Nagising si Alea dahil sa ingay ng kaniyang pinto. Kumakatok kasi ang kaniyang ina para gisingin sila para pakainin.
"Anak! Gumising na kayo at kakain na!"
"Opo inay! Palabas na po!"
Nagising na rin naman ang kaniyang mga kaibigan. Ayaw pa sanang bumangon ni Ash ngunit pinilit ito ni Alea at hinila patayo.
Nasa hapag na sila at tahimik lamang na kumakain nang biglang nagtanong ang ama ni Alea.
"Bakit nga pala kayo napunta roon anak?"
Biglang nabulunan si Alea dahil sa tanong ng kaniyang itay at tumingin sa mga kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot. Inabutan din naman kaagad siya ng tubig ng kaniyang ina.
"Ahm ano kasi tito ihahatid ko na sana si Alea nang nakita kami nung driver ng tricycle na sinasakyan mo at nagtanong kay Alea kung tumawag ka ba sa kaniya. So ayun nalaman namin na umalis ka at hindi pa bumabalik kaya nag-alala si Alea at gustong sumama para hanapin ka. Ayaw rin naman namin siyang iwan kaya sumama na rin kami," pagpapaliwanag ni Ash.
"At humiwalay po ako sa kanila itay nang hindi nila nalalaman at pumasok do'n sa makipot na daan kaya po ako napadpad sa lugar na iyon at nakita ka po," dagdag ni Alea.
"Kahit na anong mangyari huwag na huwag ka nang babalik do'n Alea. Dilikado ang lugar na iyon!" sabi ng kaniyang ama.
"Bakit po ba kayo nagpunta do'n itay?"
Nagkatinginan ang mag-asawa. Nag-aabang si Alea ng sagot ngunit wala siyang narinig mula rito.
"Ahm anak kumain ka pa. Ano gusto mo pa ba ng kanin?" pag-iiba ng kaniyang ina sa usapan.
Hindi na lang siya nagtanong pa at nagpatuloy na lang sa pag kain.
Umuwi na ang kaniyang mga kaibigan. Linggo pa naman kaya wala silang pasok. Gusto niyang maglakad lakad muna kaya nagpaalam siya sa kaniyang inay na lalabas muna saglit at pinayagan naman siya nito.
Natagpuan niya ang kaniyang sarili sa may simbahan. Katatapos lang ng simba at naglalabasan na ang mga tao. Umupo siya sa bench na nasa gilid.
Malalim ang kaniyang iniisip kaya hindi niya namalayang may tumabi sa kaniya. Hindi rin naman ito kumikibo. Pareho lang silang tahimik at nagmamasid masid sa paligid.
Lumipas ang dalawang minuto at napagpasyahan niya namang maglakad lakad ulit. Hindi niya alam na may balat sa saging at kaniya itong naapakan kaya nadulas siya. Babagsak na sana siya sa lupa ngunit may sumalo sa kaniya. Napakapit siya dito at nagkatitigan sa mata. Hindi niya maiwasan ang paghanga sa itsura nito nang makita.
"Sa susunod tao, huwag kang lalampa lampa. Hindi sa lahat ng oras may magliligtas sa'yo," sabi ng lalaki.
Umayos din naman ng tayo si Alea at hinarap ang lalaki.
"Pasensya na TAO lang po!" sagot niya. Diniinan niya talaga ang salitang tao. "Pwede naman sanang miss ang itawag diba?" bulong niya sa kaniyang isipan.
"Alis ka na tao, labis mo na akong naistorbo dito," sabi ng lalaki na nakatingin lang sa kawalan.
Hindi nagustuhan ni Alea ang narinig. Kumulo agad ang kaniyang dugo rito.
"Hoy lalaki! hindi mo pag-aari ang lugar na ito kaya wala kang karapatang paalisin ako dito!"
"Hay ang ingay mo naman! Sige na nga ako nalang ang aalis," sabi nito sabay alis papalayo sa kaniya.
Naiinis siya sa lalaki ngunit hindi niya na lang ito pinansin at umalis na rin sa lugar na iyon.
Agad na tinawagan ni Alea ang kaibigang si Iris para i-kwento ang inis niya sa lalaki.
