Home / Romance / My Beloved Corazon / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of My Beloved Corazon: Chapter 11 - Chapter 20

61 Chapters

Kabanata 11

Buwan na ang lumipas. Naagaw ni Chloe ang atensyon ko ng makita ko itong nakaupo sa may sala ng bahay matapos kong makapasok.Kakauwi ko lang galing iskwela at hindi ko inaasahan na nandito ito ngayon. Kilala ko si Chloe dahil minsan na rin itong nakapunta rito sa bahay, anak siya ng kaibigan ni dad na si Mr. Davis. Halos kasing edad lang ni kuya si Chloe, maganda siyang babae at lumaki rin sa may kayang pamilya, sa unang tingin pa lang makikitang angat siya sa buhay dahil sa mga mamahaling kasuotan nito. "Hey Benny, nice to see you again. How are you?" nakangiting bati nito sa akin kasabay ng pagtayo niya. Lumapit ako rito. "Wala pa sila, bakit ka naparito may kailangan ka ba?" malamig na saad ko at sinabing wala pa sina mom, hindi ko sinagot ang pangungumusta nito. "Hindi naman sina tita ang pinunta ko rito, actually I was waiting for your brother," aniya. 
last updateLast Updated : 2021-10-03
Read more

Kabanata 12

Nag-umpisa nang lumalim ang gabi ngunit ramdam ko pa rin ang kakaibang tensiyon sa pagitan ng dalawa, mula pa ng makarating sila kanina ay hindi ko manlang napansin na nag-usap sila kahit saglit lang.Kahit pa magtinginan sa isa't isa ay parang hirap pa silang gawin. Hindi ko rin maunawaan kong bakit ngayon lamang kami inabot ng ganito kalalim ng gabi dahil madalas naman kapag alas dyes na ay iyon ang oras na nagpapasya kaming magsi-uwi, ngunit ngayon mag-a-alas dose na nandito pa rin kami at iilan na lang rin ang mga tao. "Happy anniversary nga pala sa inyong dalawa Cora at Brent, salamat sa libre guys pero kailangan na naming mauna hinihintay na rin ako sa bahay." Nagpaalam na ang isa sa kasamahan namin, at nagpasalamat pa ito sa panglilibre ni kuya dahil ito ang nagbayad sa lahat ng kinakain namin. Nagsimula na ring magsi-uwian ang iba pa hanggang sa kaming apat na lang nina Owen, Corazon at kuya ang natira sa
last updateLast Updated : 2021-10-05
Read more

Kabanata 13

Tanda ko pa ang sinabi ko noon kay Corazon na magiging masaya ako kapag naghiwalay sila ni kuya, ngunit kagabi nasaktan ako para sa kanya. Nakaramdam ako ng sakit habang umiiyak siya sa balikat ko, akala ko magiging masaya ako kasi sa wakas magkakaroon ako ng pagasa sa kaniya ngunit nabigo ako hindi ko akalaing masasaktan rin ako habang nakikita siyang ganoon. Kagabi nasabi ko sa sarili ko na hindi ko na gustong makita siyang malungkot, hindi ko na hahayaang muli pa niyang maranasan ang hirap dahil alam kong minsan na siyang nakalaya roon dati, hindi ko na hahayaang may isa pa ang manakit sa puso niya.Handa akong maging panakip butas kung sakali mang kailanganin niya, para kalimutan ang sakit —bukal sa loob ko iyong gagawin. Nagpasya akong kausapin si kuya nang dumating ang sunod na araw, upang humingi ng malinaw na kasagutan at totoong dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay kay Corazon. 
last updateLast Updated : 2021-10-05
Read more

