Maagang nagising si Alea. Iniisip niya kung napaginipan ba niya ang babae kagabi ngunit hindi. Bumangon na lamang siya para makapaghanda dahil may pasok siya ngayon. Friday na rin naman kaya bukas ay wala na siyang pasok.
Papunta na sana siya sa banyo nang marinig niya ang kaniyang itay at inay na nag-uusap sa kusina.
"Ano tutuloy ka ba bukas?" tanong ng kaniyang ina sa kaniyang ama.
"Oo, Milagros dahil iyon ang bilin ni tatang albularyo sa atin. Kailangan kong bumalik doon para makapaghanda at malaman ang gagawin para tuluyan na siyang hindi makalapit sa ating anak."
"Pero hindi natin alam kung nando'n pa ba si tatang albularyo, Jose! Ilang taon na ang lumipas mula nung lumipat tayo ng bahay."
"Tatlong araw nalang at mag de-debut na ang ating anak. At 'yon na din ang panahon para tuluyan nang maputol ang koneksyon niya kay Alea kaya kinakailangan ko'ng bumalik doon."
"Sana nga ay magtagumpay tayo sa ritwal na ating gagawin."
Tahimik lang na nakikinig si Alea sa kaniyang mga magulang na nag-uusap.
"Sino ang tinutukoy ni itay? Bakit ayaw niyang makalapit ito sa'kin? At bakit albularyo? Anong ritwal ang kanilang gagawin sa mismong araw ng aking kaarawan?"
Gusto niyang tanungin ito ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil alam niyang hindi siya nito sasagutin.
"Ano ang tinatago ninyo sa akin inay at itay?" sambit niya sa sarili.
Wala siyang ganang pumasok ngayon. Ang dami niyang iniisip. Ngunit napilitan na ding magbihis ng uniporme para pumasok dahil kanina pa tawag nang tawag ang kaniyang mga magulang sa labas ng kaniyang kwarto.
"Anak, bilisan mo na diyan at kanina pa nasa labas ang kaibigan mo, hinihintay ka."
"Opo inay palabas na po."
Lumabas na siya ng bahay at pumasok sa kotse ng kaibigan.
"Ba't ang tagal mo? Kanina pa kaya ako dito!" singhal kaagad ni Ash sa kanya.
"Sorry, wala akong ganang pumasok ngayon eh."
Tinitigan ni Ash ang dalaga dahil mukhang napakatamlay nito.
"Ayos lang ako huwag kang mag-alala." sabi niya sa binata dahil napansin niya sa mga mata nito ang pag-aalala
Pinaandar na ni Ash ang sasakyan at nagmaneho papuntang school.
"Okay ka lang ba talaga, Alea?"
"May bumabagabag kasi sa'kin."
"Ano naman yun?"
"Basta sa'kin nalang muna. Ahm pwede mo ba akong samahan bukas?"
"Free ako bukas. Saan ba?"
"Susundan ko si itay."
"May ibang babae ba si tito Jose?"
"Hoy, wala! Basta samahan mo nalang ako bukas."
"No problem!"
KINABUKASAN
Naka park ang sasakyan ni Ash malayo sa bahay nila Alea para hindi siya makita ng mga magulang nito. Sakto lang para makita nila kung sino ang lalabas ng bahay. Kasama niya sa sasakyan si Iris dahil nagpumilit itong sumama nang sabihin ni Alea ang balak niya ngayong araw.
"Inay, aalis muna ako. May gagawin kasi kaming project ng mga classmates ko," Pagpapaalam niya sa ina.
Alam niyang mali ang magsinungaling pero kinakailangan niyang gawin iyon para payagan siyang umalis.
"O sige mag-iingat ka. Ako nalang ang bahalang magpaalam sa iyong ama. Nasa kwarto pa kasi ito, nagbibihis."
"Inay, may lakad po ba si itay ngayon? Saan po siya pupunta, 'nay?"
