"Gustong-gusto kong manatili upang panghawakan ang mga pangako natin sa isa't isa Ben, ngunit..." saglit itong natigilan. "Ngunit ayoko na may nagsasabi sa akin na makakasira lamang ako sa buhay mo at sa mga pangarap mo."
"Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi mo sa akin, na kapag patuloy kang makikinig sa mga sinasabi ng iba ay hindi ka kailanman magiging masaya pero bakit nakikinig ka?"
"Dapat ba akong hindi nakinig? Nanay mo siya Ben at girlfriend mo lang ako ano ang laban ko roon dahil siya ang mas nakaaalam kung anong mas nakakabuti sa'yo."
"At hindii ka makakabuti sa akin ah?"
"I'm sorry, mas pinili ko ang isang desisyon na hindi manlang inisip ang mararamdaman mo. Noong araw na umalis ako namatay ang lola ko sa probinsiya kaya naisip ko iyong dahilan upang tuluyang layuan ka, subrang hirap para sa akin iyon at alam kung mas mahirap sa'yo ngunit wala akong magawa. Sa dalawang taon na lumipas subr
Naikuwento ni Azon sa akin na ipinagpatuloy niya ang pag-aaral niya sa probinsiya, katulad ng mama niya ay Education ang kinuha nitong kurso. Pangarap din kasi nito ang maging guro kagaya ng mama niya iyon ang nabanggit niya sa akin noon.Masaya ako na sa loob ng dalawang taon na iyon ay mayroon siyang pangarap na nasimulan samantalang ako ay wala manlang. Pilit ko noon sinisikap na ipagmalaki niya at maging karapat dapat ngunit mukhang wala na naman akong nagawa.Kapag natuloy ang opirasyon ko at tuluyang makakita doon ko patutunayan sa kanya lahat, gagawin ko lahat ng makakaya ko at ipagpapatuloy ang mga pangarap na kasama siya.Pilit na kaming sinubok ng kapalaran at alam kung hindi lang dito magtatapos, kapag nalagpasan ko lahat ng ito ay sisiguraduhin ko nang hanapin ang totoong ako at magsusumikap para sa kanya...."Wow naman mukhang lalo kang pumogi ah?" bakas ang pang-aasar sa tinig ni Kuya sa sinabi nito."Tumahimik ka nga," singha
"Naku Cora kahit magpaganda ka, hindi ka pa rin makikita niyan ni Ben nakalimutan mo na atang bulag 'yan," mapang-aasar na saad na naman ni Kuya matapos naming makababa ni Azon sa hagdan."Mapang-asar talaga hmm." Pabulong at inis na reklamo ni Azon ang narinig ko.Malapit pang siya sa akin kaya narinig ko iyon kahit subrang hina na ng sinabi niya.Umukit ang ngiti sa labi ko ng hindi ko na napigilan, mukhang nakuha ko ang ibig sabihin ni Kuya sa sinabi nito.Ibig bang sabihin noon ay nag-ayos din si Azon para sa lakad naming ito."Kahit hindi ko nakikita 'yun alam ko namang maganda ka," saad ko kay Azon.Hindi ito naka imik o sumagot manlang sa sinabi ko."Kahit mamula ka pa sa kilig Cora hindi ka pa rin nakikita ni Ben, nakakalimutan mo atang bulag—""Tumahimik ka na siraulo ka kanina ka pa!" malakas na bulyaw ko kay Kuya na hindi
Nakadalawang hakbang na ako sa palapag ng hagdan paakyat nang maramdaman ko na naman ang mga matang tila nakamasid sa akin, sigurado na akong si Mom iyon dahil siya lang naman ang madalas na nagmamasid sa akin lalo pa kapag pababa at paakyat ako ng hagdan.Wala si Azon para tulungan ako sa pag-akyat ngayon dahil nag-prisenta ito kanina na sumama sa katulong na mamalengke at ngayon ay hindi pa nakababalik."Mom?" pagtawag ko kay Mom dahil nasisigurado kong nasa malapit lang siya."W-wala siya may nilakad ang Mom mo," tinig ni Dad ang sumagot.Hindi ko inasahang si Dad iyon, alam ko naman kasing si Mom lang ang madalas na nagmamasid sa akin."Kailangan mo ba ng tulong anak?" Nanlambot ang mga tuhod ko ng marinig ang sinabi niyang iyon.Tama ba ako ng dinig at tinawag niya akong anak.Matagal na panahon kong pinakaaasam na maramdaman na ituring niya rin akong anak.Pilit kong binabalanse ang mga paa ko sa pagkakatayo dahil sa pa