Kabanata 14

 "Mr. Gummy bear."  Sinalubong ako ni Corazon habang tinatahak ko ang daan papasok sa aming silid. Makikita sa mukha nito ang matinding pag-aalala marahil nalaman na niya ang nangyari sa kapatid ko. "Ang sabi ni mama tumawag daw ang mommy mo sa school at sinabing nasa hospital si Brent, anong nangyari sa kaniya? Kumusta siya?" magkasunod pang tanong nito sa akin. Sa kabila ng mga nangyari sa kanila nag-aalala pa rin siya kay kuya, kung sabagay may malalim din silang pinagsamahan kaya hindi iyon madaling kalimutan. "Hoy, tinatanong kita kumusta si Brent?" muli itong nagtanong dahil hindi ko siya sinagot. "Buhay pa naman siguro, wala pang inuuwing kabaong sa bahay eh." pilosopong saad ko rito saka naunang maglakad. "Tarantado ka ba, tinatanong kita ng maayos mr. gummy bear!" hindi ko inaasahan ang pabulyaw nitong saad sa a
last updateLast Updated : 2021-10-06
Read more

Kabanata 15

Halos isang linggong nanatili si kuya sa hospital bago ito tuluyang nakalabas, mabuti na lang at hindi malala ang pagkabagok nito. Simula ng makabalik ito sa bahay tuluyan ko na ring iniwas ang sarili ko sa kanilang lahat nakakasabay nila ako kapag kumakain sa hapag ngunit hindi ko sila kinakausap. Gusto kong umalis at bumalik na lang ulit sa bahay ni lola kasi doon tahimik ako at walang kahit anong sermon na naririnig ngunit iniisip kong magiging pabigat lang din ako kay lola dahil matanda na rin ito. Kaya kahit nahihirapan akong tumira sa bahay na ito pipilitin ko pa rin, at kapag tuluyan ko nang natapos ang pag-aaral ko ay tuluyan akong bubukod ng ako lang mag-isa. "Tuloy na ang alis namin ni dad after graduation, ingatan mo si Cora," malungkot na saad ni kuya ng makasalubong ko ito matapos kong makalabas ng kwarto ko."Mahal ko 'yun," dagdag pa niya at hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sa akin.Sa
last updateLast Updated : 2021-10-08
Read more

Kabanata 16

 'The great Ben', iyon ang bansag nila sa'kin rito hindi ko na lang namalayan na nasanay na rin akong tawagin nila ng ganoon, nagsimula lang naman iyon noong madalas akong tinatawag ni Justin ng 'The great ka talaga Ben' hanggang sa tumagal 'the great' ang tinatawag nila sa akin. "Tamang-tama at narito ka, sumama ka sa'min Ben may lakad kami, halina kayo sumunod kayo sa'kin." sunod na saad ni Elijah upang pasunurin kami sa kanya. Sunod kung ipinagtaka ang sinabi nito dahil hindi ko naman inaasahan na may lakad pala sila, kapag sinabi kasing lakad alam ko nang sa rambol na naman ang uwi noon. "Saan ang lakad p're?" si Justin ang tinanong ko dahil nakalayo na agad si Elijah sa amin. "Si Elijah reresbakan niya 'yung ex ng shota niya, mapagmahal ang hayop eh, purke pina-iyak 'yung shota niya gusto agad kumitil ng buhay gago," natatawang tugon ni Justin. Hindi ko maunawaan sa sinabi niya kung
last updateLast Updated : 2021-10-10
Read more

Kabanata 17

Ilang minuto na kaming nakatambay sa loob ng barangay, kumportable naman ang lugar na iyon para magpalipas ng magdamag kahit pa nakaupo lang kami sa sahig sa loob ng malamig na rehas na iyon, kaming tatlo na lang nina Justin at ang isa pa naming kasama ang naiwan doon dahil agad na pinayagang makalabas si Claude dahil nasa tamang edad na rin naman na ito habang kaming tatlo ay mga menor de edad pa, pinapirma lang siya ng mga tauhan ng barangay samantalang kaming tatlo na naiwan ay kawawa dahil wala kaming choice kung hindi manatili, isang himalang natatawag kung may susundo sa amin rito.Parang gusto ko na lang tuloy madaliin ang pagtanda ko ngayon para makalabas na, dahil subrang nakakabagot dahil kinuha rin ng mga tanod ang mga cellphone namin kaya wala kaming paglilibangan. Hindi ko na alam kong ilang oras na ang lumipas, hindi ko rin maramdaman ang antok marahil hindi naman sanay ang katawan ko sa ganitong lugar na minsan ko pang nararamdaman ang pagt
last updateLast Updated : 2021-10-13
Read more

