"Bakit tayo umalis?" tanong ni Avaleighra.
"Avaleighra, nakita mo rin naman, 'di ba? Makakagulo lamang ako kung lalapit pa ako.""Mas mabuting linawin natin ang lahat kaya halika na. Balikan na natin ang dalawang iyon." Hinawakan ni Avaleighra ang kamay ni Alea upang muling pumasok sa mundo ng mga diwata. Ngunit agad ring napatigil. "Narinig ko na may babaeng ipapakasal kay Yulan," wika ni Alea.Nakita ni Avaleighra ang malungkot na mga mata ni Alea. Binitawan niya ang kamay nito at niyakap."Akala ko pa naman ipaglalaban niya ang aming pagmamahalan. Mukhang nakalimutan na niya yata ako nang dahil sa babaeng iyon."Kumalas si Avaleighra sa pagkakayakap kay Alea at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi nito. "Alea, mas mabuti kung iyong kakausapin si Yulan.""Hihintayin ko na lamang siya rito sa aming mundo. Kung talagang mahal niya ako, babalik siya rito upang makita ako."Maraming nakahandang pagkain sa mesa. Mag"Sandali!" Sigaw ni Flora at agad na tumakbo upang lapitan si Yulan.Agad naman na napahinto si Yulan nang marinig ang sigaw ni Flora. Hinarap ni Alea ang kaibigan ng kanyang ina ngunit si Yulan ay nanatiling nakatalikod lamang dito."Ano ang iyong pangalan, iho?" tanong ni Flora. Dahan-dahan namang humarap si Yulan sa ina at nagtagpo ang kanilang mga mata. "Ako po si Yulan," sagot niya at tipid na ngumiti. Nanatiling nakatitig lamang si Flora sa mukha ni Yulan. "Saan ka nakatira?" muling tanong ni Flora. "Ang aming bahay ay malapit lamang sa bahay nila Alea. Sige po, kami ay aalis na." Yumuko muli si Yulan sa harap ng ina at muling nagpatuloy sa paglalakad."Maaari ba kayong bumisita ulit dito?""Sige po, tita. Susubukan po namin," sagot ni Alea. Patuloy lang sila sa paglalakad. Si Yulan ay nanatiling tahimik lamang habang hawak-hawak ang kamay ni Alea."Bakit tayo umalis? Hindi mo ba gusto na mak
Nakaramdam na ng pananakit ng tiyan si Alea. "Yulan! Mukhang manganganak na yata ako," sabi niya sa asawa habang nakahawak sa tiyan.Agad na pinatay ni Yulan ang shower at dali-daling lumabas ng banyo nang nakatapis lang ng tuwalya. Nang makalapit sa asawa ay agad niya itong binuhat. "Dadalhin na kita sa hospital," sabi ni Yulan. "Sandali! Ibaba mo ako! Dadalhin mo ako sa hospital nang naka tuwalya ka lang?" Napatingin si Yulan sa kanyang sarili at kanya ngang nakita na wala siyang suot na damit. Dahan-dahan niyang binaba si Alea sa kama at dali-daling nagbihis."Bilisan mo, Yulan!" Tumakbo naman kaagad si Yulan palapit sa asawa. "Tayo na." Binuhat muli ni Yulan ang asawa at agad na lumabas ng bahay."Ahhh!" Sigaw ni Alea.Si Yulan ay hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan habang naghihintay sa labas. Nais man niyang pumasok sa loob upang samahan ang asawa ngunit hindi siya pinayagan ng doctor. "Huminah
Nararamdaman na ni Milagros ang sakit na nagpapahiwatig na manganganak na siya. Tinawag niya ang asawa na si Jose para humingi ng tulong. Naalarma naman ang asawa kaya't dali-dali itong lumabas ng bahay at nagtungo sa bahay ng kaniyang tiya na isang manghihilot para humingi ng tulong. Malayo kasi ang hospital sa kanila kaya napagdesisyunan ng mag-asawa na sa bahay nalang ito manganak. Wala rin silang ibang kamag-anak na malalapitan dahil labag ang pamilya ni Milagros sa kanilang pagmamahalan dahil mahirap lamang si Jose kaya napagpasiyahan nilang magtanan. Tanging ang kaniyang tiya lamang ang nandiyan para sa kanila. Bata pa lang kasi si Jose nang mamatay ang kaniyang mga magulang. Lakad takbo ang ginawa ni Jose para lamang makarating kaagad sa bahay ng manghihilot. Labis siyang nag-aalala sa kanyang asawa dahil wala itong kasama sa bahay gayong umalis siya para humingi ng tulong para rito. At wala din silang kapit-bahay na maaaring makatulong sa asawa.
