Araw-araw ay pumupunta si Yulan sa mundo ng mga tao upang ipakita sa mag-asawang Jose at Milagros na tunay ang kanyang pagmamahal para sa anak na si Alea.
Ngayon ang ika-sampung araw ng pagpunta ni Yulan sa bahay nina Alea. Palulubog na ang araw at tapos na rin si Yulan sa mga gawaing pinapagawa ni Jose sa kanya. Nagpaalam siya na aalis na upang bumalik na sa mundo ng mga diwata ngunit pinigilan siya ni Jose. "Dito ka na lang muna maghapunan, Yulan. Malapit na rin namang maluto ang pagkaing niluluto ng aking asawa.""Sige po, itay," sagot ni Yulan.Napailing na lamang si Jose sabay ngisi. "Ikaw talagang bata ka. Napapadalas na ang pagtawag mo sa akin ng itay.""Ayaw niyo po ba na itay ang itawag ko sa iyo, itay?"Natawa nang tuluyan si Jose. "Mas mabuting pumasok na tayo upang makakain na," pag-aya nito kay Yulan.Umupo si Yulan sa tabi ni Alea. "Kumain ka lang ng marami, iho," sabi ni Milagros."Masasarap ang mga 'to,SA MUNDO NG MGA DIWATA"Prinsipe! Saan ka pupunta?" tanong ng reyna."Sa mundo ng mga tao, ina.""Susuwayin mo talaga kami, Yulan?" galit na tanong ng hari. "Ina, ama, mahal ko si Alea.""Paano kami, Yulan?" tanong muli ng reyna."Ikaw ang susunod na magiging hari sa kahariang ito, anak. Kung gusto mo siyang makasama ay kailangan mo siyang kumbinsihin na mamuhay dito sa ating mundo. Hindi ako makakapayag na mamuhay ka sa mundo ng mga tao, Yulan," sabi ng hari."Hayaan niyo na lamang ako, ama." Tumalikod si Yulan at nagsimulang maglakad ngunit napatigil na lamang siya nang may mga kamay na yumakap sa kanya mula sa likuran. "Anak ko, huwag kang umalis," pagmamakaawa ng reyna. Umiiyak ito kaya hindi na nagpumiglas pa si Yulan. "Ina, tahan na." Hinarap niya ang ina at niyakap."Kaya ko namang mamuno sa kahariang ito, ama," biglang sabi ni Prinsesa Yolanda. "Anak, isa kang babae," sabi ng hari."A
"Bakit tayo umalis?" tanong ni Avaleighra."Avaleighra, nakita mo rin naman, 'di ba? Makakagulo lamang ako kung lalapit pa ako.""Mas mabuting linawin natin ang lahat kaya halika na. Balikan na natin ang dalawang iyon." Hinawakan ni Avaleighra ang kamay ni Alea upang muling pumasok sa mundo ng mga diwata. Ngunit agad ring napatigil. "Narinig ko na may babaeng ipapakasal kay Yulan," wika ni Alea. Nakita ni Avaleighra ang malungkot na mga mata ni Alea. Binitawan niya ang kamay nito at niyakap. "Akala ko pa naman ipaglalaban niya ang aming pagmamahalan. Mukhang nakalimutan na niya yata ako nang dahil sa babaeng iyon."Kumalas si Avaleighra sa pagkakayakap kay Alea at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi nito. "Alea, mas mabuti kung iyong kakausapin si Yulan.""Hihintayin ko na lamang siya rito sa aming mundo. Kung talagang mahal niya ako, babalik siya rito upang makita ako."Maraming nakahandang pagkain sa mesa. Mag
"Sandali!" Sigaw ni Flora at agad na tumakbo upang lapitan si Yulan.Agad naman na napahinto si Yulan nang marinig ang sigaw ni Flora. Hinarap ni Alea ang kaibigan ng kanyang ina ngunit si Yulan ay nanatiling nakatalikod lamang dito."Ano ang iyong pangalan, iho?" tanong ni Flora. Dahan-dahan namang humarap si Yulan sa ina at nagtagpo ang kanilang mga mata. "Ako po si Yulan," sagot niya at tipid na ngumiti. Nanatiling nakatitig lamang si Flora sa mukha ni Yulan. "Saan ka nakatira?" muling tanong ni Flora. "Ang aming bahay ay malapit lamang sa bahay nila Alea. Sige po, kami ay aalis na." Yumuko muli si Yulan sa harap ng ina at muling nagpatuloy sa paglalakad."Maaari ba kayong bumisita ulit dito?""Sige po, tita. Susubukan po namin," sagot ni Alea. Patuloy lang sila sa paglalakad. Si Yulan ay nanatiling tahimik lamang habang hawak-hawak ang kamay ni Alea."Bakit tayo umalis? Hindi mo ba gusto na mak