"Ah diyan lang sa kaibigan niya anak. Kaarawan kasi nito at imbitado ang iyong itay."
Alam niyang nagsisinungaling ang kaniyang ina. "Ano bang tinatago ninyo sa akin inay?" tanong niya sa sarili.
Lumabas na ng bahay si Alea at pinuntahan ang mga kaibigan.
"Hoy, kanina pa kami dito ba't ang tagal mo naman?" reklamo ni Iris.
"Eh ba't ang aga niyo naman?"
"Maaga daw kasi sabi nitong kaibigan mong abno!"
"Kung makapagsalita ka namang pandak ka parang hindi mo'ko kaibigan!" sabi nito at umaaktong nagtatampo.
Natawa nalang si Alea sa mga kaibigan niyang nag-aasaran. Sa front seat umupo si Alea. Si Ash ang nagmamaneho at nasa likod naman si Iris.
"Oy lumabas na papa mo, Alea! Bilis Ash paandarin mo na baka hindi natin siya masundan!" atat pang sabi ni Iris.
"Hey, I know what to do. I'm a good stalker," sabi ni Ash sabay tawa.
"Yeah, stalker nga pala kita Ash," sabi ni Alea.
Tawa lang ang tanging naisagot ng binata kay Alea. Hindi rin naman niya maitatangging naging stalker siya nito.
Sumakay ng tricycle ang ama niyang si Jose. Sinusundan lang nila ito. Ibang sasakyan ang ginamit ni Ash ngayon para hindi sila mahalata at makilala ni Jose.
Apat na oras din ang kanilang binyahe bago huminto ang tricycle na sinasakyan ni Jose.
"Ang tahimik naman nang lugar na ito, Alea. Ano ang gagawin ng itay mo dito?" tanong ni Iris.
"I don't know."
Pumasok si Jose sa isang makipot na daan. Agad din naman nila itong sinundan.
"Wait! Okay lang ba itsura natin? Di na ba tayo makikilala ng itay mo nito, Alea?" tanong ni Iris
Naka-cap sila at face mask. Naka jacket din sila na may hood.
"Okay na siguro 'to. Tara na bilis baka hindi na natin masundan si itay!"
Tahimik lang silang naglalakad para hindi sila mapansin. Patago-tago lang sila sa mga punong kanilang madadaanan. Si Ash ang nagmamarka sa mga kahoy na kanilang nadadaanan para malaman ang daan pabalik. Nilalagyan niya ito ng mga ekis gamit ang chalk na binili niya sa tindahan kanina. Halos mga naglalakihang puno lang ang kanilang nakikita sa paligid.
Nakaramdam na sila ng pagod dahil hindi sila sanay maglakad sa mala bundok na lugar lalo na't mabato.
"Teka lang, pwedeng magpahinga muna tayo? Di ko na kasi kaya, nanginginig na ang mga tuhod ko sa sobrang pagod," bulong ni Iris kay Alea nang malapitan niya ito.
Ngunit si Alea ay pursigido pa ding masundan ang ama kahit na nakaramdam na rin siya ng pagod.
"Iris, dito ka nalang muna para makapagpahinga ka, kayo ni Ash. Ako nalang muna ang susunod kay itay."
"No, isama mo si Ash. Delikado ang lugar na ito baka maligaw ka pa Alea," sabi ni Iris sabay sulyap kay Ash na papalit na sa kanilang kinaroroonan.
"Mas hindi ako mapapanatag kung maiwan ka dito ng mag-isa. Ayokong mapahamak ka."
"Sige na sundan mo na ang itay mo. Alam kong may gusto kang malaman kaya ka nandito. Sige na iwan niyo na ako dito, okay lang ako."
"No, walang aalis at maiiwan. Magpahinga na lang muna tayo," sabi ni Alea.
