Ngiting hindi ko akalaing makikita ko mula sa mga labi niya, iyong ngiti na para sa akin talaga.Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon habang pinapanood ko siyang umaawit sa taas ng maliit na intablado, isang awitin na handog niya para sa akin. Pangarap ko lamang ito noon na sana ako rin ang aawitan niya at ngayon ito na nangyayari na.Hindi ko hiniling na gawin niya ito sa akin kaya ipinagpapasalamat kong kahit isang beses naranasan kong awitan niya kung paano siya noon kay kuya. Sapat na ang ginawa niyang iyon para pasayahin ako sa araw na ito, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti habang nakatitig sa mukha niya, wala akong mahanap na kasagutan kung bakit labis na saya ang nararamdaman ko ngayon kahit na may isa rin naman na naka-alala ng kaarawan ko kanina, si lola.Ang babaeng ito ay tila ba dinadala ako sa ibang mundo, pilit niya akong hinihila sa kadilimang kinaroroonan ko at unti-unting dinadala sa
Last Updated : 2021-11-10 Read more