Home / Fantasy / Kakambal Sa Ibang Mundo / Kabanata 51 - Kabanata 60

Lahat ng Kabanata ng Kakambal Sa Ibang Mundo: Kabanata 51 - Kabanata 60

76 Kabanata

Kabanata 50

Napatitig si Yulan sa mga mata ni Alea. Nang makita ng hari si Alea ay agad itong lumapit sa dalaga. "Ano ang iyong ginagawa rito? Hindi ba't may kasunduan tayo?" bulong nito. Hinawakan ng hari ang braso ni Alea at inilayo sa prinsipe. "Sandali lamang, ama. Nais ko muna siyang makausap," sabi ng prinsipe. Napatigil ang hari at dahan-dahang bumitaw sa pagkakahawak sa braso ni Alea. Humarap si Alea sa prinsipe at naghihintay sa sasabihin nito. "Ano ang iyong pangalan? Parang nakita na kita dati ngunit hindi ko maalala kung saan."Hindi kaagad nakapagsalita at nakagalaw si Alea. Nakaramdam siya ng kirot sa puso na parang tinusok-tusok ito ng mga karayom nang marinig niya ang sinabi ng prinsipe. "Hindi mo siya nakikilala, mahal na prinsipe?" tanong ng babae ngunit hindi man lang ito pinansin ni Yulan. Nakatitig lamang ang prinsipe sa mukha ni Alea."Nagkita na ba tayo noon, binibini?" tanong ni Yulan kay Alea
Magbasa pa

Kabanata 51

Agad na tumakbo si Alea nang makarating sa kaharian ng mga faraya. "Maghanda kayo! Paparating na si Dargon! Sigaw niya. "Ano ang iyong sinasabi?" tanong ng isang babae na kaniyang nakasalubong."Paparating na ang hari ng mga dragon kaya maghanda na kayo."Agad na tumalikod ang babae at mabilis na naglakad papalayo kay Alea. "Sabihan mo ang mahal na reyna na may kalaban na paparating," utos nito sa kasamahang faraya. "Kailangan nating maghanda para sa pagsalakay ng ating mga kalaban," dugtong pa nito.Susundan sana ni Alea ang babaeng inutusan ngunit bigla na lamang itong naglaho na parang bula. "Hintayin mo ako!" Sigaw niya ngunit hindi siya nito narinig."Ano ang iyong kailangan?" Agad na napalingon si Alea nang marinig ang nagtatanong na boses sa kaniyang likuran.  "Hindi ba't ikaw si Alea? Ang apo ng aming reyna na si Freya? tanong ng babae nang makita nito ang mukha ni Alea."Oo, ako nga."Agad na y
Magbasa pa

Kabanata 52

Tinaasan ng prinsesa ng kilay ang lalaking kaharap. "At sa tingin mo, matatalo mo kami gamit ang palakol na iyong hawak?" tanong nito.Hinila ni Alea si Areya paatras at siya na ang humarap sa lalaki. "Kasamahan ka ni Dargon, hindi ba? Nasaan ang inyong hari?"Biglang tumawa ang lalaki. "Nais mo yatang mapadali ang iyong kamatayan. Huwag kang mag-alala, ako na ang tatapos sa inyo." Tumakbo ang lalaki papalapit sa kanila. Agad din namang sumeryoso ang mukha ni Alea. Hinawakan niya ang kamay ng prinsesa at sinama sa paglaho. Lumitaw sila sa likuran ng lalaki at agad na sinipa ni Alea ang likod nito. Nawalan ng balanse ang lalaki at tuluyang nasubsob sa lupa. Tumama naman sa likod ng hita nito ang palaso na pinakawalan ni Areya. Sinundan pa nito ng isa pang tira at tumama naman ito sa braso ng lalaki. "Ahhh!" Sigaw ng lalaki."Hindi na ba iyan makakatayo?" tanong ni Alea."Pinahiran ko ng lason ang dulo ng aking mga palaso. Nakakasiguro akong hind
Magbasa pa

