"May sasalihan ka na bang organization, kung wala pa sumali ka sa club namin kung gusto mo, basta marunong ka mag play ng music intrument pasok ka, mag audition ka sa friday si Cora ang president ng club namin," pang hihikayat sa akin ni Owen.
Nagsimula na rin akong makihalubilo sa katabi ko dahil pansin naman na mabait siya.
Matapos kung marinig ang sinabi nito para bang bigla akong nagkaroon ng interes na sumali sa music club na tinutukoy niya ng nalaman kong kasali roon si Corazon, kailanman ay hindi ako sumali sa mga ganitong organisasyon sa paaralan dahil sayang lang naman iyon sa oras ko sapat na sa aking kalukuhan lang ang ambag sa klase.
Hindi ko maunawaan sa sarili ko kung bakit nga ba ako nagkaroon ng interes alamin at kilalanin ang babaeng iyon dahil hindi ko naman iyon gawain dati, dalawang taon na ang lumipas sa akin bilang high school student ngunit isa man sa mga babaeng nagkakagusto sa akin ay wala akong pinatulan kahit isa, kaya bago sa akin ang ganitong pakiramdam na humanga sa isang babae dahil kadalasan sila ang humahanga sa akin.
Dumating ang biyernes, pumayag ako sa alok ni Owen na sumali sa club nila may alam din naman kasi ako sa pagtugtog ng gitara kaya naman hindi na mahirap para sa akin na sumali sa ganoong organisasyon.
Sa music room kami tumungo ni Owen kasama nito ang dalawa niyang kaibigan na sina Jade at Austin, hindi namin kamag-aral ang dalawa ngunit sa ilang araw na pagsama-sama ko sa kanila ay napalagayan ko na rin ng loob dahil katulad ko mga kalukuhan din ang alam ng mga ito, sino rin naman ang hindi magkakaintindihan kapag pareho kayo ng mga ugali 'diba.
Pagkarating namin sa labas ng music room ay agad na akong pinalista ni Owen sa talaan ng mga istudyanteng mag-au-audition para makapasok sa music club na iyon.
Hindi ko maunawaan kung bakit ngayon lang ako kinabahan sa buong buhay ko, ayoko ng ganitong pakiramdam nakasanayan ko na kasing nakukuha ang gusto ko na hindi ko pinaghihirapan, ngunit ngayon sadyang iba na.
Nakatayo kami sa labas ng silid na iyon habang hinihintay tawagin ang number ko upang sunod na pumasok ng silid, ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang hawak ang maliit na papel na may nakasulat na number 5, ibig sabihin na pang lima ako sa papasok.
Mabilis lang na natapos ang mga nauna, at sa apat na lumabas ng silid na iyon pansin sa mukha nila ang pagkadismaya na tila ba hindi sila pinalad na makapasok sa audition.
Mas nadagdagan ang kaba ko ng tawagin ang ika-limang numero.
"Goodluck Ben!" pagpapalakas loob na ani ni Owen bago ako pumasok ng silid na iyon.
Nang makapasok ako ay tumambad sa akin ang ilang music instrument sa tabi ng silid na iyon, kasama na ang isang medyo may kalakihang piano, may ilang mga istudyante ring nandoon na pansin na miyembro na ng club, dahil sa pare-parehong unipormeng kanilang suot.
"Bakit ka nag-audition dito may talent ka ba?" masungit na tanong agad ni Corazon ng makatayo na ako sa gitna ng silid kaharap niya at ng isa pang babae at lalaki na mukhang sila ang pipili kung sino ang makakapasok, ang masungit nitong tinig ang dahilan upang mas lalo akong kabahan ngunit pinilit ko lang iyong hindi ipahalata sa kanila.
Talent?
Punyeta kailangan pala ng talent, hindi ako na inform.
"Meron, may talent ako ano akala mo sa akin," maangas kong turan rito.
"Sige simulan mo na ano bang talent mo?" tanong naman ng isang lalaki na kasamahan nito.
"Isang pambihirang talent na ako lang ang nakagagawa."
"Dami pang satsat ano ngang talent mo," naiinip nang saad ni Corazon kasabay ng naiinis nitong titig sa akin.
"Kaya kong mag move on kahit wala akong jowa," seryosong saad ko ngunit sa kabila noon ay sabay-sabay silang naghagalpakan ng tawa.
"Get out!" galit nang sigaw nito sa akin habang nagtatawanan ang mga kasama niya.
"Talent ko 'yun hindi ba counted?" pagtataka ko pa.
"Sira ulo ka talaga ano? Alam mo naman sigurong music club itong pinasukan mo hindi kasama ang talent mo sa hinahanap namin," iritadong saad pa rin ni Corazon.