Nakaramdam na ng pananakit ng tiyan si Alea. "Yulan! Mukhang manganganak na yata ako," sabi niya sa asawa habang nakahawak sa tiyan.Agad na pinatay ni Yulan ang shower at dali-daling lumabas ng banyo nang nakatapis lang ng tuwalya. Nang makalapit sa asawa ay agad niya itong binuhat. "Dadalhin na kita sa hospital," sabi ni Yulan. "Sandali! Ibaba mo ako! Dadalhin mo ako sa hospital nang naka tuwalya ka lang?" Napatingin si Yulan sa kanyang sarili at kanya ngang nakita na wala siyang suot na damit. Dahan-dahan niyang binaba si Alea sa kama at dali-daling nagbihis."Bilisan mo, Yulan!" Tumakbo naman kaagad si Yulan palapit sa asawa. "Tayo na." Binuhat muli ni Yulan ang asawa at agad na lumabas ng bahay."Ahhh!" Sigaw ni Alea.Si Yulan ay hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan habang naghihintay sa labas. Nais man niyang pumasok sa loob upang samahan ang asawa ngunit hindi siya pinayagan ng doctor. "Huminah
Nararamdaman na ni Milagros ang sakit na nagpapahiwatig na manganganak na siya. Tinawag niya ang asawa na si Jose para humingi ng tulong. Naalarma naman ang asawa kaya't dali-dali itong lumabas ng bahay at nagtungo sa bahay ng kaniyang tiya na isang manghihilot para humingi ng tulong. Malayo kasi ang hospital sa kanila kaya napagdesisyunan ng mag-asawa na sa bahay nalang ito manganak. Wala rin silang ibang kamag-anak na malalapitan dahil labag ang pamilya ni Milagros sa kanilang pagmamahalan dahil mahirap lamang si Jose kaya napagpasiyahan nilang magtanan. Tanging ang kaniyang tiya lamang ang nandiyan para sa kanila. Bata pa lang kasi si Jose nang mamatay ang kaniyang mga magulang. Lakad takbo ang ginawa ni Jose para lamang makarating kaagad sa bahay ng manghihilot. Labis siyang nag-aalala sa kanyang asawa dahil wala itong kasama sa bahay gayong umalis siya para humingi ng tulong para rito. At wala din silang kapit-bahay na maaaring makatulong sa asawa.
Alea, halika!" tawag sa'kin nung babae. Tinitigan ko lang siya. Bakit magkamukha kami? Sino siya? Ako ba siya? "Alea! Halika sumama ka sa'kin," muling tawag nito. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. Sasama na sana siya nang bigla siyang tinawag ng kaniyang mga magulang. "Anak! Sa'n ka pupunta? Tara uwi na tayo." Nakita niya ang kaniyang mga magulang. Nasa likod niya lang ang mga ito kaya dali niya itong nilapitan. At ang babae ay 'di niya na nalingunan pa dahil bigla na lang siyang nagising. "Panaginip lang pala," sambit niya sa sarili. "Hoy! Anong iniisip mo diyan, ha?" tanong ng kaibigan niyang si Iris nang malapitan siya nito. Nakaupo lang siya sa bench ng school nila. Hindi pa naman din kasi nagsisimula ang kaniyang klase. "Iniisip ko lang yung panaginip ko kagabi," sagot niya. "Iyon na naman bang babae na kamukha mo?" Alam ni Iris ang tungkol sa babaeng palaging napapanaginipan ni
