Share

Kabanata 54

Namangha si Alea sa nakita nang sila ay makapasok. "Ikaw pa lamang ang diwatang nakakapasok dito, Alea," wika ni Axel.

Nilibot ni Alea ng tingin ang paligid. Hindi niya inakala na gano'n pala kalaki ang lugar sa likod ng mga dahong nakaharang. Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga naglalakihang mga dahon. May mga pasikot-sikot rin sa lugar. Mga naglalakihang mga bato na pinagpatong-patong ang ginawang pangharang. May matatayog na mga punong kahoy rin siyang nakikita na siyang nagproprotekta sa kanila sa ulan at init dahil sa makakapal at malalapad na mga dahon nito.

Huminto si Axel sa paglalakad at humarap sa mga dahon na kung titingnan ay parang nakadikit sa pader. Hinawi niya ito at bumungad sa kanila ang lalaking nakahiga at walang malay. "Siya si Noah, ang aming panganay na kapatid." Lumapit si Axel at umupo sa gilid ng nakahigang kapatid.

Naawa si Alea sa kanyang nakita. Ang katawan nito ay may mga sugat. "Bakit nagkaganyan ang kaniyang katawan?
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status