ko sa motor ay siya ring bilis ng tibok ng puso ko na tila ba nakikipag-karira at kinakailangan manalo.
Hindi ko kakayaning hindi maabutan siya, kaya kailangan ko pang bilisan.
Bakit ngayon lang siya nagsabi sa akin na aalis siya kaya ko naman unawain ang paliwanag niya eh, hindi ko lang matanggap na iiwan niya ako na parang tangang walang alam sa mga nangyayari.
Hindi ko kakayanin na matatapos lang sa amin ng ganito kasi aalis siya.
Kung kinailangan na sumama sa kanila ay gagawin ko, hindi na mahalaga sa akin ang sasabihin ng magulang ko dahil hindi ko kakayaning mawala ang isang tao na tanging nagbigay halaga sa akin.
Napakaraming tanong na gumugulo sa aking isipan na hindi ko na rin maintindihan kasi alam kong mailap ang mga sagot.
Halos kalahating oras na akong nasa byahe ng saglit
[Present]Dalawang taon na akong nakakulong sa isang silid, na ang apat na sulok nito na ay tila ba rehas na kinukulong ako kahit ang pinto ay wala namang kandado ay hindi ko magawang makalabas.Ang mga paa ko ay tila ba nakagapos, ang mga kamay ay tila nakapusas habang ang kadiliman ay hindi ako nilubayan.Dalawang taon na rin akong umaasa na sana babalik si Azon upang muli ay mayroong isang tao ang magbibigay ng lakas sa akin ngunit mukhang malabo na.Kasabay nang paglayo niya, kasabay ng pagkawala ng paningin ko, kasabay din noong naglaho lahat sa akin. Tuluyan akong nawalan ng pagasa, tuluyang naglaho ang pangarap na nais kong abutin dahil tila ba hanggang dito na lamang ako dadalhin ng kapalaran ko.Tanging kadiliman at lungkot na lamang ang nanatili sa akin, At kahit pa ang mga kaibigan na tanging nakakasama ko noon kapag gusto kong magsaya ay wala nang nakaalala sa akin.
Tinatanya ko ang bawat hakbang na ginagawa ko pababa ng hagdan na iyon. Sa dalawang taon kong bulag ay nagawa ko nang kabisaduhin ang bawat hakbang ko sa pag-akyat at baba ko sa hagdan na ito. Ngunit kahit ulit-ulitin ko pa sigurong maglakad pababa at pataas ay hindi pa rin madali dahil hindi ko makita ang dinaraanan ko, subrang hirap ng wala akong mahagilap na liwanag kahit na naisin ko pa.Hawak ko sa kaliwang kamay ko ang tungkod, ito ang nagsisilbi kong gabay sa paglalakad at upang matiyantiya ko ang bawat hahakbangan kong palapag ng hagdan.Humawak ako sa railings ng hagdan upang magsilbi ring balanse sa akin kung sakali mang mamali ako ng hakbang.Naka limang hakbang na siguro ang nagawa ko pababa ng hagdan ngunit nararamdaman ko na tila may mga matang nakamasid sa akin. Paulit-ulit na ganoon ang senaryo na nararamdaman ko na tila ba binabantayan ako sa pagbaba kung sakali mang mahulog ako.Hin
"Happy birthday anak," masiglang binati ako ni Mom matapos kong makaupo sa silya sa harap ng hapag.Hindi ko nagawang sumagot o kahit nagpasalamat manlang dito, alam kong may hinanda sila sa akin para sa araw na ito pero hindi na ako roon matutuwa dahil kahit isa sa hinanda nila hindi ko nakikita. Amoy ko ang sauce ng spaghetti na siguradong niluto ni Lola para sa akin na alam niyang paborito ko.Sunod na pagkalantik ng kutsara ang narinig ko na tila sinasalinan ako ng pagkain ni Mom sa sarili kong plato."Kain na anak, gusto mo bang subuan na lang kita?""Bulag ako pero may sarili akong kamay." inis kong tugon dahilan para marinig ko na naman ang pagbuntong hininga nito."Ben alam naming nahihirapan ka sa sitwasyon mo, pero bakit ayaw mo pa rin sumama sa amin sa America maraming makatutulong sa'yo para makakita ka ulit," nagsalita si Dad sa tinig nang pangungumbinsi.