Kabanata 18

 "Nakausap ko na ang kuya mo kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin, nalaman ko na rin na aalis pala siya pakatapos ng graduation," sambit iyon ni Corazon. Kahit pa hindi niya aminim ramdam ko ang lungkot na ikinukubli niya sa loob niya upang hindi ipahalata sa akin ang totoong nararamdaman. Bilang tugon ay napatango na lang ako rito.Pilit kong sinabayan siya sa pananahimik, wala na rin naman akong maisip na pwedeng sabihin para mabasag ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa. "Teka nga bakit ba nag-iisa ka dito?" tanong nito mayamaya kung bakit nag-iisa akong nakaupo sa may sulok na iyon. "Nagsisimula na ang graduation ceremony ng kuya mo bakit hindi ka manood?" sunod nitong tanong. Sa kabila ng tanong ni Corazon sa akin ay nagkibit balikat lang ako, hindi ko na lang sinabi sa kaniya na wala ako sa mood para panoorin 'yun. Ngayong araw kasi na ito ang araw ng pagtatapos ni
last updateLast Updated : 2021-10-14
Read more

Kabanata 19

 Mabilis pang lumipas ang mga oras hanggang sa tumungo na kami sa isang public resort kung saan nakahanda ang party, pawang may mga kaya sa buhay ang mga istudyante sa paaralan namin kaya kayang-kaya nilang gumastos ng malaki makadalo lang sa magandang okasyon at magkaroon ng magandang alaala sa magandang lugar bago nila tahakin ang panibagong bukas ng kanilang buhay pagkatapos ng ilang taon nila bilang isang high school student. Tila ba mabilis na iniikot ang orasan sa mga sandaling iyon at nagsimula agad ang party matapos magsidatingan ang ilan, printe lang akong nakaupo sa tabi nang stage na nakahanda kung saan kami tutugtog, kulang na lang ay bilangin ko isa-isa lahat ng pumapasok sa isang pinto roon sa subrang pagkainip ko. Agad kong naituon ang paningin ko sa ibang direksiyon ng magtama ang paningin namin ni kuya matapos ako nitong makita, kasama niyang dumating ang mga kaibigan niya na hindi ko na inisa-isa pang tingnan d
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more

Kabanata 20

 Nanatili ang tahimik kong buhay sa loob ng tahanan na iyon hanggang sa lumipas ang buwan, napadalas ang pagtambay ko kasama ang mga tropa ko sa mga lugar na hindi pa dapat ako pumupunta dahil wala pa ako sa tamang edad. Sa bar kami napapadalas at nakatikim na rin ako ng iba't ibang lasa ng alak sa edad kong labing-lima, sa paraang iyon kasi doon lamang ako nakakalimot sa lungkot na pinagdadaanan ko ang tumakas sa sitwasyong meron ako, pinapayagan akong makapasok doon sa bar dahil na rin kilala nina Claude ang nagbabantay. Minsan na akong umuwi ng bahay na lango sa alak ngunit kahit pa nga madalas ay hating-gabi na ako umuuwi ay hindi manlang ako pinagalitan ni mom dahil madalas tulog na ito o sadyang wala naman talagang pakialam ito sa akin. Bakasyon naman kaya tanging pagliwaliw ang ginagawa ko sa buhay ko, wala namang silbi kung magpapakatino pa ako hindi ba, wala naman may pakialam. "Ma'am, may sasabihin lang po sana ako." t
last updateLast Updated : 2021-10-17
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status