Share

Kabanata 44

Author: Imyham
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

[Present]

Dalawang taon na akong nakakulong sa isang silid, na ang apat na sulok nito na ay tila ba rehas na kinukulong ako kahit ang pinto ay wala namang kandado ay hindi ko magawang makalabas.

Ang mga paa ko ay tila ba nakagapos, ang mga kamay ay tila nakapusas habang ang kadiliman ay hindi ako nilubayan.

Dalawang taon na rin akong umaasa na sana babalik si Azon upang muli ay mayroong isang tao ang magbibigay ng lakas sa akin ngunit mukhang malabo na.

Kasabay nang paglayo niya, kasabay ng pagkawala ng paningin ko, kasabay din noong naglaho lahat sa akin. Tuluyan akong nawalan ng pagasa, tuluyang naglaho ang pangarap na nais kong abutin dahil tila ba hanggang dito na lamang ako dadalhin ng kapalaran ko.

Tanging kadiliman at lungkot na lamang ang nanatili sa akin, At kahit pa ang mga kaibigan na tanging nakakasama ko noon kapag gusto kong magsaya ay wala nang nakaalala sa akin.

 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • My Beloved Corazon   Kabanata 45

    Tinatanya ko ang bawat hakbang na ginagawa ko pababa ng hagdan na iyon. Sa dalawang taon kong bulag ay nagawa ko nang kabisaduhin ang bawat hakbang ko sa pag-akyat at baba ko sa hagdan na ito. Ngunit kahit ulit-ulitin ko pa sigurong maglakad pababa at pataas ay hindi pa rin madali dahil hindi ko makita ang dinaraanan ko, subrang hirap ng wala akong mahagilap na liwanag kahit na naisin ko pa.Hawak ko sa kaliwang kamay ko ang tungkod, ito ang nagsisilbi kong gabay sa paglalakad at upang matiyantiya ko ang bawat hahakbangan kong palapag ng hagdan.Humawak ako sa railings ng hagdan upang magsilbi ring balanse sa akin kung sakali mang mamali ako ng hakbang.Naka limang hakbang na siguro ang nagawa ko pababa ng hagdan ngunit nararamdaman ko na tila may mga matang nakamasid sa akin. Paulit-ulit na ganoon ang senaryo na nararamdaman ko na tila ba binabantayan ako sa pagbaba kung sakali mang mahulog ako.Hin

  • My Beloved Corazon   Kabanata 46

    "Happy birthday anak," masiglang binati ako ni Mom matapos kong makaupo sa silya sa harap ng hapag.Hindi ko nagawang sumagot o kahit nagpasalamat manlang dito, alam kong may hinanda sila sa akin para sa araw na ito pero hindi na ako roon matutuwa dahil kahit isa sa hinanda nila hindi ko nakikita. Amoy ko ang sauce ng spaghetti na siguradong niluto ni Lola para sa akin na alam niyang paborito ko.Sunod na pagkalantik ng kutsara ang narinig ko na tila sinasalinan ako ng pagkain ni Mom sa sarili kong plato."Kain na anak, gusto mo bang subuan na lang kita?""Bulag ako pero may sarili akong kamay." inis kong tugon dahilan para marinig ko na naman ang pagbuntong hininga nito."Ben alam naming nahihirapan ka sa sitwasyon mo, pero bakit ayaw mo pa rin sumama sa amin sa America maraming makatutulong sa'yo para makakita ka ulit," nagsalita si Dad sa tinig nang pangungumbinsi.

  • My Beloved Corazon   Kabanata 47

    Matagal kong pinanabikan ang mga yakap ni Mom na kahit minsan hindi ko naramdaman, minsan pang hiniling ko na sana hahawakan niya ako sa likuran upang patahanin sa pag-iyak, hindi ko akalaing ngayon ay nararamdaman ko na. Gusto kong yakapin siya pabalik ngunit tila ba istatwa ang katawan ko sa mga sandaling ito."Ayos lang ako," mariing binitawan ko ang salitang ayos lang ako kahit dama ko sa loob ko ang matinding kirot na ang katotohanan ay hindi naman talaga ako okay.Pilit kong kinuntrol ang mga luhang nangingilid na naman sa mga mata ko, ramdam kong anumang oras ay handa itong pumatak sa kadahilanang hindi ko na kaya ang bigat."Anak I'm so sorry," paghingi ni Mom ng tawad sa'kin sa kabila pa rin ng mahigpit na pagkakayakap niya.Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko, ngunit sigurado akong hindi pa kayang tanggapin ng puso ko ang mga patawad mula sa kaniya sa tagal na pa

