Nang makalabas ay nagpalinga-linga si Alea sa paligid. Hindi niya alam kung saan siya tutungo para maghanap ng mga prutas na mapipitas at tubig na makukuha. Nilingon niya ang isang kawal at sinabihang, "Maaari mo ba akong tulungang kumuha ng prutas na makakain at tubig na maiinom?"
Pumayag naman ito at agad na naglakad. Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa isang napakalinaw na lawa.
"Mahal na prinsesa, dito ka na lamang at ako na ang magpapatuloy upang mamitas ng prutas na makakain." Binigyan siya nito ng bote na kulay ginto. "Gamitin mo ito upang makakuha ka ng tubig na maiinom, mahal na prinsesa."
Tinanggap niya ito at agad na kumuha ng tubig sa lawa at uminom din doon.
Umupo siya sa bato na nasa gilid ng lawa habang hinihintay ang kawal na bumalik.
Nakita niya ang isang may edad na babae na papalapit sa kaniyang kinaroroonan at may dala itong banga. Kumuha rin ito ng tubig mula sa lawa.
"Manang, saan niyo po 'yan d
Bumalik sila sa palasyo pagkatapos makakuha ng tubig sa lawa. Nababahala si Alea dahil hindi niya maaaring isama ang kaibigan. Natatakot siya na makita ito ng prinsesa dahil baka gawin itong bihag at hindi na kailanman makabalik pa sa mundo nila. Kaya nagpresinta si Isabel na isasama niya si Iris. Pinagbihis nila ito ng kasuotan kagaya ng kay Isabel. Isang simpleng damit na lagpas tuhod ang taas."Alam mo ba kung nasaan ang lagusan para makabalik sa mundo natin, Manang Isabel?""Hindi ko alam, iha. Pero may nakapunta na doon. Isa sa mga kasamahan ko, si Nestor. Pero hindi ito nakalabas. Sinabi niya sa amin ang dahilan kaya hindi na rin namin sinubukan pang magtungo roon at baka kami pa ay mahuli ng mga kawal at maparusahan."Maaari ko po ba siyang makita bukas? Pakisabi nalang po sa kaniya, maghihintay ako sa hardin. Doon na lang po tayo magkita. Bago pa sumikat ang araw bukas ay naroon na ako.""Wait, Alea. Hindi ko gets. Required ba talaga na gani
Hinatid ni Alea si Iris kasama si Nestor sa kinaroroonan ni Isabel."Alea, hindi mo ba napansin na kamukha siya ng tatay mo?" tanong ni Iris na ang tinutukoy ay si Nestor. "Akala ko talaga si tito Jose siya nang makita ko siya kanina," dugtong pa nito."Akala ko nga rin eh. Pero mukhang mas matanda naman siya ng konti kay itay kung pagmasdan mo ng mabuti.""Tao rin siya, hindi ba? Baka magkadugo talaga kayo niyan, Alea. Hindi mo alam, lolo mo pala 'yan."Agad silang sinalubong ni Isabel ng makita sila. "Anong nangyari? Hindi rin ba siya makalabas?""Hindi manang Isabel. Ayaw ko lang po talagang iwan 'tong kaibigan ko rito. Hindi niyo rin naman kasi sinabi kaagad kung saan tayo pupunta. Kaya dito muna ako sa'yo manang Isabel ha? Promise tutulong po ako sa mga gawain. Hindi po ako magiging pabigat po sa inyo."Tumutulong si Iris sa mga gawain kagaya ng ginagawa ng ibang mga alipin. Nang makita ni Alea na maayos naman ang ka
Abala na ang nasa paligid, naghahanda para sa gagawing salu-salo mamaya. Darating ang mga namumuno sa iba't-ibang kaharian lalong-lalo na ang prinsipe na napagkasunduang ipapakasal kay Prinsesa Avaleighra. Iniimbitahan kasi ang mga ito ng hari para masaksihan ng karamihan ang unang pagtatagpo ng dalawa."Handa ka na ba, Alea?""Kinakabahan ako, Avaleighra."Hinawakan ng prinsesa ang mga kamay ni Alea. "Huwag kang mag-alala, nasa paligid lang ako magmamasid sa iyo."Pilit na ngumiti si Alea. Napakalakas ng kabog ng kaniyang dibdid kahit na hindi pa man ito nagsisimula."Maaari ba akong maglakad-lakad muna, Avaleighra? Nais ko lamang magliwaliw sa labas," pagpapaalam niya at pinayagan naman siya nito.Nakasandal sa puno ng kahoy si Alea at nakatingin sa kawalan. "Tama ba ang naging desisyon ko?" tanong ni Alea sa sarili."Ano ang iyong iniisip?"Napatalon bigla si Alea dahil sa gulat. "Nakakagulat ka naman, Prexius!" Napaha
