Dahan-dahang lumapit si Avaleighra habang mahigpit na hinawakan ang kaniyang espada. Napaatras naman si Alea dahil ayaw na niya sanang kalabanin ang prinsesa. "Avaleighra, magsimula tayo ulit. Maaayos din natin ang lahat," wika ni Alea."Tapusin na natin ang lahat ng ito, Alea. Kung hindi mo ako kayang paslangin, ako ang papaslang sa iyo.""Avaleighra, makinig ka sa akin. Alam kong nasaktan ka sa mga nangyayari, pero malalampasan din natin ang lahat ng ito. Maniwala ka sa akin.""Huwag kang makinig sa kaniya, anak. Siya ay ating kalaban. Walang magandang naidulot sa iyo ang babaeng iyan. Sana'y hindi na lamang namin siya ipinakilala sa iyo bilang iyong kapatid!" sabi ng reyna."Alam ng hari at reyna ang tungkol sa akin?" mahinang tanong ni Alea. "Tumahimik na lamang kayo, ina. Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang paniwalaan," wika ni Avaleighra sa malungkot na boses."At sino ang iyong paniniwalaan? Ang babaeng iyan? Kasamaan lamang a
Last Updated : 2022-02-12 Read more