  • My Beloved Corazon   Kabanata 48

    Sinasabayan ko na naman ang katahimikan ng gabi. Wala talagang pinagbago ang sakit na nararamdaman ko na tila ba may kulang sa buhay ko na hindi ko mawari kung ano.Nalaman ko na ang kwento tungkol sa isang bagay na matagal ko ng gustong malaman tungkol sa ama ko at hindi na ako aasang mahanap pa siya kung ang hustisya nga ay hindi mahanap-hanap ni Mom.Isang tao na lang talaga ang tanging hinihintay ko, ang paliwanag niya ang tanging kailangan ko kung bakit siya umalis na hindi sinabi sa akin ang totoong dahilan. Si Corazon lang ang kailangan ko para muli ay magkaroon ako ng dahilan para magpatulog, ngunit napakailap pa rin ng pagkakataon at hindi ko malaman kung kailan ba siya babalik.Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi na siya nagparamdam pa, na kahit si Kuya na ilang beses kong pinakiusap na kuntakin si Azon ay hindi rin nito nakausap.Hirap na hirap na akong paniwalaan

  • My Beloved Corazon   Kabanata 49

    "Natapos na ang lahat nandito pa rin ako. Heto't nakatulala sa mundo oh... Sa mundo oh wooh."Naitigil ko ang kinakanta ko ng maramdaman ko ang mga yabag ng sapatos na papalapit sa akin, tila rin may mga matang nakamasid kahit pa alam kung mag-isa lang ako sa silid ko.Amoy ng mabangong pabango ang kasabay ng hangin na humampas sa mukha ko, ang amoy na kahit hindi ko alamin ay kilalang-kilala ko. Amoy ng isang taong matagal ko nang hinihintay.Hindi ako kumibo at nagsalita, hinintay ko ang yabag ng paa na iyon na kusang lumapit sa akin. Narinig ko ang saglit na paghinto nito bago muling tumuloy sa paglalakad hanggang maramdaman ko ang prisensya nitong tumabi sa mahabang silyang kinauupuan ko ngayon.Gustong-gusto kong makasigurado na siya nga iyon ngunit hindi ko magawang makagalaw at labis ko pang ipinagtaka kung bakit wala manlang akong maramdaman na tuwa kahit nagbalik na siya.

  • My Beloved Corazon   Kabanata 50

    "Gustong-gusto kong manatili upang panghawakan ang mga pangako natin sa isa't isa Ben, ngunit..." saglit itong natigilan. "Ngunit ayoko na may nagsasabi sa akin na makakasira lamang ako sa buhay mo at sa mga pangarap mo.""Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi mo sa akin, na kapag patuloy kang makikinig sa mga sinasabi ng iba ay hindi ka kailanman magiging masaya pero bakit nakikinig ka?""Dapat ba akong hindi nakinig? Nanay mo siya Ben at girlfriend mo lang ako ano ang laban ko roon dahil siya ang mas nakaaalam kung anong mas nakakabuti sa'yo.""At hindii ka makakabuti sa akin ah?""I'm sorry, mas pinili ko ang isang desisyon na hindi manlang inisip ang mararamdaman mo. Noong araw na umalis ako namatay ang lola ko sa probinsiya kaya naisip ko iyong dahilan upang tuluyang layuan ka, subrang hirap para sa akin iyon at alam kung mas mahirap sa'yo ngunit wala akong magawa. Sa dalawang taon na lumipas subr

