Kasalukuyan akong napapikit nang dahil sa pagka-inip ko, naisandal ko ang ulo ko sa pader na iyon sa loob ng music room habang nakaupo sa sahig at ang siko ko ay nakapatong sa isa kong tuhod, sa paraang iyon ay nakaramdam ako ng pahinga.
Kakatapos lang namin mag-insayo ng kanta para sa gaganaping event sa susunod na buwan, nang dahil sa pagkakasandal ko sa pader ay unti-unti akong nakaramdam ng antok dahil na rin nakapikit ang mata ko.
Ngunit bigla kong naramdaman na tila may mga matang nakatitig sa akin, iilan na lang kami sa loob ng music room dahil na rin naglabasan na ang iba at oras na rin para umuwi. Hindi ko alam kong sino ba ang nakatingin sa akin ngunit nararamdaman kong malapit lang iyon sa akin, pinanatili ko ang mata kong nakapikit at nakunwaring hindi ko siya napapansin.
"Cora mauuna na kami, sabay ba kayo uuwi ni Ben?" tanong ni Owen.
Mabilis na kumabog ang puso ko nang marinig si Owen na
Kaya naman pala subrang bigat ng pakiramdam ko nang gumising ako dahil sa araw na ito ay kaarawan ko pala, at sa araw na ito alam kong hindi ako magiging masaya."Hindi niyo na po kailangan mag-abala para ipagdiwang ang araw na 'to, sanay na po akong walang nakakaalala sa araw na sinilang ako. Laging kayo na lang po ang nagpapaalala sa akin." malungkot kong binitawan ang mga salitang iyon kay lola."Apo naman 'wag mong isipin 'yan," malungkot na rin na saad nito saka lumapit sa akin."Bye la, papasok na po ako salamat sa luto mo pero hindi po ako gutom," nagpaalam na ako rito saka agad nang umalis, aaminin kong nagsinungaling ako rito na hindi ako gutom ayaw ko lang kasing makita si lola na naaawa sa akin na tanging siya na naman ang nakaalala sa birthday ko, kaya mas mabuting umiwas kasi alam ko kahit hindi niya sabihin subra rin siyang nalulungkot at naaawa para sa akin.Ang araw na i
Ngiting hindi ko akalaing makikita ko mula sa mga labi niya, iyong ngiti na para sa akin talaga.Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon habang pinapanood ko siyang umaawit sa taas ng maliit na intablado, isang awitin na handog niya para sa akin. Pangarap ko lamang ito noon na sana ako rin ang aawitan niya at ngayon ito na nangyayari na.Hindi ko hiniling na gawin niya ito sa akin kaya ipinagpapasalamat kong kahit isang beses naranasan kong awitan niya kung paano siya noon kay kuya.Sapat na ang ginawa niyang iyon para pasayahin ako sa araw na ito, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti habang nakatitig sa mukha niya, wala akong mahanap na kasagutan kung bakit labis na saya ang nararamdaman ko ngayon kahit na may isa rin naman na naka-alala ng kaarawan ko kanina, si lola.Ang babaeng ito ay tila ba dinadala ako sa ibang mundo, pilit niya akong hinihila sa kadilimang kinaroroonan ko at unti-unting dinadala sa
"Mom this is —" "Corazon Tan, am I right?" pinutol ni mom ang sasabihin ko na labis kong ikinapanlumo, hindi ko inaasahang kilala pala nito si Azon na sa pagkakaalam ko ay hindi pa ito ipinakilala ni kuya noon sa mga magulang namin noong sila pa. "Yes po," pilit na ngiting sumagot si Azon rito. "Hindi ko po inaasahang kilala niyo na ako,nakukuwento po ba ako ni Ben sa inyo?" malambinh nitong tanong kay mom. Walang emosyong umiling si mom at sa pamamagitan pa ng mga titig nito kay Azon ay para bang isang walang halagang bagay lamang ang nasa harap niya. Sa kilos at pananalita pa lang nito masasabi kong hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari. Ni hindi manlang nga nito inalok muna si Azon na tumuloy sa loob ng bahay kaya nanatili kami sa may pinto. "Ex ka ng anak kong si Brent hindi ba?" napatango naman si Azon bilang sagot. "Nabanggit ka na niya sa akin, so anong plano mo?" prangkang tanong pa nito kay Azon na nagparamdam sa akin ng inis, dinala ko
