Walang ibang magawa si Alea kundi ang pagmasdan lamang niya ang mga ito.
"Malapit na Milagros! Sige iri pa!" rinig niyang sabi ng matandang nagpapaanak sa kaniyang ina.
"Uhaa! Uhaa!" Iyak ng bata pagkalabas nito sa sinapupunan.
Napangiti si Alea habang pinagmamasdan ang sanggol.
"Narinig mo ba iyon tiya lourdes? May narinig kasi akong iyak ng bata sa labas. Teka lang at titingnan ko muna," rinig niyang sabi ng kaniyang ama.
Lalabas na sana ang kaniyang ama nang pinigilan ito ng matanda.
Gusto niyang malaman kung ano ang meron sa labas kaya siya na ang lumabas.
Pagkalabas niya ay nakita niya ang isang malaking punong-kahoy na nasa gilid ng bahay. Nagtataka siya dahil dito nagmumula ang naririnig niyang iyak ng bata. Napakaliwanag nito dahil napapalibutan ito ng mga alitaptap. Pamilyar sa kaniya ang lugar. Naaalala niya ang kaniyang panaginip.
"Ito yung lugar sa aking panaginip. Ito yung lugar kung saan palagi kong na
Unti-unting minulat ni Alea ang kaniyang mga mata. Naaalala niya na hinigop siya ng isang malakas na hangin. Hindi niya alam kung saang lugar na naman siya napadpad. Lumingon siya sa kaniyang paligid at nakita niya ang kaniyang ina sa kaniyang gilid na nakaupo at natutulog. Hawak nito ang kaniyang kanang kamay."Inay?" pagtawag niya sa kaniyang ina.Kaagad din namang nagising si Milagros at labis na natutuwa dahil gising na ang anak."Anak mabuti't gising ka na! Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Magsabi ka lang anak," pag-usisa pa nito."Okay lang po ako, inay."Napaluha si Alea sa labis na kasiyahan dahil nakikita, nahahawakan at naririnig na siya ng kaniyang ina.Tumulo ang luha sa mga mata ni Milagros. Magkahalong lungkot at saya ang kaniyang nararamdaman."Inay nasa'n po ba ako?""Nasa ospital ka anak. Nasagasaan ka ng isang sasakyan mabuti na lamang at hindi daw malubha ang iyong lagay."
Pinuntahan ni Alea ang tricycle driver na naghatid noon sa kaniyang ama sa lugar na dati nilang tinitirhan para magpahatid din doon."Naku iha pasensya na hindi kita mahahatid kasi mag-gagabi na, baka mapahamak ka pa do'n.""Sige na po manong, kailangan ko lang pong mahanap ang aking itay parang awa niyo na po."Nagpumilit si Alea kaya napilitan na rin itong ihatid ang dalaga.Mag-aalas nuwebe na nang silay makarating sa lugar. Madilim na rin ang paligid at tanging ang liwanag lamang ng tricycle ang nagbibigay liwanag sa paligid."Iha, hindi kita masasamahan sa paghahanap sa iyong ama dahil kinakailangan ko nang umuwi. Tawagan mo na lang ako kung nahanap mo na ang itay mo para masundo ko kayo rito.""Sige po manong, maraming salamat po sa paghatid."Umalis na ang tricycle na sinasakyan niya at nag-uumpisa na rin siyang makaramdam ng takot. Tanging ang phone niya lang ang ginagamit niyang pang-ilaw.Tumingin siya sa langit
Tumayo si Alea at hinarap ang lalaki. Hanggang balikat lang siya nito dahil matangkad ito. Napakapormal din ng kasuotan nito. "Teka, bakit ka nandito?" tanong ni Alea sa lalaking nasa kaniyang harapan. "Dahil iniimbitahan ako na dumalo dito," kalmadong sagot nito. Nalukot ang mukha ni Alea. Siguradong-sigurado siya na ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang lalaking nakita niya sa harap ng simbahan. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa naisip. "Hindi ka tao?" "Ano sa palagay mo." "Sumagot ka naman ng maayos, mister!" "Ano ang pangalan mo?" biglang tanong ng lalaki. "Oy interested ka yata sa'kin? Sorry pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo." Magsasalita pa sana ang lalaki nang biglang may tumawag sa kaniya. "Prinsipe Yulan!" tawag ng lalaki na nasa likod ni Alea at lumapit ito sa kanila. Naalarma naman kaagad si Alea nang mapagtanto na hindi na niya suot ang telang pantak
Nang makarating sa lugar ay nasaksihan ni Alea na napakarami pala ng mga bilanggo sa lugar na iyon."Pumunta ka lang sa pinakadulo, Alea. Bibigyan ko kayo ng oras para makapag-usap."Narating niya ang pinakadulo at nakita niya ang kaniyang itay. Naawa si Alea sa kalagayan nito. Nakayuko ito habang nakahiga sa lupa at walang kumot o unan."Itay?" pagtawag niya sa ama. Tinanggal niya ang telang tumatakip sa kaniyang mukha para makita siya ng ama.Gusto man niyang pigilan ang kaniyang mga luha ngunit kusa na lamang itong tumulo at nag-uunahan sa pag-agos sa kaniyang pisngi.Agad din naman itong nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ng anak. Nang makita niya ito ay agad siyang bumangon at lumapit.Gusto mang yakapin ni Alea ang kaniyang itay ngunit hindi niya magawa dahil sa rehas na nakaharang sa pagitan nilang dalawa."Anak? Anong ginagawa mo rito?" tanong ng kaniyang ama. Hinawakan nito ang mga kamay ng anak na n