Kabanata 53

Paika-ikang naglakad si Alea palapit sa halaman. Hapdi, kirot at pagod ang kaniyang nararamdaman. Nang makakuha ng dahon ay agad niya itong dinikdik at dinurog. Umupo siya sa ilalim ng puno at nilagyan ang bawat sugat sa kanyang katawan. Gusto niyang bumalik sa kaharian ng mga faraya ngunit alam niyang hindi pa sapat ang kaniyang lakas upang muling sumabak sa laban. Lalagyan na niya sana ng gamot ang isa pang sugat sa kaniyang binti nang biglang gumalaw ang kaniyang kinauupuan. Agad niyang binitiwan ang gamot at pinakiramdaman ang buong paligid. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Bigla na lamang siyang umangat. Muntik pa siyang mahulog nang mawalan ng balanse mabuti na lamang at nakahawak siya sa isang hibla ng buhok. Nagulat si Alea sa kaniyang napagtanto. Nakatayo pala siya sa balikat ng isang higanteng engkantado. Isang higanteng bumangon at tumayo mula sa pagkakahiga sa lupa.Napakamot sa ulo ang higante at nagsimula na itong maglakad. Hindi man lang p
Magbasa pa

Kabanata 54

Namangha si Alea sa nakita nang sila ay makapasok. "Ikaw pa lamang ang diwatang nakakapasok dito, Alea," wika ni Axel. Nilibot ni Alea ng tingin ang paligid. Hindi niya inakala na gano'n pala kalaki ang lugar sa likod ng mga dahong nakaharang. Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga naglalakihang mga dahon. May mga pasikot-sikot rin sa lugar. Mga naglalakihang mga bato na pinagpatong-patong ang ginawang pangharang. May matatayog na mga punong kahoy rin siyang nakikita na siyang nagproprotekta sa kanila sa ulan at init dahil sa makakapal at malalapad na mga dahon nito. Huminto si Axel sa paglalakad at humarap sa mga dahon na kung titingnan ay parang nakadikit sa pader. Hinawi niya ito at bumungad sa kanila ang lalaking nakahiga at walang malay. "Siya si Noah, ang aming panganay na kapatid." Lumapit si Axel at umupo sa gilid ng nakahigang kapatid. Naawa si Alea sa kanyang nakita. Ang katawan nito ay may mga sugat. "Bakit nagkaganyan ang kaniyang katawan?
Magbasa pa

Kabanata 55

"Alea," sambit ng dragon."Nasaan si Dargon?" tanong ni Alea. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi at diritsong tumingin sa mga mata ng dragon. "Sabihin mo sa akin kung nasaan si Dargon," dugtong niya. "Mas mabuting huwag ka na lamang magpakita pa kay Haring Dargon kung ayaw mong matulad sa mga farayang iyan," sabi ng dragon."Hindi ako natatakot sa kaniya! Haharapin ko siya at lalabanan!""Huminahon ka, Alea.""Ituro mo na kung nasaan si Dargon, aking kaibigan. At si Iris? Nasaan siya? Hindi ba't kasama mo siya?""Huwag kang mag-alala, ang iyong kaibigan ay ligtas.""Isa ka rin ba sa mga lumusob na mga dragon dito?""Hindi ko na kailangang sagutin ang tanong mong iyan.""Bakit? Dahil isa ka rin sa kanila?""Hindi ko kayang manakit ng iba, Alea."Napayuko na lamang si Alea. Naaalala niya ang kanilang unang pagtatagpo at ang pagligtas nito sa kanya at sa kaibigan niyang si Iris.
Magbasa pa

Kabanata 56

Nalilito si Alea sa lugar na kanyang pinasok. Ang tahanan ng mga dragon ay parang isang napakalaking kweba na may napakaraming pasikot-sikot. Posible siyang maligaw doon at ang daan palabas ay hindi matunton. Ngunit kahit na gano'n ay pinagpatuloy niya pa rin ang paglalakad. Sa Bawat gilid ng daang kanyang tinatahak ay may apoy na sa paligid ay nagbibigay liwanag. Tahimik lamang siyang naglalakad, minsan ay tumatago sa madilim na sulok upang hindi makita ng mga kalabang palakad-lakad.Hindi pa nahahanap ni Alea ang kanyang lola nang marinig na niya ang sigawan mula sa labas. Huminto siya saglit at pinakiramdaman ang paligid. "May mga kalaban!" rinig niyang sigaw ng isang boses lalaki na malapit lamang sa kanyang kinatatayuan.Agad siyang nagtago sa likod ng bato nang makita ang isang lalaking tumatakbo papalapit sa kanya. Nang malampasan siya nito ay tahimik niya itong sinundan. Pumasok ito sa isang silid. "Nilusob tayo ng mga kalaban, mahal na hari," rinig niyang
Magbasa pa

