Share

My Beloved Corazon
My Beloved Corazon
Author: Imyham

Kabanata 1

'Itinuro sa akin ng pag-ibig na ang pagsugal ay parte nito, walang kasiguraduhan ang masayang wakas ngunit tumaya ako at ngayon sa larong sabay naming sinimulan mag-isa na lamang pala akong magpapatuloy.'

Inaalala ko pa ang mga panahong magkasama kaming dalawa habang pinapanood ang maliwanag na buwan, kung paanong hindi ko makalimutan ang bawat anggulo ng kaniyang magandang mukha.

Kung paanong ang kagandahan niya ay maikukumpara ko sa isang sampaguita na tila ba nagsasabog ng halimuyak sa umaga ko.

Sapat na sa'king masilayan lang ang kanyang magandang ngiti, upang kumpletuhin ang buong araw ko —muli pa kaya iyong maibabalik ngayong malayo na siya sa piling ko.

Siya ang dahilan kung bakit ako nagbago ng hindi ko rin inaasahan noon, ang isang tulad ko na walang alam gawin kun'di puro mga kalukuhan at pagrerebelde sa magulang, ngunit ng dahil sa kanya nagbago lahat sa akin —binago niya lahat.

Malalim akong napabuntong hininga sa kabila ng pag-iisip, nandito na naman ako sa seneryong ito na paulit-ulit pa rin binabalikan ang tapos na.

Ramdam ko ang sariwang hangin na humahaplos sa aking balat habang nakaupo sa isang silya sa balkunahi ng kwarto ko, batid ko ring nagsisimula na ang pagsikat ng araw sa umagang iyon dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang init nito na tumatama sa aking mukha.

Nakasanayan ko nang mamalagi sa balkunahi kong ito tuwing sasapit ang umaga, dahil tuwing sasapit ang umaga ay panibagong pagasa ang binibigay nito sa akin upang sa muli makaya ko pang magpatuloy at sumubok lumaban sa napakahirap na pinagdaraanan ko kahit wala akong mahitang daan kung paano ko nga ba sisimulang tahakin ang panibagong bukas.

Pinapakiramdaman ko na lang ang paligid ko, dahil iyon na lang ang tanging kakayahan na meron ako dahil isa akong bulag, ang panoorin ang magandang pagsikat ng araw sa bawat umaga ay hindi ko na magagawa dahil kahit anong gawin ko tanging ang kadiliman ang bumabalot sa buong paligid ko, wala kahit anong imahe akong nakikita kahit nakadilat ang mga mata ko.

At tanging mga alaala na lamang ang nanatili sa isip ko ngayon, ngunit kahit ang mga alaalang iyon ay unti-unti na ring namamaalam sa akin dahil kahit anong pilit kong sariwain lahat sa isip ko tanging kulay-abong mga imahe na lamang ang nanatili sa akin.

Kung kaya ko lamang pabalikin ang takbo ng orasan sana ginawa ko na, upang paulit-ulit kong masabi at ipadama sa kaniya kung gaano ko siya kamahal ng higit pa sa sarili ko dahil ngayon mukhang malabo na ang muli kaming magtatagpo, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon at kahit anong gawin ko hindi na siya maabot ng aking mga kamay upang hilahin pabalik sa akin.

Dalawang taon na ang lumipas ngunit nanatili ako sa pagaasang muli ko siyang makikita —papalapit at kumakaway sa akin nang nakangiti.

Subalit kahit nga yata ang pagngiti niya sa akin ay hindi ko na rin muling makikita pa sapagkat wala na akong paningin.

Sapat na siguro sa akin na tanging alaala na lamang niya ang meron ako, doon mababalikan ko ang masayang sandali namin malayo sa reyalidad na meron ako ngayon na tanging kadiliman na lang lahat ang nasa paligid ko, kadiliman na sinasamahan ako simula sa pag-gising ko sa umaga at pagtulog ko sa gabi.

______________

Ika-tatlo ng buwan ng Hulyo taong 2010 noong unang beses kaming magkita, sa gitna ng mainit at malawak na field ng paaralan. Ng mga oras na iyon nakahilira na lahat ng mga istudyante na may isang metro ang agwat kada pagitan habang pantay na nakatayo upang maghanda para sa flag ceremony sa unang araw ng pasukan.

Medyo huli na rin akong dumating kaya naman sa dulong bahagi ako pumila, bago lamang ako sa paaralan dahil kakalipat ko lamang ng taong iyon matapos akong ma-expelled sa dating paaralan ko sa kadahilanang sinuntok ko ang isa kong kamag-aral.

Nagpasya sina mom at dad na ilipat ako sa paaralang iyon kung saan din kasalukuyang nag-aaral ang kuya kong si Brent. 4rt year high school na si kuya habang 3rd year naman ako.

Nagsimula na ang lahat na awitin ang pambansang awit habang ako sinimulan ko na rin ang pagnguya sa gummy bear na dala-dala ko, nabili ko iyon sa daan habang papasok ako ng iskwelahan.

Printe ang pagkakatayo ko, sinasabay ko sa pag awit ang bawat pagbuka ng aking bibig upang nguyain ang makunat ngunit matamis na gummy bear na iyon nagbabakasaling wala sanang makapansin sa ginagawa ko.

