Pinuntahan ni Alea ang tricycle driver na naghatid noon sa kaniyang ama sa lugar na dati nilang tinitirhan para magpahatid din doon.
"Naku iha pasensya na hindi kita mahahatid kasi mag-gagabi na, baka mapahamak ka pa do'n."
"Sige na po manong, kailangan ko lang pong mahanap ang aking itay parang awa niyo na po."
Nagpumilit si Alea kaya napilitan na rin itong ihatid ang dalaga.
Mag-aalas nuwebe na nang silay makarating sa lugar. Madilim na rin ang paligid at tanging ang liwanag lamang ng tricycle ang nagbibigay liwanag sa paligid.
"Iha, hindi kita masasamahan sa paghahanap sa iyong ama dahil kinakailangan ko nang umuwi. Tawagan mo na lang ako kung nahanap mo na ang itay mo para masundo ko kayo rito."
"Sige po manong, maraming salamat po sa paghatid."
Umalis na ang tricycle na sinasakyan niya at nag-uumpisa na rin siyang makaramdam ng takot. Tanging ang phone niya lang ang ginagamit niyang pang-ilaw.
Tumingin siya sa langit
Tumayo si Alea at hinarap ang lalaki. Hanggang balikat lang siya nito dahil matangkad ito. Napakapormal din ng kasuotan nito. "Teka, bakit ka nandito?" tanong ni Alea sa lalaking nasa kaniyang harapan. "Dahil iniimbitahan ako na dumalo dito," kalmadong sagot nito. Nalukot ang mukha ni Alea. Siguradong-sigurado siya na ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang lalaking nakita niya sa harap ng simbahan. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa naisip. "Hindi ka tao?" "Ano sa palagay mo." "Sumagot ka naman ng maayos, mister!" "Ano ang pangalan mo?" biglang tanong ng lalaki. "Oy interested ka yata sa'kin? Sorry pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo." Magsasalita pa sana ang lalaki nang biglang may tumawag sa kaniya. "Prinsipe Yulan!" tawag ng lalaki na nasa likod ni Alea at lumapit ito sa kanila. Naalarma naman kaagad si Alea nang mapagtanto na hindi na niya suot ang telang pantak
Nang makarating sa lugar ay nasaksihan ni Alea na napakarami pala ng mga bilanggo sa lugar na iyon."Pumunta ka lang sa pinakadulo, Alea. Bibigyan ko kayo ng oras para makapag-usap."Narating niya ang pinakadulo at nakita niya ang kaniyang itay. Naawa si Alea sa kalagayan nito. Nakayuko ito habang nakahiga sa lupa at walang kumot o unan."Itay?" pagtawag niya sa ama. Tinanggal niya ang telang tumatakip sa kaniyang mukha para makita siya ng ama.Gusto man niyang pigilan ang kaniyang mga luha ngunit kusa na lamang itong tumulo at nag-uunahan sa pag-agos sa kaniyang pisngi.Agad din naman itong nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ng anak. Nang makita niya ito ay agad siyang bumangon at lumapit.Gusto mang yakapin ni Alea ang kaniyang itay ngunit hindi niya magawa dahil sa rehas na nakaharang sa pagitan nilang dalawa."Anak? Anong ginagawa mo rito?" tanong ng kaniyang ama. Hinawakan nito ang mga kamay ng anak na n
Saan ka galing, Alea?" tanong kaagad ni Avaleighra nang makita si Alea na tumatakbo papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Ang liwanag ay inaagaw na ng dilim dahil magagabi na.Nakatayo lamang si Avaleighra sa gilid ng malaking bato kung saan niya nakita si Alea noong gabi ng pagdiriwang."Namamasyal lang sa kagubatan Prinsesa Avaleighra," sagot niya at pilit itinatago ang kabang nararamdaman."At umalis ka na walang takip ang iyong mukha? Kung may makakita sa'yo rito at malaman ang tunay mong pagkatao ay tiyak na ikaw ay ikukulong kagaya ng iyong ama!""Hindi man ako nakakulong sa lugar na kung saan nakulong ang aking itay ngunit habang ako'y hindi makakaalis sa lugar na ito ay para na rin akong bilanggo, Avaleighra!" sabi niya at naramdamang may luhang tumulo galing sa kaniyang mga mata."May kasunduan tayo, Alea! Alam mo na kung ano ang mangyayari kung hindi ka tutupad sa kasunduan.""Ikaw ba ang nagkulong sa aking itay Avaleighra? Ika
Agad na tinanggal ni Alea ang tali nang makita ang mukha ng lalaki. "Itay, anong nangyari sa'yo?""Alea, ano ang iyong ginagawa? Kapag nagising iyan ay tiyak na ikaw ay sasaktan! Kaya itali mo na siya muli, Alea!" nag-aalalang sabi ng ibon ngunit hindi nakinig si Alea sa sinasabi nito. Labis siyang nababahala kung ano ang nangyari sa ama."Hindi, Prexius. Siya ay ang aking itay!""Alea, hindi iyan ang iyong ama. Hindi ka nga man lang niya nakilala at muntik ka na nga niyang saktan!""Pero kamukha niya si itay!""Pakiramdaman mo ang iyong puso, Alea. Siya ba talaga ang iyong ama?""Hindi ko naramdaman na siya ang aking itay, Prexius. Pero nangangamba ako na baka nasa ilalim lang siya ng black magic!""Ano ang ibig mong sabihin, Alea?""Baka nasa ilalim ng itim na kapangyarihan ang aking itay, Prexius. Iyan ang napapanuod ko sa telebisyon."Gumalaw ang ulo ng lalaking kamukha ng itay