Maagang nagising si Alea. Iniisip niya kung napaginipan ba niya ang babae kagabi ngunit hindi. Bumangon na lamang siya para makapaghanda dahil may pasok siya ngayon. Friday na rin naman kaya bukas ay wala na siyang pasok. Papunta na sana siya sa banyo nang marinig niya ang kaniyang itay at inay na nag-uusap sa kusina. "Ano tutuloy ka ba bukas?" tanong ng kaniyang ina sa kaniyang ama. "Oo, Milagros dahil iyon ang bilin ni tatang albularyo sa atin. Kailangan kong bumalik doon para makapaghanda at malaman ang gagawin para tuluyan na siyang hindi makalapit sa ating anak." "Pero hindi natin alam kung nando'n pa ba si tatang albularyo, Jose! Ilang taon na ang lumipas mula nung lumipat tayo ng bahay." "Tatlong araw nalang at mag de-debut na ang ating anak. At 'yon na din ang panahon para tuluyan nang maputol ang koneksyon niya kay Alea kaya kinakailangan ko'ng bumalik doon." "Sana nga ay magtagumpay tayo sa ritwal na ating gagawin
Sobrang pagod ang kanilang nararamdaman. Nakaramdam na rin sila ng gutom at pagkauhaw. Mabuti na lamang at nagbaon sila ng pagkain at tubig. Palulubog na ang araw nang sila'y makarating kung saan nakaparada ang sasakyan. "Hindi ko pa kayang mag-drive guys kasi pagod ako and almost four hours pa ang biyahe pauwi," sabi ni Ash. "Lahat naman tayo pagod kaya wala ring makapag-drive sa'tin," sabi naman ni Alea. "Inaantok ako guys, idlip muna ako saglit, ha?" sabi ni Iris sabay higa sa upuan ng sasakyan sa back seat. "O ba't tulala ka diyan? Anong iniisip mo?" tanong ni Ash kay Alea. "Iniisip ko si itay kung nakauwi na ba talaga siya. Di kasi siya ma-contact at 'di rin sinasagot ni inay ang mga tawag ko." "Gusto mo umuwi na tayo ngayon?" "Mamaya na lang, pahinga lang muna tayo." Nakatulog agad silang tatlo ng dahil sa pagod. "Alea, tulungan mo ako! Alea, anak!" Siga
Nakaramdam na ng pananakit ng tiyan si Alea. "Yulan! Mukhang manganganak na yata ako," sabi niya sa asawa habang nakahawak sa tiyan.Agad na pinatay ni Yulan ang shower at dali-daling lumabas ng banyo nang nakatapis lang ng tuwalya. Nang makalapit sa asawa ay agad niya itong binuhat. "Dadalhin na kita sa hospital," sabi ni Yulan. "Sandali! Ibaba mo ako! Dadalhin mo ako sa hospital nang naka tuwalya ka lang?" Napatingin si Yulan sa kanyang sarili at kanya ngang nakita na wala siyang suot na damit. Dahan-dahan niyang binaba si Alea sa kama at dali-daling nagbihis."Bilisan mo, Yulan!" Tumakbo naman kaagad si Yulan palapit sa asawa. "Tayo na." Binuhat muli ni Yulan ang asawa at agad na lumabas ng bahay."Ahhh!" Sigaw ni Alea.Si Yulan ay hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan habang naghihintay sa labas. Nais man niyang pumasok sa loob upang samahan ang asawa ngunit hindi siya pinayagan ng doctor. "Huminah
"Sandali!" Sigaw ni Flora at agad na tumakbo upang lapitan si Yulan.Agad naman na napahinto si Yulan nang marinig ang sigaw ni Flora. Hinarap ni Alea ang kaibigan ng kanyang ina ngunit si Yulan ay nanatiling nakatalikod lamang dito."Ano ang iyong pangalan, iho?" tanong ni Flora. Dahan-dahan namang humarap si Yulan sa ina at nagtagpo ang kanilang mga mata. "Ako po si Yulan," sagot niya at tipid na ngumiti. Nanatiling nakatitig lamang si Flora sa mukha ni Yulan. "Saan ka nakatira?" muling tanong ni Flora. "Ang aming bahay ay malapit lamang sa bahay nila Alea. Sige po, kami ay aalis na." Yumuko muli si Yulan sa harap ng ina at muling nagpatuloy sa paglalakad."Maaari ba kayong bumisita ulit dito?""Sige po, tita. Susubukan po namin," sagot ni Alea. Patuloy lang sila sa paglalakad. Si Yulan ay nanatiling tahimik lamang habang hawak-hawak ang kamay ni Alea."Bakit tayo umalis? Hindi mo ba gusto na mak