  • My Beloved Corazon   Kabanata 51

    Naikuwento ni Azon sa akin na ipinagpatuloy niya ang pag-aaral niya sa probinsiya, katulad ng mama niya ay Education ang kinuha nitong kurso. Pangarap din kasi nito ang maging guro kagaya ng mama niya iyon ang nabanggit niya sa akin noon.Masaya ako na sa loob ng dalawang taon na iyon ay mayroon siyang pangarap na nasimulan samantalang ako ay wala manlang. Pilit ko noon sinisikap na ipagmalaki niya at maging karapat dapat ngunit mukhang wala na naman akong nagawa.Kapag natuloy ang opirasyon ko at tuluyang makakita doon ko patutunayan sa kanya lahat, gagawin ko lahat ng makakaya ko at ipagpapatuloy ang mga pangarap na kasama siya.Pilit na kaming sinubok ng kapalaran at alam kung hindi lang dito magtatapos, kapag nalagpasan ko lahat ng ito ay sisiguraduhin ko nang hanapin ang totoong ako at magsusumikap para sa kanya...."Wow naman mukhang lalo kang pumogi ah?" bakas ang pang-aasar sa tinig ni Kuya sa sinabi nito."Tumahimik ka nga," singha

  • My Beloved Corazon   Kabanata 52

    "Naku Cora kahit magpaganda ka, hindi ka pa rin makikita niyan ni Ben nakalimutan mo na atang bulag 'yan," mapang-aasar na saad na naman ni Kuya matapos naming makababa ni Azon sa hagdan."Mapang-asar talaga hmm." Pabulong at inis na reklamo ni Azon ang narinig ko.Malapit pang siya sa akin kaya narinig ko iyon kahit subrang hina na ng sinabi niya.Umukit ang ngiti sa labi ko ng hindi ko na napigilan, mukhang nakuha ko ang ibig sabihin ni Kuya sa sinabi nito.Ibig bang sabihin noon ay nag-ayos din si Azon para sa lakad naming ito."Kahit hindi ko nakikita 'yun alam ko namang maganda ka," saad ko kay Azon.Hindi ito naka imik o sumagot manlang sa sinabi ko."Kahit mamula ka pa sa kilig Cora hindi ka pa rin nakikita ni Ben, nakakalimutan mo atang bulag—""Tumahimik ka na siraulo ka kanina ka pa!" malakas na bulyaw ko kay Kuya na hindi

Pinakabagong kabanata

  • My Beloved Corazon   Wakas

    MAHIGPIT ang mga kamay ni Mom na nakahawak sa braso ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa visiting area ng kulungan para puntahan ang nais naming makita. Dama ko ang kaba sa mga kamay niyang iyon na tila ba takot rin siya sa posibleng mangyari kapag nakita na niya ang mga taong naging dahilan at muntik nang masira ang buhay niya pati na ang pamilya niya noon.Pinanatili ko ang pagiging kalmado ko dahil ayaw ko na mag-alala pa si Mom sa akin kahit ang totoo ay kahit ako mismo ay kinakabahan rin.Kasama namin si Dad na pumunta ngayon sa kulungan dahil sa kahilingan ko kagabi.Makalipas ang saglit na paglalakad ay narating namin ang lugar kung saan p'wedeng bisitahin ang mga priso, walang ibang tao sa lugar maliban lang sa isang lalaki na nakasuot ng orange na t-shirt na siyang kausuotan ng mga bilanggo.Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatitig sa mukha ng lalaking iyon na masasabi

  • My Beloved Corazon   Kabanata 60

    Hindi na umimik pa si Kuya hanggang sa tuluyan kaming makauwi ng bahay, alam na nito na kapag sa mga usapang move on agad na siyang tumitigil sa pang-aasar sa akin dahil alam niya na kahit isang taon na ang lumipas hindi ko pa rin matanggap-tanggap ang katutuhanan.Ang katutuhanan na ang mga mata na lang niya ang tanging naiwan sa akin, wala na siya."Mga Apo naka-uwi na pala kayo," saad ni Lola nang maratnan namin ito sa sala ng bahay."Good evening La," bati naman ni Kuya na nauuna maglakad sa akin."Tamang-tama kakatapos ko lang magluto at pauwi na rin sina Teresa sabay-sabay na tayong maghapunan."Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang makalapit kay Lola. Natapon ang tingin ko sa hawak nitong brown envelope kaya natanong ko ito kung ano iyon."Ah itong envelope sa Daddy mo 'to may nagpadala lang nito kanina, nakalimutan ko dito sa sala kaya dadalhin ko na sa