"Marunong kumanta at may alam sa music intrument ang kailangan namin kaya hindi ka p'wede rito, baka kung sa Pilipinas Got Talent ka nag audition na golden buzzer ka pa." Natatawang saad naman ng isang babae sa akin.
"Lumabas ka na, over qualified ang talent mo mr. gummy bear." Ikinagulat ko ang pagtawag nito sa akin ng mr. gummy bear, sa dami ba naman ng p'wedeng itawag sa akin iyon pa talaga.
Wala akong nagawa kung hindi ang lumabas na lang ng silid na iyon habang dismayado ako, wala naman kasi akong napaghandaan kahit isang kanta lang para sa audition na ito dahil ang sabi ni Owen ay tatanungin lang naman kung may alam ba sa music intrument.
Punyeta paano ba ako makakapasok rito, gusto kung makapasok sa music club ni Corazon.
"Ang bilis mo naman, ano balita Ben?" salubong ni Owen sa'kin ng makalabas ako.
"Hindi ako nakapasok over qualified daw ang talent ko," nanlulumo kong sagot.
"Bakit ano bang talent mo?" tanong iyon ni Austin.
"Kaya kung mag move on kahit wala akong jowa," diretso kong sagot at kagaya ng mga nakarinig sa sinabi ko sa loob naghagalpakan rin sila kakatawa sa sinabi ko.
"Pambihirang talent 'yan putangina," napamura pa si Jade habang tumatawa.
"May gitara ka pala pahiram nga ako." Kinuha ko na ang gitarang nakasaklay sa balikat ni Owen, kahit hindi pa ito pumapayag.
Mabuti na lang at dinala niya ito dito, gustong-gusto ko talagang makapasok sa club na ito kaya gagawin ko ang lahat.
Patakbo akong bumalik sa may pinto bitbit ang gitara ni Owen, wala silang nagawa upang pigilan ako hanggang sa sumunod na lamang ang mga ito sa akin at pumasok rin kasama ko sa silid.
"Teka, baka naman p'wedeng bigyan niyo pa ako ng isa pang chance," pagbabakasakali kong pakiusap.
Ikinagulat nila iyon at nagkatinginan pa silang tatlo na tila ba sa pamamagitan ng tinginan nila ay nagagawa nilang makapag-usap.
"Siguraduhin mo lang na matino na iyang talent mo binabalaan kita." Tinuro pa ako ni Corazon na tila ba pinagbabantaan na ako.
Napatango na lang ako saka ako tumuloy ulit sa pagpasok at pumunta sa gitna, pumasok rin sina Owen na tila ba papanoorin ako ng mga ito.
Tinanggal ko sa lagayan ang gitarang iyon at saka ako humila ng isang silya sa may gilid at naupo roon.
Sinimulan ko na ang pagkalabit sa string ng gitara, hinihintay ko ang ritmu nito upang simulan ang pag-awit. Ngayon ko sila pakikitaan ng totoong talent.
🎶"Nang minsan ay naranasan ko ang mag-isa." sinimulan kong kantahin ang musikang iyon na may pamagat na 'ngayo'y naririto', kitang-kita ang pagkamangha nila sa unang liriko pa lang na iyon ng awit mukhang ikinagulat na nila ang malamig kong tinig. Nanatili lang ang blangkong eksprisyon na iyon ni Corazon habang nakatingin sa'kin, na dahilan naman upang mas madagdagan ako ng kaba dahil tila ba hindi pa rin sapat sa kaniya ang ginagawa ko.
Kisa isipin ang tumatakbo sa isip niya, isinawalang bahala ko na lamang iyon ay itinuon ang buong atensyon sa gitara upang magawa ko ng maayos ang pagkanta.
"Pilit ko na nilimot ang tulad niya
Na dati ay mahal na mahal
Nakita ka at nasabi kong ikaw na nga
Ang hinahanap at dinarasal
Na makapiling ko
Ngayo'y naririto
Isang katulad mo
Na sa 'kin ay nagmamahal ng buong tapat
Nangakong akin lamang."
Hindi ko na hinintay pang tapusin ang pagkanta dahil nagpalakpakan na lahat ng taong nakapanood sa akin sa loob ng silid na iyon, maliban lang kay Corazon na tanging pagkibit balikat lang ang ginawa matapos kung sayangin ang boses ko para lang makapasok sa music club na ito.
"Magaling mr. gummy bear, pasok ka na iyan ang totoong talent ah hindi ang pagmo-move on ng walang jowa, sige makakalabas na kayo."