Lumipas ang limang minuto at napag desisyunan na nilang magpatuloy. Tinanggal nila ang kanilang suot na mask dahil sobra na silang naiinitan. Hindi na nila nakita si Jose ngunit pinagpatuloy parin nila ang paglalakad.
Laking gulat na lamang nila nang may nakitang matandang lalaki sa unahan. Nakatayo ito at nakatingin sa kanila. Natakot man ngunit nilapitan parin nila ito upang makapagtanong.
"Maligayang pagbabalik, Mahal na Prinsipe Akillus. Nagagalak akong makita kang muli," sabi ng matanda nang sila'y makalapit. Yumuko ito sa harap ni Ash na nagpapakita ng paggalang. Sumulyap din ito kay Alea at ngumiti sa kaniya.
Kumunot ang noo ni Ash. "Kailan pa ako naging prinsipe?" tanong niya sa dalawang kaibigan.
"Manong, may camera po ba kayong dala? Mahilig po yata kayong mag-prank," singit ni Iris sabay tawa.
Ngunit ang mukha ng matanda ay seryoso pa rin. Si Ash ay nakatingin lamang sa matanda. Hindi niya naman ito kilala at ngayon lang din niya ito nakita.
Gustuhin mang tawanan ni Alea ang kaibigan ngunit mas nangingibabaw ang kaniyang pag-aalala sa ama.
"Ahm manong taga rito po ba kayo?" tanong ni Alea sa matanda.
Ngiti lang ang isinagot ng matanda.
"Manong may nakita po ba kayong lalaki na matangkad, naka pula yung shirt na dumaan dito?" tanong ulit ni Alea na ang tinutukoy ay ang kaniyang ama.
Tumango naman ang matanda.
"Saan po ba siya dumaan?" tanong ni Iris.
Itinuro ng matanda ang daang pabalik upang iparating sa kanila na papauwi na ang kanilang hinahanap.
"Manong, seryoso po ba kayo? Eh bakit hindi naman po namin siya nakasalubong?" muling tanong ni Iris.
"Pauwi na siya," sabi ng matanda.
Nang dahil sa narinig ay napagpasyahan na rin nilang bumalik na rin pauwi. Nagpaalam sila sa matanda at nagpasalamat.
"Babalik ako dito para alamin kung anong meron sa lugar na ito," sambit ni Alea sa sarili.
Paalis na sila nang biglang nagsalita ulit ang matanda. "Hanggang sa muli, Prinsipe Akillus. Hihintayin ko ang iyong pagbabalik sa lugar na ito."
Nilingon ito ni Alea. Nginitian siya ng matanda at sinabing, "Maraming salamat sa pagdala sa kaniya rito, Prinsesa Avaleighra."
Hindi nalang nila ito pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Sobrang pagod ang kanilang nararamdaman. Nakaramdam na rin sila ng gutom at pagkauhaw. Mabuti na lamang at nagbaon sila ng pagkain at tubig. Palulubog na ang araw nang sila'y makarating kung saan nakaparada ang sasakyan. "Hindi ko pa kayang mag-drive guys kasi pagod ako and almost four hours pa ang biyahe pauwi," sabi ni Ash. "Lahat naman tayo pagod kaya wala ring makapag-drive sa'tin," sabi naman ni Alea. "Inaantok ako guys, idlip muna ako saglit, ha?" sabi ni Iris sabay higa sa upuan ng sasakyan sa back seat. "O ba't tulala ka diyan? Anong iniisip mo?" tanong ni Ash kay Alea. "Iniisip ko si itay kung nakauwi na ba talaga siya. Di kasi siya ma-contact at 'di rin sinasagot ni inay ang mga tawag ko." "Gusto mo umuwi na tayo ngayon?" "Mamaya na lang, pahinga lang muna tayo." Nakatulog agad silang tatlo ng dahil sa pagod. "Alea, tulungan mo ako! Alea, anak!" Siga