Matagal kong pinanabikan ang mga yakap ni Mom na kahit minsan hindi ko naramdaman, minsan pang hiniling ko na sana hahawakan niya ako sa likuran upang patahanin sa pag-iyak, hindi ko akalaing ngayon ay nararamdaman ko na. Gusto kong yakapin siya pabalik ngunit tila ba istatwa ang katawan ko sa mga sandaling ito."Ayos lang ako," mariing binitawan ko ang salitang ayos lang ako kahit dama ko sa loob ko ang matinding kirot na ang katotohanan ay hindi naman talaga ako okay.Pilit kong kinuntrol ang mga luhang nangingilid na naman sa mga mata ko, ramdam kong anumang oras ay handa itong pumatak sa kadahilanang hindi ko na kaya ang bigat."Anak I'm so sorry," paghingi ni Mom ng tawad sa'kin sa kabila pa rin ng mahigpit na pagkakayakap niya.Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko, ngunit sigurado akong hindi pa kayang tanggapin ng puso ko ang mga patawad mula sa kaniya sa tagal na pa
Sinasabayan ko na naman ang katahimikan ng gabi. Wala talagang pinagbago ang sakit na nararamdaman ko na tila ba may kulang sa buhay ko na hindi ko mawari kung ano.Nalaman ko na ang kwento tungkol sa isang bagay na matagal ko ng gustong malaman tungkol sa ama ko at hindi na ako aasang mahanap pa siya kung ang hustisya nga ay hindi mahanap-hanap ni Mom.Isang tao na lang talaga ang tanging hinihintay ko, ang paliwanag niya ang tanging kailangan ko kung bakit siya umalis na hindi sinabi sa akin ang totoong dahilan. Si Corazon lang ang kailangan ko para muli ay magkaroon ako ng dahilan para magpatulog, ngunit napakailap pa rin ng pagkakataon at hindi ko malaman kung kailan ba siya babalik.Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi na siya nagparamdam pa, na kahit si Kuya na ilang beses kong pinakiusap na kuntakin si Azon ay hindi rin nito nakausap.Hirap na hirap na akong paniwalaan
"Natapos na ang lahat nandito pa rin ako. Heto't nakatulala sa mundo oh... Sa mundo oh wooh."Naitigil ko ang kinakanta ko ng maramdaman ko ang mga yabag ng sapatos na papalapit sa akin, tila rin may mga matang nakamasid kahit pa alam kung mag-isa lang ako sa silid ko.Amoy ng mabangong pabango ang kasabay ng hangin na humampas sa mukha ko, ang amoy na kahit hindi ko alamin ay kilalang-kilala ko. Amoy ng isang taong matagal ko nang hinihintay.Hindi ako kumibo at nagsalita, hinintay ko ang yabag ng paa na iyon na kusang lumapit sa akin. Narinig ko ang saglit na paghinto nito bago muling tumuloy sa paglalakad hanggang maramdaman ko ang prisensya nitong tumabi sa mahabang silyang kinauupuan ko ngayon.Gustong-gusto kong makasigurado na siya nga iyon ngunit hindi ko magawang makagalaw at labis ko pang ipinagtaka kung bakit wala manlang akong maramdaman na tuwa kahit nagbalik na siya.
"Gustong-gusto kong manatili upang panghawakan ang mga pangako natin sa isa't isa Ben, ngunit..." saglit itong natigilan. "Ngunit ayoko na may nagsasabi sa akin na makakasira lamang ako sa buhay mo at sa mga pangarap mo.""Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi mo sa akin, na kapag patuloy kang makikinig sa mga sinasabi ng iba ay hindi ka kailanman magiging masaya pero bakit nakikinig ka?""Dapat ba akong hindi nakinig? Nanay mo siya Ben at girlfriend mo lang ako ano ang laban ko roon dahil siya ang mas nakaaalam kung anong mas nakakabuti sa'yo.""At hindii ka makakabuti sa akin ah?""I'm sorry, mas pinili ko ang isang desisyon na hindi manlang inisip ang mararamdaman mo. Noong araw na umalis ako namatay ang lola ko sa probinsiya kaya naisip ko iyong dahilan upang tuluyang layuan ka, subrang hirap para sa akin iyon at alam kung mas mahirap sa'yo ngunit wala akong magawa. Sa dalawang taon na lumipas subr
Naikuwento ni Azon sa akin na ipinagpatuloy niya ang pag-aaral niya sa probinsiya, katulad ng mama niya ay Education ang kinuha nitong kurso. Pangarap din kasi nito ang maging guro kagaya ng mama niya iyon ang nabanggit niya sa akin noon.Masaya ako na sa loob ng dalawang taon na iyon ay mayroon siyang pangarap na nasimulan samantalang ako ay wala manlang. Pilit ko noon sinisikap na ipagmalaki niya at maging karapat dapat ngunit mukhang wala na naman akong nagawa.Kapag natuloy ang opirasyon ko at tuluyang makakita doon ko patutunayan sa kanya lahat, gagawin ko lahat ng makakaya ko at ipagpapatuloy ang mga pangarap na kasama siya.Pilit na kaming sinubok ng kapalaran at alam kung hindi lang dito magtatapos, kapag nalagpasan ko lahat ng ito ay sisiguraduhin ko nang hanapin ang totoong ako at magsusumikap para sa kanya...."Wow naman mukhang lalo kang pumogi ah?" bakas ang pang-aasar sa tinig ni Kuya sa sinabi nito."Tumahimik ka nga," singha