"Hoy nag-pa-flag ceremony tayo, wala kang respito." Ikinagulat ko ng may biglang sumita sa akin, tinig iyon ng isang babae ngunit hindi ko siya kinibo o kahit lingunin manlang.

"Itigil mo 'yang ginagawa mo." muli itong nagsalita kaya naman napalingon na ako sa katabi kong pila ng mga babae at doon nakita ko siyang salubong ang kilay habang sinasaway akong itigil ko ang pagkain at magbigay atensyon sa pag awit.

"Gummy bear gusto mo?" Inalok ko siya ng kinakain ko imbes na sumunod ako sa sinabi niya, inilahad ko pa sa harapan nito ang plastic na napaglalagyan ng maliliit na piraso ng gummy bear na iyon.

Nanunuyang tingin ang natanggap ko mula rito, ang pagsalubong ng mga kilay niya ay talaga namang nakakainsulto sa parte ko, hindi pa ako tiningnan ng ibang babae ng ganito —siya pa lang.

Siguro sa isip isip niya hinuhusgahan na ako, sino ba naman kasing sira ulo ang mag-aalok ng gummy bear sa gitna ng mainit na ground habang nag-pa-flag ceremony.

Hindi manlang ito nag-abalang tanggapin ang alok ko, sa halip ay pinanlisikan niya lang ako ng mga mata niya saka umiwas ng tingin. 

Bigla na lamang akong napangiti ng hindi ko inaasahan ang inasta niya, kailan man ay hindi pa ko tinarayan o sinungitan ng kahit na sinong babae. Wala manlang ba siyang taste pagdating sa mga lalaki pogi naman ako iyon ang sabi nila.

Matuling lumipas ang oras hanggang sa lahat ng mga istudyante ay tumungo na sa kanilang mga silid, ganoon din ako.

Sa pinakadulong sulok ng silid ako tumungo na may bakanti pang upuan, wala akong kilala sa paaralang ito kaya kahit isa ay hindi ako nag-abalang kausapin o kahit makipagkilala.

Mas pinili kong manahimik na lang habang unti-unting sinasanay ko ang sarili sa bago kong paaralan, mas boring pa ito kisa sa inaasahan ko, saglit ang lumipas ay tumahimik na ang lahat nang pumasok ang guro kasama ang babaeng inalok ko ng gummy bear sa flag ceremony kanina.

Ngayon ko nakita ng harapan ang anggulo ng mukha nito na ipinagtaka ko pa sa sarili ko kung bakit ko nga ba tinititigan iyon, bilugan ang hugis ng maputing mukha nito na may manipis na labi, kapansin-pansin ang katamtamang haba ng pilik mata niya na kahit may agwat ang layo ko rito ay napansin ko pa rin, dumagdag sa aliwalas ng kaniyang mukha ang nakatali nitong buhok na mahaba.

Naupo ang babaeng 'yun sa unahang parte ng klase, base sa nakikita ko ay hindi siya baguhan dahil na rin sa nakita kong pakikitungo nito sa aming guro.

Bago nagsimula ang klaseng iyon ay naagaw ng lahat ang atensyon ko ng tawagin ako ng guro at ipakilala bilang bago lipat na istudyante.

"Mr. Corpuz, p'wede ka bang magpakilala sa kanilang lahat?" tanong ng medyo may edad na ring babaeng guro, saka ako pilit na ngumiti at tumayo sa kinauupuan ko upang magpakilala.

"Hello everyone, my name is Benny Corpuz," pakilala ko. Walang kagana-gana ang pagkakasabi ko noon dahil kahit hindi pa man nagsisimula ang klase nakakaramdam na ako ng pagkainip.

"Can you tell something about yourself?" sunod pang sabi ng guro.

"Nothing important about myself ma'am, that's all thank you." Naupo na agad ako matapos ng mga sinabi ko, kabastusan man ang ginawa kong pagsagot ng ganoon sa guro ay wala na akong pakialam. Pansin ko pa ang pagbuntong hininga ng ginang matapos ang inasta ko kaya iniwas ko na lang ang tingin ko rito.

Sunod na nabaling ang paningin ko sa babaeng nasa unahang iyon na kasalukuyang nang nakatingin sa akin, agad na akong umiwas ng tingin bago pa ako nito mapansin na tinitingnan ko rin siya.

"Hey p'wede ba magtanong?" sambit ko sa isang lalaki rin na nasa tabing upuan ko.

"Sige," tipid na tugon nito.

"Matagal ka na rin naman dito, anong pangalan ng babaeng 'yun kilala mo ba siya?" tanong ko at tinuro pa ang babaeng nakaupo sa unahan.

"Oo kilala ko siya, siya si Corazon Tan anak siya ng teacher natin na si Mrs. Tan."

"Ibig sabihin mag-ina silang dalawa?" saad ko habang tinutukoy ang guro namin sa unahan at ang babae, pagtango na lang ang sunod niyang ginawa bilang sagot sa tanong ko.

Noong araw ding iyon nalaman ko na ang babaeng nagngangalang Corazan ay anak pala ng aming tagapayo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status