"Easy ka lang girl! huwag kang high blood! Ano gwapo bah?" sabi ng kaibigan sa kabilang linya.
"Alam mo gwapo sana eh kaso di ko type ang ugali."
"Oy crush mo pala eh. Baka na inis ka lang dahil walang crush back na nangyari."
"Oy Hindi no!"
Tinawanan lang siya ng kaibigan. Napagtanto rin naman niyang hindi siya nakapagpasalamat sa lalaki kaya wala rin siyang karapatang magalit dito.
Nasa gilid siya ng kalsada at naghihintay na mag "go signal" na pwede nang tumawid ang mga tao ngunit na alarma siya sa nakita.
"Alea nandiyan ka pa ba? Hello?"
Hindi niya na nasagot ang kaibigan at dali-daling tumakbo papunta sa babaeng tumatawid na parang walang pakialam kung masagasaan man. Ang babaeng gusto niyang iligtas ay ang babae sa kaniyang panaginip na kamukhang-kamukha niya. Gusto niya itong iligtas ngunit hindi niya nagawa dahil sabay silang nasagasaan at humandusay sa lupa.
"Nasaan ako? Bakit ang dilim?"
Nagtataka si Alea kung paano siya napunta sa lugar na iyon. Wala siyang ibang makita sa sobrang dilim ng paligid.
Naaalala niya na tumakbo siya palapit sa babaeng tumawid sa kalsada para ito'y iligtas ngunit siya ay nabunggo at ang babae.
Napatakip si Alea sa kaniyang bibig.
"Patay na ba ako? Pero ba't ang dilim? Wala ba ako sa langit?" tanong niya sa sarili."Lord patawarin mo po ako, alam ko pong masama ang magsinungaling pero ginawa ko pa rin kaya sorry na po talaga. Sana po huwag niyo po akong hayaan dito Lord please po." Taimtim niyang dalangin sabay tingin sa itaas.
Maiiyak na sana siya ngunit may nakita siyang liwanag papalapit sa kaniya.
"Sinusundo mo na ba ako Lord?" tanong niya.
Nang makalapit ay napansin niyang tumatakbo ang may dala ng liwanag. Akala niya ay hihinto ito ngunit nilampasan lamang siya. Hinabol din naman niya ito at sinundan kung saan pupunta.
Nakita niyang huminto ito sa isang kubo at pumasok. Lumabas ito ng may kasama at dali-daling naglakad pabalik sa pinanggalingan. Sinalubong niya ang mga ito at nagulat na lamang ng makilala ang taong kaniyang sinusundan.
"Itay?"
Hahawakan niya sana ito sa braso ngunit hindi niya ito mahawakan.
"Itay! Itay!" tawag niya sa kaniyang ama ngunit hindi man lang siya nito nilingon.
"Itay! Naririnig mo po ba ako? Itay sa'n ka pupunta? Itay!"
Sinundan niya ang mga ito. Tawag siya nang tawag ngunit hindi man lang ito sumasagot.
Nakarating sila sa isang kubo at pumasok doon ang kaniyang ama pati na rin ang kasama nitong matanda. Agad din naman siyang pumasok at laking gulat niya nang makita ang kaniyang ina na nagtitiis sa sakit dahil manganganak na.
"Inay?"
Pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Nais man niyang ito ay yakapin ngunit hindi niya magawa.
"Inay? Itay?" muli niyang pagtawag ngunit hindi man lang siya pinapansin ng mga ito.
"Nasaan ba ako?"
