Share

Kabanata 3

Sobrang pagod ang kanilang nararamdaman. Nakaramdam na rin sila ng gutom at pagkauhaw. Mabuti na lamang at nagbaon sila ng pagkain at tubig. 

Palulubog na ang araw nang sila'y makarating kung saan nakaparada ang sasakyan. 

"Hindi ko pa kayang mag-drive guys kasi pagod ako and almost four hours pa ang biyahe pauwi," sabi ni Ash. 

"Lahat naman tayo pagod kaya wala ring makapag-drive sa'tin," sabi naman ni Alea.

"Inaantok ako guys, idlip muna ako saglit, ha?" sabi ni Iris sabay higa sa upuan ng sasakyan sa back seat.

"O ba't tulala ka diyan? Anong iniisip mo?" tanong ni Ash kay Alea.

"Iniisip ko si itay kung nakauwi na ba talaga siya. Di kasi siya ma-contact at 'di rin sinasagot ni inay ang mga tawag ko."

"Gusto mo umuwi na tayo ngayon?" 

"Mamaya na lang, pahinga lang muna tayo."

Nakatulog agad silang tatlo ng dahil sa pagod. 

"Alea, tulungan mo ako! Alea, anak!" Sigaw ni Jose.

Nanlaki ang mga mata ni Alea sa nakita. Nakita niya na nakagapos ang kaniyang ama sa ilalim ng puno. Pamilyar sa kaniya ang lugar dahil nadaanan nila ito kanina.

Lalapitan na sana ni Alea ang ama nang bigla siyang nagising. Tumingin siya sa labas at nakitang madilim na. Tiningnan niya ang kaniyang relo at nakitang mag-aalas dose na ng gabi. Nilingon niya ang kaniyang mga kaibigan ngunit tulog pa ang mga ito. Napakalakas ng kabog ng kaniyang d****b dahil sa kaba. Panaginip man iyon ngunit nakaramdam siya ng takot.

Hindi mapakali si Alea kaya't lumabas siya ng sasakyan at pumasok sa makipot na daan bitbit ang phone niya para gamiting pang-ilaw. Pupuntahan niya ang lugar sa kaniyang panaginip kung saan naroon ang kaniyang ama. Hindi na lang niya ginising ang mga kaibigan dahil alam niyang pagod ang mga ito. Madilim man ngunit binalewala niya lang ito. 

Hindi niya maipagkakailang nakaramdam din siya ng takot ngunit kailangan niyang puntahan iyon para mapanatag ang kaniyang kalooban. Takot siya na baka may masama ngang nangyari sa kaniyang ama.

Umihip ang malamig na hangin na nagpapadagdag ng kaniyang takot. Niyakap nalang niya ang sarili at taimtim na nananalangin na sana'y walang masamang mangyari sa kaniya at sa kaniyang ama.

Pagkarating niya sa lugar ay nakita niya ang isang lalaki sa ilalim ng puno. Nakayuko ito kaya di niya makita ang mukha ngunit ang suot nito ay kagaya ng sa kaniyang ama. Suot din nito ang sapatos na siya mismo ang pumili para rito.

"Itay?" pagtawag niya rito.

Umangat ang ulo nito at tumingin sa kaniya. Napaatras siya sa takot at natumba. Nanginginig ang kaniyang buong katawan. Hindi mukha ng ama ang kaniyang nakita kundi mukha ng matandang lalaki na nakita nila kanina.

"Anak! Ako ito!" sabi ng kaniyang ama at agad siyang nilapitan.

"Itay?" ngayon ay mukha na ng kaniyang ama ang kaniyang nakita. Niyakap niya ito at agad na umalis sa lugar na iyon.

Naglalakad na sila pabalik nang may bumulong sa kaniya, "Sino ka? Hindi ikaw si Prinsesa Avaleighra!"

Lumingon siya sa kaniyang gilid ngunit wala namang tao. Nakaramdam siya ng takot kaya hinigpitan niya ang pagyakap sa braso ng kaniyang ama.

Pagkalabas nila sa magubat na lugar na iyon ay agad niyang nakita ang kaniyang mga kaibigan na nasa labas na ng sasakyan. Kasama na rin nila ang tricycle driver na siyang naghatid kay Jose kanina.