Parehong pag-ibig ang nararamdaman naming dalawa, kahit hindi ko pa man naririnig mula sa bibig nito ang totoo ay nararamdaman ko na.Lubos pa sa saya'ng matatawag ang nararamdaman ko ngayon dahil alam kong nagbubunga na ang mga pinaghihirapan ko.Hindi namam talaga makakatulong ang pagsuko dahil ngayon subrang saya na kahit papa'no ay may kahihinatnan rin lahat ng mga bagay lalo na kapag pinaghihirapan hanggang sa maabot na ang rurok ng tagumpay.Natatanaw ko si Azon mula sa malayo, bakas ang saya sa ngiti nito habang nakikipag-usap sa ilan naming kasamahan sa music club hindi nito napapansin ang presinsya ko kahit pa minuto na ang nakalipas na pinagmamasdan ko siya. Ang pagmamasid sa kaniya ang isang bagay na pinakagusto kong gawin, doon ay nakikita ko ang matamis niyang ngiti dahil madalas ay pagsusungit ang ginagawa nito kapag ako ang nasa harapan niya, hindi ko pa maiwasang matawa kapag iniisip kong sa akin lang siya madalas masungit marahil pil
Mula sa katamtamang pagpapatakbo ko ng motor ay mas binilisan ko pa iyon, nararamdaman ko ang takot na nararamdaman ni Azon sa pamamagitann ng mahigpit na pagkakayakap nito sa akin at ramdam ko ring nakasubsob na ang ulo nito sa likod ko dahil nararamdaman ko ang helmet nito sa likod ko."Huwag kang matakot Azon," saad ko na rito at alam kong narinig niya iyon."B-bagalan mo naman kasi, wala naman siguro tayong hinabol 'di ba?""May kapalit kapag binagalan ko 'to," saad ko rito at hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti sa naisip kalukuhan."Ano?!" halos pasigaw nang ani nito sa'kin."Ikaw lang makakagawa no'n.""Ano nga!"Habang nanatili lang akong nakabalanse sa pagpapatakbo ng motor ay wala nang paglagyan ang sayang nararamdaman ko."Sabihin mo munang mahal mo rin ako, saka ko babagalan," saad ko.
Nang sumunod na araw ay tuluyan na rin naming nasabi sa mama ni Azon na kami na, makikita naman na hindi tumututol roon si Mrs. Tan habang mas pinili ko naman na gawing serkrito iyon sa pamilya ko kasi alam ko namang hindi nila iyon magugustuhan lalo na si kuya. Lubos namang naunawaan ni Azon ang sitwasyon ko, dahil madalas siya lahat ang nakikinig ng mga saluobin at hinanakit sa loob ko. Dumating ang lunes kagaya ng ipinangako ko sa mga kaklase ko ay ililibre ko silang lahat ng gummy bear kapag napasagot ko si Azon. "Hi," nakangiting bati ko kay Azon nang salubungin ako nito matapos kong makapasok ng gate. Ngiti ang natanggap kong tugon mula rito sunod na nabaling ang tingin nito sa paper bag na hawak ko. "Akala ko mala-late ka? Saan ka ba galing, ano 'yang dala mo?" magkakasunod nitong tanong. "Gummy bears, binili ko bago pumasok sa klase. Sinya
Wala manlang akong kaalam-alam na uuwi pala si kuya ngayong bakasyon, kung sabagay wala naman pala silang pakialam sa akin at para saan pa at sasabihin nila iyon sa'kin."Apo gising ka na pala? Kumain ka na," saad ni lola nang maratnan ko ito sa kusina.Tumango lang ako rito bilang sagot."Umuwi ang Daddy at Kuya mo mula sa America nakita mo na ba sila?" sunod nitong tanong saka lumapit sa akin matapos kung maupo sa harap ng hapag."Kailan pa po sila umuwi, bakit hindi ko alam?""Sasabihin ko dapat sa'yo, kaso mas madalas na wala ka naman sa bahay," tugon nito sa akin kaya pilit na lang akong tumango saka ako sumimsim ng kape na nasa harapan ko.Pinipilit kong pagaanin ang loob ko matapos lunukin ang katamtamang init ng kape na iyon ngunit hindi manlang iyon nakabawas sa bigat ng loob ko."Apo ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni lola nang mapan
Walang emosyon akong nakaupo sa harap ng mahabang lamesa sa loob ng kusina, nasa kaliwang parte ko si Kuya habang nasa harapan naman nito si Mom, habang si lola naman ang nasa kanang bahagi ko nakaupo. Si Dad ang nasa sentrong upuan kung saan nakikita ng lahat.Hindi ko na pinagkaabalahan bilangin kung ilan ang mga bisitang kasalo namin sa hapag dahil kahit isa roon ay hindi ko manlang tiningnan.Tatlong boses lang ng mga lalaki at dalawang magkaibang boses ng babae ang naririnig kong kausap ni Dad kaya masasabi kong hindi sila lalagpas sa sampu.Pilit kong sinabayan sila sa dinner na ito dahil na rin si Mom na mismo ang pumilit sa akin na lumabas at sabayan sila, alam ko naman na ang mangyayari magtataka pa ba ako.Magbuhat kasi nang magsimula ang dinner ay wala silang bukam-bibig kung hindi ang pag-usapan ang business at hindi roon maalis ang isang bagay na nagdudulot sa akin ng sakit.Dahil