Matapos ng outing na ginawa ng buo naming pamilya ay tuluyan kong naranasan ang maging masaya, ganoon pala 'yung pakiramdam na totoo kang masaya. Unang beses ko iyong naranasan dahil na rin sa pagpapaunawa sa akin ni Azon na hindi ko kailangan maging matigas na lang buong buhay, sinubukan kong gawin ang sinasabi ng puso ko at iyon ay ang bigyan ng pagkakataon ang mga magulang ko para bumawi sa akin.At alam kong ginagawa nga nila ang lahat ng makakaya nila para mailaan ang mga sandaling nasayang nila sa pagbabalewala sa akin noon.Gusto ko na lang ng ganitong pakiramdam, iyong wala na akong iniisip na dahilan para magpabigat sa loob ko, sa ngayon pinaghahandaan ko lang ang araw ng pag-alis namin patungong America, hindi na ako makapaghintay na makakitang muli at muling didilat sa umaga na mayroon nang payapang isipan, hindi pa man nangyayari ay pinananabikan ko nang mangyari ang araw na iyon....&nb
Marahan ang andar ng taxi na sinasakyan namin pauwi, sa mga sandaling ito hinihiling kong sana mas bumagal pa ang takbo ng oras at manatili kami sa sandaling ito na magkasama.Hindi ko maunawaan kung bakit ganoon na lamang kahigpit ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko, ang higpit noon ay tila ba ipinaparamdam sa akin na ayaw niya na akong bitawan.Nanatili siyang nakahawak sa kamay ko habang nasa byahe pa rin kami at isinawalang bahala ko na lang iyon marahil mamimiss niya talaga ako kapag tuluyan na nga akong naka-alis sa susunod na linggo."Kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako palagi, labis kong ikatutuwa kapag nakakita kang muli Gummy Bear," aniya at sunod na naramdaman ko na lang ang ulo niyang marahang sumandal sa balikat ko.May tila kung ano akong naramdaman matapos ang mga sinabi niyang iyon, hindi ko maunawaan kung ikatutuwa ko nga ba iyon o ikalulungkot lubha
Marahan kong minulat ang mga mata ko at labis na pagkamangha ang namuhay sa loob ko ng mga sandaling ito dahil unti-unting sumisilay sa akin ang liwanag na labis kung ipinagtaka.'Bumalik na ba ang paningin ko?' pagtataka kong naitanong sa aking sarili.Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa hindi ko malamang lugar, napakaliwanag ng paligid ngunit wala manlang akong makita na kahit ano.Walang gamit o kahit ano pa man pawang liwanag lang ang nakikita ko.Pilit kong inuunawa kung nasaan kaya akong lugar, bakit ganoon kadaling bumalik ang paningin ko?Bakit nawala bigla iyong sakit sa ulo ko?Bakit nasa ganitong lugar ako at walang makita isa man sa pamilya ko.Sa kabila ng pagtataka kong iyon ay bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob at labis na natuwa dahil hindi lang pala ako mag-isa sa lugar na ito.Hindi kalayuan ay natanaw ko si Azon na n
"Si Azon kumusta siya, asan siya Mom?" magkasunod kong tanong kay Mom dahil hindi naman nito sinagot ang tanong ko kanina."Kailangan ko siyang makita matagal kong hinintay na makakitang muli, Kuya dalhin mo'ko sa kaniya." Sunod na pakiusap ko kay Kuya, ngunit ang ipinagtataka ko ay bigla na lamang nawala ang saya ng mga ito.Pinanood ko silang tatlo nina Mom at Dad na magpalitan ng tingin na tila ba sa paraang iyon nagagawa nilang makapag-usap.Tuluyang lumabas ang doctor at iniwan kami kasabay noon at binalot ang silid ng nakabibinging katahimikan ng wala isa man sa mga ito ang nakasagot sa tanong ko.Gusto ko pa sanang muling tanungin sila ngunit hindi ko na naituloy nang biglang may bumukas ng pinto ng silid dahilan para mapalingon kaming apat sa pumasok.Si Mrs. Tan iyon na labis kong ikinagulat kung bakit naririto siya.Ngunit bago pa man ako matuwa na makita ang dati kong g
Sadyang napakadaya ng tadhana, wala ba akong karapatan para maranasan ang sayang nais ko, bakit ganito katindi ang sakit matapos ang pansamantalang saya."Aking pinakamamahal, paano ko ngayon tutuparin ang mga pangarap natin kung mag-isa na lang ako, napakadaya mo Azon, sana kung gusto mong umalis tinanong mo manlang ako kung gusto kong sumama," umiyak kong sambit habang pinapanood ko ang puting kabaong niyang unti-unti nang pumapailamin sa lupa."Hindi ko na kinakaya ang sakit, paano kita kalilimutan? Bigyan mo ako ng lakas upang magpatuloy dahil hindi ko na kaya mahal." halos bulong sa hangin ko nang sinambit iyon sa kabila pa rin ng pag-iyak.Nagsimula nang manlambot ang tuhod ko kaya hirap na hirap man akong gawin ay pilit kong binitawan ang tangkay ng puting rosas na hawak ko para itapon sa ibabaw ng kabaong niya. Kasabay ng pagbagsak ng rosas na iyon sa kabaong ay siya ring tuluyang pagbagsak ko sa lu