Nagising si Alea dahil sa ingay ng kaniyang pinto. Kumakatok kasi ang kaniyang ina para gisingin sila para pakainin."Anak! Gumising na kayo at kakain na!""Opo inay! Palabas na po!"Nagising na rin naman ang kaniyang mga kaibigan. Ayaw pa sanang bumangon ni Ash ngunit pinilit ito ni Alea at hinila patayo.Nasa hapag na sila at tahimik lamang na kumakain nang biglang nagtanong ang ama ni Alea."Bakit nga pala kayo napunta roon anak?"Biglang nabulunan si Alea dahil sa tanong ng kaniyang itay at tumingin sa mga kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot. Inabutan din naman kaagad siya ng tubig ng kaniyang ina."Ahm ano kasi tito ihahatid ko na sana si Alea nang nakita kami nung driver ng tricycle na sinasakyan mo at nagtanong kay Alea kung tumawag ka ba sa kaniya. So ayun nalaman namin na umalis ka at hindi pa bumabalik kaya nag-alala si Alea at gustong sumama para hanapin ka. Ayaw rin naman namin siyang iwan
Walang ibang magawa si Alea kundi ang pagmasdan lamang niya ang mga ito."Malapit na Milagros! Sige iri pa!" rinig niyang sabi ng matandang nagpapaanak sa kaniyang ina."Uhaa! Uhaa!" Iyak ng bata pagkalabas nito sa sinapupunan.Napangiti si Alea habang pinagmamasdan ang sanggol."Narinig mo ba iyon tiya lourdes? May narinig kasi akong iyak ng bata sa labas. Teka lang at titingnan ko muna," rinig niyang sabi ng kaniyang ama.Lalabas na sana ang kaniyang ama nang pinigilan ito ng matanda.Gusto niyang malaman kung ano ang meron sa labas kaya siya na ang lumabas.Pagkalabas niya ay nakita niya ang isang malaking punong-kahoy na nasa gilid ng bahay. Nagtataka siya dahil dito nagmumula ang naririnig niyang iyak ng bata. Napakaliwanag nito dahil napapalibutan ito ng mga alitaptap. Pamilyar sa kaniya ang lugar. Naaalala niya ang kaniyang panaginip."Ito yung lugar sa aking panaginip. Ito yung lugar kung saan palagi kong na
Unti-unting minulat ni Alea ang kaniyang mga mata. Naaalala niya na hinigop siya ng isang malakas na hangin. Hindi niya alam kung saang lugar na naman siya napadpad. Lumingon siya sa kaniyang paligid at nakita niya ang kaniyang ina sa kaniyang gilid na nakaupo at natutulog. Hawak nito ang kaniyang kanang kamay."Inay?" pagtawag niya sa kaniyang ina.Kaagad din namang nagising si Milagros at labis na natutuwa dahil gising na ang anak."Anak mabuti't gising ka na! Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Magsabi ka lang anak," pag-usisa pa nito."Okay lang po ako, inay."Napaluha si Alea sa labis na kasiyahan dahil nakikita, nahahawakan at naririnig na siya ng kaniyang ina.Tumulo ang luha sa mga mata ni Milagros. Magkahalong lungkot at saya ang kaniyang nararamdaman."Inay nasa'n po ba ako?""Nasa ospital ka anak. Nasagasaan ka ng isang sasakyan mabuti na lamang at hindi daw malubha ang iyong lagay."