"Bakit tayo umalis?" tanong ni Avaleighra."Avaleighra, nakita mo rin naman, 'di ba? Makakagulo lamang ako kung lalapit pa ako.""Mas mabuting linawin natin ang lahat kaya halika na. Balikan na natin ang dalawang iyon." Hinawakan ni Avaleighra ang kamay ni Alea upang muling pumasok sa mundo ng mga diwata. Ngunit agad ring napatigil. "Narinig ko na may babaeng ipapakasal kay Yulan," wika ni Alea. Nakita ni Avaleighra ang malungkot na mga mata ni Alea. Binitawan niya ang kamay nito at niyakap. "Akala ko pa naman ipaglalaban niya ang aming pagmamahalan. Mukhang nakalimutan na niya yata ako nang dahil sa babaeng iyon."Kumalas si Avaleighra sa pagkakayakap kay Alea at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi nito. "Alea, mas mabuti kung iyong kakausapin si Yulan.""Hihintayin ko na lamang siya rito sa aming mundo. Kung talagang mahal niya ako, babalik siya rito upang makita ako."Maraming nakahandang pagkain sa mesa. Mag
SA MUNDO NG MGA DIWATA"Prinsipe! Saan ka pupunta?" tanong ng reyna."Sa mundo ng mga tao, ina.""Susuwayin mo talaga kami, Yulan?" galit na tanong ng hari. "Ina, ama, mahal ko si Alea.""Paano kami, Yulan?" tanong muli ng reyna."Ikaw ang susunod na magiging hari sa kahariang ito, anak. Kung gusto mo siyang makasama ay kailangan mo siyang kumbinsihin na mamuhay dito sa ating mundo. Hindi ako makakapayag na mamuhay ka sa mundo ng mga tao, Yulan," sabi ng hari."Hayaan niyo na lamang ako, ama." Tumalikod si Yulan at nagsimulang maglakad ngunit napatigil na lamang siya nang may mga kamay na yumakap sa kanya mula sa likuran. "Anak ko, huwag kang umalis," pagmamakaawa ng reyna. Umiiyak ito kaya hindi na nagpumiglas pa si Yulan. "Ina, tahan na." Hinarap niya ang ina at niyakap."Kaya ko namang mamuno sa kahariang ito, ama," biglang sabi ni Prinsesa Yolanda. "Anak, isa kang babae," sabi ng hari."A
Araw-araw ay pumupunta si Yulan sa mundo ng mga tao upang ipakita sa mag-asawang Jose at Milagros na tunay ang kanyang pagmamahal para sa anak na si Alea. Ngayon ang ika-sampung araw ng pagpunta ni Yulan sa bahay nina Alea. Palulubog na ang araw at tapos na rin si Yulan sa mga gawaing pinapagawa ni Jose sa kanya. Nagpaalam siya na aalis na upang bumalik na sa mundo ng mga diwata ngunit pinigilan siya ni Jose. "Dito ka na lang muna maghapunan, Yulan. Malapit na rin namang maluto ang pagkaing niluluto ng aking asawa.""Sige po, itay," sagot ni Yulan.Napailing na lamang si Jose sabay ngisi. "Ikaw talagang bata ka. Napapadalas na ang pagtawag mo sa akin ng itay.""Ayaw niyo po ba na itay ang itawag ko sa iyo, itay?" Natawa nang tuluyan si Jose. "Mas mabuting pumasok na tayo upang makakain na," pag-aya nito kay Yulan.Umupo si Yulan sa tabi ni Alea. "Kumain ka lang ng marami, iho," sabi ni Milagros."Masasarap ang mga 'to,