Lumukso sa tuwa ang puso ko matapos kong marinig mula sa kaniya na sabihing magaling ako, hindi makikita sa reaksyon niya sa mukha ang mga sinasabi niya ngunit sa pamamagitan ng pagpuri nito sa akin naramdaman kong humanga siya sa ginawa ko.
Sa unang pagkakataon may nagsabi sa akin na magaling ako kahit hindi ko naman hiniling na marinig ang papuring iyon dahil sanay naman na ako na wala kahit isa man ang humanga at sumuporta sa akin.
Noong araw na iyon may isang tao na unang pumuri sa talento ko, isang tao na kahit hindi man makikita sa mukha ang paghanga naramdaman ko sa pamamagitan ng salita.
"Magaling ka pala, kinilabitan ako sa boses mo, walang'ya nain-love na yata ako sa boses mo Ben," natatawang saad ni Owen sa akin."Mas kilabutan ka pa lalo, alam kong g'wapo ako pero hindi ako bakla gago," singhal ko rito saka kami naglakad na palabas.Tuluyan akong natanggap sa music club na iyon, matatanggihan ba naman nila ako sa ganda ng boses ko baka kahit lalaki kiligin kapag kinantahan ko."Bro, pauwi ka na ba dalhin mo na 'tong gamit ko pauwi may practice pa kasi ako." Pabatong ibinigay ni kuya ang bag nito sa akin na mabilis ko namang nasalo, hindi na ako nakatanggi pa dahil matapos niya iyong maibigay sa akin ay agad na rin siyang tumalikod paalis na hindi manlang muna nagpasalamat."Kapatid mo si Brent?" gulat na tanong ni Jade sa akin habang pinapanood namin ang papalayo nang bulto ni kuya."Oo," tipid kong sagot."Siya ang captain ng baske
"Gusto mo ng gummy bear?" masigla kong alok kay Corazon nang salubongin ko ito papasok ng aming silid. Nakasanayan ko na ang bumili ng mga gummy bear na ito, dahil masarap naman kahit papaano. "Umagang-umaga naninira ka ng araw ko," masungit nitong tugon saka lang ako nilagpasan. "Bakit ba napakasungit mo pagdating sa'kin, 'diba nga dapat nagpapakitang gilas ka sa pamilya ng boyfriend mo," sinabayan ko ito sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa upuan niya. "Alam mo mr. gummy bear kung dapat man akong magpakitang-gilas — hindi sa'yo 'yon." Pinandilatan pa ako nito ng mata. "At bakit naman hindi kapatid ako ng boyfriend mo, ako pa ang magsasabi sa magulang namin kung gaano ka kabait, pero sa tingin ko hindi ka pasado sa kanila." Napahawak ako sa baba ko at umakto na parang nag-iisip. "Bakit ba napaka kulit mo layuan mo nga ako p'wede ba." Naitulak ako
Matapos ang klase namin ng hapon magkasama kaming tumungo ni Corazon sa isang Cafe kagaya ng pinag-usapan namin.Isang cafe iyon kung saan sila kumakanta para magbigay aliw sa mga taong tumatambay o kaya naman ay kumakain."Mabuti at pinapayagan ka ng mama mo na kumanta rito," saad ko habang naglalakad kami papasok ng restong iyon."Kaibigan ni mama ang may-ari nitong cafe, si mama rin ang nagpasok sa'kin dito kasi alam niyang pagkanta ang hilig ko," tugon naman nito sa akin. Napatango na lamang ako bilang sagot rito."Hey Ben what's up, sasama ka ba sa amin kumanta?" hindi ko pa inaasahan na nandito rin sina Owen kasama ang ilan pa sa mga miyembro namin sa music club."Hindi siya kakanta, sinama ko lang siya rito," si Corazon ang sumagot."Bakit naman hindi pakantahin na natin si Ben magaling naman siya, ako ang magpapaalam kay ms. Sam para pakantahin siya."
"Ma, ano bang itinuro niyo kay Ben at lumaking sumail ang batang iyon? Kahit isa man sa bahay na ito ay hindi niya pinapakinggan," tinig ni mom ang narinig ko."Kahit sa akin ay hindi rin 'yan nakikinig, kaya nga pinilit kitang kunin siya hindi ba upang makasama kayo. Teresa naman, sana intindihin mo ang ugali niya lumaki siyang salat sa pagmamahal mula sa inyo kaya siya nagrerebilde at kung may sisisihin man rito ay kayo 'yun hindi niyo ipinaramdam kay Ben ang pagmamahal na dapat maramdaman ng isang bata, pagmamahal at pag-unawa ang kailangan niya mula sa inyo," nahihimigan naman ang galit sa tono ng pananalita ni lola.Kasabay noon ay nakaramdam na naman ako ng galit, akala ko kinuha talaga ako ni mom upang makasama nila pero pinilit lang pala siya ni lola.Mula sa likod ng pintong pinagtataguan ko ay ipinagpatuloy ko ang pakikinig sa usapan nila, hindi nila ako mapapansin dahil medyo tago ang lugar kung asan ako. 