Kabanata 57

Hinugot ni Alea ang espada sa sisidlan nito na nakasabit lamang sa kanyang likuran. Hinawakan niya ito nang mahigpit at itinutok sa lalaking papalapit. Nakatutok lamang ang kanyang mga mata rito. Ngunti nagulat na lamang siya nang bigla na lamang itong nawala sa kanyang harapan. Lilingon na sana siya nang maramdaman niyang nasa likuran niya ito ngunit hindi paman siya nakakilos ay naramdaman na niya ang malakas na sipa nito. Muntik pa siyang masubsob sa lupa dahil sa napalakas na sipa na tumama sa kanya mula sa likuran.Umayos siya ng tayo at agad na umikot upang harapin si Dargon ngunit hindi niya ito nakita. Isang sipa na naman sa kanyang likuran ang kanyang natanggap at tuluyan na nga siyang natumba sa lupa. "Ang bilis niya," sambit niya sa isipan. Agad siyang tumayo at hindi na muling kumilos pa. Nanatili lamang siyang nakatayo ngunit ang kanyang isipan ay nasa kalaban. Pinakiramdaman niya nang maigi ang bawat galaw nito. Alam niya na nasa likuran niya pa rin
Magbasa pa

Kabanata 58

Agad din namang bumangon at tumayo si Alea. Hinarap niya ang babae na nakangising tumingin sa kanya. "Ikaw na naman? Hindi mo talaga ako tatantanan, ah! inis niyang wika at agad na naglaho. Sumulpot siya sa likuran nito at hinampas sa ulo gamit ang bakal na hawakan ng kanyang espada. Natumba ang babae at nawalan ng malay. Nakita niyang naglalaban pa rin si Yulan at Dargon kaya agad siyang naghanap ng pantali. Dinala niya ang babae sa lugar kung saan itinali ang kanyang Lola Freya. Nang makakita ng lubid ay agad niya itong kinuha at ginapos ang babae nang napakahigpit sa malaking bato.Tinalikuran niya ang babae ngunit nagulat na lamang siya nang sa kaniyang pagharap ay nakita niya si Avaleighra na nakatayo at umiiyak. "Avaleighra, kayrami ng iyong sugat," nag-aalalang wika niya. "Alea, tulungan mo ako," usal nito at agad na yumakap kay Alea. "Huwag kang mag-alala, gagamutin kita," sagot naman ni Alea. Ramdam niya ang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya.
Magbasa pa

Kabanata 59

Muli na namang gumalaw ang mga bato."Umatras kayo!" utos ni Alea sa mga kasamahan upang hindi ang mga ito mapahamak kung tunay ngang buhay pa ang magkapatid at sila ngang gumagalaw ngayon sa ilalim ng nagkukumpulan na mga bato. Nag-atrasan naman ang lahat gaya ng sinabi ni Alea.Humakbang si Alea upang lumapit doon ngunit may kamay na humawak sa kanyang braso. Nilingon niya ito at kanyang nakita ang seryosong mukha ni Yulan. "Huwag kang lumapit," sabi ni YulanSumunod naman si Alea at nanatili lamang sa tabi ng prinsipe. Ang lahat ay nagulat nang biglang tumilapon ang mga bato dahil sa biglaang pag-ahon ng dragon mula sa ilalim ng mga bato. Umungol ito nang napakalakas at bumuga ng napakalaking apoy. Nag-atrasan naman ang iba at nagsitakbuhan upang hindi masunog sa apoy na ibinuga nito. "Huwag kayong matakot! Lalaban tayo!" Sigaw ng isang kawal. "Ahhh! Sigaw ng karamihan at patakbong lumapit sa napakalaking dragon upang laba
Magbasa pa
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status