Nagising si Alea at nakita si Avaleighra sa kama nito na mahimbing na natutulog. Tahimik na bumangon si Alea at nagtungo sa beranda ng kwarto ng prinsesa. Madilim pa ang paligid at ramdam niya ang lamig ng hangin. Nakatayo lang siya at nakatunganga sa kawalan, hinihintay ang pagsikat ng araw. Niyakap niya ang kaniyang sarili nang umihip ang napakalamig na hangin."Alea." Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses na tumatawag sa kaniyang pangalan. "Prexius?" Nakadapo lang ito sa may bintana ng kwarto at sa tabi nito ay may puti na tela. Kinuha ito ng ibon gamit ang kaniyang paa at lumipad papunta kay Alea at dumapo sa balikat nito."Para sa'yo, Alea. Pinabibigay iyan ni Prinsipe Yulan." Kinuha ni Alea ang tela na dala nito. Sa gilid nito ay nakaburda ang kaniyang pangalan. "Alea," pagbasa niya. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Ngayon lamang niya naramdaman kung gaano ka-espesyal at kaganda ang kaniyang ngalan."Maaari mo iyang gamitin upang t
Nang makalabas ay nagpalinga-linga si Alea sa paligid. Hindi niya alam kung saan siya tutungo para maghanap ng mga prutas na mapipitas at tubig na makukuha. Nilingon niya ang isang kawal at sinabihang, "Maaari mo ba akong tulungang kumuha ng prutas na makakain at tubig na maiinom?"Pumayag naman ito at agad na naglakad. Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa isang napakalinaw na lawa."Mahal na prinsesa, dito ka na lamang at ako na ang magpapatuloy upang mamitas ng prutas na makakain." Binigyan siya nito ng bote na kulay ginto. "Gamitin mo ito upang makakuha ka ng tubig na maiinom, mahal na prinsesa."Tinanggap niya ito at agad na kumuha ng tubig sa lawa at uminom din doon.Umupo siya sa bato na nasa gilid ng lawa habang hinihintay ang kawal na bumalik.Nakita niya ang isang may edad na babae na papalapit sa kaniyang kinaroroonan at may dala itong banga. Kumuha rin ito ng tubig mula sa lawa."Manang, saan niyo po 'yan d
Bumalik sila sa palasyo pagkatapos makakuha ng tubig sa lawa. Nababahala si Alea dahil hindi niya maaaring isama ang kaibigan. Natatakot siya na makita ito ng prinsesa dahil baka gawin itong bihag at hindi na kailanman makabalik pa sa mundo nila. Kaya nagpresinta si Isabel na isasama niya si Iris. Pinagbihis nila ito ng kasuotan kagaya ng kay Isabel. Isang simpleng damit na lagpas tuhod ang taas."Alam mo ba kung nasaan ang lagusan para makabalik sa mundo natin, Manang Isabel?""Hindi ko alam, iha. Pero may nakapunta na doon. Isa sa mga kasamahan ko, si Nestor. Pero hindi ito nakalabas. Sinabi niya sa amin ang dahilan kaya hindi na rin namin sinubukan pang magtungo roon at baka kami pa ay mahuli ng mga kawal at maparusahan."Maaari ko po ba siyang makita bukas? Pakisabi nalang po sa kaniya, maghihintay ako sa hardin. Doon na lang po tayo magkita. Bago pa sumikat ang araw bukas ay naroon na ako.""Wait, Alea. Hindi ko gets. Required ba talaga na gani
Hinatid ni Alea si Iris kasama si Nestor sa kinaroroonan ni Isabel."Alea, hindi mo ba napansin na kamukha siya ng tatay mo?" tanong ni Iris na ang tinutukoy ay si Nestor. "Akala ko talaga si tito Jose siya nang makita ko siya kanina," dugtong pa nito."Akala ko nga rin eh. Pero mukhang mas matanda naman siya ng konti kay itay kung pagmasdan mo ng mabuti.""Tao rin siya, hindi ba? Baka magkadugo talaga kayo niyan, Alea. Hindi mo alam, lolo mo pala 'yan."Agad silang sinalubong ni Isabel ng makita sila. "Anong nangyari? Hindi rin ba siya makalabas?""Hindi manang Isabel. Ayaw ko lang po talagang iwan 'tong kaibigan ko rito. Hindi niyo rin naman kasi sinabi kaagad kung saan tayo pupunta. Kaya dito muna ako sa'yo manang Isabel ha? Promise tutulong po ako sa mga gawain. Hindi po ako magiging pabigat po sa inyo."Tumutulong si Iris sa mga gawain kagaya ng ginagawa ng ibang mga alipin. Nang makita ni Alea na maayos naman ang ka