  • My Beloved Corazon   Kabanata 59

    After 1 YearAng kirot sa puso ko ay walang pinagbago kung paano ito paulit-ulit na nangungulila kay Corazon, kahit isang taon na ang nakalilipas ay tila ba kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. Nangungulila ako sa mga yakap niya sa akin. At pinakananais kong marinig muli ang mga pangaral niya sa akin, mga payo niya sa kung ano ba ang tama at kailangan kong gawin.Ngunit ngayon kahit maghintay pa siguro ako buong buhay ko para lang bumalik siya ay sadyang napakalabo na dahil tuluyan na siyang naroon sa lugar kung saan matatagpuan ang totoong pahinga.Isang taon na ang lumipas at hindi ko sasayangin ang mga susunod pa dahil si Azon ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng pagasa sa ikalawang pagkakataon noong ibigay niya sa akin ang mga mata niya. Hindi ko sasayangin ang ibinigay niya sa akin at kahit wala na siya magpapatuloy ako na tanging siya ang inspirasyon.Nag-aral ako ulit at kinuha ang cour

  • My Beloved Corazon   Kabanata 58

    Sadyang napakadaya ng tadhana, wala ba akong karapatan para maranasan ang sayang nais ko, bakit ganito katindi ang sakit matapos ang pansamantalang saya."Aking pinakamamahal, paano ko ngayon tutuparin ang mga pangarap natin kung mag-isa na lang ako, napakadaya mo Azon, sana kung gusto mong umalis tinanong mo manlang ako kung gusto kong sumama," umiyak kong sambit habang pinapanood ko ang puting kabaong niyang unti-unti nang pumapailamin sa lupa."Hindi ko na kinakaya ang sakit, paano kita kalilimutan? Bigyan mo ako ng lakas upang magpatuloy dahil hindi ko na kaya mahal." halos bulong sa hangin ko nang sinambit iyon sa kabila pa rin ng pag-iyak.Nagsimula nang manlambot ang tuhod ko kaya hirap na hirap man akong gawin ay pilit kong binitawan ang tangkay ng puting rosas na hawak ko para itapon sa ibabaw ng kabaong niya. Kasabay ng pagbagsak ng rosas na iyon sa kabaong ay siya ring tuluyang pagbagsak ko sa lu

  • My Beloved Corazon   Kabanata 57

    "Si Azon kumusta siya, asan siya Mom?" magkasunod kong tanong kay Mom dahil hindi naman nito sinagot ang tanong ko kanina."Kailangan ko siyang makita matagal kong hinintay na makakitang muli, Kuya dalhin mo'ko sa kaniya." Sunod na pakiusap ko kay Kuya, ngunit ang ipinagtataka ko ay bigla na lamang nawala ang saya ng mga ito.Pinanood ko silang tatlo nina Mom at Dad na magpalitan ng tingin na tila ba sa paraang iyon nagagawa nilang makapag-usap.Tuluyang lumabas ang doctor at iniwan kami kasabay noon at binalot ang silid ng nakabibinging katahimikan ng wala isa man sa mga ito ang nakasagot sa tanong ko.Gusto ko pa sanang muling tanungin sila ngunit hindi ko na naituloy nang biglang may bumukas ng pinto ng silid dahilan para mapalingon kaming apat sa pumasok.Si Mrs. Tan iyon na labis kong ikinagulat kung bakit naririto siya.Ngunit bago pa man ako matuwa na makita ang dati kong g