Walang ibang magawa si Alea kundi ang pagmasdan lamang niya ang mga ito."Malapit na Milagros! Sige iri pa!" rinig niyang sabi ng matandang nagpapaanak sa kaniyang ina."Uhaa! Uhaa!" Iyak ng bata pagkalabas nito sa sinapupunan.Napangiti si Alea habang pinagmamasdan ang sanggol."Narinig mo ba iyon tiya lourdes? May narinig kasi akong iyak ng bata sa labas. Teka lang at titingnan ko muna," rinig niyang sabi ng kaniyang ama.Lalabas na sana ang kaniyang ama nang pinigilan ito ng matanda.Gusto niyang malaman kung ano ang meron sa labas kaya siya na ang lumabas.Pagkalabas niya ay nakita niya ang isang malaking punong-kahoy na nasa gilid ng bahay. Nagtataka siya dahil dito nagmumula ang naririnig niyang iyak ng bata. Napakaliwanag nito dahil napapalibutan ito ng mga alitaptap. Pamilyar sa kaniya ang lugar. Naaalala niya ang kaniyang panaginip."Ito yung lugar sa aking panaginip. Ito yung lugar kung saan palagi kong na
Unti-unting minulat ni Alea ang kaniyang mga mata. Naaalala niya na hinigop siya ng isang malakas na hangin. Hindi niya alam kung saang lugar na naman siya napadpad. Lumingon siya sa kaniyang paligid at nakita niya ang kaniyang ina sa kaniyang gilid na nakaupo at natutulog. Hawak nito ang kaniyang kanang kamay."Inay?" pagtawag niya sa kaniyang ina.Kaagad din namang nagising si Milagros at labis na natutuwa dahil gising na ang anak."Anak mabuti't gising ka na! Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Magsabi ka lang anak," pag-usisa pa nito."Okay lang po ako, inay."Napaluha si Alea sa labis na kasiyahan dahil nakikita, nahahawakan at naririnig na siya ng kaniyang ina.Tumulo ang luha sa mga mata ni Milagros. Magkahalong lungkot at saya ang kaniyang nararamdaman."Inay nasa'n po ba ako?""Nasa ospital ka anak. Nasagasaan ka ng isang sasakyan mabuti na lamang at hindi daw malubha ang iyong lagay."
Pinuntahan ni Alea ang tricycle driver na naghatid noon sa kaniyang ama sa lugar na dati nilang tinitirhan para magpahatid din doon."Naku iha pasensya na hindi kita mahahatid kasi mag-gagabi na, baka mapahamak ka pa do'n.""Sige na po manong, kailangan ko lang pong mahanap ang aking itay parang awa niyo na po."Nagpumilit si Alea kaya napilitan na rin itong ihatid ang dalaga.Mag-aalas nuwebe na nang silay makarating sa lugar. Madilim na rin ang paligid at tanging ang liwanag lamang ng tricycle ang nagbibigay liwanag sa paligid."Iha, hindi kita masasamahan sa paghahanap sa iyong ama dahil kinakailangan ko nang umuwi. Tawagan mo na lang ako kung nahanap mo na ang itay mo para masundo ko kayo rito.""Sige po manong, maraming salamat po sa paghatid."Umalis na ang tricycle na sinasakyan niya at nag-uumpisa na rin siyang makaramdam ng takot. Tanging ang phone niya lang ang ginagamit niyang pang-ilaw.Tumingin siya sa langit
Tumayo si Alea at hinarap ang lalaki. Hanggang balikat lang siya nito dahil matangkad ito. Napakapormal din ng kasuotan nito. "Teka, bakit ka nandito?" tanong ni Alea sa lalaking nasa kaniyang harapan. "Dahil iniimbitahan ako na dumalo dito," kalmadong sagot nito. Nalukot ang mukha ni Alea. Siguradong-sigurado siya na ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang lalaking nakita niya sa harap ng simbahan. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa naisip. "Hindi ka tao?" "Ano sa palagay mo." "Sumagot ka naman ng maayos, mister!" "Ano ang pangalan mo?" biglang tanong ng lalaki. "Oy interested ka yata sa'kin? Sorry pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo." Magsasalita pa sana ang lalaki nang biglang may tumawag sa kaniya. "Prinsipe Yulan!" tawag ng lalaki na nasa likod ni Alea at lumapit ito sa kanila. Naalarma naman kaagad si Alea nang mapagtanto na hindi na niya suot ang telang pantak
