Sadyang napakadaya ng tadhana, wala ba akong karapatan para maranasan ang sayang nais ko, bakit ganito katindi ang sakit matapos ang pansamantalang saya.
"Aking pinakamamahal, paano ko ngayon tutuparin ang mga pangarap natin kung mag-isa na lang ako, napakadaya mo Azon, sana kung gusto mong umalis tinanong mo manlang ako kung gusto kong sumama," umiyak kong sambit habang pinapanood ko ang puting kabaong niyang unti-unti nang pumapailamin sa lupa.
"Hindi ko na kinakaya ang sakit, paano kita kalilimutan? Bigyan mo ako ng lakas upang magpatuloy dahil hindi ko na kaya mahal." halos bulong sa hangin ko nang sinambit iyon sa kabila pa rin ng pag-iyak.
Nagsimula nang manlambot ang tuhod ko kaya hirap na hirap man akong gawin ay pilit kong binitawan ang tangkay ng puting rosas na hawak ko para itapon sa ibabaw ng kabaong niya. Kasabay ng pagbagsak ng rosas na iyon sa kabaong ay siya ring tuluyang pagbagsak ko sa lu
After 1 YearAng kirot sa puso ko ay walang pinagbago kung paano ito paulit-ulit na nangungulila kay Corazon, kahit isang taon na ang nakalilipas ay tila ba kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. Nangungulila ako sa mga yakap niya sa akin. At pinakananais kong marinig muli ang mga pangaral niya sa akin, mga payo niya sa kung ano ba ang tama at kailangan kong gawin.Ngunit ngayon kahit maghintay pa siguro ako buong buhay ko para lang bumalik siya ay sadyang napakalabo na dahil tuluyan na siyang naroon sa lugar kung saan matatagpuan ang totoong pahinga.Isang taon na ang lumipas at hindi ko sasayangin ang mga susunod pa dahil si Azon ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng pagasa sa ikalawang pagkakataon noong ibigay niya sa akin ang mga mata niya. Hindi ko sasayangin ang ibinigay niya sa akin at kahit wala na siya magpapatuloy ako na tanging siya ang inspirasyon.Nag-aral ako ulit at kinuha ang cour
Hindi na umimik pa si Kuya hanggang sa tuluyan kaming makauwi ng bahay, alam na nito na kapag sa mga usapang move on agad na siyang tumitigil sa pang-aasar sa akin dahil alam niya na kahit isang taon na ang lumipas hindi ko pa rin matanggap-tanggap ang katutuhanan.Ang katutuhanan na ang mga mata na lang niya ang tanging naiwan sa akin, wala na siya."Mga Apo naka-uwi na pala kayo," saad ni Lola nang maratnan namin ito sa sala ng bahay."Good evening La," bati naman ni Kuya na nauuna maglakad sa akin."Tamang-tama kakatapos ko lang magluto at pauwi na rin sina Teresa sabay-sabay na tayong maghapunan."Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang makalapit kay Lola. Natapon ang tingin ko sa hawak nitong brown envelope kaya natanong ko ito kung ano iyon."Ah itong envelope sa Daddy mo 'to may nagpadala lang nito kanina, nakalimutan ko dito sa sala kaya dadalhin ko na sa
MAHIGPIT ang mga kamay ni Mom na nakahawak sa braso ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa visiting area ng kulungan para puntahan ang nais naming makita. Dama ko ang kaba sa mga kamay niyang iyon na tila ba takot rin siya sa posibleng mangyari kapag nakita na niya ang mga taong naging dahilan at muntik nang masira ang buhay niya pati na ang pamilya niya noon.Pinanatili ko ang pagiging kalmado ko dahil ayaw ko na mag-alala pa si Mom sa akin kahit ang totoo ay kahit ako mismo ay kinakabahan rin.Kasama namin si Dad na pumunta ngayon sa kulungan dahil sa kahilingan ko kagabi.Makalipas ang saglit na paglalakad ay narating namin ang lugar kung saan p'wedeng bisitahin ang mga priso, walang ibang tao sa lugar maliban lang sa isang lalaki na nakasuot ng orange na t-shirt na siyang kausuotan ng mga bilanggo.Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatitig sa mukha ng lalaking iyon na masasabi