"Alea!" sabay na tawag ng magkaibigan.

"Anong nangyari?" tanong ni Iris. "Pinag-alala mo kami ano ka ba, Alea!" singhal pa nito sa kaibigan.

"Pare yung asawa mo nag-aalala na sa'yo. Hindi nga sana ako babalik dito dahil hindi ka pa tumatawag sa'kin ngunit yung asawa mo nagpumilit na balikan kana dito. Tinatawagan kita 'di ka rin naman ma-contact," sabi ng tricycle driver.

"Tito Jose, okay lang po ba kayo? Ano po bang nangyari?" tanong naman ni Ash.

"Hindi ko rin alam. May pupuntahan sana akong lugar ngunit hindi ko matuntun ang daan. Pabalik-balik lang ako sa isang lugar at kahit saan man ako dadaan ay bumabalik parin ako sa lugar na iyon," pagpapaliwanag ni Jose.

"Naku, pare napaglaruan ka siguro ng mga maligno!"

"Baka pwedeng umuwi na tayo? Nilalamig na kasi ako eh," singit ni Iris.

"Tss, takot ka lang eh. 'Kala ko ba matapang ka?" pang-aasar ni Ash sa kaibigan.

"Ah, so gusto mong maiwan dito? Sige dito ka na lang! Ako na lang ang magmamaneho pauwi!" sagot naman ni Iris.

"Tara na umuwi na tayo," pagyaya ni Alea.

Sa tricycle sumakay si Jose at ang tatlong magkakaibigan ay magkasama sa kotse.

"Sa bahay na lang muna kayo matulog," pagyaya ni Alea sa mga kaibigan. Pumayag din naman ang mga ito dahil malalim narin ang gabi. 

Tulala lang si Alea habang nasa biyahe. Iniisip ang mga pangyayaring naganap sa kaniya ngayong araw.

"Tulala ka na naman diyan! Kanina pa ako tanong nang tanong 'di mo talaga ako papansinin?" pukaw ni Iris kay Alea.

"Ha? Ano bang tinatanong mo?"

"Sabi ko ano bang nangyari at bumalik ka do'n na ikaw lang mag-isa? At pa'no mo nahanap itay mo?"

"Sana man lang ginising mo kami," singit naman ni Ash.

"Napaginipan ko si itay na nando'n sa lugar na iyon. Nakagapos siya at humihingi ng tulong sa'kin."

"My God! Kinikilabutan ako, girl! Ayoko ng bumalik pa ro'n nakakatakot lalo na 'yong matanda kanina, ang weird!" sabi ni Iris.

Hindi nalang sinabi ni Alea ang sunod na nangyari sa kaniya kanina dahil baka mas matakot pa ang kaibigan. Alam niyang matatakutin ang kaibigan niyang si Iris.

Nakarating na sila sa bahay at nasa loob ng kwarto ni Alea ang magkakaibigan. Magkatabi sila Alea at Iris sa kama habang si Ash ay nasa baba. Tinawagan na rin nila ang kanilang mga magulang upang ipaalam na nasa bahay sila ng kaibigan at do'n muna matutulog.

"Good night mga mahal kong prinsesa at prinsipe!" sabi ni Iris sa dalawa. 

Natutulog na si Ash at Iris ngunit si Alea ay gising pa rin. Iniisip niya ang matandang lalaki kanina. Nang dahil sa nangyari ay napagtanto niyang hindi normal na tao ang matandang iyon.

"Salamat sa pagdala sa kaniya rito Prinsesa Avaleighra."

"Sino ka? Hindi ikaw si Prinsesa Avaleigra."

Ang mga salitang iyon ay pabalik-balik lamang sa kaniyang isipan. Napagtanto niyang ang matanda at ang bumulong sa kaniya ay iisa. 

"Bakit napagkamalan niya akong si Prinsesa Avaleigra sa una naming pagkikita ng matandang iyon? Sino ka ba, Prinsesa Avaleighra? At bakit tinawag din na Prinsipe Akillus ang kaibigan niyang si Ash?" tanong niya sa sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status