Nang makarating sa lugar ay nasaksihan ni Alea na napakarami pala ng mga bilanggo sa lugar na iyon."Pumunta ka lang sa pinakadulo, Alea. Bibigyan ko kayo ng oras para makapag-usap."Narating niya ang pinakadulo at nakita niya ang kaniyang itay. Naawa si Alea sa kalagayan nito. Nakayuko ito habang nakahiga sa lupa at walang kumot o unan."Itay?" pagtawag niya sa ama. Tinanggal niya ang telang tumatakip sa kaniyang mukha para makita siya ng ama.Gusto man niyang pigilan ang kaniyang mga luha ngunit kusa na lamang itong tumulo at nag-uunahan sa pag-agos sa kaniyang pisngi.Agad din naman itong nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ng anak. Nang makita niya ito ay agad siyang bumangon at lumapit.Gusto mang yakapin ni Alea ang kaniyang itay ngunit hindi niya magawa dahil sa rehas na nakaharang sa pagitan nilang dalawa."Anak? Anong ginagawa mo rito?" tanong ng kaniyang ama. Hinawakan nito ang mga kamay ng anak na n
Saan ka galing, Alea?" tanong kaagad ni Avaleighra nang makita si Alea na tumatakbo papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Ang liwanag ay inaagaw na ng dilim dahil magagabi na.Nakatayo lamang si Avaleighra sa gilid ng malaking bato kung saan niya nakita si Alea noong gabi ng pagdiriwang."Namamasyal lang sa kagubatan Prinsesa Avaleighra," sagot niya at pilit itinatago ang kabang nararamdaman."At umalis ka na walang takip ang iyong mukha? Kung may makakita sa'yo rito at malaman ang tunay mong pagkatao ay tiyak na ikaw ay ikukulong kagaya ng iyong ama!""Hindi man ako nakakulong sa lugar na kung saan nakulong ang aking itay ngunit habang ako'y hindi makakaalis sa lugar na ito ay para na rin akong bilanggo, Avaleighra!" sabi niya at naramdamang may luhang tumulo galing sa kaniyang mga mata."May kasunduan tayo, Alea! Alam mo na kung ano ang mangyayari kung hindi ka tutupad sa kasunduan.""Ikaw ba ang nagkulong sa aking itay Avaleighra? Ika
Agad na tinanggal ni Alea ang tali nang makita ang mukha ng lalaki. "Itay, anong nangyari sa'yo?""Alea, ano ang iyong ginagawa? Kapag nagising iyan ay tiyak na ikaw ay sasaktan! Kaya itali mo na siya muli, Alea!" nag-aalalang sabi ng ibon ngunit hindi nakinig si Alea sa sinasabi nito. Labis siyang nababahala kung ano ang nangyari sa ama."Hindi, Prexius. Siya ay ang aking itay!""Alea, hindi iyan ang iyong ama. Hindi ka nga man lang niya nakilala at muntik ka na nga niyang saktan!""Pero kamukha niya si itay!""Pakiramdaman mo ang iyong puso, Alea. Siya ba talaga ang iyong ama?""Hindi ko naramdaman na siya ang aking itay, Prexius. Pero nangangamba ako na baka nasa ilalim lang siya ng black magic!""Ano ang ibig mong sabihin, Alea?""Baka nasa ilalim ng itim na kapangyarihan ang aking itay, Prexius. Iyan ang napapanuod ko sa telebisyon."Gumalaw ang ulo ng lalaking kamukha ng itay
Nagising si Alea at nakita si Avaleighra sa kama nito na mahimbing na natutulog. Tahimik na bumangon si Alea at nagtungo sa beranda ng kwarto ng prinsesa. Madilim pa ang paligid at ramdam niya ang lamig ng hangin. Nakatayo lang siya at nakatunganga sa kawalan, hinihintay ang pagsikat ng araw. Niyakap niya ang kaniyang sarili nang umihip ang napakalamig na hangin."Alea." Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses na tumatawag sa kaniyang pangalan. "Prexius?" Nakadapo lang ito sa may bintana ng kwarto at sa tabi nito ay may puti na tela. Kinuha ito ng ibon gamit ang kaniyang paa at lumipad papunta kay Alea at dumapo sa balikat nito."Para sa'yo, Alea. Pinabibigay iyan ni Prinsipe Yulan." Kinuha ni Alea ang tela na dala nito. Sa gilid nito ay nakaburda ang kaniyang pangalan. "Alea," pagbasa niya. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Ngayon lamang niya naramdaman kung gaano ka-espesyal at kaganda ang kaniyang ngalan."Maaari mo iyang gamitin upang t