'Itinuro sa akin ng pag-ibig na ang pagsugal ay parte nito, walang kasiguraduhan ang masayang wakas ngunit tumaya ako at ngayon sa larong sabay naming sinimulan mag-isa na lamang pala akong magpapatuloy.' Inaalala ko pa ang mga panahong magkasama kaming dalawa habang pinapanood ang maliwanag na buwan, kung paanong hindi ko makalimutan ang bawat anggulo ng kaniyang magandang mukha. Kung paanong ang kagandahan niya ay maikukumpara ko sa isang sampaguita na tila ba nagsasabog ng halimuyak sa umaga ko. Sapat na sa'king masilayan lang ang kanyang magandang ngiti, upang kumpletuhin ang buong araw ko —muli pa kaya iyong maibabalik ngayong malayo na siya sa piling ko. Siya ang dahilan kung bakit ako nagbago ng hindi ko rin inaasahan noon, ang isang tulad ko na walang alam gawin kun'di puro mga kalukuhan at pagrerebelde sa magulang, ngunit ng dahil sa kanya nagbago lahat sa akin —binago niya lahat. Malalim a
"May sasalihan ka na bang organization, kung wala pa sumali ka sa club namin kung gusto mo, basta marunong ka mag play ng music intrument pasok ka, mag audition ka sa friday si Cora ang president ng club namin," pang hihikayat sa akin ni Owen.Nagsimula na rin akong makihalubilo sa katabi ko dahil pansin naman na mabait siya.Matapos kung marinig ang sinabi nito para bang bigla akong nagkaroon ng interes na sumali sa music club na tinutukoy niya ng nalaman kong kasali roon si Corazon, kailanman ay hindi ako sumali sa mga ganitong organisasyon sa paaralan dahil sayang lang naman iyon sa oras ko sapat na sa aking kalukuhan lang ang ambag sa klase.Hindi ko maunawaan sa sarili ko kung bakit nga ba ako nagkaroon ng interes alamin at kilalanin ang babaeng iyon dahil hindi ko naman iyon gawain dati, dalawang taon na ang lumipas sa akin bilang high school student ngunit isa man sa mga babaeng nagkakagusto sa akin
"Magaling ka pala, kinilabitan ako sa boses mo, walang'ya nain-love na yata ako sa boses mo Ben," natatawang saad ni Owen sa akin."Mas kilabutan ka pa lalo, alam kong g'wapo ako pero hindi ako bakla gago," singhal ko rito saka kami naglakad na palabas.Tuluyan akong natanggap sa music club na iyon, matatanggihan ba naman nila ako sa ganda ng boses ko baka kahit lalaki kiligin kapag kinantahan ko."Bro, pauwi ka na ba dalhin mo na 'tong gamit ko pauwi may practice pa kasi ako." Pabatong ibinigay ni kuya ang bag nito sa akin na mabilis ko namang nasalo, hindi na ako nakatanggi pa dahil matapos niya iyong maibigay sa akin ay agad na rin siyang tumalikod paalis na hindi manlang muna nagpasalamat."Kapatid mo si Brent?" gulat na tanong ni Jade sa akin habang pinapanood namin ang papalayo nang bulto ni kuya."Oo," tipid kong sagot."Siya ang captain ng baske
"Gusto mo ng gummy bear?" masigla kong alok kay Corazon nang salubongin ko ito papasok ng aming silid. Nakasanayan ko na ang bumili ng mga gummy bear na ito, dahil masarap naman kahit papaano. "Umagang-umaga naninira ka ng araw ko," masungit nitong tugon saka lang ako nilagpasan. "Bakit ba napakasungit mo pagdating sa'kin, 'diba nga dapat nagpapakitang gilas ka sa pamilya ng boyfriend mo," sinabayan ko ito sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa upuan niya. "Alam mo mr. gummy bear kung dapat man akong magpakitang-gilas — hindi sa'yo 'yon." Pinandilatan pa ako nito ng mata. "At bakit naman hindi kapatid ako ng boyfriend mo, ako pa ang magsasabi sa magulang namin kung gaano ka kabait, pero sa tingin ko hindi ka pasado sa kanila." Napahawak ako sa baba ko at umakto na parang nag-iisip. "Bakit ba napaka kulit mo layuan mo nga ako p'wede ba." Naitulak ako
Matapos ang klase namin ng hapon magkasama kaming tumungo ni Corazon sa isang Cafe kagaya ng pinag-usapan namin.Isang cafe iyon kung saan sila kumakanta para magbigay aliw sa mga taong tumatambay o kaya naman ay kumakain."Mabuti at pinapayagan ka ng mama mo na kumanta rito," saad ko habang naglalakad kami papasok ng restong iyon."Kaibigan ni mama ang may-ari nitong cafe, si mama rin ang nagpasok sa'kin dito kasi alam niyang pagkanta ang hilig ko," tugon naman nito sa akin. Napatango na lamang ako bilang sagot rito."Hey Ben what's up, sasama ka ba sa amin kumanta?" hindi ko pa inaasahan na nandito rin sina Owen kasama ang ilan pa sa mga miyembro namin sa music club."Hindi siya kakanta, sinama ko lang siya rito," si Corazon ang sumagot."Bakit naman hindi pakantahin na natin si Ben magaling naman siya, ako ang magpapaalam kay ms. Sam para pakantahin siya."