  • My Beloved Corazon   Kabanata 56

    Marahan kong minulat ang mga mata ko at labis na pagkamangha ang namuhay sa loob ko ng mga sandaling ito dahil unti-unting sumisilay sa akin ang liwanag na labis kung ipinagtaka.'Bumalik na ba ang paningin ko?' pagtataka kong naitanong sa aking sarili.Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa hindi ko malamang lugar, napakaliwanag ng paligid ngunit wala manlang akong makita na kahit ano.Walang gamit o kahit ano pa man pawang liwanag lang ang nakikita ko.Pilit kong inuunawa kung nasaan kaya akong lugar, bakit ganoon kadaling bumalik ang paningin ko?Bakit nawala bigla iyong sakit sa ulo ko?Bakit nasa ganitong lugar ako at walang makita isa man sa pamilya ko.Sa kabila ng pagtataka kong iyon ay bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob at labis na natuwa dahil hindi lang pala ako mag-isa sa lugar na ito.Hindi kalayuan ay natanaw ko si Azon na n

  • My Beloved Corazon   Kabanata 55

    Marahan ang andar ng taxi na sinasakyan namin pauwi, sa mga sandaling ito hinihiling kong sana mas bumagal pa ang takbo ng oras at manatili kami sa sandaling ito na magkasama.Hindi ko maunawaan kung bakit ganoon na lamang kahigpit ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko, ang higpit noon ay tila ba ipinaparamdam sa akin na ayaw niya na akong bitawan.Nanatili siyang nakahawak sa kamay ko habang nasa byahe pa rin kami at isinawalang bahala ko na lang iyon marahil mamimiss niya talaga ako kapag tuluyan na nga akong naka-alis sa susunod na linggo."Kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako palagi, labis kong ikatutuwa kapag nakakita kang muli Gummy Bear," aniya at sunod na naramdaman ko na lang ang ulo niyang marahang sumandal sa balikat ko.May tila kung ano akong naramdaman matapos ang mga sinabi niyang iyon, hindi ko maunawaan kung ikatutuwa ko nga ba iyon o ikalulungkot lubha

  • My Beloved Corazon   Kabanata 54

    Matapos ng outing na ginawa ng buo naming pamilya ay tuluyan kong naranasan ang maging masaya, ganoon pala 'yung pakiramdam na totoo kang masaya. Unang beses ko iyong naranasan dahil na rin sa pagpapaunawa sa akin ni Azon na hindi ko kailangan maging matigas na lang buong buhay, sinubukan kong gawin ang sinasabi ng puso ko at iyon ay ang bigyan ng pagkakataon ang mga magulang ko para bumawi sa akin.At alam kong ginagawa nga nila ang lahat ng makakaya nila para mailaan ang mga sandaling nasayang nila sa pagbabalewala sa akin noon.Gusto ko na lang ng ganitong pakiramdam, iyong wala na akong iniisip na dahilan para magpabigat sa loob ko, sa ngayon pinaghahandaan ko lang ang araw ng pag-alis namin patungong America, hindi na ako makapaghintay na makakitang muli at muling didilat sa umaga na mayroon nang payapang isipan, hindi pa man nangyayari ay pinananabikan ko nang mangyari ang araw na iyon....&nb

  • My Beloved Corazon   Kabanata 53

    Nakadalawang hakbang na ako sa palapag ng hagdan paakyat nang maramdaman ko na naman ang mga matang tila nakamasid sa akin, sigurado na akong si Mom iyon dahil siya lang naman ang madalas na nagmamasid sa akin lalo pa kapag pababa at paakyat ako ng hagdan.Wala si Azon para tulungan ako sa pag-akyat ngayon dahil nag-prisenta ito kanina na sumama sa katulong na mamalengke at ngayon ay hindi pa nakababalik."Mom?" pagtawag ko kay Mom dahil nasisigurado kong nasa malapit lang siya."W-wala siya may nilakad ang Mom mo," tinig ni Dad ang sumagot.Hindi ko inasahang si Dad iyon, alam ko naman kasing si Mom lang ang madalas na nagmamasid sa akin."Kailangan mo ba ng tulong anak?" Nanlambot ang mga tuhod ko ng marinig ang sinabi niyang iyon.Tama ba ako ng dinig at tinawag niya akong anak.Matagal na panahon kong pinakaaasam na maramdaman na ituring niya rin akong anak.Pilit kong binabalanse ang mga paa ko sa pagkakatayo dahil sa pa

DMCA.com Protection Status