Share

Kabanata 51

Naikuwento ni Azon sa akin na ipinagpatuloy niya ang pag-aaral niya sa probinsiya, katulad ng mama niya ay Education ang kinuha nitong kurso. Pangarap din kasi nito ang maging guro kagaya ng mama niya iyon ang nabanggit niya sa akin noon.

Masaya ako na sa loob ng dalawang taon na iyon ay mayroon siyang pangarap na nasimulan samantalang ako ay wala manlang. Pilit ko noon sinisikap na ipagmalaki niya at maging karapat dapat ngunit mukhang wala na naman akong nagawa.

Kapag natuloy ang opirasyon ko at tuluyang makakita doon ko patutunayan sa kanya lahat, gagawin ko lahat ng makakaya ko at ipagpapatuloy ang mga pangarap na kasama siya.

Pilit na kaming sinubok ng kapalaran at alam kung hindi lang dito magtatapos, kapag nalagpasan ko lahat ng ito ay sisiguraduhin ko nang hanapin ang totoong ako at magsusumikap para sa kanya.

...

"Wow naman mukhang lalo kang pumogi ah?" bakas ang pang-aasar sa tinig ni Kuya sa sinabi nito.

"Tumahimik ka nga," singha

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status