Pumasok si Alea sa silid ng prinsesa at nakita ang napakagandang damit na nakapatong sa ibabaw ng kama. Kulay asul ito at kumikinang ang kabuohan nito. "Ang ganda naman ng gown na 'to," sambit ni Alea sa sarili."Iyan ang iyong susuotin, Alea," sabi ni Avaleighra na kakapasok lang sa kaniyang silid. "Ngunit bago mo iyan isuot ay maligo muna tayo sa batis," dugtong nito. Naglakad ito palabas at sumunod naman si Alea."Bakit ang tagal mong bumalik? Saan ka ba nagpunta, Alea?" tanong ng prinsesa. Pareho na silang nakababad sa tubig."Namasyal lang sa kagubatan, Avaleighra.""Di magtatagal at magsisimula na ang salu-salo, Alea. At dadaluhan ito ng mga taga ibang kaharian kaya ihanda mo ang iyong sarili. Ang lalaking ipinagkasundo para sa akin ay iyong makakaharap. Simula ngayon, ikaw ay mamumuhay bilang prinsesa sa kahariang ito.""Naiintindihan ko, Avaleighra."Nang makabalik sa palasyo ay agad na nagbihis sina Alea at Avale
Nagsiuwian na ang ibang mga panauhin. Ang iba naman ay nananatili sa kanilang inuupuan at masayang nakikipagkwentuhan sa ibang mga kasamahan sabay lagok ng alak.Nakaupo lamang si Alea sa tabi ng kaniyang kaibigang si Ash habang nakatayo naman si Iris sa kaniyang gilid. Nanunuod lamang ang mga ito sa mga diwatang nagsasayawan at nagkakantahan. Nakatingin man si Alea sa mga nagsasaya ngunit ang kaniyang paningin ay lumalagpas sa mga ito. Ang kaniyang isip ay naglalakbay sa kung saan kaya hindi niya namalayang nakatulala na pala siya. Napansin siya ni Iris kaya kinilabit siya nito at siya ay nabalik sa huwisyo."Wala ka yata sa mood, Alea?" bulong ni Iris."Inaantok lang, Iris.""Okay ka lang ba talaga, Alea?""Oo, Iris. Huwag kang mag-alala, okay lang ako.Nangangawit na ang mga paa ni Iris dahil kanina pa siya nakatayo at gusto na niyang umupo kahit saglit man lang."Di ba talaga ako pwedeng
Hindi alam ni Alea kung saang bahagi ng lugar siya napunta. Kakaiba ang kapaligiran doon. May mga kahoy sa paligid ngunit walang mga dahon. May mga usok na bumabalot sa paligid ngunit hindi niya ito napansin dahil madilim. Babalik na sana si Alea ngunit may nakita siyang maliit na ilaw sa 'di kalayuan. Naglakad siya papalapit doon at nang makalapit ay nakita niyang isa pala itong maliit na kubo.Biglang bumuhos ang ulan kaya napilitan siyang kumatok sa kubong iyon para makisilong. "Tao po?" Kinatok niya ito ng tatlong beses at naghintay na may magbubukas ng pinto. Lumipas ang ilang segundo ay bumukas ang pintuan at dumungaw ang isang matandang babae."Magandang gabi po sa'yo, lola. Pwede po ba akong makisilong saglit?""Halika, pumasok ka sa aking munting tahanan," sabi nito at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Agad siyang pumasok dito at naupo sa sahig nitong kahoy. Tanging maliit na lampara lamang ang ginagamit nitong pang-ilaw sa madilim na gabi.
Nang makarating si Alea sa palasyo ay may sumalubong kaagad sa kaniya na isang kawal. "Mahal na prinsesa, kanina pa po kayo pinapahanap ng iyong amang hari." sabi ng kawal. "Sabihin mo sa kaniya na ako'y nakabalik na. Namamasyal lamang ako sa kagubatan kanina at nais kong magpahinga muna sa aking silid." "Masusunod po, mahal na prinsesa." Tinalikuran siya ng kawal at agad na nagtungo sa kinaroroonan ng hari. Hindi niya nadatnan ang prinsesa nang siya ay makapasok sa silid. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Iniisip niya na baka tuluyan na ngang umalis ang prinsesa sa palasyo para puntahan ang minamahal. Nakahiga lamang si Alea sa kama at nakatulala. Wala siyang ganang kumain at lumabas ng silid. Pumasok si Iris ngunit hindi man lang niya ito napansin. "Hoy, Alea! Anong problema, ha? Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nagpunta? Pinag-aalala mo na naman kami, alam mo ba 'yon? Syempre hindi mo alam. Lagi ka na lang umaalis ng walang pa
"Oh my God! Siya nga 'yon Alea! Naaalala ko na! Siya 'yong matandang lalaki na nakita natin sa kagubatan noong sinusundan natin ang itay mo, hindi ba?""Oo, Iris. At siya rin 'yong nanakot sa'kin noon nang matagpuan ko si itay!""Ano? Tinakot mo si Alea, Lucio?" singit na tanong ni Ash."Paumanhin sa aking nagawa," sabi ng matanda sabay yuko."Ayos lang po. Matagal na naman po 'yon. Kalimutan na lang po natin," sabi ni Alea."Siya nga pala 'yong nagsabi sa'kin na nandito ka sa mundong ito, Alea. Sinundo niya ako sa mundo ng mga tao at dinala rito."Umupo ang dalawa at si Iris ay nanatiling nakatitig pa rin sa matandang nakatayo sa kanilang harapan."Huwag mo nga siyang titigan ng ganiyan Iris," pagsaway ni Alea.&nb