Ilang mga araw pa ang lumipas ay mas nakilala ko pa ng maigi si Corazon, masayahin siyang babae at matalino.Madalas masungit ngunit nasasabayan ko na lang iyon ng kalokohan.Mas marami pa nga yata ang oras na ako ang nakakasama ni Corazon kumpara kay kuya, dahil madalas nakasama ko lagi si Corazon sa pag-iinsayo ng kanta habang si kuya ay abala naman sa sport nito.Hindi ko malaman kung bakit sa tuwing sinusubukan kong umiwas ay wala akong magawa dahil siya rin ang kusang lumalapit. Sinubukan kong ituon sa ibang bagay ang pansin upang mawala ang atensyon ko kay Corazon ngunit nabigo ako, dahil habang tumatagal mas lalo lamang akong nahuhulog rito, sa hindi ko rin maunawaang dahilan. Hindi lang basta nahuhulog dahil sa totoo lang may nararamdaman na ako sa kanya —minamahal ko na siya.Kahit isang beses ay hindi ko pa naranasan ang kumain ng paruparo, ngunit sa tuwing nakikita ko ang matamis na ngiti nito ay para bang may
"Pangarap ko ang ibigin kaAt sa habang panahon, ikaw ay makasamaIkaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong itoPangarap ko ang ibigin ka..."Maririnig sa magandang boses ni Corazon ang tuwa sa kinakanta niya, habang ang mga mata ay nakatingin kay kuya, kaya naman kay kuya sunod nabaling ang paningin ko.Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ng mga sandaling iyon nang nakitang wala manlang kaemo-emosyon ang mukha nito na tila ba wala manlang kasupo-suporta sa ginagawa ng kanyang kasintahan.Kahit ang pagngiti ay hindi manlang nito ginawa na para bang nanonood lang siya ng isang nakakabagot na palabas kahit pa ang kinakantang iyon ni Corazon ay para sa kaniya.Tama nga ang sinabi ni Corazon noong nakaraan na wala naman hilig si kuya sa music. Pero nakakainsulto lang isipin na sana kahit pagsuporta lang sana ang gawin nito.Na
"Gummy bear gusto mo?" ikinagulat kong tanong nito saka ako napatingin sa hawak niya nang bigla na lamang siyang maglahad ng isang plastic ng gummy bear sa harapan ko, habang tahimik lang akong nakaupo sa isang sulok na iyon ng music room.Kakatapos lang ng practice namin ngayon para sa gaganaping intramurals sa school at kami ang naatasan sa pagkanta at pag-arrange ng mga gagamiting sound sa araw na iyon."Bakit?" imbis na tanggapin iyon tinanong ko siya."Anong bakit?" pinandilatan ako nito ng mata niya at sinagot din ako ng tanong."Bakit mo 'ko binibigyan niyan?""Naisip ko lang, mukhang hindi ka na ata nakakain ng gummy bear kaya wala ka lagi sa mood," aniya.Napapansin na nga siguro nito na lagi akong wala sa mood, simula pa noong nakaraan.Nag pa-praktis kami ng kanta ngunit tanging pag-iling at tango lang ang ginagawa ko upang sundin ang sinasa
Isang linggo ang lumipas at dumating ang intramurals, nakasanayan ko na simula elementary na hindi ako pumunta sa kahit na anong event sa paaralan ngunit ngayon kinakailangan kong pumunta dahil isa ako sa kakanta bilang panimula sa pagbubukas sa unang araw ng okasyon.Bitbit ang sarili kong gitara ay tinahak ko ang daan patungo sa music room kung saan naroroon ang iba kong kasama.Hindi pa man nagsisimula ang okasyon tila ba pinamamahayan na ako ng kaba dahil hindi lamang ito ordinaryong araw na kakanta ako, ito ang araw na mas madami ang makikinig at manonood sa akin at ang isipin na nandito rin si mom sa school ay mas nagpadagdag ng kaba sa akin.Family day kasi ang unang event na magaganap ngayong unang araw ng intramurals kaya karamihan ay naririto ang mga magulang upang samahan ang kanilang mga anak.Kinakabahan akong isipin na manonood si mom sa akin dahil kahit isang beses pa man ay hindi niya ako narinig n