Saan ka galing, Alea?" tanong kaagad ni Avaleighra nang makita si Alea na tumatakbo papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Ang liwanag ay inaagaw na ng dilim dahil magagabi na.Nakatayo lamang si Avaleighra sa gilid ng malaking bato kung saan niya nakita si Alea noong gabi ng pagdiriwang."Namamasyal lang sa kagubatan Prinsesa Avaleighra," sagot niya at pilit itinatago ang kabang nararamdaman."At umalis ka na walang takip ang iyong mukha? Kung may makakita sa'yo rito at malaman ang tunay mong pagkatao ay tiyak na ikaw ay ikukulong kagaya ng iyong ama!""Hindi man ako nakakulong sa lugar na kung saan nakulong ang aking itay ngunit habang ako'y hindi makakaalis sa lugar na ito ay para na rin akong bilanggo, Avaleighra!" sabi niya at naramdamang may luhang tumulo galing sa kaniyang mga mata."May kasunduan tayo, Alea! Alam mo na kung ano ang mangyayari kung hindi ka tutupad sa kasunduan.""Ikaw ba ang nagkulong sa aking itay Avaleighra? Ika
Agad na tinanggal ni Alea ang tali nang makita ang mukha ng lalaki. "Itay, anong nangyari sa'yo?""Alea, ano ang iyong ginagawa? Kapag nagising iyan ay tiyak na ikaw ay sasaktan! Kaya itali mo na siya muli, Alea!" nag-aalalang sabi ng ibon ngunit hindi nakinig si Alea sa sinasabi nito. Labis siyang nababahala kung ano ang nangyari sa ama."Hindi, Prexius. Siya ay ang aking itay!""Alea, hindi iyan ang iyong ama. Hindi ka nga man lang niya nakilala at muntik ka na nga niyang saktan!""Pero kamukha niya si itay!""Pakiramdaman mo ang iyong puso, Alea. Siya ba talaga ang iyong ama?""Hindi ko naramdaman na siya ang aking itay, Prexius. Pero nangangamba ako na baka nasa ilalim lang siya ng black magic!""Ano ang ibig mong sabihin, Alea?""Baka nasa ilalim ng itim na kapangyarihan ang aking itay, Prexius. Iyan ang napapanuod ko sa telebisyon."Gumalaw ang ulo ng lalaking kamukha ng itay
Nagising si Alea at nakita si Avaleighra sa kama nito na mahimbing na natutulog. Tahimik na bumangon si Alea at nagtungo sa beranda ng kwarto ng prinsesa. Madilim pa ang paligid at ramdam niya ang lamig ng hangin. Nakatayo lang siya at nakatunganga sa kawalan, hinihintay ang pagsikat ng araw. Niyakap niya ang kaniyang sarili nang umihip ang napakalamig na hangin."Alea." Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses na tumatawag sa kaniyang pangalan. "Prexius?" Nakadapo lang ito sa may bintana ng kwarto at sa tabi nito ay may puti na tela. Kinuha ito ng ibon gamit ang kaniyang paa at lumipad papunta kay Alea at dumapo sa balikat nito."Para sa'yo, Alea. Pinabibigay iyan ni Prinsipe Yulan." Kinuha ni Alea ang tela na dala nito. Sa gilid nito ay nakaburda ang kaniyang pangalan. "Alea," pagbasa niya. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Ngayon lamang niya naramdaman kung gaano ka-espesyal at kaganda ang kaniyang ngalan."Maaari mo iyang gamitin upang t
Nang makalabas ay nagpalinga-linga si Alea sa paligid. Hindi niya alam kung saan siya tutungo para maghanap ng mga prutas na mapipitas at tubig na makukuha. Nilingon niya ang isang kawal at sinabihang, "Maaari mo ba akong tulungang kumuha ng prutas na makakain at tubig na maiinom?"Pumayag naman ito at agad na naglakad. Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa isang napakalinaw na lawa."Mahal na prinsesa, dito ka na lamang at ako na ang magpapatuloy upang mamitas ng prutas na makakain." Binigyan siya nito ng bote na kulay ginto. "Gamitin mo ito upang makakuha ka ng tubig na maiinom, mahal na prinsesa."Tinanggap niya ito at agad na kumuha ng tubig sa lawa at uminom din doon.Umupo siya sa bato na nasa gilid ng lawa habang hinihintay ang kawal na bumalik.Nakita niya ang isang may edad na babae na papalapit sa kaniyang kinaroroonan at may dala itong banga. Kumuha rin ito ng tubig mula sa lawa."Manang, saan niyo po 'yan d