Alea, halika!" tawag sa'kin nung babae. Tinitigan ko lang siya. Bakit magkamukha kami? Sino siya? Ako ba siya? "Alea! Halika sumama ka sa'kin," muling tawag nito. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. Sasama na sana siya nang bigla siyang tinawag ng kaniyang mga magulang. "Anak! Sa'n ka pupunta? Tara uwi na tayo." Nakita niya ang kaniyang mga magulang. Nasa likod niya lang ang mga ito kaya dali niya itong nilapitan. At ang babae ay 'di niya na nalingunan pa dahil bigla na lang siyang nagising. "Panaginip lang pala," sambit niya sa sarili. "Hoy! Anong iniisip mo diyan, ha?" tanong ng kaibigan niyang si Iris nang malapitan siya nito. Nakaupo lang siya sa bench ng school nila. Hindi pa naman din kasi nagsisimula ang kaniyang klase. "Iniisip ko lang yung panaginip ko kagabi," sagot niya. "Iyon na naman bang babae na kamukha mo?" Alam ni Iris ang tungkol sa babaeng palaging napapanaginipan ni
Maagang nagising si Alea. Iniisip niya kung napaginipan ba niya ang babae kagabi ngunit hindi. Bumangon na lamang siya para makapaghanda dahil may pasok siya ngayon. Friday na rin naman kaya bukas ay wala na siyang pasok. Papunta na sana siya sa banyo nang marinig niya ang kaniyang itay at inay na nag-uusap sa kusina. "Ano tutuloy ka ba bukas?" tanong ng kaniyang ina sa kaniyang ama. "Oo, Milagros dahil iyon ang bilin ni tatang albularyo sa atin. Kailangan kong bumalik doon para makapaghanda at malaman ang gagawin para tuluyan na siyang hindi makalapit sa ating anak." "Pero hindi natin alam kung nando'n pa ba si tatang albularyo, Jose! Ilang taon na ang lumipas mula nung lumipat tayo ng bahay." "Tatlong araw nalang at mag de-debut na ang ating anak. At 'yon na din ang panahon para tuluyan nang maputol ang koneksyon niya kay Alea kaya kinakailangan ko'ng bumalik doon." "Sana nga ay magtagumpay tayo sa ritwal na ating gagawin
Sobrang pagod ang kanilang nararamdaman. Nakaramdam na rin sila ng gutom at pagkauhaw. Mabuti na lamang at nagbaon sila ng pagkain at tubig. Palulubog na ang araw nang sila'y makarating kung saan nakaparada ang sasakyan. "Hindi ko pa kayang mag-drive guys kasi pagod ako and almost four hours pa ang biyahe pauwi," sabi ni Ash. "Lahat naman tayo pagod kaya wala ring makapag-drive sa'tin," sabi naman ni Alea. "Inaantok ako guys, idlip muna ako saglit, ha?" sabi ni Iris sabay higa sa upuan ng sasakyan sa back seat. "O ba't tulala ka diyan? Anong iniisip mo?" tanong ni Ash kay Alea. "Iniisip ko si itay kung nakauwi na ba talaga siya. Di kasi siya ma-contact at 'di rin sinasagot ni inay ang mga tawag ko." "Gusto mo umuwi na tayo ngayon?" "Mamaya na lang, pahinga lang muna tayo." Nakatulog agad silang tatlo ng dahil sa pagod. "Alea, tulungan mo ako! Alea, anak!" Siga
Nagising si Alea dahil sa ingay ng kaniyang pinto. Kumakatok kasi ang kaniyang ina para gisingin sila para pakainin."Anak! Gumising na kayo at kakain na!""Opo inay! Palabas na po!"Nagising na rin naman ang kaniyang mga kaibigan. Ayaw pa sanang bumangon ni Ash ngunit pinilit ito ni Alea at hinila patayo.Nasa hapag na sila at tahimik lamang na kumakain nang biglang nagtanong ang ama ni Alea."Bakit nga pala kayo napunta roon anak?"Biglang nabulunan si Alea dahil sa tanong ng kaniyang itay at tumingin sa mga kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot. Inabutan din naman kaagad siya ng tubig ng kaniyang ina."Ahm ano kasi tito ihahatid ko na sana si Alea nang nakita kami nung driver ng tricycle na sinasakyan mo at nagtanong kay Alea kung tumawag ka ba sa kaniya. So ayun nalaman namin na umalis ka at hindi pa bumabalik kaya nag-alala si Alea at gustong sumama para hanapin ka. Ayaw rin naman namin siyang iwan
Walang ibang magawa si Alea kundi ang pagmasdan lamang niya ang mga ito."Malapit na Milagros! Sige iri pa!" rinig niyang sabi ng matandang nagpapaanak sa kaniyang ina."Uhaa! Uhaa!" Iyak ng bata pagkalabas nito sa sinapupunan.Napangiti si Alea habang pinagmamasdan ang sanggol."Narinig mo ba iyon tiya lourdes? May narinig kasi akong iyak ng bata sa labas. Teka lang at titingnan ko muna," rinig niyang sabi ng kaniyang ama.Lalabas na sana ang kaniyang ama nang pinigilan ito ng matanda.Gusto niyang malaman kung ano ang meron sa labas kaya siya na ang lumabas.Pagkalabas niya ay nakita niya ang isang malaking punong-kahoy na nasa gilid ng bahay. Nagtataka siya dahil dito nagmumula ang naririnig niyang iyak ng bata. Napakaliwanag nito dahil napapalibutan ito ng mga alitaptap. Pamilyar sa kaniya ang lugar. Naaalala niya ang kaniyang panaginip."Ito yung lugar sa aking panaginip. Ito yung lugar kung saan palagi kong na