Pinuntahan ni Alea ang tricycle driver na naghatid noon sa kaniyang ama sa lugar na dati nilang tinitirhan para magpahatid din doon."Naku iha pasensya na hindi kita mahahatid kasi mag-gagabi na, baka mapahamak ka pa do'n.""Sige na po manong, kailangan ko lang pong mahanap ang aking itay parang awa niyo na po."Nagpumilit si Alea kaya napilitan na rin itong ihatid ang dalaga.Mag-aalas nuwebe na nang silay makarating sa lugar. Madilim na rin ang paligid at tanging ang liwanag lamang ng tricycle ang nagbibigay liwanag sa paligid."Iha, hindi kita masasamahan sa paghahanap sa iyong ama dahil kinakailangan ko nang umuwi. Tawagan mo na lang ako kung nahanap mo na ang itay mo para masundo ko kayo rito.""Sige po manong, maraming salamat po sa paghatid."Umalis na ang tricycle na sinasakyan niya at nag-uumpisa na rin siyang makaramdam ng takot. Tanging ang phone niya lang ang ginagamit niyang pang-ilaw.Tumingin siya sa langit
Tumayo si Alea at hinarap ang lalaki. Hanggang balikat lang siya nito dahil matangkad ito. Napakapormal din ng kasuotan nito. "Teka, bakit ka nandito?" tanong ni Alea sa lalaking nasa kaniyang harapan. "Dahil iniimbitahan ako na dumalo dito," kalmadong sagot nito. Nalukot ang mukha ni Alea. Siguradong-sigurado siya na ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang lalaking nakita niya sa harap ng simbahan. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa naisip. "Hindi ka tao?" "Ano sa palagay mo." "Sumagot ka naman ng maayos, mister!" "Ano ang pangalan mo?" biglang tanong ng lalaki. "Oy interested ka yata sa'kin? Sorry pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo." Magsasalita pa sana ang lalaki nang biglang may tumawag sa kaniya. "Prinsipe Yulan!" tawag ng lalaki na nasa likod ni Alea at lumapit ito sa kanila. Naalarma naman kaagad si Alea nang mapagtanto na hindi na niya suot ang telang pantak
Nang makarating sa lugar ay nasaksihan ni Alea na napakarami pala ng mga bilanggo sa lugar na iyon."Pumunta ka lang sa pinakadulo, Alea. Bibigyan ko kayo ng oras para makapag-usap."Narating niya ang pinakadulo at nakita niya ang kaniyang itay. Naawa si Alea sa kalagayan nito. Nakayuko ito habang nakahiga sa lupa at walang kumot o unan."Itay?" pagtawag niya sa ama. Tinanggal niya ang telang tumatakip sa kaniyang mukha para makita siya ng ama.Gusto man niyang pigilan ang kaniyang mga luha ngunit kusa na lamang itong tumulo at nag-uunahan sa pag-agos sa kaniyang pisngi.Agad din naman itong nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ng anak. Nang makita niya ito ay agad siyang bumangon at lumapit.Gusto mang yakapin ni Alea ang kaniyang itay ngunit hindi niya magawa dahil sa rehas na nakaharang sa pagitan nilang dalawa."Anak? Anong ginagawa mo rito?" tanong ng kaniyang ama. Hinawakan nito ang mga kamay ng anak na n
Saan ka galing, Alea?" tanong kaagad ni Avaleighra nang makita si Alea na tumatakbo papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Ang liwanag ay inaagaw na ng dilim dahil magagabi na.Nakatayo lamang si Avaleighra sa gilid ng malaking bato kung saan niya nakita si Alea noong gabi ng pagdiriwang."Namamasyal lang sa kagubatan Prinsesa Avaleighra," sagot niya at pilit itinatago ang kabang nararamdaman."At umalis ka na walang takip ang iyong mukha? Kung may makakita sa'yo rito at malaman ang tunay mong pagkatao ay tiyak na ikaw ay ikukulong kagaya ng iyong ama!""Hindi man ako nakakulong sa lugar na kung saan nakulong ang aking itay ngunit habang ako'y hindi makakaalis sa lugar na ito ay para na rin akong bilanggo, Avaleighra!" sabi niya at naramdamang may luhang tumulo galing sa kaniyang mga mata."May kasunduan tayo, Alea! Alam mo na kung ano ang mangyayari kung hindi ka tutupad sa kasunduan.""Ikaw ba ang nagkulong sa aking itay Avaleighra? Ika