"Itay? Inay?" pagtawag ni Alea sa mga magulang."Mahal na prinsesa, halika rito sa kusina dahil kakain na," nakangiting sabi ni Iris habang nakatingin kay Alea."Tigil-tigilan mo nga ako sa kakaprinsesa mo, Iris.""Ito naman! Hindi mabiro!" sabi ni Iris at tumawa. Napahinto na lamang ito nang may mapansin sa mukha ng kaibigan. "Sandali! Umiiyak ka ba kagabi?" tanong nito nang mapansin ang namamagang mga mata ni Alea. "Halata ba?""Halatang-halata, girl!"Babalik na sana si Alea sa kanyang kwarto nang bigla siyang hinila ni Iris papunta sa kusina. "Saan ka pupunta? Huwag kang magpapalipas ng gutom. Kakain na daw sabi ng nanay mo."Nagpahila na lamang si Alea sa kaibigan. Nadatnan niyang nag-uusap si Ash at ang kanyang ina. "Inay, nasaan po si itay? tanong ni Alea sa ina na naghahanda ng pagkain."Nasa labas siya, Alea.""Nakita ko po si Yulan sa labas, 'nay. Ano po ba ang nangyayari?" kinakab
Huminto si Alea sa tapat ng kanilang bahay. "Dito ako nakatira. Ito ang aming bahay," sabi niya sabay turo sa bahay nila."Ngayon ay alam ko na kung saan kita dadalawin, Alea," sabi ni Yulan."Yulan, magpaalam ka na. Kailangan na nating bumalik sa ating mundo," wika ni Leo."Sige na, Yulan. Papasok na ako sa loob. Mag-ingat kayo pauwi.""Alea!" Napalingon kaagad si Alea nang marinig ang sigaw ng kanyang itay. Kalalabas lamang nito ng bahay. "Aba'y gabi na! Saan ka ba nanggaling? At sino ang lalaking ito?" tanong ni Jose."Itay, siya po si Yulan, kasintahan ko po.""Magandang gabi po, itay," wika ni Yulan."Anong itay? At kailan ka pa nagka nobyo, Alea? Naglilihim ka na pala sa amin ng iyong inay?""Pasensya na po, itay.""Halika na! Pumasok ka na sa bahay, Alea!" Hinila ni Jose si Alea. "At ikaw lalaki! Umuwi ka na sa inyo! Ayaw kong palihim kayong nagkikita nitong anak ko. Naiintindihan mo ba?"
Nakatitig lang si Alea sa kisame habang nakahiga sa kanyang kama. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Ash. "Tinatanong ka niya sa akin nang magkita kami, Alea. Ang sabi ko ay narito ka na sa mundo ng mga tao.""Siya nga ba talaga 'yong nakita ko sa labas ng simbahan? Naalala mo na ba ako, Yulan?" tanong niya sa isipan.Tumingin siya sa orasan at nakita niyang alas dose na pala ng gabi. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinilit ang sarili na matulog. "Alea," sambit ng isang boses. Agad na niyakap ni Alea ang babaeng tumatawag sa kanyang pangalan. "Avaleighra. Kamusta ka na?""Ayos lang ako, Alea." Inilahad ni Avaleighra sa harapan ni Alea ang isang tela. Nakaburda sa tela ang pangalan na "Alea"."Tanggapin mo, Alea. Pasensya na kung kinuha ko ito sa iyo. Ngayon ay isinasauli ko na. Alam kong napaka importante ng taong nagbigay nito sa 'yo.""Ito ang telang binigay sa 'kin ni Yulan." Malungkot na tumitig s
Nagising si Alea dahil sa katok ng pintuan ng kanyang kwarto. "Anak, gumising ka na dahil kakain na," boses ng kanyang ina. "Opo, inay. Lalabas na po."Nakapikit pa ang kanyang mga mata nang siya ay bumangon. Bumaba siya sa kama at nagpunta sa banyo upang manghilamos. Nasa isip niya pa rin ang kaibigang si Iirs. Kilala niya ang kanyang kaibigan. Alam niyang magtatanong iyon tungkol sa nangyari kagabi kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon."Anak, bilisan mo na riyan. Nakahanda na ang pagkain.""Opo, itay." Binuhos niya kaagad ang tubig na nasa tabo at pagkatapos ay pinunasan niya ang mukha gamit ang telang nakasabit sa kanyang balikat.Tahimik lamang si Alea habang kumakain. Iniisip niya pa rin ang kaibigang si Iris. "Anak, pagkatapos mong kumain ay maghanda ka na dahil magsisimba tayo.""Sige po, 'nay."Nang makarating sa simbahan ay nakita kaagad ni Alea ang maraming tao. Nilingon niya ang upuan kung saan sila unang nagkita ni Yulan. "Ano ang in